Compartilhar

The First Lap

Autor: Rosy Vixen
last update Data de publicação: 2026-11-05 06:36:46

Pagsapit ng 7:30 kinabukasan, ginawa kong pansamantalang command center ang executive conference room. Nakalatag sa mesa ang financial statements. May dilaw na tab ang mga kontrata ng supplier. Sa whiteboard, minapa ko ang cash flow ng Montenegro Motors at isinulat sa pula ang isang pangungusap, "Hindi iisang krisis angproblema,ginawa ito para maitago ang mga krisis.

Huminto si Rafael sa pintuan.

“Maaga ka.”

“Late ka.”

“7:30 pa lang.”

“Saktong sakto.”

Gumalaw ang tingin niya sa mga dokumento. “Gaano ka na katagal dito?”

“Sapat para madiscover ang tatlong kahulugan ng urgent and procurement.”

“Welcome home.”

“Hindi ako umuwi.”

“Nasa buikding kang designed by your mom.”

“Ibig sabihin, gusali itong may sentimental value.”

Naglagay siya ng manipis na folder sa tabi ng mga report ko. “Revised schedule ng racing division.”

“Original schedule ang kinukuha ko.”

“Luma na iyon.”

“Mas kailangan ko nga. Gusto kong malaman kung kailan tumigil sa paggana ang plano.”

Sumandal siya sa mesa, kalmado ang tindig pero hindi ang atensiyon. Tinuruan siya ng racing na tipirin ang bawat galaw. Kahit nakatayo lang, parang starting grid ang pakiramdam ng silid.

“Racing ang inuuna mong imbestigahan” sabi niya."

“Lahat ay sinusuri ko. Ito ang pinakamalaking kumakain ng pera.”

“Ito rin ang face of the company in public".

Hindi kumikita ang isang bagay dahil lamang nakikita ito ng publiko.”

“Gumagawa ito ng brand value.”

“Hindi nagbabayad ng invoice ang brand value kapag more than 40 percent ang gastos ng team.”

“Namumuhunan tayo para sa susunod na season.”

“Nangungutang kayo laban sa susunod na season.”

Tumigas ang mukha niya. “Summary lang ang binasa mo.”

“Sapat para malaman kong kailangan ko ang buong files.”

"Do you think i'm hiding something?”

“Sa tingin ko, lahat may itinatago.”

“Kasama ako?”

“Pumipirma ka sa performance budgets. Ayon sa statistics oo.”

. “Umalis ka nang limang taon at bumalik na iniisip na corrupt ang lahat dito.”

“Umalis ako dahil naniniwala ang lahat dito na ang katapatan ay hindi pagtatanong.”

“Hindi lahat.”

Masyadong pamilyar ang katahimikan pagkatapos noon.

Sa sumunod na dalawang oras, tinanong ko ang mga department heads tungkol sa logistics vendors, equipment lease, sponsorship costs, at isang consultant na kapareho ng warehouse ng supplier ang registered address. Iisa lang ang kanilang mga sagot, legacy arrangement, urgent decision, confidential negotiation.

Diretsong sumagot si Rafael hanggang sa tumama ang mga tanong sa team niya. Nang imungkahi ng finance na isuspend ang isang test session, nagdilim ang mukha niya.

“Hindi pwedeng icancel ang test na iyon.”

“Dalawang milyong piso ang gastos,” sabi ko.

“Tinutukoy nito kung viable ang aero package.”

“Pwede bang simulation ang magbigay ng data?”

“Hindi sa track conditions na inaasahan natin.”

“Kung ganoon, bawasan ang personnel na bibiyahe.”

“Ang mga bibiyahe ay iyong mga kailangang naroon.”

“Rafael.”

Nagtagpo ang mga mata namin. “Hindi mo pwedeng bawasan ang race team na parang underperforming department.”

“Hindi ko ito binabawasan. I am asking you to explain every cent.”

“Napatunayan ko na.”

“Saan?”

Mas mabigat ang bagsak ng tanong kaysa sa inaasahan ko. Nag iba ang expression sa kanyang mukha..

