AXECEL
Am a Bisexual, but none of my family knows that I'm a bi'. Gelo knows my secrets, and it's fine to him naman dahil 'yung sekreto ko ay sekreto niya rin. We support each other. Kaya hindi na siya magtataka kung gugustuhin ko su Top o hindi. Kahit naman siya ay gusto si Top pero mas gusto niya si Alfred. Iba raw karisma ni Alfred. Well, totoo naman. "Once upon a time. I was innocent. Then, I discover, Christoper Vicente. Hoy!!!" "Ano?!" Ang aga-aga inaasar ako nitong si Gelo. Lumipat siya ng upuan. Tumabi siya sa akin at nanumbabang ngumiting nakaharap sa akin. Salubong ang mga kilay ko dahil sa reaksyon niya. Pero imbes na patulan ay nagpatuloy ako sa pagkain. "Boyfriend niya ba si Top?" Ito naman si Mariam ay diretsyahan kung magtanong. Akala mo naman inosente. "Hindi. Pero nagtitikiman!" Naging Manila boy lang, naging liberated na. Binatukan ko si Gelo dahil hindi na ako natutuwa sa sinabi niya. "Masarap?" Segunda naman ni Mariam. Nakakawalan na ng gana kumain. "Alam niyo—kayo—pwede ba kumain nalang kayo! Ikaw, Gelo, ha! May bangs 'yang dila mo!" "Nakita ko kayo kagabi," panimula ni Gelo. "May label na ba kayo? Mag kwento ka naman, Akel." Mayamaya ay tumabi na rin si Mariam. "Hindi niyo sinasabi sa akin na mga ano pala kayo—" "Bisexual kaming pareho ni Gelo." Sagot ko kay Mariam. "We like girls and we like guys!" Pagtatama naman ni Gelo. "Alam ko. And I'm proud to say, I'm a lesbian, pero hindi ako katulad ng ibang lesbi na nagsusuot ng panlalaki na damit. Lesbi ako na babae rin manamit." Amin din ni Mariam. "Gandang lesbi ka, Mars. Ano na, Akel?" Ayaw talaga ako tigilan ni Gelo. Hindi matatahimik ang lalaking 'to hangga't hindi nasasagot ang tanong niya. "Wala! Halik lang ng kalasingan 'yun. Okay na? Goods na?" Sinamaan ako ng tingin ni Gelo. Alam ko naman na hindi pa iyan siya kontento sa sagot ko. Pero tama na iyon. Ayaw kong pag-usapan ang nangyari kagabi. We both drunk. "Okay! Okay! Pero hindi pa tayo tapos, Akel." "Buang! Kumain na nga kayo!" Hindi na naimik ang dalawa hanggang sa natapos ang lunch namin. "Nga pala, birthday ko on Monday. Punta kayo sa venue ha?" Sabi ni Mariam. "Saan pala bahay mo?" Tanong ni Gelo. "Alabang." "Ang layo ackla!" sabat kaagad ni Gelo. "Happy birthday nalang." Sabi pa nito. "Gaga! Hindi ko naman sinabi na doon ang venue. Basta Monday evening text ko ang location. Punta kayong dalawa ha? Kayo lang kaibigan ko maliban sa jowa ko at counsins ko na hindi pa sigurado kung pupunta ba talaga." Nagkatinginan kami ni Gelo. Tumango ako. "Sige, punta kami, Mars." Sabi ko. Sumang-ayon din si Gelo. Ako lang naman kasi ang inaantay niyang pumayag. Panay kwentuhan ang dalawa habang ako ay panay review ng mga lectures ko sa ibang subject. Oo at hindi lang ang sagot ko sa kanila kapag may tinatanung ang mga ito sa akin. "Axecel?" Mayamaya ay tumawag sa akin dahilan para mahinto ako sa aking ginagawa. Pagtingala ko... si Top. Mag-isa lang siyang sumugod sa tambayan namin tatlo. "Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko. "Ang liit ng uni para hindi ka mahanap." Sagot niya. Napairap ako. "Aw! Sana all hinahanap." Sabi naman ni Mariam. "Maliit pa pala 'to sa 'yo?" Wika naman ni Gelo. Tukoy sa university. Nagkibit balikat si Top. "Ano'ng kailangan mo't ako pa talaga ang hinanap mo? Ang layo ng faculty ng fine arts. Napunta ka pa talaga dito sa Polsci faculty ha? Pwede mo naman ako tawagn o i-text." "I don't have your number." Hindi ako nakasagot. Oo nga pala. "Pahiram muna sa kaibigan niyo." Paalam ni Top kina Mariam at Gelo sabay hila ng bag ko dahilan para sumunod ako sa