CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back

CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back

last updateLast Updated : 2025-05-06
By:  Nancy GingerOngoing
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
10
7 ratings. 7 reviews
100Chapters
15.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

“Maximo Guevarra, maghiwalay na tayo,” malamig niyang sabi sa asawa. “At sino naman ang nagbigay sa 'yo ng karapatan na sabihin 'yan, Mrs. Luciana Mendoza-Guevarra? Tandaan mo, akin ka at walang ibang aangkin sa 'yo kaya hindi ako papayag!” **** Si Luciana Mendoza ay dalawang taon ng kasal sa CEO na si Maximo Guevarra. Halos dalawang taon din siyang nagtiis sa malamig nitong pakikitungo sa kanya at paulit-ulit na pinapamukhang pinakasalan lamang siya dahil wala na itong ibang magagawa. Ngunit, hindi iyon nagpatinag sa kanya at pilit na kinukuha ang puso ng asawa hanggang sa napagod na siya lalo na nang magbalik ang dating minahal nito at nagdadalantao sa kanilang anak. Hangad na niyang makipaghiwalay ngunit, nang wakasan na niya ang kanilang relasyon ay bigla naman siyang pinigilan ni Maximo. Laking gulat na lamang niya na biglang nagbago ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Hindi na ito ang dating walang pakialam at ngayon, siya naman ang hinabol-habol nito pagkatapos niya itong sukuan at nang paligiran siya ng maraming lalaki matapos siyang sumikat sa kanyang mga disenyo. Sa pamamagitan ng pagkuha ni Maximo sa kanyang malamig na puso, at walang tigil na pagsuyo, magagawa kaya ni Luciana na magtiwalang muli? O sapat na sa kanya ang dalawang taon na sugat na natamo niya sa mga kamay nito…

View More

Chapter 1

Kabanata 0001

“Nakarating na po ang senyorito, Madam Luciana.”

Nagliwanag ang kaninang blankong ekspresyon ni Luciana nang marinig ang sinabi sa kanya ng katulong. Agad niyang inilatag sa ibabaw ng mesa ang papel na hawak at mabilis na nagpunta sa bintana upang tingnan ang labas.

Gamit ang isang kamay, mabilis na hinawi ni Luciana ang kurtina at agad na nakita ang isang kulay asul na Lamborghini na papasok sa driveway ng mansyon.

Hindi niya maalis ang kanyang tingin sa sasakyan hanggang sa huminto ito. Sa loob, may isang nakaupo na lalaki na may matatalim na mga mata at nakakaakit na mukha ang kanyang nakita. Tila bawat galaw na ginawa ng lalaki ay nagpapakita ng isang malakas na dating nito.

At ang lalaking ‘yon ay walang iba kung hindi ang kanyang asawa. Nang mapagtanto ni Luciana iyon, mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. Biglang nanumbalik sa kanyang isipan ang kadalasang nangyayari sa pag-uwi ng asawa niya at dahil diyan, ramdam niya ang pamumula ng pisngi.

Bawat halik na ginagawa ng asawa ay nagtataglay iyon ng pagnanasa at minsan nagtatagal ng ilang minuto kaya nagdulot iyon ng kaba sa kanya.

Nanatiling nakatayo sa may bintana si Luciana nang ilang minuto hanggang sa narinig na lamang niya ang pagbukas ng pinto kaya napalingon siya roon. Isang nakabihis na lalaki ang biglang pumasok sa loob ng kwarto na nagpangiti kay Luciana.

“Hubby,” ani Luciana sa kanyang asawa.

“Lumapit ka,” utos ni Maximo habang ang kanyang matataas na mga daliri ay inabot ang suot na kurbata saka ito niluwagan mula sa pagkakatali.

Nahihiya man sa asawa, masunurin naman na lumapit si Luciana sa kanya. Agad na hinila ni Maximo ang asawa palapit sa kanya at mabilis itong sinunggaban ng halik.

Sinubukan ni Luciana na makawala sa asawa ngunit ilang sandali lang ay tuluyan na siyang bumigay. Makalipas ang ilang minuto, natagpuan na lamang niya ang sarili na buhat-buhat ni Maximo patungo sa direksyon ng kama habang unti-unti siyang nilulunod ng matinding pagmamahal para sa lalaki.

Sa kabila ng pagpipigil at pagiging pino ni Maximo, wala siyang alinlangan na nagpakita ng kasidhian sa ganitong sandali. Hindi niya hinayaang makawala si Luciana at binitawan lamang ito nang mapuno ng luha ang kanyang mga mata.

Samantala, pinili na lamang ni Luciana na ipikit ang kanyang mata at tiniis ang tindi na dala ng asawa at kahit pa man na mas mailap at mas mapusok ang gabing ito kumpara sa dati.

Nang tuluyan siyang mapasigaw sa sakit, tumigil na sa ginagawa si Maximo, at itinapon ang kumot bago ito naglakad patungo sa banyo. Narinig na lamang ni Luciana ang tunog ng umaagos na tubig ay tila ba umalingawngaw iyon sa loob ng kwarto habang siya naman ay lupaypay na nakatihaya pa rin sa kama. Pakiramdam niya ay tila parang gusto ng maghiwa-hiwalay ang kanyang buong katawan.

Dalawang taon na ang nakalipas simula noong pinakasalan niya ang asawa. Ang kanilang pagkakaisa ay hindi dahil sa pagmamahalan kung hindi ay isa itong resulta sa pagpupumilit ng ama ni Luciana.

