Nag-angat nang tingin si Lily sa kaibigan niyang si Gwyneth. Nakaupo ito sa long couch na hindi kalayuan sa office table niya.“Really, Gwy?”Tiningnan siya nito na nakakunot ang noo. “What?”“Nandito ka na naman sa opisina ko? Wala ka ba trabaho?”Tinawanan siya ni Gwyneth bago ito sumagot. “Kaya nga ako nandito kasi wala, ‘di ba?”Huminga nang malalim si Lily at bumalik muli sa pagta-trabaho. Napapadalas ang pagpunta rito ng kaibigan niya nitong mga nakaraang araw at hindi siya makapag-trabaho nang maayos. “Hindi ba ulit dadaan si Ivor dito?” narinig ni Lily na tanong ni Gwyneth. Hindi tumitingin si Lily sa kaibigan at nakatutok pa rin ang atensyon niya sa kaniyang laptop. “At bakit mo naman naitanong?”“Na-intriga kasi ako sa kwento mo noong mga nakaraang nagkita kayo. Gusto ko lang naman makita kung paano kayo nakikipag-interact sa isa’t isa.”Inalis ni Lily ang tingin sa laptop at tumingin kay Gwyneth. Tinaasan niya ito ng kilay. “So, kaya ka nandito? Para maki-chismis?”Mapang
Nang makadating sina Ivor at Isaac sa amusement park, hindi napigilan ng bata na tumakbo habang masayang masaya na nililibot ang tingin sa kapaligiran. Napupuno ng makukulay na rides, booths, mascot at bubbles ang paligid.Hinabol naman kaagad ni Ivor si Isaac at hinawakan niya ito sa pulso. “Huwag ka masyadong lumayo sa’kin, Isaac. Baka mawala ka.”Nag-angat nang tingin si Isaac saka siya humagikgik. “Sorry po, Uncle Ivor! Tara po, samahan niyo na po ako sa carousel!” sabi nito saka siya hinila ng bata patungo sa carousel. At dahil pang-bata lang iyon na rides, sinamahan lang ni Ivor si Isaac sa pila hanggang sa makapasok ito sa loob at makasakay sa kabayo. Nang umandar ang makina ng carousel, hindi maitago ang lawak nang ngiti ni Isaac kaya naman napangiti si Ivor. Ang cute nitong tingnan na nag-e-enjoy. Habang umaandar ang carousel, vini-video-han ni Ivor si Isaac at kumakaway naman ito sa kaniya. Kinawayan din naman ni Ivor pabalik ang bata. Nang matapos ang pag-andar ng carouse
Naging mas abala si Lily sa kaniyang business nang magsimulang mag-shooting ang movie production na dinidirekta ng kaniyang kaibigan na si Cleon. Tuwing Wednesday at Thursday ang fixed schedule ng movie shooting sa café & restaurant niya. Ito ang mga araw na may kaunti silang bilang ng customers kumpara sa ibang araw. Gabi na natatapos ang shooting, pero ipinauubaya na niya iyon sa ilang staff niya pati kay Russel at sa assistant manager nito ang shift ng mga schedule at ilang mga bagay na dapat gawin. Hapon pa lang ay umuuwi na siya kagaya nang nakagawian dahil sinusundo pa niya si Isaac sa eskwelahan. Tuwing gabi na lang sila magkasama ng anak niya kaya ayaw naman ni Lily na pati iyon ay isakripisyo niya. Break time ngayon ng movie production at doon naman busy sina Lily dahil naghahanda sila ng makakain ng mga ito. Sila ang nagpo-provide ng pagkain sa mga staff and employees na parte ng movie production na iyon. Kasama ito sa mga binabayaran at mga napag-usapan nila. “Pakidala n
Bumaba si Lily mula sa second-floor kung nasaan ang opisina niya at naglakad siya patungo sa mini-office ni Russel na malapit sa counter. Nasa bar counter ito at nakaupo sa table nito.Sa paglapit niya sa table nito, nagsalita siya kaagad, “Russel, any scheduled meeting for our clients? Malapit ko nang matapos ang paperworks ko sa office.”Nag-angat ito nang tingin sa kaniya. “Mayro’n naman, Ma’am Lily kaya nga lang next week pa naka-schedule iyon lahat.”“Okay,” maikling sagot ni Lily at umalis na. Balak na niyang bumalik sa kaniyang opisina nang mahagip niya si Ivor sa counter. Ilang araw na ang lumipas at napapansin niyang tuwing umaga ay dito bumibili si Ivor ng kape sa ISAAC’s. Kapag may movie shooting, natural lang na mag-take out ito, pero kapag regular business days, nagda-dine in ito para kumain ng agahan. Sa mga lumipas na araw kapag napapansin niyang nililibot ni Ivor ang tingin nito sa ISAAC’s, mabilis siyang umaalis sa kinakatayuan niya o kumikilos para hindi siya mahag