Pagkatapos ng meeting, maingat niyang tinipon ang mga papel.

“Are you happy now?,” sabi niya.

“Sa pagrepaso ng mga iregularidad?”

“Sa pag uusisa sa mga tao sa bagay na mahalaga sa kanila.”

“Nasisiyahan ako sa linaw.”

“Palagi ka naman ganyan.”

Napansin ko ang old silver ring sa hintuturo niya, binili namin iyon sa roadside market when we turned 18i. Sabi niya, magpapaalala iyon para manatiling matatag ang kapit niya. Tinawag ko siyang madrama.

“Ibigay mo sa akin ang kumpletong racing files,” sabi ko.

“Makukuha mo.”

“Ngayon.”

“I said you'll receive it.”

“Parang may ginagawa kang pabor.”

“Parang apat na oras lang ang tulog ko.”

“Pwede ka sanang natulog.”

“May simulator session ako.”

“Siyempre.”

Sumulyap ang tingin niya sa mukha ko. “Parang dismayado ka.”

“Pagod lang.”

“Ganoon din iyon”.

“Dati, natutulog ka bago ang mahahalagang araw.”

“Dati ,you where always there before those things start”

Ayan na naman ang pamamaalam na hindi natapos ng alinman sa amin.

Ipinatong ko ang dalawang kong kamay sa mesa. “Nandito ako para magtrabaho.”

“Alam ko.”

“Kung ganoon, stop accusing me in every conversation.”

“Hindi ko ginagawa.”

“Ginagawa mo.”

Bumaba ang boses niya. “Umalis ka nang hindi man lang nagsasabi sa akin.”

“Sinabi ko kay Eduardo.”

“Hindi ako si Eduardo.”

“Hindi, isa kang 22 years old na galit na galit noon. Hindi ko akalaing gugustuhin mong magpaalam ako sayo.”

“Hindi mo tinanong.”

“At hindi mo ako sinundan.”

Natigilan siya.

Sa wakas, sinabi niya, “Nasa office mo ang files.”

Tanghali nang dalhan ako ni Matteo ng kape habang nakatayo ako sa likod ng glass wall na nakatanaw sa garahe. Katabi ng race car si Rafael, tumatawa sa sinabi ng mekaniko. Mas bata siyang tingnan kapag nagiging careless siya.

“Nakatitig ka,” sabi ni Matteo.

“Nagmamasid ako ng operasyon.”

“30 seconds mo nang pinagmamasdan si Rafael.”

“Bahagi siya ng operasyon.”

“Technically.” Iniabot niya ang kape. “Pumunta siya sa airport noong gabing umalis ka.”

Mabilis akong humarap. “Ano?”

Isang oras daw siyang nanatili sa parking area. Hindi pumasok.

“Bakit ngayon mo lang sinasabi?”

“Dahil paulit ulit kang nagprepretend na it's not important. I'm not asking you to forgive. Huwag mo lang baguhin ang nakaraan because its easier to carry.”

Sa kabilang bahagi ng garahe, napatingin sa amin si Rafael.

Nang gabing iyon, hinanap ko ang archived correspondence ng kumpanya. Sinabi kong bahagi iyon ng imbestigasyon. Nagsisinungaling ako. Binuksan ni Matteo ang tanong na hindi ko na kayang isara.

Dalawang beses nang nailipat ang lumang corporate email server, pero may legal archive pa. Sinala ko ang pangalan ko at ang buwan ng pag alis ko.

Wala sa una. Pagkatapos, nakita ko ang isang scanned memorandum na nakalakip sa private board packet na may petsang tatlong araw matapos akong umalis. "Request : Lia Santiago-return to Montenegro motors for strategic revisions."

Si Rafael ang nag create.

Binuksan ko ang dokumento nang nanginginig ang mga kamay.

Sumulat siya kay Eduardo, hindi bilang kapatid na humihingi ng tulong, kundi bilang direktor ng racing division na humihiling na ibalik ako bilang independent strategist. Inilarawan niya ang kakayahan kong tukuyin ang mga nakatagong liability, patatagin ang pamumuno, at protektahan ang pamilya laban sa pagbebenta ng board.