kanya. "Hoy! Sandali! Saan mo ako dadalhin?!" "Akel?! Pa-kopya ng assignment!" Pahabol na sigaw ni Gelo. "I'm hungry." Wika ni Top nang medyo makalayo na kami sa mga kaibigan ko. "Dala ko ba ang kanin't ulam? Bitawan mo nga muna ako, Top!" Bumitaw naman siya kakahila ng backpack ko, at huminto. Humarap siya sa akin at namewang. Biglang umamo ang mukha. "Samahan mo akong kumain." Aniya sa mahinang tono ng boses. "E bakit sa akin ka pa nagpapasama? Ha? Saan na ba si Alfred at mga kasamahan mo sa swimming club? Magsama kayo!" "Walang klase si Alfred." "E di kumain ka mag-isa. Bakit pa kasi kailangan ako pa." "Ikaw lang gusto ko, Axecel." Napataas ako ng kilay. Magkaiba ang building ng Fine Arts at Polsci, pero nagawa niya akong puntahan para lang samahan siyang kumain ng pananghalian nito. Sinalubong ko ang mga titig niya sa akin, at sa huli ay ako rin ang sumuko. "Okay! Tara na sa cafeteria." Nauna na akong maglakad sa kanya. Ramdam ko naman na nakasunod siya sa likuran ko, at mayamaya ay nakaakbay na ito sa aking balikat dahilan para mailang ako. "Lumayo ka nga! Mamya kung ano na isipin ng ibang eatudyante sa atin. Ma-tsismis pa tayo." "Pareho tayong lalaki. Walang makakaisip niyang iniisip mo. What do you want to eat?" Napairap ako. Tama nga naman. Pero iba pa rin kasi dahil sa pagkakaalam ko ang daming mga babae sa faculty nila na naghahabol sa kanya. At maliban kay Alfred at sa swimming club officers na nakakasama niya madalas ay wala na raw itong ibang kasabay. Saka isa akong transferee student na galing pa ng Mindanao, at introverted na estudyante rito sa university namin. "Ang dami mo namang in-order na pagkain. Mauubos mo ba iyan?" Napuno lang naman ang isang square table namin. "Sino nagsabi sa iyo na ako lang kakain nito? Tulungan mo akong ubusin ito." Ngiti niya sabay kindat. Yawa oi! Nabuang naman ni siya! "Hindi ako gutom, Top. Kumain na ako kanina nang dumating ka do'n sa tambayan namin." Umiling siya. "Kanina pa naman iyon, iba naman na ngayon. Tulungan mo ako na ubusin ito." "Ayaw ko!" "Hindi ka uuwi ng apartment mo hangga't hindi natin nauubos ito." "Baliw ka ba?! Um-order ka nang pagkadaming pagkain tapos babantaan mo ako na hindi makakauwi ng apartment ko kung hindi mauubos lahat ng ito!" Tumango siya. Nagsimula na siyang lumamon, at maging ang pinggan na nasa harapan ko ay nilagyan niya na rin ng pagkain. "After this. Warm up tayo." "Ano?! Anong warm-up sinasabi mo!" Natawa siya sa reaksyon ko. "Swimming," pagtatama niya. Umiiling na nakangiti. "Gusto mo ba ng ibang warm up?" Pabulong niyang sabi. He teasing me. Ganda pa ng ngisi. Umiling ako. Hindi nakatutuwa ang biro niya. "Okay! Bilisan mo nang kumain diyan, at nang makapagensayo na." "Opo. Finish your foods, too. Walang tatayo sa bangko na ito hangga't 'di nauubos ang pagkain sa lamesa. Blessing iyan." "Sino ba kasi may sabi sa iyo na bumili ka nang maraming pagkain—mmm!" Wala talagang modo ang lalaking 'to! Nagsasalita pa nga ako nang sinubuan niya na ako ng pagkain sa bunganga. "Eat." Aniya. "Busog na ako." Sabi ko saka uminom ng tubig. "Hindi pa ubos ang pagkain, Axecel." "Akel." Wika ko. "Huh?" "Akel nalang. Mahaba ang Axecel." Tumango-tango siya. "Okay, Akel." "I-take out mo nalang 'yang mga 'di nagalaw na pagkain. Bigay mo do'n sa mga taong walang makain." "Should I?" "Oo naman! Maraming bata ngayon sa mundo ang walang makain dahil sa kahirapan, at hirap na rin ng buhay. Ikaw—napakaswerte mo dahil araw-araw may kinakain ka. Tignan mo 'to ngayon—ang dami mo in-order tapos hindi mo naman naubos. Imbes itapon mo iyan, ibigay mo do'n sa mga batang