LOGIN"Hahanapin kita Laura." Matapos makatakas ni Laura sa kumidnap sa kaniya sa tulong ni Erwan, ay umaas at naghintay si Laura na muli silang magkikita at tutuparin ni Erwan ang pangako sa kaniya na hahanapin siya noong mga bata pa sila. Ngunit sampung taon na ang lumipas walang Erwan na nagpakita. Dahil sa pa-challege ng kaibigan ni Laura sa loob ng bar na umupa sa kandungan ng lalaki sa loob ng limang minuto. Ay isang marahas na ang halik ang binalik sa kaniya at walang iba kung hindi ang taong matagal na niyang hinahanap. Ngunit hindi lubos maisip ni Laura na ganun na ito dahil sobrang bastos nito at barumbado, pero sobrang gwapo at masarap sa kama.
View MoreMadumi at mabahong rehas kung saan ikinulong ang isang siyam na taong gulang na batang babae. Tahimik na umiiyak sa may sulok, marumi na ang suot nitong kulay pink na dres at magulo na rin ang magandang buhok.
May binatilyo na dahan-dahan na naglalakad papunta kung saan naroon ang batang babae. "Walang mangyayari kung iiyak ka lang diyan, kainin mo na ang pagkain na 'to." Napaangat ng mukha ang batang babae na si Laura sa binatilyong si Erwan na may kataasan, sa tingin ni Laura hindi ganun kalayo ang agwat ng kanilang edad. Sampung taon na si Laura habang si Erwan naman ay trese anyos. Marusing ang suot ni Erwan at nakayapak lang ito, sira-sira ang t-shirt na suot nito. Naksuot nang sumbrero na itim kung kaya't hindi mo gaano makita ang kanyang mukha. Pero napansin ni Laura na may itsura ang nasabing binata sakabila ng ayos nito. Matangos ang ilong at ang boses nito may kalakihan at masarap sa pandinig. Ganun rin ang mata nito maganda at hindi mo alam kung galit ba ito o hindi. "A-Ayoko niyan, ang dumi ng pagkain na 'yan." tanggi ni Laura. Dahil may langaw na nakasunod at nagpapaikot-ikot sa dala-dala nitong pagkain. Nangingitim pa ang platong pinaglagyan ng pagkain, inilusot ni Erwan ang plato sa ilalim ng bakal at sumagi pa ang kanin. Mas lalo namang nandiri si Laura. Napaangat ang mukha ni Erwan kay Laura matapos nitong bitawan ang plato na nasa semento. Nakatingin sa kaniya ng seryoso kaya namann malayang napagmasdan ni Laura ang mukha ni Erwan lalo na ang dalawang pares ng mata nito. Nanlalim ito at itim na itim, binata na talaga kung titingnan si Erwan dahil sa tindig nito at dahil na rin sa matangkad pa ito. "Huwag ka ng maarte dahil magugutom ka lang at isa pa mamaya wala ng pagkain. Kainin mo na." Muling sabi ni Erwan, at may nilapag na isang basong tubig na halos matapon na ang laman dahil sa pabagsak na pagkakalapag nito sa semento. Matapos 'yun ay iniwan na ni Erwan si Laura, mangiyak-ngiyak na naman si Laura dahil mag-isa na ulit siya. Madilim ang pinaglagyan sa kaniya at tanging ilaw lang mula sa labas ang nagsisilbing liwanag. Walang ibang laman dito kundi siya lang at mga halo-halong basura at malamig na semento. Mommy, daddy nasaan na po kayo? Ayoko na dito. Bulong ni Laura sa isipan niya, isang araw palang simula ng kidnapin si Laura kasalukuyang nasa school siya no'n nang may sasakyang huminto sa harapan niya at isinakay siya "Kunin mo 'to, ilagay mo diyan para may sapin ka." Napadilat ang mata ni Laura nang makarinig ng boses, sinalubong ng mata ni Laura ang malamlam na mga mata ni Erwan. May dala itong dalawang karton, inilusot nito ang karton sa pagitan ng mga bakal. Nag-aatubili pa na abutin ni Laura ang karton pero sa huli ay kinuha niya ngunit nagtaka siya ng may kasunod itong inabot, isang supot ng plastic. Nanlaki ang dalawang magandang mata ni Laura dahil dalawang cup cake at isang orange juice ang na sa loob ng plastik. Napatingin si Laura kay