Nakaupo si Lily sa mahabang table kasama ang ilan niyang staff at ang mga katrabaho ni Cleon. Sa kaliwang side sila nakaupo nina Kim, Princess at Cleon. Sa katabi niya sa kanang bahagi niya ang dalawang babae at sa kaliwang bahagi niya si Cleon.Nasa kalagitnaan na sila nang pagkain kasabay nang pag-uusap usap. Mabilis na natapos kumain sina Kim at Princess habang pinag-uusapan pa rin nilang tatlo ang mga ilang tips, hacks or technics sa pagbe-bake. Nagkaroon ng sariling mundo sina Princess at Kim nang may ipinanuod si Lily na video sa dalawa.“Narinig ko ang usapan ninyo kanina. Pasensya ka na, Lily. Na-istorbo ka pa ng mga staff ko.”Nilingon ni Lily ang kaibigan na si Cleon at nagtama ang mga tingin nila. Tipid niya itong nginitian. “Wala ‘yon. Minsan lang naman saka napasundo ko na si Isaac kay Lian kanina.”“That’s good to hear. Hindi naman ba magagalit ang asawa mo na hindi ka nila kasama ngayon sa hapunan?”Tumaas ang kilay ni Lily. “Asawa? I’m single! Kapatid ko iyon.”Kumunot
Nakaupo sa pang-apatan na mesa sina Lily at Gwyneth sa loob ng ISAAC’s para mag-lunch.Lily crosses her arms over her chest. “Parang ang laki naman nitong table natin, Gwy. Tayong dalawa lang naman magtatanghalian,” puna niya sa kaibigan na kaniyang katabi.“May sinabi ba ‘ko na tayo lang?”Kumunot ang noo ni Lily. “What do you mean?”“Well, inaya ako ni Lian na mag-lunch today kasi wala akong trabaho. Kaya lang, ikaw gusto ko makasabay mag-lunch kaya sinabi ko, dito na lang kami kumain,” ngiting-ngiti na sabi ni Gwyneth. “May something na sainyo ni Lian?” tanong ni Lily.Curious siya kung may progress na ba ang relasyon ng kaibigan at kapatid niya. Alam niyang si Lian ay may gusto kay Gwyneth, pero hindi niya alam kung may gusto ang kaibigan niya sa kaniyang kapatid.Kumunot ang noo ni Gwyneth at tumawa nang malakas. “Anong nakakatawa, Gwy? I’m serious!”Tumigil ito sa pagtawa at umayos ng upo. “Iyong tanong mo, nakakatawa. Sige nga ikaw tanungin kita, may something ba sainyo ng ex
Nakapalumbaba si Ivor habang tinitingnan ang mga dokumento na nasa harap niya. Ilang beses na niyang binabasa ito, pero hindi ito pina-process ng utak niya. Itinigil niya ang pagbabasa at sumandal sa swivel chair niya. Nag-inat inat siya at huminga nang malalim.“Hayyyyy!”Nakatingala siya sa kisame at nakatitig lang doon. Halos mag-iisang buwan na simula noong huli silang magkita ni Lily. Doon pa iyon sa lunchtime na magkakasama silang apat.Alam ni Ivor sa sarili niya na hindi naman siya dapat ma-bother, pero hindi maalis sa isip niya na baka iniiwasan siya nito. Sa anong dahilan? Hindi niya alam. Gusto niya itong malaman kaya sa tuwing magda-dine in siya sa ISAAC’s, nagpapalipas siya nang sampung minuto pagkatapos kumain bago lumabas para hintayin si Lily, pero hindi niya ito nakikita.Nakarinig siya nang tatlong katok mula sa pinto ng opisina niya.“Come in,” walang gana na sabi niya.Narinig niya ang pagbukas ng pinto at pagsara nito, pero nanatili lang siya sa kaniyang posisyon a
***SIX YEARS AGO.“Waah-waah!”“Waah-waah!”Buhat-buhat ni Lily ang isang taong gulang niyang anak na si Isaac at isinasayaw-sayaw niya ito para patahanin.“Sshhhh. Tahan na anak, nandito lang si Mommy,” sabi ni Lily habang marahan na tinatapik ang likod ni Isaac.Ang taas nang lagnat nito kaya naman alam niyang iritable ito at nahihirapan. Pinainom na rin naman niya ito nang gamot kaya naman hinehele niya ito para makatulog na. “Waah-waah!”“Waah-waah!”Patuloy siya sa pagsayaw-sayaw sa kaniyang anak. “Ssshh, tahan na, Isaac. Tulog na anak, hm?”She started humming a good night song for her son to make him sleep. Ilang minuto pa ang lumipas, nakita niyang nakatulog na sa bisig niya si Isaac kaya naman nakahinga siya nang maluwag.Napalingon si Lily mula sa pintuan nang makarinig siya nang tatlong katok mula sa pinto.“Sino ‘yan?” tanong niya mula sa loob at lumapit siya sa pintuan.