nasa kalye." Nakangiti siya. Hindi ko alam kong pinagtatawanan niya ba ang mga sinabi ko o natawa siya dahil sa mukha ko. "Yes sir," sagot niya. "You from Mindanao, right?" Tanong niya out of nowhere. Tumango ako. "Bakit?" "Saan sa Mindanao? If you don't mind?" "South Cotabato. Ilonggo ang dialect namin. Bakit mo natanong?" Nagkibit balikat siya. "Nothing. I used to live in Mindanao before." Nagulat ako. Nakatira siya dati sa Mindanao. Seryoso? "Talaga?" Paninigurado ko. "Hmmm... Davao." "Ah? May bahay pala kayo sa Dabaw kung ganun?" Umiling siya. "I rented a house for seven months." "Nag-aral ka do'n? Kailan?" "I just want to be alone." Hindi ako nagsalita. Bakit, Top? Gusto ko sana tanungin pero nag-aalinlangan ako, at baka sabihin niyang nangingialam ako sa buhay niya. "A-ah... Okay." Ngumiti ako nang magtama ang mga mata namin. Bigla ko nalang nakita sa mga mata niya ang kalungkutan. "Okay ka lang ba?" Tanong ko. Hindi siya sumagot, imbes ay ngumiti lang ito sa akin. "Let's go? Naka-styro na 'tong mga natirang foods." "Ah? Sige. Saan mo naman ibibigay mga iyan?" "As you said; sa mga batang kalye." Napangiti ako. Hindi ko naman in-expect na susundin niya ang suggestion ko. Sinabi ko lang naman, at baka matauhan. Natauhan nga. "Let's go?" "Sasama pa ako? Gagastos lang pamasahe." "Hindi ko naman sinabi na sasakay pa tayo para lang ibigay itong pagkain sa mga bata sa kalye. Labas tayo ng Uni, then maglakad tayo. Okay lang ba sa 'yo?" Peke akong tumawa. Oo nga pala. "Ah okay!" Lumabas kami ng University. Hindi ko alam kung saan kami maghahanap ng mga batang kalye dahil wala naman akong may nakitang mga bata malapit dito sa University. Doon sa pinagtatrabahuhan ko meron. Palinga-linga ako hanggang sa may nakita akong bata na nagbibinta ng sampaguita. Kinalabit ko si Top para makuha ko ang atensyon niya. Nilapitan namin ang bata. Walang sabi na ibinigay ni Top yung pagkain, at sa hindi inaasahan, pinakyaw pa ang sampaguita na tinitinda ng bata. "Maraming salamat po." Tuwang-tuwa na sabi ng bata. "Bata, umuwi ka na sa inyo, at kumain ka na, ha?" Sabi ko. Nakangiti. Habang itong kasama ko ay pinapanood lang kaming nag-uusap ng bata. Nang makaalis ang bata, niyaya ko na si Top na bumalik ng Uni para makapag ensayo. "How long have you been a swimmer?" Tanong ni Top na nahihintay sa akin sa labas ng shower room. "Since ten-year old? Ikaw ba?" Lumabas na ako ng shower room. Naka-swim trunks na rin pala siya. Umiwaa ako ng tingin sa dahil lantaran niyang pinapakita sa akin ang napaka-seksi nitong katawan. No doubt na swimmer talaga siya. "You have a nice shape of body." Aniya. "Yeah! You too." sagot ko naman. "Ikaw? Kailan ka nagsimula maging swimmer?" Inulit ko ang tanong. Baka kasi mapunta na naman sa kung ano ang topiko. "Since ten year old, too. Remember when I told you about my brother? He pass away twelve-years ago?" Tumango ako. Nasa pool area na kami. Naupo muna kami saglit para magkwentuhan tutal alas-cinco palang naman ng hapon at hindi namin kailangan magmadaling umuwi. "Ano pala nangyari sa brother mo? Anong koneksyon ng pagiging swimmer mo sa kanya?" Tahimik muna siya. Siguro nag-aalinlangan na sabihin sa akin dahil siguro naging trauma iyon sa kanya. "We are both elementary swimmers. We promise na magiging National Athlete kami ng Pilipinas, pero... after the event at school, I didn't know that his friends had invited him to go to the river, which was unknown to the school and our parents, including me. Something tragic happened to him and to his friends." Napatungo si Top. Bigla nalang siyang huminto sa pagkukwento