Mabilis na dumaan ang mga oras at sa buong araw na iyon ay hindi ko man lang nakita si Jacob. Ayon kay Sebastian ay mag-oovertime daw siya sa pagroronda ngayon kaya kami lang ni Sebastian ang nagsalo sa hapunan ng gabing iyon.
Matapos kong makapagbihis ay kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Koko. Pinupunasan ko ang aking buhok habang hinihintay ko ang pagsagot niya ng tawag ko.
Nang sinagot na niya ang tawag ay iniloud speaker ko ito. Okay lang na marinig ni Sebastian ang pag-uusap namin dahil nasabi ko naman sa kanya na ang lahat kagabi.
"Ang tagal mong sagutin ang tawag. Busy ka ba?" tanong ko agad.
"Wait.. Lalabas lang ako," aniya sa nagmamadaling boses. Hindi ko pa masyadong naintindihan ang sinabi niya dahil sobrang ingay sa paligid niya.
"Lauren I have a good news!" he exclaimed.
Natigil ako sa ginagawa at tumitig sa screen ng cellphone ko.
"W-What is it?"
"Your father is now awake! And based on the observation
Matapos ang mga madaming bilin ni Jacob ay umalis na kami ni Leon. Naglakad na lang kami habang bitbit niya ang aking maleta."Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na umalis ka na sa bahay ni Jacob. Hindi na kita laging makikita," aniya."Diyan lang naman ako sa bayan eh. Hindi naman malayo sa inyo," sagot ko."Jacob looks damn pissed. Buti at pinayagan ka niyang umalis?"Hindi ako sumagot. Bukod sa pag-alis ko ay alam kong galit siya sa sinabi ko sa kanya na panloloko ni Dean sa akin. I don't know what he will do after this. Sana lang ay hindi sila magkainitan at mag-away."Wala naman siyang magagawa," sagot ko maya-maya.Pagdating namin sa bayan ay agad kaming sinalubong ng isa sa mga dalawang kaibigan na lagi niyang kasa-kasama."Sigurado ka bang hindi magagalit ang mga magulang mo dito?" tanong ni Leon sa kaibigan."Hindi nga. Wala namang gumagamit doon at matagal ng bakante. Natuwa pa nga sila nang sinabi kong may gustong ma
Naiinis ako sa aking sarili. Sinabi ko noon na hindi na muli pang mauulit ang paghalik niya sa akin pero para akong tanga kanina na hinayaan na naman na gawin ang gusto niya."I didn't know that you've moved out," untag ni Dean.Binalingan ko siya. "Of course you don't know. Kailangan ko bang sabihin sa iyo?""Hindi naman," aniya at humalukipkip at sumandal sa pintuan.Namumula ang pisngi niya dahil sa pagsampal ko sa kanya kanina pero parang wala lang sa kanya ito.Pinagmamasdan lang ako ni Dean at mukhang wala siyang balak na umalis. He is just wearing a simple cargo jeans and black shirt. Nakapambahay lang pero sobrang class."I'm going to sleep now. Please leave," wika ko at patalikod na humiga sa kama. Tinakpan ko ng kumot ang buo kong katawan hanggang sa ulo. Ang tangi lang na hindi ko kinumutan ay ang aking mukha habang nakatingin ako sa labas ng bintana.Kahit anong deny ko sa aking sarili ay naeexcite ako sa presensya niya. K
"Seriously Lauren? Bakit mo pa siya pinabalik bukas?" tanong agad ni Dean pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto."Kapag hindi ko iyon ginawa ay magpupumilit lang siyang pumasok ngayon. At pwede ba na tigilan mo ako sa kakasermon mo? Kaibigan ko si Jacob at walang masama kung sakali mang bibisita nga siya dito bukas," sagot ko.Umasim ang mukha ni Dean sa sinabi ko.Nang akma siyang lalapit sa akin ay mabilis ko siyang pinigilan."If you don't want to leave, then let's talk outside my room," wika ko saka kinuha ang cellphone ko at lumabas ng kwarto.Narinig ko ang pagbuntong hininga niya pero ipinagsawalang bahala ko lang iyon at nauna nang pumunta ng sala.Binuksan ko lahat ang mga ilaw na pwedeng buksan dahil baka kung ano na naman ang mangyari. Umupo ako sa sofa at sinuklay ang aking magulong buhok. Mag-aalas dose na pero heto ako ngayon at iniistorbo nilang dalawa. I should be sleeping.Lumabas si Dean mula sa aking kwarto na nagsu
