Share

CHAPTER 45

Humahangos na tumatakbo si Lily mula sa parking lot ng ospital hanggang pagpasok niya sa loob. Lumapit siya sa nurse’s reception para tanungin kung nasaan ang anak niya. Sinamahan siya nang isa sa mga nurse patungo sa emergency room.

Nakasunod si Lily sa nurse at huminto sila sa isang kama. Nakahiga si Isaac habang tahimik na nakaupo si Ivor sa tabi ng ospital bed. Mabilis na nilapitan ni Lily ang natutulog niyang anak.

Hinaplos niya ang buhok nito at naluluhang pinagmamasdan si Isaac.

Lumingon si Lily sa nurse. “How’s my son? Kailangan niya ba ng surgery? May injuries ba siya? Anong kailangang gawin?” sunod sunod niyang tanong habang hindi maalis ang malakas na pagkabog sa kaniyang dibdib.

“Gladly, Ma’am, your son is okay. May kaunti lang siyang gasgas sa noo pero maayos ang lagay niya. We’ve run several tests on him and there are not any findings. Nahimatay lamang po siya dahil sa pagkabigla ngunit maari niyo na po siyang i-uwi pagkagising niya,” mahabang paliwanag sa kaniya ng nurse
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status