CHAPTER 25
Hindi naman niya natagalan ang aking pagtitig sa kanya. Tumingin siya sa ibang direksyon at saka naglakad-lakad sa buong silid. “Ganyan na ganyan din ang tingin mo noong ikaw dapat ang babarilin ko, pero sa kasamaang palad ay ang iyong Ina ang aking natamaan” sambit ni Demetrio. Mukhang pinagmamalaki niya pa ang kanyang pagpaslang kay Ina. “Akala ko nga noong muli tayong nagkita ay makikilala mo ako kaagad, pero hindi mo ako nagawang maalala” ngumisi pa siya. Totoo, hindi ko siya nakilala noong panahong muli kaming nagkita. Kung alam ko lang ay sinaksak ko na siya sa kanyang dibdib.
“Alam kong gusto mo akong paslangin, pero mukhang mauunahan na kita” sambit niya. Dinukot niya ang kanyang maliit na baril. Rebolber kung tawagin. Itinutok niya ito sa aking ulo dahilan upang magpumiglas ako. Bigla akong nakaramdam ng takot. Nanginig ang buo kong katawan. Kung pipisilin niya ang gant
CHAPTER 26“Magandang Umaga Pedro”Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at ang kanyang napakagandang ngiti agad ang bumungad sa akin. Sadyang kahali-halina ang kanyang ganda. Mukhang kakagising niya lang din pero ang aliwalas na ng kanyang mukha. Kung ganto palagi ang bubungad sa aking umaga ay sadyang sasaya ang buong araw ko.“Samahan mo akong maglaba Pedro, nakakahiya naman kung palagi na lang natin iuutos sa alipin niyo…” sambit ni Selestina. Inaantok pa rin ako pero pinilit kong bumangon. Banig lang ang hinihigaan namin dahil wala kaming malalambot na kama at unan. Nung una ay nagalangan ako na patirahin si Selestina dito sa aming lupain. Natakot ako na baka pag nakita niya ang kalagayanan namin ay agad niya akong talikuran. Pero hindi, tinanggap niya kung ano lang ang meron kami.Muli ko tuloy natandaan ang pagbalik namin dito sa a
CHAPTER 27 Gabi na at parehas kaming nakatingin sa mga bituin at pati na rin sa buwan na hindi buo. Nasa labas lang kaming dalawa ni Selestina ng kubo habang nakaupo. Walang kaulap-ulap sa kalangitan kaya kitang-kita namin lahat ng nagniningning na mga bituin. Talagang napakaganda nila pagmasdan, lalo na at kasama ko ngayon si Selestina.“Paano pala kayo napadpad sa lugar na ‘to?” tanong ni Selestina. Hindi ako nakasagot agad dahil muli kong natandaan kung paanong bumagsak ang tatlong bulalakaw sa lupa, “Tinabas niyo ba lahat ng mga puno dito kaya kayo nagkaroon ng pagtatayuan ng mga kubo?” muling tanong ni Selestina.“May tatlong bulalakaw na bumagsak sa lupaing ito” sambit ko upang mamangha si Selestina. “Talaga? Tatlo? Nakita mo yung pagbagsak nila?” sunod-sunod na tanong ni Selestina. “Oo, kitang-kita ko kung paano bumagsak
CHAPTER 28Pagtapos kong malinis ang aking katawan ay agad akong nagpalit ng kasuotan. Talagang nawawala nga si Himal-ing. Naging manhid ba talaga ako? O sadyang hindi ko lang dama ang pagmamahal na gustong ipakita ni Himal-ing. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong nagawang kasalanan.Pagtapos makapagpalit ay hinanap ko ang pulang kuwaderno ni Selestina na puno ng mga larawan na iginuhit niya. Ngunit hindi ko makita. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng hindi ko makita sa buong bahay-kubo. Alam ko kung saan ko yun huling nailagay, at hindi yun maaaring mawala dahil ibabalik ko iyon bukas kay Selestina. Nagpaikot-ikot ako sa buong bahay pero wala talaga akong makitang pulang kwaderno. Nasaan naman kaya iyon? Hindi ko naman iyon nawala dahil ingat na ingat ko iyon.“Palan-taw” tawag sa akin ni Ama na kakarating lang sa aming bahay-kubo. “Pinahanap ko na si H
CHAPTER 29 “Tara na aking mahal, habang di pa sumisikat ang araw” nginitian ko naman siya upang mas lalo siyang pumayag. Sigurado namang kita niya iyon dahil sa liwanag ng buwan. Hindi naman siya muling nagsalita. Nabalot na naman kami ng katahimikan. Nakatingin lang ako sa kanyang marilag na mata. Ganon din siya sa akin. Naramdaman ko naman ang pagsimoy ng sariwang hangin na siyang nagbigay ng lamig sa aking katawan.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Inilabag ko naman ang aking hawak na sipat at palaso, at hinawakan ko rin siya sa kanyang bewang. Tiningnan ko pa rin siya sa kanyang mata, “Mahal na mahal kita Selestina, at gusto kong maging ligtas ka sa araw-araw… gusto kong maging espesyal ang araw na ito para sayo… gusto pa kitang makasama hanggang sa pagtanda” seryoso kong sambit sa kanya.“Pero paano yung pagpapasa ng kapangyarihan sayo