Erwan. "Kainin mo na 'yan, alam ko hindi mo talaga yan kakainin. Ako na lang ang kakain niyan," seryoso ang boses na sabi ni Erwan. Hindi naman ako makapaniwala si Laura sinabi nito kaya hindi agad siya nakasagot. Namilog na lang ang mata niya ng dukutin ulit ni Erwan ang plato mula sa ilalim na dinapuan na ng ipis kanina, mabilis na kinain nito ang laman sa plato. "B-bakit mo kinain yan? Marumi na 'yan at-" "Huwag mo ng ituloy, ayos lang hindi ko naman nakita kung may dumapo na kahit ano dito sa pagkain. Sayang rin 'to at isa pa bihira lang rin naman ako makakain ng ganito." walang emosyon na sabi nito matapos ubusin ang pagkain. Hindi maipaliwanag ni Laura ang nasa loob niya pero nakaramdam siya ng lunggkot at habag dahil sa sinabi ni Erwan. Nakunsensya siya dahil binilihan siya nito ng pagkain. 'May pambili naman pala siya bakit hindi na lang siya bumili rin ng pagkainin niya, tapos ako binilhan pero ang sarili niya hindi.' Ito ang nasa isipan ni Laura habang nakatingin kay Erwan. "Hindi ko 'yan binili, kung iniisip mo. Ninikaw ko lang yan sa may tindahan, pero huwag mo ng intindihin pa 'yun. Kainin mo na lang." Bahagyang nagulat pa si Laura pero sa huli para bang natanggap agad niya ang sinabi ni Erwan. Para sa kaniya kahit mali ang ginawa nito hindi niya alam pero humanga ako siya kay Erwan, nangilid agad ang luha sa gilid ng mata niya. "Salamat, ano pala ang pangalan mo? Bakit ka na sa mga bad na mga lalaki na 'yon?" lakas loob na tanong ni Laura. Tiningnan lang ni Erwan si Laura at hindi sumagot, kaya nakaramdam ng lungkot si Laura dahil hindi nito sinabi ang pangalan. Tumalikod na si Erwan at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya. Nakatanaw na lang si Laura sa likurannm ni Erwan habang naglalakad ito papalayo at bigla itong huminto. "Erwan." "Ha?" napahawak si Laura sa bakal dahil sa sinabi ni Erwan dahil hindi niya masiyadong narinig. "Erwan ang pangalan ko." "Erwan? Erwan?" dalawang beses na sambit ni Laura at napangiti, pilit na sinisilip ni Laura si Erwan sa pagitan ng bakal. "ERWAN! LAURA, LAURA ang pangalan ko." habol na sigaw ni Laura at napangiti ng lihim si Erwan at nagpatuloy na naglakad. ____ Madaling araw at hindi inaasahan ni Laura ang sumunod na mangyayari. May naririnig siyang mahinang pagtawag sa pangalan niya. Ginigising siya ni Erwan. "Gising, gumising ka bilisan mo." Napabangon naman bigla si Laura ng makita si Erwan at mukhang balisa ito Bakas rin sa marusing na mukha nito ang pagkatakot. "Erwan, bakit?" Sagot at pilit minumulat ang mata ni Laura. "Bilisan mo, tumakas ka na dito. Papatayin ka nila kapag nakuha nila ang perang hinihingi sa magulang mo." natatarantang sabi ni Erwan. Hindi ko naman lubos na maintindihan ni Laura dahil galing palang siya sa pagtulog at naguguluhan pa. Nakita niya na lang na bukas na ang kandado. Pumasok ito at nilapitan siya, hinawakan siya sa magkabilaan na balikat. "Sige na tumakas ka na habang mga lasing sila, tandaan mo ang pangalan na sasabihin ko sayo. Ang kumidnap sa'yo ay ang grupo ni Ka Selso ang numero unong sindikato na pinaghahap ng mga kapulisan. Ituro mo ang lugar na to, Laura." paliwanag ni Erwan habang marahan na niyuyug-yog ang balikat ni Laura na hindi pa rin nagsasalita. "Pa-paano ka? Sumama ka na sa akin puwede kang tulungan ng parents ko. Natatakot akong tumakas." naiiyak na sagot ni Laura. Pinakatitigan naman ni Erwan si Laura at pinunasan ang luha gamit ang sumbrero na suot ni Erwan. Titig na titig si Laura at natigilan ng malaya na niyang nakita ang kabuan ng mukha ni Erwan dahil ang gwapo pala nito, kahit ganun ang ayos nito. "Hindi ako puwedeng