Share

Kabanata 0006

Author: Nancy Ginger
last update Last Updated: 2025-03-13 11:47:56
“Hindi ako nakikipaglaro sa ‘yo, Maximo. Dalawang taon akong nagtiis sa isang walang kwentang pagsasama at sawa na ako.”

Namanhid na ang puso ni Luciana nang sabihin niya ang mga salitang ito sa asawa.

Pitong daan na mga araw at gabi siyang umaasa pero nauwi lamang sa pagkawasak ng kanyang puso ang lahat. Hindi niya na kaya ang buhay niya ngayon.

“Baka nakakalimutan mo na si Javier Mendoza ang nagdala sa ‘yo sa kama ko, dalawang taon ang nakalipas?” ani Maximo sa malamig niyang tono at madilim na mga mata. “Ginawa niya ang lahat para lang pwersahin ako na magpakasal sa ‘yo at ngayon sinasabi mo sa ‘kin na gusto mong makipaghiwalay? Nahihibang ka na ba, Luciana?”

Dalawang taon na ang nakalipas, si Javier Mendoza ang nagplano ng pagpapakasal ni Luciana kay Maximo. Noong panahon na ‘yon, ang kumpanya ni Javier ay may malaking problema.

Inaasahan niya na ang legal na parusa para sa kanya at dahil sa takot na saktan ng mga kalaban ang anak, pinagplanohan niya ang paglalagay kay Luciana sa kama ni Maximo. Binulungan pa niya ang mga reporters at pati na rin ang pamilya Guevarra na siyang dahilan upang mapilitan si Maximo na pakasalan si Luciana.

Gamit ang alam ni Javier tungkol sa kumpanya ng mga Guevarra, pinagbantaan niya si Maximo na kapag hindi nito pinoprotektahan ang anak ay isisiwalat niya ang mga sikretong nalalaman niya.

Kaya, ang kasal na ito ay isa lamang patibong na siyang ikinagalit nang lubos ni Maximo at noong gabi ng kasal nila, pinagbantaan niya si Luciana.

“Isa ka lang pain na binigay sa akin ng ama mo, Luciana. Simula sa araw na ito, mananatili ka sa tabi ko para pagbayaran ang mga kasalanan ng ama mo kaya lahat ng utos ko ay susundin mo at wala kang karapatan na magreklamo!”

Noong panahon na ‘yon ay nasa edad dalawampu pa siya at nasa pangalawang taon sa kolehiyo sa isang unibersidad. Sa takot niya, napatango na lamang siya habang puno ng luha ang kanyang mga mata.

“N-Naiintindihan ko, Hubby…” sambit niya kay Maximo.

“Pwede ba tigilan mo na ang pagtawag sa ‘kin ng Hubby!?” singhal namang sabi ni Maximo.

“Pasensya na at tatandaan ko ito,” sagot ni Luciana sa kanya.

Napuno ng kalungkutan ang mga mata ni Luciana nang bumalik sa kanyang isipan ang mga nangyari noon. Wala siyang galit na naramdaman para sa kanyang ama dahil alam niyang ginawa lamang nito ang bagay na ‘yon para protektahan siya.

Ngayon, dalawang taon na ang nakalipas. Nasa loob pa rin ng bilangguan ang kanyang ama pero makakalaya na ito sa loob ng ilang taon.

“Alam ko naman na ayaw mo akong pakasalan noon at ikinagalit mo ‘yon kaya ngayon ay pinapalaya na kita,” ani Luciana sa kanyang mahinahong tono.

Kahit pa man na galit siya sa panlolokong ginawa ni Maximo sa kanya pero nagpapasalamat pa rin siya sa dalawang taon na proteksyong binigay nito para sa kanya.

Nanatili namang blanko ang ekspresyon ni Maximo at ang hirap basahin ng kanyang iniisip.

“Sa tingin mo ba ay kaya ka suportahan ng boutique mo pagkatapos ng paghihiwalayan natin, Luciana?” nakangising tanong ni Maximo sa kanya.

Pinatayo ni Luciana at Danica ang boutique nang magkasama. Sa ngayon, hindi pa masyadong kumikita ang boutique sapagkat bago pa lamang ito.

“Walang negosyo ang kumikita ng malaking pera sa una pa lang at alam ko na hindi ako kumikita ng malaki pero pagbubutihan ko. Nakapagtapos ako ng pag-aaral at matanda na rin ako. Hindi ko na kailangan ang proteksyon mo, Maximo,” sambit ni Luciana sa kanyang asawa.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Maximo nang marinig ang sinabi sa kanya ni Luciana.

“Gano’n na lang ‘yon? Pagkatapos mo akong gamitin ay iiwan mo na ako? Akala mo ba ay ganoon na lang kadali ang lahat? Noong panahon na kailangan ako ng pamilya mo, pinilit kang ipinakasal sa ‘kin at ngayong ayaw mo na, gusto mo na makipaghiwalay sa ‘kin?” mahabang sambit ni Maximo sa kanya.

