Share

Kabanata 0005

Penulis: Nancy Ginger
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-13 11:47:56
Kumunot ang noo ni Maximo habang patuloy niyang tinititigan si Luciana. Mahimbing ang tulog ni Luciana habang ang kanyang mukha ay sobrang payapa at wala itong kamalay-malay sa pagdating ng asawa.

Sa sandaling ito, tila biglang nawala ang galit ni Maximo sa kanyang puso. Napayuko siya at walang pagdadalawang-isip na binuhat ang katawan ni Luciana mula sa couch.

Si Luciana naman ay hindi napigilang sumiksik sa katawan ni Maximo nang maramdaman niya ang init na hatid nito at tila ba naghahanap siya ng kanlungan sa asawa.

Hindi na napigilan ni Maximo ang mapatitig sa kanyang asawa at tila ba bigla siyang nawala sa kanyang sarili nang ilang saglit. Nang makabalik siya sa kanyang huwisyo, dinala niya si Luciana sa kama.

Pagkatapos itong maihiga, akmang aalis na sana siya nang marinig si Luciana na magsalita.

“Wala ka talagang modo, Hubby…” ani Luciana na halos pabulong.

Natigilan naman si Maximo sa kanyang direksyon habang ang kamay ay napahinto sa tapat ng mukha ni Luciana. Ilang sandali pa, naramdaman na lamang niya ang kanyang kamay na ngayon ay hinihimas ang malambot nitong mga pisngi.

Mahimbing pa rin na natutulog si Luciana, ngunit wala siyang kaalam-alam na ang kanyang mga labi ay nakadampi na pala sa mga daliri ni Maximo.

“Luciana…” ani Maximo at pakiramdam niya, huminto bigla ang kanyang paghinga.

‘Gising ba siya?’ tanong niya sa sarili at nakatingin pa rin sa asawa.

Samantala, wala namang natanggap na sagot si Maximo mula kay Luciana, bagkus inilapit pa niya ang mukha at idinikit ito sa mga palad ni Maximo.

Yumuko si Maximo at hinalikan si Luciana. Ang init na taglay ng mga labi ni Luciana ay nagbigay sa kanya ng bolta-boltaheng kuryente sa kanyang buong katawan.

Si Luciana naman ay unti-unting nagising habang ang kanyang malabong paningin ay sinalubong ng isang gwapong mukha. Akmang magsasalita na sana siya pero bigla siyang sinunggaban ng halik ni Maximo habang ang malalaking palad nito ay pumailalim sa suot niyang skirt at ang titig nito ay sapat na upang siya'y halos magliyab na.

Ngunit, biglang nanlamig ang kanyang mukha at walang pagdadalawang-isip na kinagat ang dila ni Maximo.

“Bitawan mo ‘ko!” sigaw niyang sabi kay Maximo.

Nabitawan naman siya ni Maximo kaya agad siyang lumipat ng pwesto at binalot ang katawan ng kumot habang nakatingin nang masama sa asawa niya.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?” galit na tanong ni Maximo sa kanya.

“Ako ang dapat magtanong ng tungkol diyan! Pagkatapos mong makipagkita sa kabit mo ay lumalapit ka sa ‘kin? Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo?” ani Luciana sa asawa habang mahigpit na niyakap ang kumot.

“Hindi siya kabit kaya ‘wag kang magsalita ng walang kwenta!”

Malamig ang mga tingin ni Maximo nang sabihin niya ‘yon kay Luciana.

“Hindi pa ba siya kabit sa lagay na ‘yan at ngayon ay may kasama ng bata?” saad naman ni Luciana sa hindi makapaniwalang reaksyon niya.

“Huwag mo subukang saktan siya, Luciana,” banta sa kanya ni Maximo kaya naman ay natawa siya.

“Ano sa tingin mo ang kaya kong gawin para lang saktan siya? May kapangyarihan ba ako na gawin ‘yon o kayayanan para kalabanin ka?” tugon niya sa sinabi ni Maximo.

“Basta ‘wag mo na lang siyang hanapin.”

Natuod na lamang si Luciana sa kanyang direksyon nang marinig ang sinabi ni Maximo. Hindi niya lubos maisip na gano’n na lang ang gagawin ng asawa para lang protektahan ang kabit niya.

Hindi napigilan ni Luciana na titigan si Maximo nang may panlalamig at piniling huwag na itong tugunan.

“Kamusta na ang tiyan mo?” tanong ni Maximo upang basagin ang namayaning katahimikan at naupo sa ibabaw ng kama.

“Ano naman ang pakialam mo sa tiyan ko?” tugon ni Luciana at halatang kumukulo na ang dugo niya nang banggitin ang tungkol sa kanyang sakit.

Miserable siyang nakahiga sa kama ng ospital kanina habang si Maximo naman ay abala sa pagsama sa kanyang kabit. At sinong asawa ang makakatiis sa ganyan?

