Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery

Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery

last updateLast Updated : 2025-12-27
By:  Author RainUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
102Chapters
5.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"You broke the law of this house when you fell in love with me, your own stepbrother. And now, you’ve broken the law of this country by killing someone. Tell me, Hariette. How will you defend yourself from the crime you’ve committed, when you couldn’t even defend the love you once felt for me?” Napagbintangan si Hariette ng mga kapitbahay na siya ang pumatay sa kanyang tiyuhin matapos makita ng mga ito na hawak niya ang patalim habang nakahandusay sa sahig ang duguan na katawan nito. Inaresto siya ng mga pulis at ikinulong nang walang matibay na ebidensya laban sa kanya. Umatras ang kanyang abogado sa paghawak ng kanyang kaso dahil ayaw niyang magsalita at ipagtanggol ang sarili. Ayaw niyang sabihin ang totoo na ang kanyang Tiya Gilda ang pumatay sa asawa nito. Wala na siyang makuhang libreng abogado kaya naman napilitan siyang humingi ng tulong sa pamilyang minsan na ring kumupkop sa kanya bago siya napunta sa poder ng kanyang tiyahin, at iyon ay ang mga Avery. Noong una, ayaw itong tanggapin ni Justin, dahil hindi ito humahawak ng kaso ng mga kriminal. Ang katwiran niya, bakit nya ipagtatanggol ang mga taong nagkasala? Ang nararapat sa mga ito ay maparusahan. Pero sa kalaunan ay tinanggap niya rin ito, ngunit bago pa man ang lahat ay nagkasundo sila na babayaran niya ito sa paraang gusto ng binatang abogado, at pumayag naman siya. Pero paano kung ang hilingin nitong bayad ay ang pakasalan siya ng sikreto? Ang akala niya ay may nararamdaman din ito sa kanya. Iyon pala, gusto lang nitong turuan ng leksyon ang babaeng nang-iwan dito. Ang babaeng pinagselosan niya kaya siya lumayas sa bahay ng pamilya Avery. Sa pagitan ng hustisya at pag-ibig, sino ang tunay na huhusgahan? Ang nagkasala, o ang nagmahal?

View More

Chapter 1

Chapter 01

Series #1 I Love You, Sister

Series #2 My Brother's Bestfriend

Series #3 Breaking the Law with my Stepbrother, Atty. Justin Avery

-Hariette-

“Order in the court!” The judge’s voice thundered across the courtroom, making my whole body freeze in place. Lahat ay natahimik sa umalingawngaw na pinaghalong tunog ng pinupukpok na martilyong kahoy at ng malaking boses ni Judge Policarpio. 

Kasalakuyan kaming nasa loob ng korte at nililitis ang kaso kong murder na isinampa laban sa akin ni Aling Iska, ang kapatid ni Tiyo Arnulfo. 

Ang mga kamay kong nakaposas ay nanginginig na naman nang magpatuloy sa pagbabangayan ang abogado kong sina Attorney Mercado at abogado ng kabilang panig na si Attorney Garcia. 

Pilit silang pinahihinto, ngunit ayaw nilang makinig sa judge, kaya naman nakisali na rin ang mga pulis at pumagitna sa kanila habang inaawat sila sa pagsasagutan.

Kumalma naman sila saglit at muling bumalik sa pwesto nila ang mga pulis sa tabi.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa korte at tinatanong ng isang abogado sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

Napagbintangan akong sumaksak sa asawa ng Tiya Gilda ko, sa kadahilanang ako ang nadatnan nilang may hawak ng kutsilyo nang mangyari ang krimen.

Kakatapos ko lang maligo noon at nakatapis lamang ako ng maliit na tuwalya nang lumabas ako mula sa banyo. Hindi ko inaasahan na nandoon pala si Tiyo Arnulfo, at tahimik na nakatayo sa may kusina na tila ba may hinihintay. 