“Inaanim ko na mali ang ginawa ng ama ko pero marami rin akong ginawa sa loob ng dalawang taon. Sinunod ko lahat ng mga sinabi mo at kailanman ay hindi kita sinuway. At isa pa, hindi ba gusto mo ng kalayaan? Buntis ang babae mo, hindi ba? Ayaw mo ba na ibigay sa kanya at sa bata ang karapatan nila sa buhay mo?”

Hindi na rin napigilan ni Luciana ang sabihin ito kay Maximo ngunit agad ring sumagot ang asawa sa kanya.

“Wala kang pakialam sa personal kong problema,” malamig na tugon ni Maximo.

Natahimik naman si Luciana dahil sa sinabi ni Maximo. Inaamin ni Luciana sa sarili niya na tama ang asawa. Wala siyang karapatan na itanong ang tungkol sa kanyang relasyon.

Walang kahit na anong salita, tumalikod si Luciana at naglakad paalis ng kwarto. Nandilim naman ang reaksyon ni Maximo nang hablutin niya si Luciana. Hinila niya ito pabalik at agad na itinulak sa kama.

Ang kamay naman ni Maximo ay nasa magkabilang gilid ng ulo niya habang tinititigan siya nang masama.

“A-Ano ang ginagawa mo?” nauutal na tanong ni Luciana sa takot niya kay Maximo.

“Hindi ba sinabi mo sa ‘kin na mahal mo ako?” ani Maximo, at bakas ang galit pa rin sa boses nito nang magpatuloy, “Halos araw-araw ay sinasabi mo sa ‘kin ang nararamdaman mo. Hahayaan mo na lang ba ako na may kasamang iba? Hindi ka ba masasaktan, Luciana?”

Ibinaling ni Luciana ang kanyang mukha sa ibang direksyon at mahinahong sinagot si Maximo.

“Hindi na.”

Kahit masakit para sa kanya, kailangan niyang magdesisyon na hindi na ito mahalin kahit kailan.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lanie Pedroso
same sla ng story ng binasa ko mga pangalan lang nila nag kaiba...
goodnovel comment avatar
josephsabas94
PALABAN SI Luciana woohhh Sana may update lagi dito
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0100

    Napailing na lamang si Luciana sa dalawa at bahagyang napangiti. Kahit ang kanilang dalawang assistant ay hindi napigilang mapahanga sa presensya na dala ni Adrian Hidalgo.“Hindi pa siya dumating,” sagot niya sa mga ito at kumalma naman ang dalawa.Samantala, nagsimula nang umorder ng pagkain ang grupo ng mga tao sa loob. Si Luciana naman ay agad na nagpadala ng text message kay Adrian.Luciana:Pinapauna ko nang umorder ang mga staff ko.Mabilis naman na sumagot si Adrian sa kanyang text message.Adrian:Sige, kumain lang kayo diyan. Katatapos ko lang sa isang interview at papunta na ako.Pagkatapos mabasa iyon, agad na ibinaba ni Luciana ang kanyang cellphone saka tumingin sa iba niyang kasama.“Papunta na raw si Mr. Hidalgo. Kumain na muna tayo,” sabi niya sa mga ito.Sakto namang dumating ang waiter dala ang mga pagkain, kasama ang isang bote ng mamahaling alak.Nagtaka naman si Luciana at napatingin doon nang maigi.“Hindi ko inorder 'yang bote na 'yan,” paliwanag niy

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0099

    Pagdating ng alas siyete y media ng gabi, nakarating na si Luciana sa Rustica Restaurant, at ang kanyang puso ay kalmado lamang. Ilang sandali lang, dumating na rin si Danica at huminto sa tabi niya. Nagkita ang dalawa sa labas ng restaurant.Pagkababa ni Danica ng sasakyan, agad niyang hinawakan ang kamay ni Luciana, at ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala. “Nakipaghiwalay ka na ba kay Maximo nang tuluyan ngayong araw?” tanong ng babae sa malumanay nitong tono.“Oo, nag-apply na kami ng diborsyo kanina pero hindi pa matatapos ang certificate namin hanggang ngayong buwan,” nakangiting sagot ni Luciana sa tanong ng kaibigan, ngunit pilit lamang iyon para hindi ito mag-alala.Pinagmasdan siya ni Danica at may bahid ng pag-aalala sa mga mata nito. Alam niyang nag-aalala ang kaibigan sa kanyang sitwasyon ngayon.“Malungkot ka ba, Lucy?” tanong ni Danica sa kanya kaya natigilan siya ng ilang sandali. Ngunit, mabilis namang iniling ni Luciana ang ulo, habang hindi nawawala ang ngi