Napaluha na lamang si Luciana habang iniisip ang tungkol diyan.

“Maghiwalay na tayo, Maximo Guevarra,” ani Luciana kay Maximo sa basang mga mata niya.

“Ano ang tawag mo sa ‘kin?” malamig na tanong ni Maximo kay Luciana.

Hubby ang palaging tawag ni Luciana sa kanya kaya hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa babae.

Si Maximo ay walong taon ang gulang sa kanya at taglay niya ang likas na awtoridad. Noon, isang kaswal na tingin lamang niya ay nagbibigay na iyon ng takot kay Luciana pero dumating na sa sukdulan ang kanyang puso.

“Simula ngayon ay tatawagin na kita sa pangalan mo at totoo ang sinabi ko. Nakikipaghiwalay na ako sa ‘yo,” ani Luciana sa nakataas niyang noo.

Simula no'ng magising siya kaninang umaga at makitang umalis si Maximo, sumagi na sa isip niya ang pakikipaghiwalay, at tuluyan na iyong nakapaskil sa kanyang puso.

Para kay Luciana ay wala nang silbi ang isang asawa na hindi kayang manatili sa tabi niya sa oras ng kanyang pagkaka-ospital.

“Ano’ng sabi mo?” pag-uulit ni Maximo habang natingin pa rin sa kanya at para bang hindi nito narinig ang sinabi niya kanina. “Sabihin mo nga ulit sa ‘kin…”

“Pinagsisisihan ko na ang lahat, Maximo. Hindi ko na pala gustong makasama ka kaya maghiwalay na tayo,” usal ni Luciana sa kanyang taas-noo na reaksyon.

Sa isip niya, mas mabuti pang iwanan ang taong tulad ni Maximo na walang puso. Sinabi rin mismo ni Maximo sa kanya na hindi siya nito mamahalin kahit kailan.

Samantala, nagpakawala naman ng mapanuyang tawa si Maximo at sinabing, “Ano naman ‘yang dramang nilalaro mo, Luciana?”

Napailing si Luciana dahil kahit hiningi na niya ang pakikipaghiwalay ay iniisip pa rin ng asawa niya na nagbibiro lamang siya.

Iyan ang klase ng tao na walang pagmamahal sa ‘yo. Iniisip na lahat ng mga sinabi mo ay biro lamang sa kanya at ‘yan ang nararamdaman ngayon ni Luciana.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0100

    Napailing na lamang si Luciana sa dalawa at bahagyang napangiti. Kahit ang kanilang dalawang assistant ay hindi napigilang mapahanga sa presensya na dala ni Adrian Hidalgo.“Hindi pa siya dumating,” sagot niya sa mga ito at kumalma naman ang dalawa.Samantala, nagsimula nang umorder ng pagkain ang grupo ng mga tao sa loob. Si Luciana naman ay agad na nagpadala ng text message kay Adrian.Luciana:Pinapauna ko nang umorder ang mga staff ko.Mabilis naman na sumagot si Adrian sa kanyang text message.Adrian:Sige, kumain lang kayo diyan. Katatapos ko lang sa isang interview at papunta na ako.Pagkatapos mabasa iyon, agad na ibinaba ni Luciana ang kanyang cellphone saka tumingin sa iba niyang kasama.“Papunta na raw si Mr. Hidalgo. Kumain na muna tayo,” sabi niya sa mga ito.Sakto namang dumating ang waiter dala ang mga pagkain, kasama ang isang bote ng mamahaling alak.Nagtaka naman si Luciana at napatingin doon nang maigi.“Hindi ko inorder 'yang bote na 'yan,” paliwanag niy

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0099

    Pagdating ng alas siyete y media ng gabi, nakarating na si Luciana sa Rustica Restaurant, at ang kanyang puso ay kalmado lamang. Ilang sandali lang, dumating na rin si Danica at huminto sa tabi niya. Nagkita ang dalawa sa labas ng restaurant.Pagkababa ni Danica ng sasakyan, agad niyang hinawakan ang kamay ni Luciana, at ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala. “Nakipaghiwalay ka na ba kay Maximo nang tuluyan ngayong araw?” tanong ng babae sa malumanay nitong tono.“Oo, nag-apply na kami ng diborsyo kanina pero hindi pa matatapos ang certificate namin hanggang ngayong buwan,” nakangiting sagot ni Luciana sa tanong ng kaibigan, ngunit pilit lamang iyon para hindi ito mag-alala.Pinagmasdan siya ni Danica at may bahid ng pag-aalala sa mga mata nito. Alam niyang nag-aalala ang kaibigan sa kanyang sitwasyon ngayon.“Malungkot ka ba, Lucy?” tanong ni Danica sa kanya kaya natigilan siya ng ilang sandali. Ngunit, mabilis namang iniling ni Luciana ang ulo, habang hindi nawawala ang ngi

