Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2021-09-13 19:03:09

Eli

Successful akong nakagawa ng account sa MATCHED application.

Pumili ako sa gallery ko ng isang picture kung saan ay nakatalikod ako.

Hindi ko alam kung paano magsisimula o kung paano ba ginagamit ang app na ito kaya naman sinubukan ko muna'ng magsearch at mag-follow ng ilang users na sa tingin ko ay pasok sa standard of my interest.

Kaya rin siguro tinawag na MATCHED ang app na ito ay dahil sa ito mismo ang hahanap ng guy na 'ka-match' mo, maybe sa personality or base sa kung ano ang mga hilig mo na hilig din niya. Kung baga same taste kayong dalawa.

Paano ito nagagawa ng app?

Kailangan mo munang ilagay sa profile mo kung paano mo ikaclassify ang sarili as gay. Like kung openly gay ka ba, kung paminta or discreet ka. Bisexual or pansexual. O kung paano mo man gustong idefine ang sarili mo sa ibang titingin ng account mo.

May section din dito sa app kung saan pwede mong ilagay kung anong tipo ng guy ba ang hanap mo.

'Yun bang sa tingin mo ay magma-match sa'yo?

And after that, yung app na mismo ang maglalabas ng mga suggested profiles na pagpipilian mo.

If you find someone interesting, punta ka lang sa profile niya. Kung sa photogram at fleetter ay may follow button, at kung sa friendsbook ay mayroong add-friend button, dito sa MATCHED app ay meron namang match button.

Ibig sabihin, kapag interested ka sa isang guy ay iclick mo lang 'yung match button para manotify ang isang user na interesado ka sa kanya. At kapag nagkataon na interested din siya sayo, he can click the same match button sa profile mo. After 'non, kapag binisita mo na ulit yung profile niya, or kung siya ang bibisita sa profile mo ay makikita niyo ang highlighted word na MATCHED sa upper-right corner ng profile ninyo.

I put some details in my account like I am a student and I love reading books and listening to pop music. I'm an introvert at nakatungtong ako ng kolehiyo na walang itinuturing na best friend. I'm an only child and living with Mom. I like someone who has a good sense of humor and easy to talk with.

Hindi mayabang, at siyempre iyong matalino.

I viewed several accounts matching with personalities I like pero kaunti lang sa kanila ang pinili kong maka-match. Siguro ay wala pang sampu ang bilang 'non. Unang try ko pa lang din naman kasi at wala akong alam sa mga ganitong bagay.

Nang dahil sa excitement ay pabalik-balik akong nagsu-swipe sa screen ng cellphone ko, hoping na may pumindot ng match button pabalik sa akin.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. 'Yung feeling na kahit malabong mangyari ay umaasa ka pa rin na may makikilala kang isang nice guy sa app na ito. Pagkatapos siya iyong tipo na magpapakilig sa'yo ng todo hanggang maihi ka. Yun bang pangboyfriend material?

Shems! Bakit parang ang landi ko pakinggan sa part na iyon!

Lumipas ang ilang minuto ay wala pa ring nangyayari. Walang nagnonotify. Nagdaan ang ilan pang minuto ngunit wala pa ring nagmamatch-back o kahit magmessage man lang sa akin.

Hindi naman sa nagmamadali ako pero hindi naman sigurong masamang umasa.

O baka wala naman talagang interesado sa profile na ginawa ko?

Siguro ay ganon nga. Siguro ay hindi naman kapansin-pansin ang profile ko. Well, sino nga ba naman ako. I'm just an ordinary nerd guy with a thick reading glasses.

Parang sa school, I excel on my studies pero walang nakakapansin sa akin maliban sa mga guro.

Nakakababa ng confidence.

Is MATCHED really worth trying for?

Nagsayang lang ako ng oras sa isip-isip ko.

Hinarap kong muli ang laptop. Nag-log out na rin ako sa friendsbook dahil alam ko sa sarili ko na maaari akong matempt sa susunod na may lumabas ulit na notification doon. Pagkatapos ay binuksan ko ulit yung P*F kung saan naputol yung pagrereview ko kanina.

Nakapako ang tingin ko sa screen ng laptop. Paulit-ulit kong binabasa ng pabulong ang mga nakasulat doon ngunit tila ba hindi iyon nagsisink-in sa utak ko. Hindi ko ito mamemorize kahit ilang beses ko nang banggitin. Masyado akong distracted at hindi ko alam kung saan pero para bang may kanina pa akong hinihintay sumulpot sa screen ng cellphone ko.

