Pasupport po. Kung may extra po kayong gems ay pa-vote naman po. Salamat.
Third PersonWala ng sinabi pa si Celina tungkol sa sinabi ng kanyang asawa pero meron munting kislap ng pag-asa na maaaring maging maayos ang pagsasama nila in the future. Inimbitahan sila ni Noli na kumain since tanghalian na rin naman.“Pinapaalala ko lang, libre mo ‘to,” sabi ni Jefferson na ikinatawa ng kanyang kaibigan ng magsimula na silang kumain.“Kailan ka pa naging ganito ka kuripot? Normally ay ikaw pa ang mag-i-initiate na magbayad,” komento ni Noli.“Nang makasal ako sa kanya,” tugon ni Jefferson sabay ngisi dahil sigurado na siya na magre-react ang si Celina sa pagkakaturo niya dito. At hindi nga siya nagkamali.“At kailan naman kita tinuruan na maging kuripot, aber?” tanong ni Celina na may kasama pang masamang tingin.“Nang umalis ako at gumastos ka lang ng hindi lalaglas sa 25000 a month. Sigurado ako na iniisip mo na kukwentahin ko ang lahat ng ginagastos mo habang wala ako, kaya naisip ko na talagang kuripot ako,” tugon ni Jefferson na nakataas pa ang isang kilay ha
Samantala, gusto ni Jefferson ang tinitignan niya kaninang set ng kwintas at hikaw at inisip na babalikan niya iyon para bilhin at ibigay sa asawa.Naglibot pa sila, pumasok at lumabas sa iba’t-ibang store na wala namang binili na kahit na ano. Napaisip si Jefferson kung bakit ba nila ginagawa iyon ng wala naman pala planong bumili si Celina.“Kung meron kang magustuhan ay sabihin mo sa akin. Kanina pa tayo naglalabas masok sa iba’t-ibang store pero wala naman tayong binibili,” hindi na napigilang sabihin ni Jefferson.“Hindi ko naman sinabi na bibili tayo or may hinahanap ako,” simpleng tugon ni Celina habang patuloy ang paglilibot ng kanyang mga mata.“Kung ganon ay bakit natin ginagawa ito? Napapagod lang tayo sa paglalakad,” nalilitong tanong ni Jefferson.“Ito ang normal na ginagawa ng mga couple, ang mag window shopping. Kung may magustuhan ay bibili kung kayang bilhin,” sagot ni Celina.“Pinagsasawa lang natin ang mga mata natin sa mga bagay na magaganda at wala ka namang intens
JeffersonIto ang unang date namin at sobrang excited ako. Kung hindi lang nakialam ang kaibigan niya, mas naging maayos sana ang lahat. Sinabi na ni Celina na may date kami kaya dapat, kahit na anong offer ng asawa ko sa kanya na sumabay sa amin sa pagkain ay hindi niya tinanggap. Dapat ay nakatunog na siya na magiging third wheel lang siya at hindi maganda iyon lalo at kakarating ko lang galing sa ibang bansa after three long years.May something sa Xia na yon na hindi ko gusto kaya talagang sisikapin kong malaman ang ilang bagay tungkol sa kanya.Kasalukuyan na kaming nasa aming silid at naghahanda ng matulog si Celina ng maisipan kong kausapin siya tungkol kay Xia."Paano mo nakilala ang kaibigan mong ’yon?" tanong ko. Napatingin siya sa akin na kunot-noo."Hindi ako interesado sa kanya, kaya tigilan mo na ang kakaibang imahinasyon mo. Maganda ka, at wala siyang pwet na nakapaglalaway gaya ng meron ka, na kinaadikan ko," diretsong sabi ko, para lang ipaalam sa kanya na kung iniisi