Kasalukuyan ako ngayon na nandito sa paaralan dahil katulad ng dati ay ganun pa rin ang trabaho ko.Ang ginamit kong sasakyan pagpunta dito ay ang sasakyan noon ng lolo ni Derek. Maaga akong gumising ng maaga kanina upang tingnan ang makina nito kung maayos pa ba. Mabuti na lang at gumagana pa ito at wala masyadong mga sira. Ang sasakyan ay parang sa Wrangler din ni Jacob pero mas maliit nga lang."Nabalitaan ko ang nangyari noon sa Asthad, mabuti naman at nakabalik ka pa dito?" tanong ni Amanda habang nagmemeryenda kami dito sa field kasama ng mga estudyante."Wala naman akong choice kundi ang bumalik dito sa Magnuth," sagot ko sa kanya."Huh? Bakit naman?" tanong pa niya.Oo nga pala. Hindi nga pala niya alam ang totong dahilan kung bakit ako nandito.Napurnada ang pagsasalita ko nang magsimulang mag-ingay ang mga estudyante."Si Alpha Dean. Papunta siya dito," rinig kong bulong nila.Agad na lumipad ang tingin ko da direksyo
"Ayos ka lang? Bakit parang nakakita ka ng multo?" nag-aalalang tanong ni Jacob.Hindi ko na siya nasagot dahil lahat ng atensyon ko ay nasa lalaking lumabas ng sasakyan."Simon.." bulong ko sa sarili ko.Bakit siya nandito? He is a hunter. Wala siya dapat dito dahil isa rin sila sa mga tumutuligsa sa mga taong lobo.Ngunit ang ipinagtataka ko pa ay si Ismael na kasama niya. Walang duda na lobo ito base na rin sa kulay ng mga mata nito. Kaya bakit sila magkasama?Akmang lalapitan ko na siya nang muling bumukas ang pintuan.Parang bumagal ang pag-ikot ng mundo habang hinihintay namin na bumaba ang isa pang bisita. At nang tuluyan na itong makalabas ay literal na nanigas ako mula sa aking kinatatayuan.Namawis ang mga kamay ko at biglang bumilis ang tibok ng aking puso habang nakatingin sa toang hindi ko inaasahan na dito pala sa Magnuth ko makikita.Simon is here. Probably she would be here too.Mariin kong ikinuyom ang a
Natahimik ang lahat na mga nandito at walang nangahas na nagsalita ni isa. Pero kahit ganun ay mahahalata sa kanilang mukha ang matinding hindi pagsang-ayon sa sinabi niya.Kahit ako ay hindi ko gusto ang desisyon niyang ito. Naiinis ako sa kanya. Ano bang iniisip niya at si Samantha pa ang kinuha niya? Akala ko ba ay ayaw niya dito? Ngunit sa nakikita ko ngayon ay taliwas lahat ng mga sinabi niya noon sa pinapakita niya ngayon.Nagpatuloy si Dean sa kanyang pagsasalita. "She will be one of the trainer starting tomorrow along with Simon. Sila na rin ang bahala sa mga baril na gagamitin sa pagsasanay.""Saan sila tutuloy kung ganun Alpha Dean? Meron na bang naihanda na tutuluyan nila?" tanong ng isang guro."They will stay in my place," kaswal niyang sagot.Lahat ay nabigla sa sinabi niya lalong-lalo na ako."Seryoso ba siya na patirahin ang babaeng yan sa palasyo? Baka kung ano pa ang gawin niya doon," rinig kong bulong ni Larian kay Amanda.
Habang nasa daan ako pauwi ay bigla akong nakarinig nang malakas na pagputok mula sa likod ng sasakyan, kasabay nun ang pagkawala ko ng kontrol sa manibela. Napamura ako habang pilit na kinokontrol ang sasakyan na pagewang-gewang. The breaks isn't working too kaya nang may nakita akong malaking bato sa gilid ay doon ko na isinalpok ang sasakyan para tumigil na ito. Mas mabuti na ito kaysa sa kung saan pa ako sumalpok at magkasira-sira itong sasakyan. Nang tumigil na ito ay bumaba ako at pumunta sa likod kung saan ko narinig ang pagputok. Gaya ng inaasahan ko ay pumutok nga ang isang gulong nito. Dumukwang ako at tiningnan ang gulong ng mabuti. Doon ko nakita ang isang sobrang liit pero sobrang talim na switchblade na nakaturok sa nabutas na gulong. Kinuha ko ito habang iginagala ang tingin sa paligid. Madilim na at kung minamalas din ay nasa banda ako kung saan walang masyadong dumadaan na mga tao dahil ang daan na ito ay papunta sa mga Da Sil
"I love you Lauren," he repeated."A-Anong sinabi mo?" pautal-utal kong wika. Napaatras pa ako pero maagap niyang nahawakan ang bewang ko."I said.." Dean leaned closer and whispered in my ears. "I love you," wika niya sa marahan at mabagal na boses.If butterflies in the stomach is real, then that's what I'm feeling right now. Para ring idinuduyan sa alapaap ang pakiramdam ko sa mga oras na ito."R-Really?" ang tangi kong nasabi dahil nagshort circuit na ata ang isip ko.Ilang beses ko nang narinig ang mga salitang iyon galing sa kanya pero ngayon lang ako tinamaan ng ganito. Ibang-iba kasi ang pagkakasabi niya kumpara ng mga nauna. Sobrang lambing at nakakatunaw ng puso.He chuckled. "Uh-huh. Do you want me to show the proof?""H-Hindi na," mabilis kong sagot. Malay ko ba kung ano yung proof na sinasabi niya."Oh? Bakit parang natakot ka?" aniyang nangingiti."Asa ka," sagot ko at itinulak ang dibdib niya.Naks.