5 years na ang nakakalipas ang date na nakalagay sa request.

Hindi lang siya basta naghintay na bumalik ako.

Palihim niya akong gustong pabalikin halos agad matapos akong umalis.

Sa ibaba ng memo, may sulat kamay si Eduardo, "Not now, she needs to find herself first".

Tinitigan ko ang pirma ni Rafael hanggang lumabo ang mga letra.

Sa loob ng lahat ng taong iyon, inakala kong hinayaan niya akong umalis nang hindi lumalaban.

The truth hurts.

He wished for me to return, pero tinago iyon ni Eduardo.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Both my Brothers Want Me   Ang Video na Hindi Dapat Bumalik

    Tatlong araw matapos ang crash, bumalik si Matteo sa hockey rink.Pinayagan na siya ng mga doktor para sa balikat niya. Pinayagan na rin siya ng team na bumalik sa iskedyul. Pero hindi siya pinayagan ng media na makapagpahinga. Sa press conference, mas interesado silang pag-usapan ang racing division kaysa sa comeback niya. Nasa gilid ako ng silid, hawak ang folder ng sabotage report, nang bumaling sa akin ang isang reporter. “Matteo, totoo bang ginagamit ni Lia Santiago ang posisyon niya para kunin ang kontrol sa Montenegro Racing? May mga source na nagsasabing itinutulak niyang palabas ang mga executive ng pamilya.” Sabay-sabay bumaling sa akin ang mga camera.Sumandal si Matteo sa mikropono. “Sino ang mga source ninyo?”“Mga taong malapit sa pamilya.” “Hindi iyan sagot.” “Totoo ba?” “Hindi ako kasali sa pang araw araw na desisyon ng kumpanya.” “Pero kasali ang stepsister mo.” “COO siya.” “Isang outsider na dinala rito matapos ang maraming taong pagkawala.” Nag iba

  • Both my Brothers Want Me   The Second Lap

    Mabilis na dumating ang race weekend, biglaan,napa kaingay at walang paki alam kung prepared ka. Pagdating sabado ng umaga ay buhay na ang Clark circuit dahil aa ingay ng makina, tawag sa mga radyo, carts na may gulong at ang amoy ngmainit na espalto. Suot ko ang official Montenegro racing uniform habang nakatayo sa pit wall, pilit na nagpapanggap na hindi ko naiisip ang gumamit sa identity ni Rafael. Hindi ko pa iyon sinabi sa kanya. Hindi dahil wala akong tiwala. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin sa isang taong muntik mawasaknang buhay dahil sa isang crash na may gumamit ng pangalan niya para sa isang suspicious transaction at maaring maging kriminal. "Ang telemetry sa turn 9 ay hindi stable", sabi ni Nico, ang race engineer. Nawawalan tayo bg two-tenths sa paglabas" "Tell him na ingayan niya ang rear tires". Tinignan ako ni Rafael. "Gusto mong ikaw na ang magcoach kay Rafael sa pagmamaho?" "Gusto ko lang na sabihin mo sa kanya kung anong nangyayaribsa kotse. Siya

  • Both my Brothers Want Me   Ang Pangalan sa Likod ng Bayad

    Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Pagsapit ng alas 2 ng madaling araw, pakiramdam ko parabg naging isang maliit na isla ang finance office ng Montenegro group, cold coffee at mga spreadsheet na naglalaman ng mga kasinungalingan ang kasama ko. Tahimik anv buong building. Pulut ulit kong binalikan ang anim na transfer na nakita ko sa forenseic review. 6 transfers sa loob ng 11 months. Magkakaiba ang amount, pero parehas ang trails, sapat na para hindi ito maflag, spat na halaga kapag pinag sama sama. Northstar logistics, Meridian Performance, Vela Stratevic Holdings, mga pangalang mukhang respectable, ang mga address ay sa makakit at naayos ang mga corporate filings, ngunit walang makitang tunay nanoperasyon. At lahat ng ito ay pare parehong dumaan approval chain Montenegro group. Binuksan ko ang file slast transfer. Nakalagay doon na ito ay para sa emergency procurement ng racing parts at walang motorsport license nag supplier. Walang wrehiuse athindi matawagan ang mga numero ng