“Si Mrs. Ramos ito.”Mabilis na binuksan ni Lily ang pinto at sumalubong sa kaniya ang landlady nitong
On the way na si Ivor sa kaniyang kumpanya matapos niyang umuwi sa bahay ng mga magulang niya nitong weekends. Galing pa siya sa countryside.Bigla rin niyang naalala si Isaac. Kumusta kaya ito? Simula nang magkakilala sila ng bata, ngayon lang niya ito hindi nakalaro ng weekends. Ilang oras ang makalipas, nakarating na rin si Ivor sa opisina niya. Nilapag niya ang dalang shoulder bag na kulay itim at ipinatong niya ito sa couch niya. Hinubad niya ang kaniyang suit at isinabit sa swivel chair niya saka umupo ro’n.Nakarinig siya nang tatlong katok mula sa pinto.“Pasok.”Sa pagbukas ng pinto, bumungad si Lian sa kaniya. Nandito ito para sabihin ang kaniyang schedule sa buong linggo at ngayong araw. Matapos ang briefing sa kaniyang schedule, hindi niya muna pinalabas si Lian.“By the way, Lian, kumusta si Isaac? Hindi kami nagkita nitong weekends,” pangungumusta niya.Napakamot sa batok si Lian. “Hindi siya okay, Sir Ivor. Nagkasakit si Isaac nitong weekends, pero ngayon sa tingin ko a
Lian was standing there dumbfounded. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig mula sa ate niya. Lalong lalo na ang pagbagsak nito sa harap niya. This was the first time he saw her being fragile. Ang ate niya na matapang at laging nakataas ang noo, nakaupo sa harap niya, nakayuko sa mga tuhod nito at tahimik na lumuluha. Umupo rin si Lian para pantayan ang ate niya. Marahan niya itong tinapik-tapik sa balikat. Maya maya pa, nakayuko itong tumayo kaya napatayo na rin siya. Tinalikuran siya nito at alam niyang nagpunas ito nang luha. Naririnig niya pa ang pagsinghot-singhot nito.Hinarap siya nitong namumula at namamasa pa ang mga mata. “Umupo muna tayo sa couch.”Naunang maglakad ang ate niya patungo sa couch saka ito umupo. Sumunod naman si Lian at umupo siya sa tabi nito. Ilang segundo nang katahimikan ang namayani sa kanila at binasag iyon ng ate niya.“I’m sorry for raising my voice at you, Lian. I’m just so frustrated.”Hindi makapagsalita si Lian. Hindi niya alam kung ano ba
Finally, Lily cleared all of her schedule and she is now able to take a day-off with Isaac.Nasa loob sila ng kotse at nasa byahe sila papunta sa isang wildlife park. Naisip niya kasi na masyadong common na ang mga arcade amusement, ilang beses na rin niyang nadala ro’n si Isaac. Kaya naisipan niyang dalhin ito sa isang zoo or wildlife park. Ito ang first time ni Isaac, kaya naman excited siya para sa anak.“Isaac, are you excited?”“Yes po, Mommy! I can’t wait to see those animals that I’ve only seen on cartoons and TV!” masiglang sabi ni Isaac na nasa passenger seat.Saglit niya itong tiningnan at nginitian ang anak. “I’m glad. I hope you’ll enjoy it there.”“Mommy, kasama po natin iyong friend mo po, right?”Sinabihan na rin ni Lily, si Cleon na sa entrance na lang sila ng wildlife park magkita. In-inform niya ang kaibigan two days from now na doon na lang sana sila pumunta at hindi na sa mga arcade amusement.Gusto man niyang mag-enjoy sa mga ganoong klaseng laro, pero inisip ni Li
Huminga nang malalim si Ivor at sumandal sa swivel chair niya. Ilang araw na siyang wala sa mood dahil sa nalaman niyang hindi na sila magkikita ni Isaac. Napalapit na siya sa bata at parang pamangkin na rin talaga ang turing niya rito. Sa kabila ng stress at pagod niya sa opisina, nilu-look forward niya tuwing weekends na makikita at makakalaro niya si Isaac dahil gumagaan ang pakiramdam niya. Parang nawawala lahat ng stress at pagod.Hindi nga niya maisip kung gaano katahimik at kaboring ang buhay niya bago niya makilala si Isaac.Tumingin siya sa orasan, ala una pa lang ng hapon pero parang gusto na niyang umuwi. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan niya si Lian.“Hello, Sir Ivor?”Umikot-ikot si Ivor gamit ang swivel chair niya. “Dadaan ka ba sa ISAAC's mamaya?”“Bakit, Sir?”Inihinto ni Ivor ang kaniyang pag-ikot ikot. “Makikisabay sana ako at kakausapin ko rin sana ate mo.”“About business ba, Sir? Mag-schedule na lang ako ng—”Hindi na pinatapos ni Ivor na magsalita si Lian