Share

Chapter 38

Carmella

"Pang gabi yata duty mo ngayon Mella?" tanong ni Mang Cesar pagdating nya sa Del Castillo Resort.

"Opo, malapit na rin po ako matapos Mang Cesar" Sagot nya at agad na syang nagpaalam sa matanda. Naglakad na sya papasok sa loob at agad napansin ang kotse ni Aiden sa parking lot.

"Bakit andito pa sya? sana huwag muna kame magkita" bulong nya dahil hindi pa sya handang makita si Shawn matapos ng mga nangyari sa kanila.

"Hi Mella" Bati ni Liza na kinagulat nya dahil nakangiti pa ito ngayon sa kanya. Bumuntong hininga lang sya at nagtuloy na sa pagpasok para mag in.

"Birthday ko nga pala, baka gusto mo pumunta mamaya" Yaya ni Liza na lalong pinagtaka nya dahil hindi sila magkaibigan isa pa galit ito sa kanya dahil kay Aiden.

"Salamat nalang pero-"

"Mella" Nakangiting sabi nito sabay hawak sa kamay nya

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status