"Alam mong may pasok ka pa," sabi niya sa boses na parang nang-aakit. Kakagising lang niya kasi at malamang ay iyon ang tinatawag nilang bedroom voice.Napabuntong-hininga ako dahil sa panghihinayang kaya kinailangan ko na siyang pakawalan. Pero bago yon ay pinisil ko ang kanyang matambok na pwet na talagang pinaglalawayan ko ng husto."Jefferson!" gulat niyang sigaw."Gutom ako, kaya bilisan mo na at ayusin ang sarili mo bago ako mawalan ng kontrol at ikaw na lang ang gawin kong almusal," sagot ko habang marahang itinulak siya papunta sa banyo. Nagsisimula nang mawala ang kontrol ko sa aking sarili, at kung makikita ko pa siyang hubo't hubad nang mas matagal, baka hindi ko na mapigilan.Mabilis siyang naligo, pagkatapos ay sabay kaming nag-agahan. Tinanong ko siya kung lalabas ba siya, pero ang sabi niya ay hindi kaya wala akong dapat ipag-alala habang nasa opisina ako. Umalis ako ng mansion at agad akong sinalubong ng aking mga sekretarya at assistant."Welcome back, Sir," bati ni Da
CelinaSi Xia ay naging kaibigan ko mula nang dumating ako sa ampunan. Oo, binu-bully siya ng ibang bata noong una ko siyang makita, at naawa ako sa kanya kaya tinulungan ko siya at lumaban sa mga batang nang-aapi sa kanya.Hindi ako nagpapaapi at kapag may nanakit sa akin, sinisigurado kong makakaganti ako, dobleng sakit, dobleng pagdurusa. Yon ang inaabot nila sa akin.Simula nang sagipin ko si Xia mula sa mga bully, hindi na siya lumayo sa tabi ko. Tinawag namin ang isa't-isa na “partners” at sabay kaming napaparusahan at napapatawag sa opisina ng namumuno sa ampunan.Noong una, palagi siyang umiiyak, pero noong sinabi kong nandito lang ako para sa kanya, saka lang siya tumigil. Lagi ko siyang niyayakap tuwing natatakot siya. Para sa akin noon, kami ang lakas ng isa't isa.Inampon ako nina Daniel at Lalaine, at nangako ako kay Xia na madalas ko siyang dadalawin, dahil akala ko mahal at gusto talaga ako ng mga umampon sa akin. Pero dahil kabaligtaran ang nangyari, hindi ko siya nadal
Celina"Xia," sabi niya, gaya ng inaasahan ko."Bakit mo siya pinaghihinalaan?" tanong ko, totoong curious ako kahit na hindi naman niya talaga gusto ang kaibigan ko."Basta may kutob lang ako. Kung may woman instinct ka, may man instinct din ako," sagot niya, kaya napairap ako."Ano'ng sabi ko sa 'yo tungkol sa pag-irap?" tanong niya, kaya ibinalik ko ang tingin sa ginagawa ko. Ayokong tingnan siya sa mata kapag ganiyan siya magsalita."Celina, seryoso ako. Kung hindi mo siya kayang iwasan, siguraduhin mong mag-ingat ka, or better yet, huwag kang sasama sa kanya ng mag-isa lang." Pagkasabi niya non ay tumayo na siya at naglakad na papasok sa aming silid.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang pekeng credentials na ipinakita ko sa mag-asawang Nicholson noon. Totoo namang bukod sa mga umampon sa akin, si Xia lang ang nakakaalam nito.Ano na ang dapat kong gawin?***Kinabukasan, nasa opisina si Jefferson. Habang naghah