CHAPTER 30“Wala pa tayo sa tuktok ng bundok, pero kitang-kita na ang lahat dito” sambit ni Selestina. Nasa tabi kami ng umaagos na tubig na siyang bumabagsak sa talon. Nakaupo kami sa isang malaking bato habang tinitingnan ang napakagandang tanawin. Kitang-kita dito ang ilog na aming sinundan upang makarating sa lugar na ito. Napakahaba ng ilog na ito at mistulang itong ahas dahil sa kurbadang hugis nito. Puro kagubatan ang aming nakikita. May mga burol (hills) pero wala na kaming ibang nakikitang kabundukan. Sa halip ay dagat ang nasa dulo ng ilog pero napakalayo nito na halos hindi na namin makita ang mismong dagat. Nakikita na lang namin ang repleksyon ng araw at ang pagtama ng sinag nito sa dagat.Magkatabi kami ni Selestina dahil medyo malaki-laki naman ang batong aming kinauupuan. Magkahawak din ang aming kamay at nakasandal naman siya sa aking balikat. Paminsan-minsan ay hinahalikan ko siya sa kanyang noo
CHAPTER 31 Nang mas makalapit pa kami ay tuluyan naming nakita ng mas klaro ang lahat ng pangyayari. Nagliliyab na ang lahat ng bahay-kubo. Tinutupok na ito ng mga apoy. May mga dugo ring nagkalat sa lupa. Tahimik lang kaming nakatingin sa pagitan ng matataas na damo at naghihintay na lang na umatake. “Hihiwalay na ako sainyong dalawa… wag kayong mag-alala, ako ang mata niyo sa malayo” sambit ni Li Wei at mabilis na lumisan at naglaho.“Nagliliwanag ang buong paligid, pano tayong di mapapansin?” tanong ko kay Kangan. Hindi naman na siyang nagabalang sumagot. Alam kong may galit pa rin siya sakin. “At wala na akong napapansing mga sundalong Kastila na pagala-gala” muli kong sambit. Katulad ng una ay hindi na siya nag-abala pang sumagot.Ilang saglit pa ay nauna na siyang lumabas sa matataas na damong aming pinagtataguan. Agad na rin akong sumunod s
CHAPTER 32“Bakit? B-bakit mo niligtas ang buhay ko?” nanginginig kong tanong kay Selestina. Nakahiga sa aking bisig si Selestina habang patuloy na umaagos ang dugo mula sa kanyang dibdib. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Demetrio sa amin, pero hindi ko na siya pinansin. Narinig ko ang pagtutok ng kanyang baril sa aking ulo pero hindi niya ito ipinutok dahil sa mga sinabi ni Selestina sa kanya, “Hayaan mong mabuhay ang lalaking pinakamamahal ko… hayaan mong tuparin niya ang pangako niya sakin sa ibang tao.”Lumayo naman si Demetrio at ang iba pang mga sundalo. Pinatayo na nila ang iba pang mga nakaluhod at dinala paalis, palayo sa nasusunog na kapaligiran.“S-selestina… w-wag mo kong iwan, pakiusap.” Hinawakan naman ako ni Selestina sa aking pisngi at umusal, “M-mahal na mahal kita… alam ng Diyos kung g-gaano kita kamahal&hel
Muli, ito ay kwento ng lalaking pinanganak pa noong unang panahon na siyang nakatadhanang umibig sa babaeng paulit-ulit ng nabuhay sa magkakaibang siglo.Masaya ko silang tinitingnan dalawa habang papasok sa Airport. Nabalitaan ko na sila ay patungo ngayon sa Japan. Doon sila magbabakasyong dalawa. May kirot sa aking puso pero masaya ako na makita siyang masaya. These is one of the happiest moments of my life. Seeing her genuine smile, but not for mine.Nang tuluyan na silang makapasok sa Airport ay pumasok na rin ako sa aking kotse. Bigla ko na lang napansin na may luha na palang tumutulo sa aking mata. Napangiti na lang ulit ako. Unting tiis na lang matatapos na ang paghihirap na ito.Nagmaneho na ako papalayo sa Airport at naisipan kong dumiretsyo sa National Museum of Anthropology. Pagdating ko doon ay naglibot-libot ako. Sariwa pa rin talaga ang mga alaala. Nii