“Oh my god! Oh my god!”Nakapikit si Lily at nakahawak sa kaniyang sentido habang nakasandal siya sa couch na nasa opisina niya na hindi iniinda ang malakas na pagtili ng kaniyang kaibigan na si Gwyneth na katabi lang niya.Nasa loob sila ng kaniyang opisina at dahil sarado naman na ang ISAAC’s nagkaroon sila ng time para makapag-bonding o makapag-usap man lang. Weekends din ngayon kaya naman nasa condo ni Lian ang anak niya.Katatapos lamang i-kuwento ni Lily ang tungkol sa mga kaganapan sa pagitan nila ni Ivor. Gusto niya iyong ilabas dahil kapag sinarili lamang niya ito ay parang maloloka siya.“Alam mo, may times na ayoko talaga sa ex-husband mo simula noong maghiwalay kayo, pero omg lang! Parang kinikilig ako kapag naiisip ko na baka may feelings pa siya sa’yo!”Idinilat ni Lily ang mga mata niya at masama ang mga tingin niya kay Gwyneth na siya namang ngiting-ngiti. “Seryoso ka ba d’yan?”Natawa si Gwyneth sa reaksyon ng kaibigan. “Hmm, not really. Kaya lang kasi isipin mo, hind
Bago umuwi si Lian sa kaniyang condo unit, dumaan muna siya sa ISAAC’s. Pagpasok niya sa loob ay nakasalubong niya si Gwyneth na papalabas na at may dalang plastic bag.Nakangiting sinalubong ni Lian si Gwyneth. “Hello, Gwy.”“Oh! Hi, Lian! Bibili ka ng kape?” nakangiti rin na bati ni Gwyneth.“Yes, saka ulam. Tinatamad kasi akong magluto. Ikaw?”“Nag-take out ako ng brownies and cookies na favorite nina Mama. Mayro’n kasi kaming family dinner.”Tumango-tango si Lian. “I see. Nagkita rin ba kayo ni Ate Lily?”“Hindi, eh. Though, I sent her a text message. Sinabihan ko siyang dumaan ako.”“Hmm, okay. Sige na, baka ma-late ka pa. Ingat ka sa byahe.” Pagpapaalam ni Lian.“Thank you, Lian. Ikaw din, ingat sa pag-uwi.” Pagpapaalam ni Gwyneth.Hinintay muna ni Lian na makalabas si Gwyneth sa ISAAC’s saka siya pumunta sa counter para um-order ng pang-ulam niya at isang kape. Umupo siya sa isang table at doon naghihintay ng kaniyang order. Ilang minuto ang makalipas, nakita niyang pababa mula
Katatapos lang magligpit ng movie production nang kanilang set-up. Alas kwatro pa lang ng hapon ay natapos na ang mga ito mag-shoot dahil maaga magsisimula ang mga ito bukas ng umaga.Palabas na si Lily sa ISAAC's nang marinig niyang may mga tumawag sa pangalan niya.“Miss Lily!”“Ma’am Lily!”Nilingon ni Lily ang dalawang babae na staff ni Cleon na sina Princess at Kim. Nakangiti ang mga ito sa kaniya. Nginitian ni Lily ang dalawa pabalik. “Hi sainyong dalawa. May kailangan kayo?”“Ma’am Lily, may staff and dinner meeting po kami rito mamaya. Okay lang po ba sumali kayo sa amin?” pagtatanong ni Princess.“Gusto lang po sana namin kayo makasama ni Princess at magtanong po tungkol sa pagbe-bake,” sabi naman ni Kim.Naka-close na ni Lily ang dalawang ito dahil sa hilig ng mga ito sa pagbe-bake at tuwang tuwa ito sa mga bread and pastries nila. Minsan nilang napag-usapan na kapag may oras ay tuturuan niya ang mga ito at bibigyan ng tips. Huminga nang malalim si Lily. She kindly rejecte
Nakaupo si Lily sa mahabang table kasama ang ilan niyang staff at ang mga katrabaho ni Cleon. Sa kaliwang side sila nakaupo nina Kim, Princess at Cleon. Sa katabi niya sa kanang bahagi niya ang dalawang babae at sa kaliwang bahagi niya si Cleon.Nasa kalagitnaan na sila nang pagkain kasabay nang pag-uusap usap. Mabilis na natapos kumain sina Kim at Princess habang pinag-uusapan pa rin nilang tatlo ang mga ilang tips, hacks or technics sa pagbe-bake. Nagkaroon ng sariling mundo sina Princess at Kim nang may ipinanuod si Lily na video sa dalawa.“Narinig ko ang usapan ninyo kanina. Pasensya ka na, Lily. Na-istorbo ka pa ng mga staff ko.”Nilingon ni Lily ang kaibigan na si Cleon at nagtama ang mga tingin nila. Tipid niya itong nginitian. “Wala ‘yon. Minsan lang naman saka napasundo ko na si Isaac kay Lian kanina.”“That’s good to hear. Hindi naman ba magagalit ang asawa mo na hindi ka nila kasama ngayon sa hapunan?”Tumaas ang kilay ni Lily. “Asawa? I’m single! Kapatid ko iyon.”Kumunot