Nanatili syang walang kibo at nakatingin lang sa mga mata ni Aiden na puno ng galit. Paanong nangyari ganoon kadali syang nakilala ni Aiden,limang taon na ang lumipas at napaka bata pa nya ng mangyari yon, ngayon sa pagkikita nila kaagad sya nitong nakilala kung paano nya ito kaagad nakilala ganoon din ba ito sa kanya, ibig bang sabihin ganoon ito kagalit sa buong pamilya nya at hindi nito nakalimutan ang itchura nila sa paglipas ng mga taon.
"Ano bang ibig mong sabihin?" Nakuha nyang itanong sa kabila ng kaba at takot.
"You know exactly, Carmella don't fool me! Mariing sagot nito at pinaglandas nito ang mga mata sa mukha nya, pababa sa leeg at sa puting t-shirt na suot nya at sya mismo kitang-kita nya ang pag taas baba ng mga dibdib sa kabang nararamdaman nya at tila humahaplos ang mga yon sa basang t-shirt ni Aiden.
"Andito ako para.. para sa pag-aaral ko at-"
"Bakit sa Del Castillo? Anong binabalak mo? Inakala mo bang wala parin ako dito, kaya nag lakas loob kang pumasok sa pag mamay-ari ko!" May pag aakusang sabi nito. Sinubukan nyang itulak ang isang kamay nito na nakaharang sa kanya, dahil hindi nya gusto ang nararamdaman sa sobrang lapit ni Aiden sa kanya. Pero walang laban ang lakas nya sa lakas nito.
"Binabalak mo bang ipagpatuloy ang hindi natapos ng kapatid mo gamit ang maamo mong mukha!" Akusa parin nito na kinagulat nya at nanlalaking mga mata napatitig sya sa mga mata nitong puno ng galit at poot.
"Wala akong intensyong masama, andito lang ako para-"
"Hindi ito ang unang beses na nakita kita dito sa Del Castillo. pinagpaplanuan nyo nanaman ba ang pamilya ko?"
"Sabi ng hindi!" Galit na hiyaw nya at buong lakas na tinulak ito at nagawa naman nyang mailayo ito sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin Carmella, alam mo sa sarili mo hindi ka dapat pumasok rito, dahil siguradong pagsisimulan nanaman ng gulo ang pagtungtong mo sa Del Castillo"
"Hindi ko maintindihan ang siansabi mo" naguguluhang sabi nya rito.
"Umalis ka rito sa Del Castillo Resort bago pa ako maka gawa ng bagay na sigurado akong hindi mo magugustuhan"
"Walang akong ginagawang masama andito ako para sa OJT ko, at hindi ako aalis dito dahil lang sinabi mo, hindi ako natatakot sa iyo dahil wala akong ginagawang masama" nakuha nyang sabihin sa kabila ng takot nya rito.
"Huwag mong ipilit ang bagay na ayaw ko Carmella, alam mo kung paano ako magalit, saksi ka sa ginawa ko noon sa pamilya mo, baka magulat ka magawa ko muli ang bagay na yon pag hindi ka kusang umalis ng Resort ko!" May banta sa tono ito at hinila sya sa braso sabay tulak nito sa kanya sa dingding, hindi pa man sya nakakabawi marahas naman nitong hinawakan ang mukha nya na kayang-kayang ng malapad na kamay nito na ikuyom sa palad nito ang buong mukha nya. Napangiwi sya dahil nasasaktan ang pisngi nya sa mahigpit na pagkakahawak nito, ramdam nya ang mga daliri nitong bumabahon sa pisngi nya.
"Get out of here Carmella, huwag na huwag kang nang tutungtong sa pang mamay-ari ko! kayo ng pamilya mo! marahil hindi ka nakilala ng tumanggap sa iyo rito kaya ka nakapasok sa Resort, pero andito ako para pigilan ang ano nanamang binabalak ng pamilya mo sa pamilya ko" mariing banta nito na pakiramdam nya naririnig nyang nagbabasagan ang mga ngipin nito sa galit.
"Wa... la.. akong... ano-"
"Shut up! You slut!" Nandidiring mariing sabi nito sa mukha nya sabay bitaw sa mahigpit na pagkakahawak sa mukha nya. Nanghihina syang napalugmok sa sahig tiningala nya ito at masamang tingin ang pinukol nya rito, nagkasukatan sila ng tingin.
"Hindi ako aalis rito, tatapusin ko ang isang buwan ko rito, at hindi mo ko mapipigilan, dahil lang sa maling iniisip mo!" Matapang na sagot nya. Nakita nyang kumunot ang noo nito.
"Matapang ka na ngayon, bakit kaya na ba ng tulad mo ang isang Del Castillo tulad ko?" Mayabang na sabi nito.
"Matapang ako dahil wala akong ginagawang masama!"