dahil naging emosyonal na ito. Nilapitan ko siya para i-comfort para naman mabawasan ang nararamdaman nito. "Sorry kung nagtanong pa ako. Hindi ko alam—" "I promise to him na ipagpatuloy ko ang pagiging swimmer dahil iyon ang pangarap niya sa amin dalawa. My parents disagree na maging swimmer ako baka raw mangyari sa akin ang nangyari sa kapatid ko noon. My parents and I, we argue all the times." I pat his shoulder. Lumuhod ako para pumantay sa kanya—patuloy ang pagtapik sa balikat nito. "I can lean my shoulders to you," sabi ko. "Nandito lang ako sa 'yo para damayan ka." Hinayaan ko siya na ihilig ang ulo niya sa balikat ko. Tahimik lang siya ng mga ilang minuto. Nang umangat na ang mukha niya; nakangiti na ito. "Are you okay?" Tanong ko. Tumango naman siya. "You are the best listener that I've ever meet. Please, stay by my side for a long time, Akel." Ngumiti ako at tumango. Napaatras ako ng kaunti nang bigla akong ginawaran ni Top ng halik sa labi. Mabilis lang iyon pero nakakaalaa dahil may cctv ang pool area. "May cctv rito. Should we continue inside, instead?" Paborito niya talaga na asarin ako. "Let's continue after a little warm-up." Sabi ko naman sa kanya na ikinatuwa niya. Loko-loko din pala.YEAR 2026—ONE YEAR HAD PASSED It's not easy to let go of someone who has been a part of your life. He has become your world, and he has given you the world. I almost gave up on my life when he was gone—I wanted to follow him—into the afterlife. He is tired—so he needs to rest—forever. Collecting all his memories is one my best thing to do with my lige since he was gone. Ang hirap. Napakahirap. Sobrang hirap. Paano ba ako makakaalis sa isang nakaraan na puno ng masasayang pagsasama? I tried to hold my tears not to cry out loud, but I'm too weak. Hindi ako makabangon dahil sa sakit na aking nararamdaman. Para ba akong may kapansanan na nawalan ng mga paa—hindi makatayo mag-isa. Unang mga araw na hindi ko pa talaga kaya. Set bounderies without guilt. Let him go and move on. Pero hindi ko talaga kaya. Nasa pyso't isipan ko pa rin si Top—siya at siya lang ang taong mamahalin ko. "Axecel? Tumatawag sa 'yo ang kliyente—si Misis Alegre. Tinatanong niya kung kailan raw ide-deliver 'yung
AXECEL Hampas ng tubig sa dagat. Huni ng mga ibon na nagsisiliparan, at ang hampas ng hangin sa aming pisngi ang siyang saksi kung bakit hindinkami sumusuko ni Top sa kanyang laban. Nag half-bind ako saka bumaling sa kanya. "Yesterday..." Panimula ko saka tumikhim. Mayamaya ay sumabay siya sa akin. "Yesterday, all my troubles seemed so far away. Now it tooks as though they're here to stay. Oh, I believe in yesterday. Suddenly, I’m not half the man I used to be. There’s a shadow hanging over me. Oh, yesterday came suddenly." Mahinang tumawa si Top nang kantahan ko siya nang makalumang tugtugin ng “The Beattles.” Hawak ang magkabilang kamay sabay namin tinatanaw ang paglubog ng araw sa Kanluran. "How does it feel na nakaamoy ka ulit ng dagat?" "Relaxing and very calm. I want to stay here for a while, Babe. Ayos lang ba?" "Sabi ng doktor mo, hindi ka pwedeng tumagal sa labas. Dalawang araw lang 'yung paalam natin at pagkatapos ng dalawang araw babalik na ulit tayo ng ospit