"Hello," sabi ko nang sagutin ko ang tawag ni Jefferson."Nasan ka?" tanong niya."Mall.""Sino'ng kasama mo?" tanong niya ulit na akala mo ay tatay ko. Parang sinasabi niya na huwag akong magsisinungaling."Kaibigan," sagot ko. Napansin kong lihim akong tinitingnan ni Xia matapos kong sabihin ang salitang "kaibigan.""Si Xia?" tanong niya. Gusto kong magsinungaling, pero alam kong madali niya akong mahuhuli, kaya umamin na lang ako. isa pa, bakit naman ako magsisinungaling sa simpleng bagay lang?"Hindi ka nakinig sa akin," sabi niya."Alam mong hindi ko kayang gawin 'yon," sagot ko, sabay dinig sa buntong-hininga niya."Nasan ka ngayon?" muling tanong niya, kaya sinabi ko ang lokasyon ng mall."Ingat ka, okay?" sabi niya ulit."Oo nga, huwag kang masyadong mag-alala at kaya ko ang sarili ko. Hindi ako mapapaano."Pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin ngunit pinigilan na lamang niya ang kanyang sarili."Okay, ingat." Pagkatapos non at natapos na ang aming usapan.Bumalik ako ka
XiaNapakaswerte ni Celina na napangasawa niya si Jefferson. Noong una ko itong nalaman mula sa kanya, agad akong nakaramdam ng inggit. Paano napapayag ni Mr. Scott na ipakasal ang anak niya sa kanya? Naalala ko tuloy ang mga araw namin sa ampunan.Madalas akong binu-bully ng ibang bata noon, at siya lang ang tumulong sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang dumating siya at ipinagtanggol ako. Kahit puro pasa siya pagkatapos, wala siyang pakialam. Sinabi niyang hindi niya ako iiwan, at totoo nga. Naniwala ako sa kanya dahil palagi siyang nasa tabi ko. Kailanman ay hindi niya ako iniwanan na mag-isa.Pero dahil sa ginawa niya, sumikat siya sa ampunan. Lalo pa siyang hinangaan ng mga lalaki dahil sa kagandahan niya, habang kinaiinggitan naman siya ng ibang babae, at kasama na ako.Palagi siyang may tiwala sa sarili kaya inakala kong matalino siya. Pero tuwing may klase kami, hindi niya alam ang sagot sa mga tanong, kaya naisip kong mas magaling ako sa kanya pagdating sa pag-aaral. Kahit
With Mature Content!!Celina“Sinabi ko na ngang ayos lang ako. Siguro normal lang sa mga buntis ang pagsusuka ng lahat ng kinakain,” sabi ko kay Jefferson habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Halatang-halata ang pag-aalala niya dahil halos wala na akong nakakain. Lahat ng pinapasok ko sa tiyan ko, bumabalik sa lababo sa banyo namin. Noong una, nahirapan akong i-handle ‘yon. Pero habang tumatagal, nasasanay na rin ako.“Hindi mo ako masisisi, Celina ko. Mahal na mahal kita, kaya nababahala lang ako kapag hindi mo nakukuha ang mga nutrisyon na kailangan mo. Lagi kang sumusuka,” sagot niya habang tinutulungan akong maupo sa kama pagkatapos naming lumabas ng banyo.“Baka kasi ayaw ng baby natin sa mga kinakain ko,” sagot ko habang hinahaplos ang tiyan ko.“Ano naman kaya ang gusto ng prinsesa natin, hmm?” tanong niya sabay dampi ng palad niya
Third PersonNanatili si Celina sa mansyon, pero kahit gano’n, tumatanggap pa rin siya ng trabaho ng paisa-isa. Ayaw ni Jefferson na magsabay-sabay sa pag-aalala na baka mapagod siya.Kahit nasa bahay lang siya, tutok pa rin siya sa construction ng country club gamit ang tawag at video call. Dati, bumibisita siya sa site isang beses kada linggo, pero ngayon, halos araw-araw na siyang nakikipag-ugnayan kina Engr. Mark at sa contractor through phone. Ayaw niyang masisi ang pagbubuntis niya sa kahit anong delay o aberya sa proyekto.“Dennis, nakausap ko si Engr. Mark. May gusto raw siyang ikonsulta, pero hindi ako makakapunta. Pwede mo ba akong i-represent dun?” tanong ni Celina habang kausap ito sa phone.“Walang problema,” sagot ni Dennis. “Pero alam mo, dapat nagpapahinga ka na. Hindi matutuwa si Mr. Scott ‘pag nalaman niyang nagtatrabaho ka pa rin nang ganito.”“Ay
