Mag-log inLOVE blooms in unexpected circumstances. Pinilit ipakasal si Hannah sa isang lalake na sa tanang buhay niya ay hindi niya pa nakikita at ang masaklap pa ay pangit at may taning na ang buhay ng tatlong buwan. Siya ang ipinalit na bride ng mga magulang niya nang basta- basta na lang lumayas ang nakakabata niyang kapatid na may isang taong agwat sa kanya na parang kakambal niya na rin. Baon at nalugi na sa utang ang negosyo nilang mag-anak kung kaya’t upang maisalba ito ay kailangan niyang magsakripisyo at magpakasal sa estranghero. Paano na lang kung sa araw mismo ng kasal niya ay masilayan niya ang pinakaperpekto at makisig na lalake na walang iba kung hindi ang kanyang groom na isa pa lang multi-billionaire at eligible bachelor sa buong bansa at higit sa lahat ay hindi pa mamamatay at tinatago lang ang totoong katauhan nito. Mahuhulog kaya siya kay Hanz Leonard Carlson na sobrang lambing at mabait pala.? Paano kung magbabalik si Heleana at iladlad siyang nagbabalat-kayo lamang sa katauhan ng kanyang kapatid kung kailan natutunan niya ng ibigin ang kanyang asawa, magbabago kaya ang pagtingin sa kanya ng asawa sa kabila ng kanyang kasinungalingan? Pipiliin kaya siya ni Hanz na isa lamang siyang impostora o si Heleana na siyang una at tunay nitong fiancee?
view moreKonti lang ang results na lumabas at karamihan ay maikli lang na statement at general knowledge patungkol sa kanya. Wala din mga larawan na nakapost online. Napagod na ang aking mga mata kakabrowse wala rin akong napala kaya tinigilan ko na lang. Talagang napakapribadong tao pala ang napangasawa ni Bianca. Lalo akong nahihiwagaan sa mysterious type of a man ni Hansel. Hindi na rin naman ako inaantok at malapit ng maghatinggabi. Mukhang tinalaban ako ng kape pati buo kong katawan ay parang nawala rin ang hina at mas gusto pa yatang gumalaw- galaw kaysa mahiga at magpahinga. Hindi na ako pumanhik sa itaas. Naglakad- lakad na lang ako at ginala ang buong sulok ng mansiyon. Lahat ng ilaw sa buong kabahayan ay nakasindi. Napakaliwanag at nakakasilaw sa ubod ng puti ng bawat sulok ng wallings. Walang kalat at walang alikabok akong nakikita. Ano ba iyan wala akong lilinisin dito? Total hindi naman ako makatulog ay mabuti pang mag-ayos at maglinis. Pero sa nakikita ko ay par
Inabot ko ang aking telepono sa side table at tiningnan ang oras, mag-aalas diyes na ng gabi pero wala pa rin si Hansel. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng lahat ng mga maybahay kapag late na umuuwi ang kanilang mister. Saklap naman pala makapag-asawa ng lalakeng mahilig magliwaliw sa gabi. Sa naisip ko, hindi mapigilang maalala ang sinabi sa akin ni Hansel kahapon na wala siyang mapapala kung didito siya kasama ko dahil hindi ko naman maibigay sa kanya ang gusto niya. Ibig sabihin lang ba niyan ay katawan ko lang ang habol niya? At nang hindi ko maibigay sa kanya ang gusto niya ay kukunin niya iyon sa iba? Kaya ba umalis siya ngayon dahil hindi ko siya masatisfy? Ganoon ba talaga ang mga lalake? Gaano ko ba kakilala si Hansel Carlson para maisip ko ah este ang kapatid ko na pagtaksilan? Oo nga’t pinakasalan niya ako este si Heleana at bumungat siya ng mga salitang pag-ibig pero sapat ba iyon sa ipinapakita niya sa akin ngayon na nilayasan niya ako sa gitna ng aming pu
Halos babasagin lahat ng kubyertos na kulay puti. Parang alam ko na ang favorite color ni Hansel, white! Napangiti na lang ako. Sabagay nuetral color naman kasi ang puti at malinis tingnan. Naupo na ako at hihintayin ko na lang ang pagdating ni Hansel. Maaga- aga pa naman. Hindi pa naman ako gutom dahil panay tikim ko ng chopsuey at sinigang habang ako ay nagluluto. Halos isang oras na rin akong matiyagang naghihintay kay Hansel at unti- unti na ring lumalamig na ang niluto kong ulam. Mukhang hindi pa uuwi ang isang iyon. Konting tiis pa Hannah. Kahit medyo gutom na rin ako ay naghintay pa rin ako ng ilang minuto bago nagpasyang mauuna na lang kumain. Bakit hindi ko kasi kinuha ang numero niya para matext o matawagan ko siya tuloy para akong tangang timang na mag-aantay sa hindi malamang oras kung kailan siya uuwi. Wait! Para na ring ako nitong maybahay na naghihintay sa kanyang mister na makauwi galing sa trabaho. Eh, ano pa nga ba! Asawa ko na nga si Hansel kahit pa impo
Hinalungkat ko ang laman ng ref at naghanap ng easy to cook meal para sa akin at para na rin sa amin ni Hansel. Baka sakaling umuwi iyon ngayong dinner. Pasado alas kuwatro pa naman ng hapon. Mahaba pa ang oras para makapaghanda ako ng maluluto para sa hapunan. Gumawa muna ako ng lettuce salad with apples and cucumber para malamig mamayang dinner. Ngumuya naman ako ng sandwich with peanut butter habang inihahanda ang mga ingredients para sa lulutuin ko. Plano kong magluto ng chopsuey at sinigang na isda. Bisaha na ako sa pagluluto ng ganitong putahe dahil lage akong tumutulong kay nanay Fely sa pagluluto. Kahit pa alaga at amo ako ni nanay Fely ay hindi ko iyon inisip. Tinuring ko na siyang ikalawang nanay bukod kay mommy. Namiss ko tuloy siya at kanyang pag-aalagang parang tunay niya akong anak. Wala ng pamilya si nanay Fely. Singkwento anyos na rin ito tulad ni mommy. Hiwalay na ito sa kanyang asawa na umapid sa iba. May isa sanang anak si nanay Fely ngunit maaga






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.