AXECEL Reality of Life? Always be ready to survive alone. Maliban sa pamilya, wala nang ibang tutulong sa iyo kundi ang iyong sarili. It's been a month since Top sent back to hospital. Admition ulit na maraming laboratory exam dahil sa sakit nito; blood, stool, urine at maging ang saliva nito ay hindi nalaligtas sa mga examine. CT-scanning, x-ray, and chemotherapy, too. Ang dami! Like, mapapatanong ka na lang talaga sa Diyos kung bakit sa dinami-rami ng masasamang tao sa mundo—bakit si Top pa ang pinarunasan nito. Oo, may isang beses na nagalit na ako sa kanya—dapat hindi ko iyon ginawa at hindi ko siya dapat sunumbatan ng ganoon. Gusto konrin isisi sa kanya lahat, ngunit hindi ko rin owedeng gawin iyon dahil mas may alam siya kesa sa akin na nilikha niya lang—instrumento sa ibabaw ng mundo. Gabi-gabi akong umiiyak. Nagdadasal; humihingi ng kapatawaran, at gabay sa kanya. "Top? Gising na." Pabulong kong sabi sa kanya—malapit sa tainga nito. Dahan-dahan na iminulat ni Top an
AXECEL POINT OF VIEWS Nakatanga sa pulang ilaw. Hindi ko alam kung ilang oras na iyon tinititigan dahil sa walang hulog sa sarili. "Hey? Are you okay? You're spacing out, Akel." "Alfred, nandiyan ka pala. Pasensya na kung hindi kita napansin—may iniisip lang." "Maya't maya ka naman may iniisip. Don't wprry, he'll be fine. Trust him." Peke akong ngumiti. Halos maiiyak na naman ako dahil halos tatlong oras na akong nakatayo at paroon-parito sa harapan ng sliding door ng operating room. Hindi ako mapakali; kinakabahan at natatakot. Risks. Gastric bypass is major surgery and it has many risks. Some of these risks are very serious. Kaya hindi ko maiwasan mag-isip nang nakatatakot. "Axecel? Maupo ka muna, anak. Magiging maayos din ang lahat. Basta magtiwala ka lang kay Christopher sa sinabi niyang malalampasan niya ang lahat ng ito." Wika ng aking ina saka iginaya paupo sa mahabang bangko. "Tama ang mama mo anak. Kaya tatagan mo lang ang sarili mo diyan. Kapag natapos na ang op
AXECEL Stomach ulcer or severe gastritis. Ayun sa diagnose ng doktor ni Top matapos namin siyang isugod ng hospital dito sa Batangas. Hindi ako makapaniwala. Bakit nagka-ulcer? "Babe, I'm okay." Salita ni Top nang magising ito makalipas ang kalahating araw. Kaagad ko siya pinainom ng maaligamgam na tubig pagkagising niya. "Hindi ka okay, e! Bakit ka nagka-ulcer? Iyan ang tanong ko!" "Hon? Please, don't get mad. Hindi ko din alam." Medyo naiinis lang talaga ako kay Top kapag may pinagdadaanan siya; hindi siya madalas nagsasabi sa akin. Minsan kailangan ko oang hulaan para lang may pag-uusapan kaming dalawa. Tumayo ako't dumulog sa lamesa kung saan may iilang pagkain na dala sina Alfred at Gelo galing sa restaurant. "Pwde kang kumain, pero hindi ka pwedeng maparami ng kain. Kapag nasubra sa busog, sasakit ang tiyan mo. As of now, lugaw ka na lang muna." Tipid na ngumiti si Top, at suminyas na lumapit ako sa kanya. "Yes Boss, masusunod po." Mayamaya sumeryoso ulit ako. Hinawaka
AXECELIt's been a week since napuntahan namin ni Top iyong resort sa Batangas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na meron na kaming ganun bahay at lupa; business resort. Masyadong malawak ang pag-iisip ni Top sa ganun bagay at napagporsigehan nitong maipatayo at maipaayos."Talaga? Hoy! Gusto namin punthan ang lugar na iyon." Magiliw na sabi ni Gelo."Yeah! Next week kapag puntahan natin. Wala akong work nun bakla." Suhisyon naman ni Mariam.Napangiti ako. "Tatanungin ko muna si Top kung pwede na. Hindi pa kasi masyadong na organize, kaya kailangan pa ng kaunting linis." Wika ko."Ganun ba? Baka this coming December pwede na, ano? Sige na Akel, excited na kaming makita ang pinatayong bahay ni Top saka syempre ang resort din, ano.""Gelo is right. Next week bisitahin natin."Tatango-tango nalang akong sumang-ayon kahit na alanganin dahil hindi naman ako ang makapagdesisyon ng buo—kailangan ko rin ng permiso galing kay Top. Siya ang totoong may-ari ng properties sa Batan