•Gaia•
Nakadapa lang ako sa kama habang tinitingnan ang screen ng laptop ko na wala pa ring laman kahit isang salita. Napapikit ako saglit habang inaalala ang mukha ni Clyden.
"Huy, magandang binibini! Isang linggo mo nang ginagawa 'yan." Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Samantha. "Tawagan mo na kasi!"
Iminulat ko ang aking mata nang maramdaman ko ang mahinang pagdampi ng isang bagay sa aking braso. Nakita ko roon ang business card ni Clyden kaya kaagad ko iyong kinuha, saglit na tiningnan bago inilagay sa tabi ng laptop ko.
Kahit pa sobrang gwapo ni Clyden ay di ko pa rin pwedeng ibigay sa kanya ang katawan ko. Makakakita rin ako ng ibang inspirasyon, dati naman di ko kailangan ng lalaki para lang makapag-sulat.
"Dahil may boyfriend ka naman noon!" Tiningnan ko si Samantha nang nakataas ang kilay. Naririnig niya ba ang sinasabi ko sa aking isipan? "Huy, baliw! Sa tagal nating nagsama alam ko na ang laman ng isipan mo!"
"Oo na, ikaw na si Goddess Samantha—"
Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang cellphone. Kaagad ko iyong at tiningnan kong sino ang tumatawag. Muntikan pa akong mapatili nang makita ang pangalan ng editor ko na nakarehistro sa screen.
"Sino yan?" magkadikit ang kilay na tanong sa akin ni Hazel. Kaagad ko siyang sinenyasan na tumahimik bago sinagot ang tawag.
"Gaea Montessori! May balak ka pa bang maging writer ng Youth Romance?" Napakamot ako sa aking batok nang marinig ang bungad sa akin ni Cybel. Matagal na kaming magkasama sa trabaho at malapit kami sa isa't-isa kaya nasanay na ako rito. "Sumagot ka nga babae! Alam mo ba na naririndi na ako sa pambubunganga ni Sir Ricky sa akin?"
Humagikhik ako bago humiga ng maayos sa kama.
"Nahihirapan akong bumuo ng eksena, Cy. Pwede bang kumbisihin mo muna si Sir Ricky?" mahinahon kong tanong.
"Ginawa ko na yan. Isang linggo nga lang ang ibinigay niyang palugit sa iyo. Maraming new writers ngayon alam mo iyan." Napabuntong-hininga ako at kinamot ang aking ulo.
"I'll send you my new manuscript next week," saad ko kahit wala namang kasiguraduhan na makakapagtapos ako ng isang libro.
"Well that's great!" natutuwang sambit niya bago nagpaalam. Lumapit naman kaagad sa akin si Samantha at nakangising ibinigay sa akin ang business card ni Clyden.
"Sabihin mo sa akin kung masarap ba ang poging iyon—"
"Bunganga mo, Sam!" Malakas siyang tumawa bago lumabas sa kwarto ko.
Ipinikit ko ang aking mata para mag-isip kong ano ang dapat kung gawin.
"Hello," bungad ko sa sumagot sa kabilang linya. Napakagat ako ng aking labi habang hinihintay ang kanyang sagot. "Pwede ba kitang makausap?"
Dahil ayaw kong mawalan ng trabaho ay tinawagan ko na nga si Clyden. Hindi naman ako mayaman para bitawan na lang ang trabaho ko. Mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon.
"Sino 'to?" Mabilis na tumibok ang puso ko nang marinig ang baritono niyang boses.
"Gaea, sana naalala mo pa ako. Ako yung writer na..." Napaisip ako sa kasunod kong sasabihin. "Yung ano..."
"So, napag-isipan mo na ba ang offer ko?" Napalunok ako habang tumatango bilang sagot sa tanong niya kahit hindi naman ako nito nakikita. "May gagawin pa akong importante. Kung may gusto kang pag-usapan, puntahan mo na lang ako sa ibibigay kong address."
Bago pa ako makasagot ay kaagad na niyang pinatay ang tawag. Muntikan ko pang maibato ang telepono ko sa sobrang inis. Tumayo na ako sa kama at pumunta na ng banyo.
"Gaea, nasaan ka?" rinig kong tanong ni Samatha.
"May pupuntahan ako mamaya, Sam—"
"Pupuntahan mo si Pogi?" Napaikot ako ng aking mata sa sinabi niya. "Sige magpaganda ka ha? Atsaka yung order mo pala sa Shoppee dumating na. Ilalagay ko lang dito sa kama. Bye!"
Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto kaya sinimulan ko na ang pagligo.
—
"Miss? Sigurado po ba kayo na kay Sir Clyden kayo pupunta?" tanong sa akin ng receptionist. Tumango ako at ipinakita sa kanya ang mensahe ni Clyden.
Tiningnan niya muna ang laptop niya bago ibinalik sa akin ang tingin.
"Sure po—"
"She's my guest." Napalingon ako sa biglang nagsalita. Nasa likuran ko na pala si Clyden hindi ko man lang naramdaman.
"Good evening, Sir," bati sa kanya ng receptionist na tinanguan lang naman niya at hinila na ako papasok sa elevator.
"Parang ang bata naman ng bagong babae ni Sir Clyden." Rinig kong sambit ng kasama nito.
"Maganda naman kasi. Hayaan muna sila," sagot naman ng kausap ko kanina. Napakamot ako sa aking batok bago tiningala si Clyden.
Maliit lang akong tao pero twenty-five na naman ako.
"Clyden, I mean sir, pwede bang hindi ang katawan ko ang ibibigay ko sayo bilang kapalit?" nagsusumamo kong hiling sa kanya. "Pwede mo naman akong maging katulong—"
Nanlalaki ang mata ko nang bigla niya akong idinikit sa elevator. Nakangisi ito habang pinagmamasdan ng mabuti ang mukha ko.
"Marami rin akong katulong eh. Paano ba yan?" Kinindatan pa ako nito bago hinaplos ang aking mukha.
Itutulak ko sana siya palayo sa akin nang may tumawag sa kanya. Tiningnan muna ako nito bago lumayo sa akin.
"Balikan mo na lamang ako rito kapag sigurado ka na sa desisyon—"
Hinablot ko ang cellphone niya bago pa niya masagot ang tawag. Akmang aabutin niya ito nang inilagay ko iyon sa loob ng aking bra. Napatigil rin ako nang mapagtanto ko ang aking ginawa.
"Anong ginagawa mo?" nakataas kilay niyang tanong. Tumawa ako at lumayo sa kanya.
"Ibabalik ko lamang ito sayo kapag sumang-ayon ka sa gusto ko—ahhh!" malakas kong sigaw nang bigla ako nitong hinila palapit sa kanya at tiningnan ang dibdib ko.
"Anong binabalak mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya dahil sa mga titig na ibinibigay nito. "Huwag mong sabihin na—Tae ka!"
"Ang lambot." Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa kamay niya na nakahawak sa aking dalawang dibdib. "Gusto mo ba ako pa ang kumuha sa loob?"
Mabilis kong tinapik ang kamay niya palayo sa dalawa kong bundok at kinuha ang cellphone niya.
"Bakit mo ginawa 'yon?" inis kong tanong.
"Mahahawakan din naman iyan ng asawa mo—"
"Asawa ba kita?" putol ko sa sasabihin nito. "Pananagutan mo ba ako?"
"Kung iyon ang gusto mo bakit hindi?" nakangisi niyang sabi bago ako hinila palabas ng elevator. Bumilis ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ang likuran niya. Bakit ko ba napasok ang buhay na'to?
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&