JeffersonNaayos na rin sa wakas ang gulo sa kompanya. Lumabas sa imbestigasyon na dalawang board members pala ang matagal nang ginagapang si Noris, pinapalabas na mas karapat-dapat siya sa posisyong hawak ko.Matagal na nilang sinasadya ang mga banggaan namin ni Noris, ginamit pa nila ang pagkahumaling niya kay Celina bilang mitsa para lalong masira ang samahan namin bilang magkapatid.Sinabi ni Noris kay Dad na balak niyang magbakasyon kasama ang nanay niya, at pumayag naman si Dad. Ang hangarin: kapag malayo siya kay Celina, baka unti-unti na rin siyang makamove on. Pero sa loob ng tatlong taon na wala ako, mas lalo lang lumalim ang damdamin niya para kay Celina. Hindi ko siya masisi. Si Celina kasi, ibang klaseng babae. Napakaganda, elegante, at may kakaibang alindog na kahit sinong lalaki, mahuhulog ang loob.Napatingin ako sa asawa ko na mahimbing pa ring natutulog. Napakunot ang noo ko. ‘Di niya ugali ang matulog nang ganito katagal. Karaniwa
"Bilang parusa sa pag-amin mo, aalisin ka sa lahat ng executive responsibilities mo sa kumpanya. Mananatili ka na lang bilang miyembro ng board, katulad ng dalawang taong sangkot sa isyung ‘to," mariing pahayag ni Jefferson."Matagal mo nang hinihintay 'to, 'di ba?" singhal ni Noris, halatang nag-aalab sa galit."Kung oo man o hindi, wala 'yan sa usapan. Ikaw ang nagpasimula ng gulo, kaya huwag mong ibunton sa akin ang sisi. Kahit sabihin kong ‘di ko naman talaga ginusto ang ending na 'to, sigurado akong hindi ka rin maniniwala. Galit ka na, at ako ang pinili mong pagdiskitahan," matigas na sagot ni Jefferson."At ikaw naman, dad? Alam mong siya dapat ang mapapangasawa ko pero pinabayaan mong mangyari ‘to. Celina, kakampi ka na rin ba sa kanila ngayon?" matalim na tanong ni Noris, sabay tingin sa akin. Napatingin ako kay Daddy John, at may kirot akong naramdaman para sa kanya."Noris, huwag mong isisi sa tatay mo
Celina"Next time, sana hinintay mo ako para ihatid ka kay Dad," seryosong sabi ni Jefferson pagpasok sa kwarto naming dalawa. Napangiti ako at sinalubong siya ng halik, ramdam ko agad ang init ng presensya niya, at parang nawala bigla ang lahat ng kaba sa dibdib ko."Alam kong pagod ka, at siguradong mabigat ang naging pag-uusap n’yo. Dagdag pa ‘yung stress mo sa kumpanya, lalo na sa board meeting... halos wala kang pahinga," sabi ko habang inaabot ang kamay niya."Oo, pero kahit gano’n ako kapagod, dapat sinabi mo pa rin. Alam mong susunduin pa rin kita. Huwag mo na ulitin ‘yon, Celina," seryosong bilin niya habang nakatitig sa’kin."Promise, hindi ko na uulitin. Next time, magpapasabi muna ako bago ako umuwi mag-isa," sagot ko na may konting tawa nang mapansing napabuntong-hininga siya. "Pero seryoso, kaya ko namang umuwi mag-isa. Hindi naman natin kailangang laging magkasama, 'di ba?"
