Share

Chapter 67

Saktong pagkalabas ko ng clinic ay siya ring pagdating ng mga kawal sa palasyo na susundo sa akin.

Habang naglalakad ako papunta sa gate ay may mga estudyante akong nakakasabayan sa paglalakad. Tinitingnan nila ako at ang iba ay ngbubulong-bulongan pa sa isa't-isa. Pero kahit na ganun ay wala man lang nangahas na kumausap sa akin. Wala namang kaso sa akin yun eh. Alam kong naiilang pa sila sa akin dahil iba ako sa kanila.

Katulad ng nararamdaman nila ang naramdaman ko din noong unang tapak ko dito sa lugar nila. Puno ako noon ng pag-aalinlangan pero nung nagtagal na ako dito at nakilala sila ng mabuti ay saka na napanatag ang loob ko.

Sana nga lang na sa pagdaan ng mga araw na nandito ako sa paaralan nila ay makapalagayan ko rin sila ng loob.

Pagkakuha ko ng aking kabayo ay sinimulan ko nang patakbuhin ito pabalik sa palasyo. Nasa magkabilang gilid ko ang dalawang kawal at katulad ng dati ay wala pa rin silang imik.

Siguro ay tatanungin ko na lang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status