"Focus Eli, focus." bulong ko na lang sa aking sarili. I shook my head para alisin kung ano man ang kanina pang bumabagabag sa utak ko.

Okay.

Let's start again.

Inunat ko ang dalawa kong braso pagkatapos ay inilingon ang aking leeg pakanan at pakaliwa.

Nagsimula ako sa panibago at huling topic na re-reviewhin ko para sa exams. Effective naman ang pagkalog ko sa aking utak dahil unti-unting bumalik ang atensyon ko sa pagrereview. Nang walang anu-ano'y bigla namang nag-vibrate at lumiwanag ang screen ng aking cellphone.

Mabilis pa sa alas-kwatro at awtomatikong hinablot ng kamay ko ang cellphone na nakapatong sa ibabaw kama.

May isang notification galing sa MATCHED!

Hindi ko alam pero mas lalong nabuhayan ang dugo ko nang makita ang notification kung saan may isang user na nagpress ng match button sa profile ko.

I swiped that notification at lumabas doon ang username ng nagrequest.

user john_smith wants to match with you.

john_smith?

Wala naman akong natatandaang nag-match ako sa user na ito kanina.

Agad kong inusisa ang kanyang profile picture dahil napansin kong mukhang foreigner itong si John Smith.

Mali ako.

Mukhang gumamit lang itong si John Smith ng ibang litrato para siguro'y itago ang tunay niyang pagkakakilanlan.

Sigurado akong hindi siya 'yung nasa litrato dahil sa pagkakatanda ko ay isang sikat na International singer ang taong iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay si Adam Lebrain iyon ng sikat na bandang The Blue Five.

Sinubukan kong pumunta sa profile ni john_smith para sana'y tingnan kung may iba pa siyang picture doon, pero nang marating ko ang kanyang profile ay wala naman akong nakitang kahit anong impormasyon doon about sa kanya.

Blangko lang iyon at wala pang background. Siguro ay kagagawa pa lang din ng account niya.

Napabuntong hininga na lang ako at napailing sa kawalan. Akala ko kasi ay may espesyal nang tao na magkakainteres sa akin, pero hindi pala.

Bigla akong nadisappoint.

Masyado yata akong umaasa na may isang taong magkakainteres sa akin. Ano nga ba naman kasing interesting sa akin?

Hindi na siguro importante 'yon. Ang mahalaga ay mayroon namg isang taong interesado sa akin.

Nagvibrate muli ang phone ko.

New message from john_smith.

Hi bro, pamatch-back naman.

12:27 am

Si John Smith lang pala ulit. Nagrerequest na imatch-back ko siya.

Hindi naman sa jinu-judge ko siya pero he seems to be just like any other random guy sa ganitong klase ng dating application. Naghahanap lang ng kafling. Wala akong maramdamang espesyal sa kanya at 'yun ang dahilan kung bakit ako disappointed. Ewan ko ba. Hindi naman ako choosy pero nawala lang talaga siguro ako sa mood noong malaman ko na isang dummy account ang nagkaroon ng interest sa akin. Ako kasi kahit hindi kita ang buong mukha ko sa profile picture ay ako pa rin ang nasa litratong ginamit ko.

Sa aking pagkadismaya ay minabuti kong ibaba na lang ang aking cellphone pabalik sa kama.

Hindi ko na naimatch-back iyong si john_smith.

Nakaramdam na rin ako ng antok kung kaya't ibinagsak ko na ang katawan ko sa kama para na rin makapag-pahinga.

Sa madaling sabi ay hindi na ako nakabalik pa sa pagrereview.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para makapagrefresh ng mga inaral ko.

Maaga rin akong dumating sa school dahil mahigpit na ipinagbabawal ng mga professor ang malate tuwing araw ng exams. Kapag nalate ka kasi ay hindi ka na papapasukin ng instructor at wala ka nang tiyansang makakuha pa ng special exam para sa araw na iyon. Sa madaling sabi, automatic na zero ang iskor mo kapag nalate ka.

Nakaupo ako sa ika-apat na row sa bandang hulihan ng class room. Sa kalagitnaan ng pagaayos ko ng mga gamit ay bigla kong napansin ang paparating na si Theo.

Pawisan siya at humahangos patungo sa kanyang upuan.

Siguro ay nagtatakbo at nagmadali nanaman siya para makaabot sa oras ng exam.