  • Both my Brothers Want Me   Ang Nawawalang Pera

    End of the 2nd week, i learned na may kahina hinalang perang biglang nawawala.Nawawala ito paonti onti, ikinubli bilang consuling fee, expedited shipment, reimbursement at night, invoice ng supplier na hinati hati sa tatlong payment para hindi mapansin ng alinmang departamento ng kabuuang halaga.Matapos kumalat ang picture, naging parang presure cooker ang estate. Inutusan ni Eduardo ang legal team na magrelease ng statement na itinatanghi ang anumang klase ng conflict of interest. I refuse to do a romantic denial tungkol sa isanh bagay na hindi naman naganap. Hindi nagsalita si Rafael, na siya namang nagpalakas ng ingay ng mga headline.Meanwhile nasa bahay si Matteo, hindi maigalaw ang braso at nanganganib ang career dahil sa tinago niyang medical report.Hindi ko pa sinabi sa kanya na alam ko na. Ayon sa doktor siya mismo ang kailangang magsabi sa team. Galit ako sa kanya, natatakit din, at masakit para sa akin na makita siyang nagkukunwaring masaya at dinadaan lang sa biro ang p

  • Both my Brothers Want Me   The Line that' s been Crossed

    Nagsimula sa kape ang board meeting at nagtapos sa dugo sa tubig. Tatlong araw kong binuo ang paunang stabilization plan: i-freeze ang mga hindi kailangang gastos, muling makipag negotiate sa mga supplier, paghiwalayin ang sponsorship costs sa racing operations, at ilagay ang racing division sa budget na nakabase sa performance. Alam kong hindi matutuwa ang board kapag nakita akong dala ito. Siyam na direktor ang nakapalibot sa mahogany table. Nasa unahan si Eduardo, maputla pero tuwid ang upo. Nasa kanan si Rafael bilang representativenng racing division. Inutusan si Matteo na manatili sa bahay, kahit nagpadala siya sa akin ng tatlong mensaheng humihingi ng update at isang litrato ng isang pinaghihinalaang mukha sa board. Kay Victor Salcedo ang nasa picture, matagal nang business partner ni Eduardo. “Bago tayo magsimula,” sabi ni Victor, “I want to question Ms. Santiago being appointed." “You can question it anytime youbwant,” sabi ko. “Isinama ka ni Eduardo sa ilalim ng emerg

  • Both my Brothers Want Me   Ang Bangaan

    Dumating ang tawag nang alas-nuwebe y disiotso ng Huwebes ng umaga, habang nakikipagnegosasyon ako sa isang supplier na tumigil na sa pagpapanggap na pasensiyoso.“Ms. Santiago,” hingal na sabi ng operations manager, “kailangan n’yo pong pumunta sa arena.”“Bakit?”“Si Matteo po.”Nakatayo na ako. “Ano ang nangyari?”“May banggaan sa practice. Masama ang bagsak niya.”20 minutes ang byahe. Sa travel, paulit-ulit kong sinabi sa sarili kong nadadapa ang mga atleta. Nabalian na ng daliri si Matteo noong college, nabiyak ang labi sa playoff, at minsan ay naglaro kahit may pasa sa tadyang dahil sabi niya, kailangan daw ng team ang guwapong mukha niya sa telebisyon.Iba ito.Natagpuan ko siya sa medical room, may ice pack na nakabalot sa braso.Maputla ang mukha niya at namamaga ang cheekbone.“Andito na siya,” sabi niya. “Ang favorite kong management consultant.”“May concussion ka?”“Emosyonal lang.”Tumingin sa akin ang trainer. “Posibleng bali ang braso at may mild concussion. Pinapakuha

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status