Si Maximo Guevarra sa simula ay walang pakialam sa babae ngunit buong puso naman na nahulog si Luciana Mendoza sa kanya. Sa pamamagitan ng pagtatiyaga at kabutihan ni Luciana, unti-unti niyang napapalambot ang matigas na puso ni Maximo.

Ang nangyari ngayong gabi na ito ay labis na nagbigay ng tuwa kay Luciana. Alam niya na isang itong magandang senyales na ang kanilang pagsasama ay nasa tamang direksyon. Hindi niya maiwasang mag-isip tungkol sa kanilang kinabukasan kung saan magkakaroon sila ng anak, at magiging isang masayang pamilya silang tatlo.

Ngunit bigla na lamang naputol ang pag-iisip ni Luciana nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo. Lumabas mula roon si Maximo habang ang kanyang baywang ay nakatapis na ng tuwalya, at may tumutulong tubig mula sa kanyang basang buhok.

Tila hindi mabasa ang ekspresyon nito, at ang kanyang mga mata ay parang nababalot ng dilim.

Ang kanyang kamay ay may hawak na isang pregnancy test kung saan nakuha niya sa loob ng banyo.

“Buntis ka ba?” malamig na tanong niya kay Luciana.

Nang marinig ang tanong ni Maximo, agad na umayos ng upo si Luciana dahil sa takot. Ang kaninang masaya niyang ekspresyon ay dahan-dahan na naglaho.

“H-Hindi ko pa a-alam,” nauutal niyang sagot sa asawa at nagpatuloy, “Kabibili ko lang niyan kaninang u-umaga.”

“At bakit ka naman bibili nito?” tanong pa ulit ni Maximo sa kanya.

“N-Nakaramdam ako ng pagsusuka kamakailan at hindi ako makakain ng maayos,” paliwanag niya, habang ang mga inosenteng mata ay nakatitig pa rin kay Maximo. “A-At isa pa, sinabi mo sa ‘kin na kapag may mapansin akong anumang senyales ng pagbubuntis ay agad akong mag-test.”

“Sige, subukan mo na,” ani Maximo sa nag-uutos na boses, at ang kanyang reaksyon ay sobrang seryoso.

“H-Hintayin ko muna na matapos ka sa pagligo,” tugon ni Luciana na tila nagdadalawang-isip pa.

“Ngayon na.”

Agad naman na sumagot si Maximo na tila walang planong makipag-negosasyon sa kanya ng matagal. Hindi na nagsayang ng oras si Luciana at sinunod ang utos nito. Sakto rin naman na gagamit siya ng banyo kaya doon niya na gagawin ang test.

Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na si Luciana mula sa banyo habang hawak-hawak ang pregnancy test sa kanyang kamay. Si Maximo naman ay nakaupo na ngayon sa couch na nakatingin sa kanya at tila hindi mabasa ang ekspresyon nito.

“Ano na?” tanong nito at ang kanyang malalim na boses ay bumasag sa katahimikan ng kwarto.

Napatungo si Luciana sa kanyang ulo at bakas ang pagkabigo sa kanyang boses nang sabihing, “Isang guhit lang, Hubby.”

Hindi siya buntis, at iyon ang malinaw. Samantala, wala namang pagbabago sa ekspresyon ni Maximo, at hindi malinaw kung na-disappoint ba ito o natutuwa.

Tumango lamang siya at inutusan si Luciana.

“Ihanda mo ako ng damit,” ani Maximo kay Luciana.

“Aalis ka ba sa ganitong oras, Hubby?” tanong ni Luciana sa kanyang mahinahong tono.

“Yeah,” mabilis na tugon ni Maximo sa kanyang malamig pa rin na boses.

Wala ng sinabi pa na iba si Luciana. Nagtungo siya sa cabinet nila, habang ang kanyang dibdib ay sobrang bigat dahil sa pagkadismaya.

Inaanim niya sa sarili na maski siya ay gusto na rin magkaanak. Ang pamilya Guevarra ay pinipilit na siyang magdalang-tao, at alam niya na gusto na rin ni Maximo. Marami rin siyang sinunod na tradisyunal na paniniwala para lang magkaanak sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama pero wala pa rin.

At higit sa lahat, takot siyang mawalay kay Maximo.

Sa loob ng maraming taon, ang kanyang pagmamahal para sa asawa niya ay mas lalo lamang lumalim. Kung minsan, bigla na lamang nawawala ng ilang linggo si Maximo at iniwan siyang naghihintay sa presensya nito.

Kapag nakauwi naman si Maximo, tila ba mabilis lamang ang kanilang pagkikita dahil mas pinipili ng asawa niya na umalis agad at iwan siyang mag-isa.
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Millie Genobiagon Quiambao
bakit Wala pang update
2025-05-18 22:32:29
0
user avatar
Anskie Caranto
the scumbag regrets,stealing his ex wife heart...same stories.. different name lng ng character...
2025-04-06 23:44:20
0
user avatar
Payas Santa
bakit Ang Tagal ng update
2025-04-04 10:06:27
1
user avatar
Ludy Perez
ay naku SaME ng story ng Kay Maureen & Zeus..Hayysss..ganun na ganun name lang character naiba..
2025-04-03 11:25:41
1
user avatar
Biella vhenice Ba-al
waiting po sa update
2025-04-02 05:25:22
0
user avatar
Doy Delvo
ok ok ok ok
2025-03-18 07:34:57
0
user avatar
Mayfe de Ocampo
author kaeestart ko pa lng basahin ang book mo maganda sya sana tuloy tuloy lang pag update wag matulad sa ibang nabasa ko na stories di na tinapos ng author kaya sayang ang naumpisahan
2025-03-15 19:59:04
4
100 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status