Nilingon siya ng katabi nitong si Kenneth, siya 'yung katabi ko sa right side bago si Theo. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat dahil na rin sa biglaang pagdating ng kaibigan nito.

"Huy Gago! Kamuntikan ka nanamang malate. Akala ko pa naman ay gusto mo ulit makakuha ng itlog galing kay Mrs. Sanchez. Pangatlong itlog mo na 'yun kung nagkataon." pang-aasar ni Kenneth kay Theo sabay hagalpak ng tawa.

"Gago ka rin! Igagaya mo pa ko sa'yo, eh ikaw nga 'tong nakalima nang itlog dyan!" Tugon naman ni Theo na may kasama pang hampas sa ulo sa katabi nito. Mabilis pa rin ang paghabol nito sa kanyang hininga.

Nakakunot ang noo ni Theo nang mapinsin nitong pinanonood ko silang magtalo ni Kenneth. Sandali siyang natigilan at tsaka awkward na nagpakawala ng ngiti sa akin.

"Uy pre! Pakopya naman ako ng sagot mo mamaya ah, ililibre na lang kita sa canteen pagkatapos." Diretsahan niyang sabi pero alam ko namang hindi niya 'yon siniseryoso. Hindi kasi si Theo yung tipong nangongopya kahit hindi siya nakapag-aral. Hindi dahil sa pride. Marahil ay alam niyang hindi tama na mangopya at magsamantala sa taong nagsikap mag-aral.

"Ako ang pakopyahin mo. Hindi nga ako nakapag-aral." tamad kong sumagot pabalik sa kanya. As usual, palagi akong sumasakay sa mga biro nitong si Theo.

"Sus! Ikaw pa ang mangongopya? Imposible!" Napailing nalang siya habang dumudukot sa bag ng sarili niyang bolpen at papel. As if naman kasi na meron talaga akong makokopya sa kanya.

Sandali, totoo ba ang nakikita ko? Himala at may dala yata ang mokong ng sarili niyang papel? Palagi kasi siyang nanghihingi sa katabi niyang si Kenneth o kaya ay sa akin kung magkataon na parehas silang walang dalang papel.

Dumating na rin 'yung teacher namin pagkaraan nang ilang minuto. Isa-isa nitong ipinamigay ang mga test paper na aming sasagutan.

After an hour ay natapos na 'yung unang test para sa English subject. Mabuti na lang ay lumabas halos lahat ng inaral ko sa exam kaya naging mas madali para sa akin na sagutan ang mga tanong dito.

One down, at Filipino naman ang susunod.

Habang nirereview ko sa isip 'yung mga inaral ko kagabi ay nakarinig ako ng isang boses na tila ba'y naghu-hum sa isang kanta. That song sounds familiar pero hindi ko alam kung ano 'yung title at kung sino 'yung kumanta.

Lumingon ako sa kanan at nalamang kay Theo pala nanggagaling yung boses na naririnig ko.

"Ano ngang title ng song na 'yan?" Hindi ko naiwasang tanungin siya dahil ang cathchy kasi nung melody.

Tumingin sa akin si Theo habang patuloy pa rin sa pag-hum noong kanta.

"Ah ito ba? Always You ang title nito." sagot nito.

He looks so happy noong nagsalita siya. Para siyang ewan. O marahil ganoon din ang mararamdaman ko kung sakaling may ibang tao na maging interested sa kung ano'ng kinakanta ko?

Maybe?

"Eh sinong kumanta?" pahabol kong tanong dito na mabilis naman niyang sinagot.

"The Blue Five, pre. Sila 'yung favorite band ko. Bakit? Nagagandahan ka rin sa kanta?" Ngumiti siya ulit habang sinasabi iyon sa akin.

"Ah, wala lang. Natanong ko lang."

Bigla akong may naalala about sa bandang The Blue Five at sa bokalista nitong si Adam Lebrain. May isang apaka imposibleng ideya na biglang sumagi sa isip ko.

Si John Smith.

Siguro ay nagkataon lang dahil malabo na itong si Theo ang nasa likod ng user sa MATCHED na si John Smith.