Napatigil ako at agad kong naramdaman ang malamig na hangin at ang kakaibang kaba na gumapang sa aking dibdib nang masulyapan siya, dahil ilang beses ko na ring napapansin na kakaiba sya tumingin sa akin, pero sa tuwina ay ipinagsasawalang-bahala ko lang ito, kahit na sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

Mabuti na lamang at may lock ang pinto ng kuwarto ko, kaya naman hindi ako kailanman nangambang baka pasukin niya ako sa disoras ng gabi.

Palagi ko na lamang itinatanim sa aking isipan na tiyuhin ko sya at walang malisya ang tinging ipinupukol nya sa akin. Dahil parang anak na rin nya ako kung tutuusin.

Lalampasan ko na sana siya para pumasok sa kuwarto ko, nang bigla na lang niya akong sunggaban at paghahalikan sa leeg. “Tiyo Arnulfo! Bitawan mo ako!” nanghihilakbot na sigaw ko habang itinutulak sya palayo sa akin. “Ano ba! Bitawan mo ako! Hayup ka! Manyak!” 

“Napakabango mo talaga at napakakinis! Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito!” hayok na hayok na hinawakan nya ako sa iba’t ibang parte ng aking katawan, at pilit akong hinahalikan sa mga labi. “Sa wakas, mapapasaakin ka na din. Sigurado akong wala nang mang-iistorbo sa atin.”

“Tulong! Tulungan nyo ako!” halos mamaos na ang boses ko sa lakas ng pagsigaw ko, at pilit pa ring itinutulak ang demonyong ito palayo sa akin, pero dahil sa sobrang lakas at laki nya ay wala akong magawa. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan niyo ako! Mga kapitbahay! Tulong! Bitawan mo ako! Hayup ka!” 

Ang asawa ni Tiyo Arnulfo na si Tiya Gilda ay kasalukuyang nakaratay sa kama dahil may sakit itong kanser sa matris. Ang lumang wheelchair na lamang nito ang tanging gabay upang makalakad siya, at hindi ko inaasahan na bigla na lamang siyang lilitaw sa harap ko, dala-dala ang nangingintab at matulis na kutsilyo.

“Tiya Gilda!” bago ko pa siya mapigilan sa kanyang gagawin, nanlalaki ang mga matang pinanood ko siya habang inuundayan ng saksak ang kanyang asawa sa likod ng paulit-ulit. 

Hindi niya ito tinigilan hangga’t hindi ito bumibitaw sa akin, hanggang sa tuluyan na ngang bumagsak sa sahig ang duguan nitong katawan.

Mas nangilabot pa ako nang bigla na lamang magpatihulog si Tiya Gilda mula sa wheelchair, at akmang uundayan ulit nito ng saksak ang katawan ng asawa, ngunit mabilis kong naagaw mula sa kanya ang patalim.

“Tiya Gilda, tama na po!” umiiyak na sigaw ko habang nanginginig ang kamay kong hawak ang kutsilyo at pigil-pigil siya. “Patay na po yata ang tiyo! Napatay niyo po yata siya!”

At iyon ang nabungaran ng mga kapitbahay nang pabalibag nilang buksan ang pinto ng bahay na may kasama nang mga pulis. 

Ang akala ng lahat, ako ang pumatay sa tiyuhin ko. Hindi rin kasi makapagsalita si Tiya Gilda dahil naapektuhan ang kanyang dila nang mastroke ito noong nakaraang buwan. Medyo nakangiwi ang kanyang bibig, at hindi maintindihan ang kanyang mga sinasabi sa tuwing magsasalita sya. 

Pinipilit niyang sumigaw at itinuturo ang kanyang sarili na sya ang pumatay habang pinoposasan ako, pero walang ibang makaintindi sa kanya kung hindi ako lamang, kaya hindi siya pinapansin ng mga tao.

