LOGIN-Hariette-Biglang tumunog ang phone ni Daddy Vaughn at napatingin kaming lahat sa kanya. “Hello?” sinagot niya ang tawag bago siya lumabas ng silid. Muli kaming napatingin sa video sa harap namin.“Sir, may lead na ba kayo kung sinong gumawa nito?” tanong ni Tito Josh sa mga pulis.“Wala pa po, sir.” sagot ng tumawag sa amin sa labas. “Pero sinusundan na po namin kung saan nagpunta ang babae. Sa ngayon po, hindi pa namin nakukuha ang lahat ng footage sa hospital at sa mga posibleng dinaanan ng babae.”“Sige po sir, salamat. Balitaan nyo na lang po kami kung anong magiging update sa kaso.” kinamayan ni Tito Josh ang mga pulis bago kami lumabas ng silid.“Justin, walang kasalanan si Harold.” sabi ko sa kanya habang magkahawak-kamay kaming palabas ng presinto.“Yeah. Pero hindi natin alam baka kasabwat din siya nung babae. Kailangan pa rin nating maging alerto.” sagot niya sa akin.“Justin!” nabigla kami sa biglang pagsigaw ng malakas ni daddy Vaughn habang kasalubong namin siya sa hal
-Hariette-Kinabukasan, maaga kaming nagtungo ni Justin sa hospital para kunin ang abo ng Tiya Gilda ko. Bago kami dumiretso sa Makati Columbarium Park, dumaan muna kami sa isang simbahan upang mabasbasan ito.Pagdating sa Columbarium, inilagak namin ang abo ni Tiya Gilda dito. Habang nag-aalay ako ng panalangin para sa kanya, hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko man lang siya nakausap bago siya nawala. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin. Mas pinili niyang ipagtanggol ako at patayin ang kanyang asawa, at aminin ang kanyang pagkakasala kaysa ang makitang nahihirapan ako.“Napakabuti mo, tiya, Hinding-hindi kita makakalimutan. Salamat sa ilang taong pag-aalaga mo sa akin ng walang kapalit.” Kahit alam kong ilang buwan na lang ang itatagal niya sa mundong ito, hindi ko pa rin matanggap ang kanyang pagkawala. “Mahal na mahal kita, tiya.”At tuluyan na akong napahagulgol.“It’s okay, baby. Your Aunt Gilda won’t feel any
-Hariette-“Raprap, anak!” agad namang lumapit si Scarlet nang marinig ang sinabi ng anak niya. “Nandito ako. Ako ang mommy mo.”Pero hindi bumitaw sa akin si Raprap. Ramdam ko ang init ng kanyang payat na katawan habang nakayakap sa akin, at dito na unti-unting tumulo ang mga luha ko. Sobrang namimiss ko na ang anak ko.“Raprap, hindi ako ang mommy mo.” bulong ko sa kanya at dahan-dahan ko siyang inilayo sa akin. Nang mahimasmasan siya ay nahiga siyang muli, pero sa akin pa rin siya nakatingin, na para bang sinasabing huwag ko siyang iiwan.“Anak…” nang yumakap si Scarlet sa kanya, saka lang din siya gumanti ng yakap sa mommy niya. Pero ang mga mata ay nakatuon pa rin sa akin.Naramdaman ko ang pag-akbay ni Justin sa balikat ko, at napaiyak na lang ako sa dibd!b niya.“Scarlet, ichecheck ko ang footage kung sino ang nagtangkang kumuha kay Raprap.” sabi ni Justin habang hinahaplos ang likod ko.“Huwag na, Justin.” kumunot ang noo ko nang marinig ang pagtanggi ni Scarlet. “Okay naman a
-Hariette-“Handa na akong sabihin sa’yo ang lahat, Justin.” sabi ko sa kanya, at nagsimula akong magkuwento. Sinabi ko na hindi ko kayang makita siya na masaya kasama si Scarlet. Hindi ko kayang makasama sila sa iisang bahay, lalo na nang malaman kong buntis siya. Bata pa ako noon at hindi ko kayang kontrolin ang damdamin ko, ang emosyon ko.Kung ano-ano lang ang naisip ko, at ang maling desisyon na ginawa ko noon ang siyang nagpabago sa buhay ko.“I’m so sorry. I know that was so selfish of me, pero masisisi mo ba ako? Mas gusto ko na lang lumayo kaysa araw-araw magdurugo ang puso ko dahil nakikita kong buo ang pamilya mo kasama siya.” nilunok ko muna ang bara sa lalamunan ko at tinitigan ang kanyang mukha bago ako nagpatuloy. “Alam kong nagalit ka sa akin dahil iniwan ko kayo. Nasaktan ka sa ginawa ko, at pati sina mommy at daddy. Walang magandang paliwanag sa ginawa ko, pero nagsisisi na ako, Justin. Lalo na ngayong nalaman ko na hindi naman pala ikaw ang ama ng anak ni Scarlet.”
-Hariette-“Hariette,stop!” agad naman akong inawat ni Justin. Ipinulupot niya ang dalawang kamay sa bewang ko at hinila ako palayo kay Harold. “Stop it, baby. Huwag mong dumihan ang kamay mo sa isang kriminal na katulad niya.”“Justin, bitawan mo ako! Pinatay niya ang tiya Gilda ko! Magbabayad siya sa ginawa niya!” nagpupumiglas ako sa mahigpit na paghawak sa akin ng asawa ko. “Harold, hindi mo matatakasan itong ginawa mo sa Tiya Gilda ko! Tandaan mo ‘yan! Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa kulungan!”“I swear, wala akong ginawa! Pagdating ko dito, wala na ang mga pulis. Ganyan na din ang sitwasyon ng tiyahin mo.” Pinipilit pa rin ni Harold na wala siyang ginawa. Na hindi siya ang pumatay sa tiya Gilda ko, pero hindi na ako naniniwala sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng kasinungalingang narinig ko mula sa pamilya niya, tanga na lang ako kung maniniwala pa ako sa kanya.“Sir, ano pong nangyari?” humahangos naman na dumating ang dalawang pulis na bantay. Pawisan sila at hinihingal. “Baki
-Hariette-Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ni Harold. Agad naman akong hinila papasok ni Justin sa loob ng clinic nila, at hindi pinansin ang pagtawag ng nurse.“Justin, we have to hurry up. Baka kung anong gawin niya sa tiya Gilda ko.” naiiyak na sambit ko na mas lalo pang binilisan ang pagtakbo.Hindi naman binitawan ni Justin ang kamay ko kahit mapatid-patid na ako sa pagmamadali. Nang sa wakas ay makarating kami sa kuwarto ng tiyahin ko, pabalibag na binuksan niya ang pinto.“Nasaan ang mga bantay dito?” galit na tanong ni Justin nang makitang walang pulis na nakabantay sa may pinto.“Tiya Gilda!” sigaw ko nang makitang hinahabol niya ang kanyang hininga habang nakatingin lang sa kanya si Harold. “Tiya, nandito na po ako.” hinawakan ko ang kamay niya, at napasinghap ako nang maramdamang nanginginig at malamig ito. “Harold, anong ginawa mo?”“I didn’t do anything! I swear, I was just…” pero bago pa niya maituloy ang kanyang sasabihin, bigla siyang inundayan ng sun