End of chapter

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Boyfriend Hunt   Chapter 40

    THEO"Eli! Please... Gumising ka!"Wala nang malay si Eli nang maiahon ko siya mula sa tubig. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa kanya dahil mag-isa lang siya nang abutan ko at lumulutang. Wala rin akong ideya kung gaano katagal na siyang naroon pero sana lang talaga ay maisalba ko pa ang buhay niya.Hindi na tumitibok ang pulso ni Eli at Wala na siyang hininga."Tulong! Tulungan niyo ako!"Sigaw ko sa palagid pagkatapos ay sinubukan kong i-CPR si Eli.Isinara ko ang ilong niya at ibinukas naman ang kanyang bibig para mabugahan ko iyon ng hangin. Pagkatapos ay ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at paulit-ulit iyong diniin.First time ko lang gawin ito sa buong buhay ko dahil hindi pa naman umabot na may kasamahan akong nalunod. I hope I am doing the right thing dahil buhay ni Eli ang

  • Boyfriend Hunt   Chapter 39

    THEOTulala akong bumalik patungong kwarto. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Eli. Iniwan niya akong mag-isa sa tabing dagat matapos sabihing wala na akong pag-asa sa kanya.Masakit, subalit kailangan kong irespeto ang desisyon niya.Sinubukan kong baguhin ang isip niya at sinabing kaya ko siyang bigyan ng mas mahabang panahon para pag-isipan ang tungkol sa amin. Subalit mukhang buo na ang desisyon ni Eli na itigil na ang kung anong namamagitan sa pagitan naming dalawa."Oh Pre, anong nangyari? Bakit hindi maipinta iyang mukha mo? Nasaan si Eli?" sunod-sunod na tanong ni Kenneth nang maabutan ko ito sa labas ng room na nirentahan namin."Wala nang pag-asa, Pre." walang gana kong sagot sa kanya saka kinuha ang susi ng kwarto galing sa aking bulsa. Tumabi naman ang kaibigan ko mula sa pinto para mabuksan ko ito."Wait, wha

  • Boyfriend Hunt   Chapter 38

    THEO"Inumin mo ito."Inabutan ko ng kape si Eli para mahimasmasan siya. Makakatulong iyon para mabawasan ang pagsakit ng ulo niya."Salamat." tipid na wika nito."Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang gag*ng iyon. Mabuti na lang at sinundan ko kayo pabalik sa kwarto niyo."Tinabihan ko si Eli na ngayon ay nakaupo sa kama sa loob ng kuwarto namin ni Kenneth.Hindi nagsalita si Eli at humigop lang ito sa tasa ng kapeng ibinigay ko sa kanya."Hays! Sakit nga sa ulo ang tisoy na iyon. Mantakin mo? Nasa loob pala ang kulo niya. Mabuti at hindi siya nagtagumpay sa binabalak niya." sambit naman ng kaibigan kong si Kenneth na nakatayo malapit sa pintuan. Sinisiguro niyang hindi makakapasok dito sa loob 'yong gag*ng si Wildon para puntahan si Eli.Nilingon ko si Kenneth at binigyan

  • Boyfriend Hunt   Chapter 37

    THEO"Napakawalang-hiya talaga ng lalaking iyon. Kung hindi mo lang ako pinigilan kanina ay nabangasan ko na ang mukha ng amerikanong hilaw na iyon! Nakakaasar!" inis kong sabi sa kaibigan ko.Nakacheck-in na kami ni Kenneth dito sa resort kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon.Nang matanggap ko ang mensahe mula kay Eli na magbabakasyon siya kasama si Wildon ay kaagad akong humingi ng pabor kay Kenneth para samahan akong sundan sila.Hindi naman ito tumanggi kaya naghanda na kami kinabukasan para sa araw na ito.Hindi ako nireplyan ni Eli sa mga text ko sa kanya. Hindi ko siya matawagan at hindi ko rin naman siya machat dahil nakadeactivate ang account niya dahil siguro sa pang-eexpose sa kanya ni Yumi sa friendsbook.Halos mabaliw ako sa kakaisip ng paraan para malaman kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon. Wala

  • Boyfriend Hunt   Chapter 36

    EliBiyernes.Maaga akong gumising para magprepare ng mga damit at bagaheng dadalahin ko sa three days and two nights naming bakasyon ni Wildon sa Rio Vellorja's Beach Resort. I really need this right now dahil sa nangyari kahapon. I need to escape from everything na magpapaalala sa akin ng ginawa ni Yumi.Hindi naman siguro masama kung hindi muna ako papasok sa school at nagmessage na rin ako sa mga professor ko sa school na masama ang pakiramdam ko. Hindi ko gawain ito pero mas hindi ko kakayanin ang makita si Yumi at pati na rin si Theo."Ma! Nasaan na 'yung floral kong polo? Iyong pang summer?"Sigaw ko mula sa kwarto. Kasalukuyan kasing nagluluto ngayon si Mama sa kusina nang ibabaon ko sa byahe. Hindi naman na sana kailangan dahil may pagkain naman na kasama sa ticket namin ni Wildon pero makulit itong si Mama."Ay n