Umiiyak na sumama ako sa mga pulis kahit na alam kong wala akong kasalanan. Awang-awa naman ang tiyahin ko sa akin, at wala nang nagawa pa kung hindi ang panoorin ako palayo habang patuloy pa rin siya sa malakas na pag-iyak at pagsigaw.

Paano ko sasabihin ngayon sa mga pulis na hindi ako ang pumatay sa tiyuhin ko? Makakaya ba ng konsensya ko na makulong si Tiya Gilda gayong tatlong buwan na lang ang ibinigay na taning sa kanya ng mga doctor?

Sobrang hirap ng kalagayan ko ngayon. Hindi ko alam kung aamin ba ako upang pagtakpan ang kasalanan ni Tiya Gilda, o isusuplong ko na sya ang may gawa nito, at pabayaan na lang siyang makulong, at doon na lang sa kulungan hintayin ang kanyang huling hininga.

Napakawalang-puso ko naman kung iyon ang gagawin ko. Sobrang bait sa akin ng Tiya, kaya hindi ko sya magagawang ipagkanulo.

Wala akong nagawa nang dalhin ako ng mga pulis sa presinto at ikulong. Wala akong kakayahang magbayad ng isang private lawyer, kaya naman binigyan ako ng PAO ng libreng abogado, at iyon ay si Attorney Riza Mercado.

Idinemanda ako ng kapatid ni Tiyo Arnulfo na si Aling Iska, at kumuha din sila ng libreng abogado na bigay din ng PAO, na si Attorney Gideon Garcia para masigurado nilang mapagbabayaran ko ang kasalanang hindi ko naman ginawa. 

At ngayon nga ay nagpatuloy na naman sa pagbabangayan ang magkalabang abogado sa loob ng korte.

“Walang kasalanan si Miss Santos! Siguradong ang asawa ng biktima ang sumaksak sa kanya!” malakas na singhal ni Atty. Mercado kay Atty. Garcia.

“Paano mo nasabing ang asawa niya ang pumatay sa kanya, gayong stroke patient na ito!” ganting sigaw naman ni Atty. Garcia. Parang hindi na nila iginagalang ang hukom sa pagkakataong ito. “Sino ba ang nabungaran ng mga pulis na may hawak na patalim? Hindi ba’t itong kliyente mo?”

“Hindi porke’t siya ang may hawak ng patalim ay siya na agad ang pumatay sa biktima!” mariing sagot ni Atty. Mercado na ayaw magpatalo. Kapagkuway muli nitong hinarap si Judge Policarpio. “Your Honor, the wife is clearly capable of moving around the house despite her condition. The medical records show that she can maneuver a wheelchair on her own, which means she is not paralyzed as previously claimed. Therefore, it only proves one thing. She was the one who killed her husband, and not my client!”

“Objection, Your Honor! Pawang haka-haka lamang ang sinasabi ng kabilang abogado. Ang kakayahan ng asawa ng biktima na igalaw ang kanyang wheelchair ay hindi patunay na kaya niyang pumatay. Ayon sa medical report, limitado pa rin ang kanyang lakas at koordinasyon, kaya imposibleng siya ang gumawa ng krimen.”

“Objection overruled. Proceed, Counselor.” sagot ni Judge Policarpio na tinignan si Atty. Mercado para magpatuloy, pero bigla na lamang sumingit si Atty. Garcia.

“Tell me, Attorney Mercado. Why is your client can’t even defend herself? Ayaw niyang magsalita! Ayaw niyang magsabi ng totoo, which means she’s guilty! Siya ang pumatay sa biktima. Palibhasa kasi, may dugo din siyang kriminal kaya kayang-kaya niya ang pumatay!” muling sigaw nito at doon na ako parang itinulos sa aking kinauupuan.

Natulala ako sa sinabi ni Atty. Garcia. Pati ba ang parte na iyon ng aking buhay ay kinalkal na din nila?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
102 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status