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0098

    Inaanim ni Alvin na noong una, gusto lang niyang takutin si Luciana, ngunit ngayon, nagbago bigla ang sitwasyon. Pinagplanuhan rin niya ito laban kay Maximo at kung kaya niyang gamitin ang banta laban kay Luciana, siguradong gagawin din iyon ng babae sa kanya.“Ginawa ko lahat nang ito para matulungan si Maximo na tanggalin ka sa buhay niya dahil isa kang tusong babae,” sambit ni Alvin kay Luciana.“Ginagawa mo ba talaga ito para sa kanya o para sa sarili mo? Alam ko na alam mo ang totoo. Gusto mong tulungan si Liezel na agawin si Maximo mula sa 'kin pero nagpapanggap kang para ito kay Maximo. Tinanong mo ba siya kung kailangan ba niya itong ginawa mo? Pumayag ba si Maximo, o inaprubahan ang mga ginawa mo?” seryosong tanong ni Luciana sa kanya habang nakatingin nang diresto at hindi kumukurap.Natigilan si Alvin sa sinabi ni Luciana sa kanya at ilang sandaling nanahimik, ngunit mabilis naman siyang nakabawi.“Hindi ka ba natatakot na sasabihin ko kay Maximo ang tungkol sa kasunduan

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0097

    Natigilan naman ang lahat dahil sa biglang tugon ni Luciana. Napalingon pa si Liezel kay Maximo, ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha nito. Hindi niya rin mabasa kung ano ang iniisip ng lalaki dahil sa blankong ekspresyon na ipinapakita niya ngayon.“Alvin, kailan pa kayo naging malapit ni Luciana?” takang tanong ni Liezel na may bahid ng pagtataka sa boses nito.“Kailan lang kami naging malapit sa isa't-isa,” sagot naman ni Alvin nang walang kahirap-hirap, at agad na nakabawi mula sa pagkabigla. Hindi niya inasahan na sasabay si Luciana sa kanyang palabas. Isa iyong kaaya-ayang sorpresa para sa kanya. Agad namang lumapit si Alvin kay Luciana at walang pakundangang iniakbay ang braso nito sa balikat niya. “Tara na. Ihahatid na kita pauwi,” mahinahong usal ni Alvin na para bang inosente. Samantala, tinapunan naman siya ni Luciana ng isang makahulugang tingin, at bakas ang inis sa mukha nito. Si Maximo naman ay mas lalong nandilim ang mukha at para bang isang matulis na bag

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0096

    Nakatayo sa tabi ni Maximo si Luciana ngayon. Ngunit, ni isa sa kanila ay walang nagsalita. Kapwa magandang babae at gwapong lalaki, ngunit napakailap ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa na halos sobrang awkward na.Pagkalipas ng ilang sandali, sila na ang tinawag. Agad silang lumapit at naupo sa mga itinalagang upuan.Tinanong sila ng staff na humahawak ng proseso ng tungkol sa paghihiwalay.“Nandito po ba kayo upang maghain ng diborsyo?”“Oo,” sagot ni Luciana habang inilalabas ang kanyang identification card.Tiningnan sila ng staff—una ang lalaki, pagkatapos ang babae. “Ang ganda ninyong tignan na magkasama. Isang gwapong lalaki, at isang magandang babae. Bakit kayo maghihiwalay?” takang tanong ng staff.Walang duda na sila ang pinakamagandang mag-asawa sa lahat ng naroon sa opisinang iyon.“Hindi kami pareho ng nararamdaman,” kalmadong sagot ni Luciana sa nagtanong na staff. “May dala ba kayong kasunduan ng inyong paghihiwalay?” tanong ulit ng staff.“Meron,” sagot

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0095

    “Hindi mo na 'yon trabaho pa.” Malamig ang boses ni Maximo habang nakatingin kay Luciana nang sabihin ang mga salitang ito.Saglit na natigilan si Luciana, saka kinuha ang kurbata at maingat na iniikot ito sa leeg ng lalaki. Sanay na sanay na siya sa pagtatali nito dahil ito naman palagi ang kanyang ginagawa kahit noon pa.May Liezel na si Maximo ngayon at naisip ni Luciana na hindi na kailangan ng pag-aalaga niya ang lalaki. At sa pagiging maayos at elegante ni Liezel, siguradong marunong rin itong maglagay ng kurbata.Matapos itali ang kurbata, kinuha na ni Luciana ang pin at ikinabit ito sa kuwelyo ng lalaki. Sa suot na suit, lalong tumingkad ang kagwapuhan ni Maximo—may malamig at mailap na awra na para bang kay hirap nitong maabot.“Ayan, tapos na,” nakangiting sabi ni Luciana at bahagyang bumilog ang mga mata niya sa tuwa. Maglalakad na sana siya palayo, ngunit bago pa 'yan mangyari, agad siyang hinila ni Maximo sa baywang at inilapit sa kanya.Dahil diyan, biglang nagtagp

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status