  • Boyfriend Hunt   Chapter 35

    TheoWalang gana akong bumalik sa sentro ng park kung saan ang usapan namin na magkita ni Kenneth.It's too late.Gusto ko mang habulin si Eli ay hindi ko iyon ginawa. Kusa siyang sumama kay Wildon. Para saan pa kung pipigilan ko siya? Obvious naman na iniwasan ako ni Eli kanina nang tumakbo itong umiiyak palayo sa akin.Nais ko sanang pagaanin ang loob ni Eli dahil sa ginawa ni Yumi, subalit naunahan na ako ni Wildon. Si Wildon na siyang karibal ko sa puso ni Eli. Gusto ko mang sugurin ang mokong na iyon ay hindi ko nagawa.Hindi ko itatanggi, nasaktan ako ng sobra nang makita kong akay-akay siya ni Wildon patungo sa motor nito.Ilang beses ko nang sinabi kay Eli na hanggat ma-aari ay huwag siyang sumama sa lalaki na iyon. Pero sino nga ba naman ako para diktahan siya. Hindi naman ako ang boyfriend niya. Hindi pa sa ngayo

  • Boyfriend Hunt   Chapter 34

    ELI"Nandito ka lang pala."Napatingala ako sa aking harapan nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.Si Wildon iyon. Suot ang paborito niyang jacket habang bitbit ang kanyang helmet.Napawi ang mga ngiti nito nang nagtagpo ang aming paningin."Wait, are you crying?" kunot noo'ng tanong nito sa akin.Hindi ako sumagot sa kanya bagkus ay pinahid ang mga luhang hindi ko mapigilan sa pagbuhos mula sa aking mga mata."I'm alright, Wildon." wika ko habang inaayos ang aking salamin.Kumuha ako ng tissue mula sa aking bag at ginamit iyon para ayusin ang aking histura.Dahang-dahang kumilos si Wildon mula sa kanyang puwesto at alam kong uupo siya sa tabi ko."I'm sorry to what happened to you, Eli. Kung ano man 'yon, alam kong hindi ka okay ngayon. Nalu

  • Boyfriend Hunt   Chapter 33

    ELIKasalukuyan akong naglalakad sa kahabaan ng hall way papuntang classroom. Gaya ng inaasahan, lahat ng madaanan kong estudyante ay napapalingon sa akin. Sa 4,236 friendsbook friends ni Yumi, paniguradong kalat na sa buong campus iyong pinost niya about sa akin. Thanks to her, ngayon ay pinagpipiyestahan ako ng madla."Look who's here. Grabe, hindi talaga ako makapaniwalang bakla pala siya. Sayang, guwapo pa naman."Nadinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya nang mapadaan ako sa harap nila. Sobra naman 'yung tsismisan nilang dalawa. Halatang sadya nilang ipinarinig iyon sa akin.Minabuti ko'ng huwag na lang silang pansinin hanggang sa makarating ako sa room namin. Buong akala ko noo'y nakaraos na ako mula sa kalbaryo ng mga tismisan sa labas nang makapasok na ako sa silid. But guess what? Ang nakabusangot na mukha ni Yumi ang kaagad na su

  • Boyfriend Hunt   Chapter 32

    ELISinabi ko kay Theo ang balak na pakikipag-break ni Yumi sa kanya. He's cool with that dahil mas pabor daw iyon sa kanya. Ang sabi niya, hindi na raw kami mahihirapang umisip ng paraan kung paano siya makikipag break kay Yumi dahil ito na mismo ang tatapos sa relasyon nilang dalawa.Ako lang ba o sadyang hindi talaga patas ang nangyayari para kay Yumi?Alam kong hindi sinasadya ni Theo na umasa sa kanya si Yumi pero hindi ko lang talaga maiwasang makonsensya dahil sa katotohanang ako ang gusto ni Theo at hindi siya.Hawak ko ngayon ang cell phone ko habang nag-i-scroll ng inbox ko sa MATCHED. Matagal na rin akong hindi nagbubukas ng account dito mula ng mameet ko in person si John Smith na si Wildon pala in real life.Napangiti ako sa kawalan. Naalala ko kasi noong paghinalaan ko si Theo na siya si John Smith. Paborito niya kasi ang The

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status