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0098

    Inaanim ni Alvin na noong una, gusto lang niyang takutin si Luciana, ngunit ngayon, nagbago bigla ang sitwasyon. Pinagplanuhan rin niya ito laban kay Maximo at kung kaya niyang gamitin ang banta laban kay Luciana, siguradong gagawin din iyon ng babae sa kanya.“Ginawa ko lahat nang ito para matulungan si Maximo na tanggalin ka sa buhay niya dahil isa kang tusong babae,” sambit ni Alvin kay Luciana.“Ginagawa mo ba talaga ito para sa kanya o para sa sarili mo? Alam ko na alam mo ang totoo. Gusto mong tulungan si Liezel na agawin si Maximo mula sa 'kin pero nagpapanggap kang para ito kay Maximo. Tinanong mo ba siya kung kailangan ba niya itong ginawa mo? Pumayag ba si Maximo, o inaprubahan ang mga ginawa mo?” seryosong tanong ni Luciana sa kanya habang nakatingin nang diresto at hindi kumukurap.Natigilan si Alvin sa sinabi ni Luciana sa kanya at ilang sandaling nanahimik, ngunit mabilis naman siyang nakabawi.“Hindi ka ba natatakot na sasabihin ko kay Maximo ang tungkol sa kasunduan

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0097

    Natigilan naman ang lahat dahil sa biglang tugon ni Luciana. Napalingon pa si Liezel kay Maximo, ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha nito. Hindi niya rin mabasa kung ano ang iniisip ng lalaki dahil sa blankong ekspresyon na ipinapakita niya ngayon.“Alvin, kailan pa kayo naging malapit ni Luciana?” takang tanong ni Liezel na may bahid ng pagtataka sa boses nito.“Kailan lang kami naging malapit sa isa't-isa,” sagot naman ni Alvin nang walang kahirap-hirap, at agad na nakabawi mula sa pagkabigla. Hindi niya inasahan na sasabay si Luciana sa kanyang palabas. Isa iyong kaaya-ayang sorpresa para sa kanya. Agad namang lumapit si Alvin kay Luciana at walang pakundangang iniakbay ang braso nito sa balikat niya. “Tara na. Ihahatid na kita pauwi,” mahinahong usal ni Alvin na para bang inosente. Samantala, tinapunan naman siya ni Luciana ng isang makahulugang tingin, at bakas ang inis sa mukha nito. Si Maximo naman ay mas lalong nandilim ang mukha at para bang isang matulis na bag

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0096

    Nakatayo sa tabi ni Maximo si Luciana ngayon. Ngunit, ni isa sa kanila ay walang nagsalita. Kapwa magandang babae at gwapong lalaki, ngunit napakailap ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa na halos sobrang awkward na.Pagkalipas ng ilang sandali, sila na ang tinawag. Agad silang lumapit at naupo sa mga itinalagang upuan.Tinanong sila ng staff na humahawak ng proseso ng tungkol sa paghihiwalay.“Nandito po ba kayo upang maghain ng diborsyo?”“Oo,” sagot ni Luciana habang inilalabas ang kanyang identification card.Tiningnan sila ng staff—una ang lalaki, pagkatapos ang babae. “Ang ganda ninyong tignan na magkasama. Isang gwapong lalaki, at isang magandang babae. Bakit kayo maghihiwalay?” takang tanong ng staff.Walang duda na sila ang pinakamagandang mag-asawa sa lahat ng naroon sa opisinang iyon.“Hindi kami pareho ng nararamdaman,” kalmadong sagot ni Luciana sa nagtanong na staff. “May dala ba kayong kasunduan ng inyong paghihiwalay?” tanong ulit ng staff.“Meron,” sagot

  • CEO'S Regret: Winning His Wife's Love Back   Kabanata 0095

    “Hindi mo na 'yon trabaho pa.” Malamig ang boses ni Maximo habang nakatingin kay Luciana nang sabihin ang mga salitang ito.Saglit na natigilan si Luciana, saka kinuha ang kurbata at maingat na iniikot ito sa leeg ng lalaki. Sanay na sanay na siya sa pagtatali nito dahil ito naman palagi ang kanyang ginagawa kahit noon pa.May Liezel na si Maximo ngayon at naisip ni Luciana na hindi na kailangan ng pag-aalaga niya ang lalaki. At sa pagiging maayos at elegante ni Liezel, siguradong marunong rin itong maglagay ng kurbata.Matapos itali ang kurbata, kinuha na ni Luciana ang pin at ikinabit ito sa kuwelyo ng lalaki. Sa suot na suit, lalong tumingkad ang kagwapuhan ni Maximo—may malamig at mailap na awra na para bang kay hirap nitong maabot.“Ayan, tapos na,” nakangiting sabi ni Luciana at bahagyang bumilog ang mga mata niya sa tuwa. Maglalakad na sana siya palayo, ngunit bago pa 'yan mangyari, agad siyang hinila ni Maximo sa baywang at inilapit sa kanya.Dahil diyan, biglang nagtagp

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status