CelinaPagpasok ko sa mansyon, parang biglang tumanda si Daddy John ng sampung taon. Kita ko sa mukha niya ang bigat ng mga nangyayari.Napag-usapan na nila ni Jefferson ang tungkol kay Noris, at kahit ayaw naming maramdaman niya ang bigat ng sitwasyon, wala kaming ibang choice kundi hayaang harapin ni Noris ang sariling kalokohan niya.Nilagay ni Noris sa kahihiyan ang pangalan ng kumpanya nila, at kahit ako man ang nasa kalagayan ng asawa ko ay siguradong mangingibabaw pa rin sa akin na gawin kung ano ang tama.Hindi lang basta negosyo ang nakataya dito kung hindi pati na libu-libong empleyado ng Scotts Group. Kaya napakarami ang umaasa sa kumpanyang 'yon para mabuhay ang pamilya nila.Flashback...Naging kaibigan ko si Noris ng lapit niya ako habang nasa isang coffeeshop ako.Noon, abala ako sa pagdidisenyo para sa isang overseas client. Wala nang ibang bakanteng mesa, kaya nang lumapit siya, tinan
Third Person"Pasensya na, dad, pero hindi ko kayang palampasin ‘to," seryosong sabi ni Jefferson kay John. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula nang ipadala ni Luigi sa kanya ang lahat ng ebidensya na nagtuturo kay Noris bilang utak ng malisyosong mga komento sa social media accounts ng kompanya. Noon lang siya nakapagdesisyon dahil ayaw niyang saktan ang damdamin ng ama niya."Pwede mo bang kausapin muna siya? Alam mo namang kapatid mo pa rin si Noris," mahinahong sagot ng kanyang ama.Napa-buntong-hininga si Jefferson. Inaasahan na niyang ito ang sasabihin ni John. Hindi niya rin naman masisi ang matanda. Anak din niya si Noris at siguro, mas mahirap para sa kanya tanggapin ang katotohanan.Pero buo na ang pasya ni Jefferson. Nangako siya sa sarili na kahit sino pa ang nasa likod ng paninira sa kompanya nila ay hindi makakaligtas sa nararapat na kaparusahan. Hindi niya inakala noon na ang sariling step-brother pa niy
JeffersonHindi ko mapigilang matawa sa itsura ng mga board members matapos marinig ang mga sinabi ni Celina. Lutang at parang nawala sila sa sarili! Halata mong naglalakas-loob si Celina dahil nandoon ako. Natapos ang meeting na para bang lahat sila ay kinain ng kaba. Pati si Noris ay hindi makapaniwala!Speaking of him... seryoso ba siyang iniisip niya na kaya niyang gawin ang mga nagagawa ko para sa kumpanya? Sira na ba talaga siya? O matagal na siyang nag-aabang ng pagkakamali ko?Ni minsan, hindi humingi si Noris ng tulong kay dad tungkol sa negosyo. Hindi naman siya pinagkaitan. In fact, si dad pa nga ang laging nag-aabot ng suporta. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nag-aasal na parang siya ang tunay na tagapagmana ng lahat ng ito.Ang namayapa kong ina ang kasama ni dad nung pinaghirapan nila ang negosyo. Pareho nilang binuo ang kumpanya mula sa wala. Yung nanay naman ni Noris? Pinili ang sariling pamilya a
JeffersonAlam ko na kung anong mangyayari, kaya hinanda ko na ang sarili ko. Tumingin ako kay Celina at ngumiti.“Wala kang dapat alalahanin,” sabi ko sa kanya nang may kumpiyansa. Ayokong mabahala pa siya sa mga problema ko dito. Tama si Noris, karapat-dapat siyang maging kampante at mag-enjoy lang.“Since nandito ka na rin lang, sumama ka na sa meeting,” dagdag ko pa. Tumango siya habang tumatayo mula sa sofa.“Pupunta rin ba si Noris?” tanong niya habang inaayos ang sarili. “Napaisip lang ako kung andun din siya. At least, tatlo tayong magpapatunay sa mga gurang na kaya nating asikasuhin lahat, ‘di ba?”“Noris? Hindi ‘yan uma-attend ng mga ganitong meeting. Kung andun man siya ngayon, aba, bago ‘yan," sagot ko.Totoo naman. Kahit kailan, hindi siya sumipot sa mga board meeting, kahit may mga isyu sa kumpanya na kailangang tutukan. Ni minsan, hindi niya ko kinontra, kaya kanina, ‘yung bigla niyang pagpunta sa opisina ko, kakaiba na ‘yon.Sa tagal ng panahon, pinananatili niya ang lo