"Marahil wala pa sa ngayon, but soon, I know kikilos ka ba tulad ng mga kapatid mo! Pero hindi ko hahayaang gawin mo dito sa loob ng solar ko!"
"Ano bang kinatatakot mo? Hindi ba't ikaw na mismo ang nagsabi hindi ko kakayanin ang isang tulad mo!" Taas noong tanong nya.
"Ayoko lang na madungisan ang Resort na ito ng isang maruming tulad mo!" Sagot nito. Napangiwi sya pero hindi nalang sya nagpahalata. Alam naman nya kung gaano kababaw ang tingin nito sa kanya, sa pamilya nya.
"Ikaw ang mga kapatid mo ang salot sa bayan na ito, ang syang sumisira sa reputansyon ng San Miguel, kung hindi lang ako pina alis ni Papa noon sigurado akong matagal na kayong wala sa bayan na ito at kahit kailan hindi na makakabalik pa!"
"Ganoon ba kasama ang tingin mo sa akin at sa pamilya ko?"
"Oo! Dahil ginagamit nyo ang mga maamo nyong mukha para sumira ng magandang pamilya, pinapagamit nyo ang mga katawan nyo para kumita ng pera! Ang mga tulad nyo ay hindi kailaman nababagay sa Bayan na ito!" Sigaw na paliwanag nito.
"Kung may nagawa man kami noon, nagsisisi na kame at-"
"Come on Carmella! Alam ko na magpa hanggang ngayon ay yan parin ang kinabubuhay nyong mag-anak. Ikaw paano ka nakapag aral sa SMU? Alam mo ba kung kanino pamilya inagaw ng mga kapatid mo ang ipinambabayad mo sa eskwela? Ang mga damit mo, alam mo ba kung kaninong pamilya ninakaw ng mga kapatid mo ang ipinanbibili mo nyan!" Litanya nito na kinagulat nya dahil tila alam na alam nito kung ano ang nangyayari sa buhay nila at nais nyang ipangtanggol ang pamilya pero ano bang maidadahilan nya lahat naman ng sinabi nito totoo.
"Ngayon Carmella sabihin mo sa akin na nagsisisi na ang pamilya mo!" Tuya nito. Napakagat labi sya at nagyuko ng ulo. Hindi alam kung ano ang sasabihin, alam naman nyang ganoon parin ang nangyayari sa pamilya nila at yun ang tila kinabubuhay nilang mag-anak.
"Umalis ka sa Del Castillo Carmela, bago pa kita kaladkarin palabas ng gate tulad ng ginawa ko sa inyo noon"
"Wow" Anas nya ng makita kung gaano kaganda ang ayos ng Del Castillo Resorts para sa kasal nila ni Aiden. Ang mga kapatid ni Aiden ang nag-asikaso sa pag-aayos ng venue, at ang Mama naman ni Aiden ang nag-ayos para sa reception. At ang Papa naman ni Aiden ang nakiusap sa pari para sa kanila. At sila ni Aiden wala namang ibang ginawa kundi i advance ang honeymoon nila sa bahay ng mga Del Castillo."Nagustuhan mo ba Ate Mella?" tanong ng bunsong kapatid ni Aiden."Oo naman" naiiyak na sabi nya, dahil pakiramdam nya nasa cloudnine sya. Nakakaiyak dahil lahat ng pinapangarap nya ay nakuha na nya. Unang-una si Aiden ang asawa nya at ang magiging anak nila, bonus nalang sa kanya ang mga materyal na bagay at kung ano mang meron si Aiden."Mella, hija halika na mag bihis kana" tawag ni Mrs. Del Castillo sa kanya. Agad nyang pinahid ang mga luhang nais pumatak. At ngumiti sa Mama ni Aiden na magiliw na nakangiti sa kanya."Tara na ate Mella" magiliw na yaya
Pagdating nila sa silid ni Aiden, agad syang humanga sa laki at ganda ng silid nito, tila buong bahay nila ang lawak non. Isama pa na kumpleto sa kagamitan ang silid. Alam nyang may kaya talaga ang mga Del Castillo."Welcome to my room Carmella" turing nito at niyakap sya mula sa likod. Ngumiti sya at hinawakan ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya. Naramdaman nya ang init ng hininga nito sa batok. Nakaramdam syang ng kakaibang init. Aaminin nyang na miss nya si Aiden, dahil mula kaninang pagdating nila ng San Miguel ay hindi pa sila nito nagkaroon ng pagkakataon na silang dalawa lang."I love you Aiden" bulong nya, at umikot paharap sa asawa. Oo asawa na nya si Aiden mag-asawa na sila nito at muli silang ikakasal sa susunod na linggo, at magiging Aiden Del Castillo sya sa ikalawang pagkakataon."I love you more Carmella" he whispered and kissed her passionately, she respond seducing her husband. Of course dapat lang na may mangyari sa kanila ni Aiden sa l
