Share

BOLCT-13

BOLCT-13

MARINEL

PAKIRAMDAM ko ay parang huling araw ko na rito sa mundong ito. Ang akala ko talaga kanina ay katapusan ko na. Ang bilis ng mga pangyayari kanina. Ang naalala ko lang ay nakatayo ako sa may gilid ng pool para sana mag-practice pero laking gulat ko nang may tumulak sa akin bigla. Nasakto pang tumama 'yong kaliwa kong paa sa rod ng swimming pool no'ng mahulog ako dahilan para mawalan ako sa focus ko at malunod. Ni hindi ko rin nakita kung sino man ang maaring tumulak sa akin. Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Enzo na nakatungo sa hinihigaan kong hospital bed habang hawak nito ang kaliwa kong kamay. Dahan-dahan kong iginalaw ang kaliwa kong kamay dahilan para mapakislot si Enzo at napabaling ng tingin sa akin.

"Hey? How are you feeling?" masuyo pa nitong hinaplos ang kamay ko.

"Okay na. Salamat ha," nangingilid ang mga luha kong pasasalamat sa kanya.

"Kahit sino naman sa kalagayan mo, talagang tutulong ako." Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala sa akin at
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status