"Huwag mo ba kaming intindihin Mella, masaya naman na kami" Sabi ng Nanay nya ng pasyalan ang mga ito. Kasama nya si Aiden na pumunta sa inuupahang bahay nila."Pero Nay, gusto ko po sanang andoon kayo sa kasal ko" pakiusap nya sa ina. Nasabi nya sa ina na ikakasal na sila ni Aiden. At tanggap na sya ng pamilya Del Castillo."Carmella, nakakahiya naman sa pamilya ni Aiden" bulong ng nanay nya at sinulyapan nito si Aiden, na tahimik na nakaupo sa tabi nya. Alam nyang nahihiya ang Nanay nya sa mga Del Castillo, dahil na rin sa pagiging kasangkapan ng Ate Grace nya sa naging relasyon ni Mr. Del Castillo kay Mrs. Alvarez."Nay, napag-usapan na po namin yan ni Aiden" sagot nya at sinulyapan si Aiden. Tumango ito at hinawakan sya sa kamay.Matapos nilang makausap ang mga magulang ni Aiden kanina, kaagad nya itong niyayang pumunta sa kanila para ibalita sa pamilya nya ang napakagandang balita."Sa totoo nyan Mella, aalis na kami ng mga kapatid mo di
Kinabukasan nagbalik sila ng San Miguel, haharapin na nila ang mga magulang ni Aiden pati na buong San Miguel."Are you ok?" tanong ni Aiden, habang nagmamaneho."Yeah" tipid na sagot nya, at ngumiti."Just relax Carmella" sabi nito, sabay hawak sa kamay nya."I love you, always remember that""I know, and I love you too Aiden" nakangiting sagot nya, at kahit papano nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman.Pagpasok sa loob ng bahay ng mga Del Castillo ay mahigpit ang hawak nya kay Aiden. Natatakot syang galit ng mga magulang ni Adien ang sasalubong sa kanila, lalo na ngayon kasal na si Aiden sa kanya. Siguradong alam na ng mga magulang ni Aiden ang kasal nila kaya sila pinabalik ng San Miguel. May tiwala sya kay Aiden at alam nyang hindi sya bibiguhin nito lalo na't magkakaanak na sila."Sina Papa't Mama?" tanong ni Aiden sa may edad na sumalubong sa kanila sa pinto."Nasa komedor na po Sir" sagot ng may edad na babae. Naglakad na
Kinabukasan nauna syang nagising kay Aiden. nakadapa ang hubad nitong katawan na tanging pang-ibaba lang ang natatakpan at masasabi nyang ang asawa nya ang may pinakamagandang katawan. Pinagmasdan nya ang mahimbing na natutulog na asawa na may gwapong mukha, dahan-dahan nyanh hinaplos ang mukha ng asawa na lalong nagkadagdag sa kgwapuhan at appeal nito ang magaspang na balbas na tumutubo, dati hindi sya na aatrak sa mga lalaking may balbas o bigote, pero nang dahil kay Aiden ay nagbago ang pananaw nya, kung sa bagay wala namang ibang lalaking pumukaw sa atensyon nya si Aiden lang. mula noon hanggang ngayon si Aiden lang ang lalake sa puso nya at asawa na nya ngayon ang lalaking dating pangarap lang nya."I love you Aiden" bulong nya sa asawa at maingat na hinalikan sa pisngi, ayaw muna nyang magising ito para naman makapag pahinga ang asawa alam nyang tulad nya pagod din si Aiden lalo na kagabi hindi na nya matandaan kung ilang beses ba syanh inangkin ng as
Sa malaking simbahan ng San Miguel sila nagtungo ni Aiden, buo na ang desisyon nilang magpakasal kahit tutol ang mga magulang ni Aiden, wala ng makakapaghiwalay sa kanila ni Aiden, mabubuo na ang pamilya nila."I can't believe na sa ganitong kasalan mo ko i-invite" biro ni Harvey ng makapasok na sila sa loob ng simbahan. Tinawagan ito ni Aiden at sinabing kailangan nito ang tulong kaya naman dali-dali itong nagpunta sa simbahan. Gabi na at sarado na ang simbahan pero ang mga pari ay tila mga Doctor yan gising yan para sa serbisyo. Marahil nagpapahinga na ang Pari kaya ginising muna ito, dahil medyo kanina pa sila naghihintay sa loob ng simbahan."Don't worry Harvey sa big wedding namin babawi kame" sagot ni Aiden at hinawakan sya sa kamay at ngumiti sa kanya, ngumiti sya kay Aiden alam nyang kayang ibigay ni Aiden ang bonggang kasal tulad ng mga kilalang kinasal sa simbahan ng San Miguel, pero hindi yon ang mahalaga sa kanya, ang mahalaga magkasama sila at masaya