sumama sa'yo, ikaw na lang." sagot lang ni Erwan at muling sinuot ang sumbrero. "Baka saktan ka nila, dali na sumama ka na sa pagtakas ko. Para maiwanan mo na ang mga bad guy na 'yun," sambit pa ni Laura at tukoy sa mga kasama nito. "Ikaw na lang, kung sakaling manatili akong buhay. Hahanapin kita, Laura at ipagtanggol kita sa mga mananakit sa'yo, magiging makapangyarihan ako pagdating ng tamang panahon." seryosong pagkakasabi ni Erwan at hinatak na siya patayo. "Hihintayin ko 'yun." naiiyak na sabi ni Laura. "Laura." Napatingin si Laura kay Erwan habang hawak siya sa kamay bahagyang nakalingon sa kaniya. "Sa akin ka kapag nagkita tayong muli." Dahil sa sinabi ni Erwan ay may kung ano sa puso ni Laura, napangiti siya dahil sa sinabi ni Erwan. Dumaan si Erwan at Laura sa may likuran kung saan may mga matataas na talahib, kabisado iyon ni Erwan. Walang hintuan ang ginawa nila hanggang sa makalabas na sila at makarating sa may kalsada. Panay ang lingon ni Erwan sa paligid habang naghihintay na daraan na sasakyan para isakay si Laura. Hanggang sa may makita silang sasakyan na may dalang mga gulay, sinilip muna ni Erwan kung sino ang sakay no'n at ng makita niya na mag-asawang matanda na ay pinakiusap ni Erwan na isakay si Laura dalhin sa police station. "Yung sinabi ko." Sabi pa ni Erwan kay Laura, tumango si Laura at may gusto pa sana siyang sabihin kay Erwan pero nagtatakbo na ito papunta sa talahiban. Bago umandar ang sasakyan ay tumayo si Laura at kahit hindi niya nakikita si Erwan ay sumigaw siya. "Hoy! Hanapin mo ako aa! Hihintayin kita!" mas lalong dumaloy ang luha sa mata ni Laura at napapangiti naman ang mag-asawa na sinakyan niya. Samantala ng marinig yon ni Erwan ay napangiti siya dahil nagkukubli lang siya at hinihintay na umalis ang sasakyan kung saan nakasakay si Laura.ERWANDahil sa marami akong koneksyon nalaman ko kung saan dinala ni Jackson si Laura. Sa isang isla na pagma-mayari nito, may mga nauna na akong tauhan doon. Maingat ang mga bawat galaw namin, lahat ng bantay ay naitumba na namin kasama ko si Andrei at Jeremy. Habang ang ibang tauhan ko ay pinalibutan na ang buong isla. Sumenyas ako kay Jeremy at Andrei na maghiwalay kami dahil hahanapin ko si Laura. Gamit ang silencer ko na baril iyon ang pinangbaril ko rito sa lalaki na nakakita ko na nakabantay sa hagdan. May isa pa na bigla akong sinakal, dahil malakas ang pangangatawan ko at malaki ako sa kaniya. Nabuhat ko siya at pabalibag na bumagsak sa tiles, agad kong binaril ng sunod-sunod. Umakyat ako hagdan at nagpalinga ako sa paligid, pagdating ko sa taas nakakailang hakbang palang ako ng makarinig ako nang sigaw. Hinnanap ko 'yun at pagbukad ko ng pinto.Sa gitna ng malaking kama halos hubad na ang asawa ko dahil sa nasirang damit, pakiramdam ko tumaas ang dugo ko sa galit at agad
LAURA"Please, ibalik muna ako sa asawa ko." pagmamakaawa ko kay Jackson dahil sinakay niya ako sa kotse.Panay ang lingon ko sa likod kung nakasunod ba si Erwan sa amin, kung kailan naalala na ako ng asawa saka naman may ganito. Dahil nakausap ni Jackson si Erwan."Kung ibabalik na kita agad hindi na magiging masaya ang laro." nakangisi niyang sabi.Hindi ako nakasagot dahil isa pa kailangan ko mag-ingat dahil may hawak na baril si Jackson."Bakit kayo magkakilala ni Erwan?" mahina kong tanong."Malalaman mo rin sa ngayon pahahabulin ko muna ang asawa mo, isa pa na-miss ko 'to."Napalingon ako sa kaniya."A-Ano bang balak mo sa amin?" kabado kong tanong dahil itsura na para bang may iniisip na maitim na plano."Simple lang, hangg't nag-eenjoy ako mananatili kayong buhay... Ngunit kapag na-boring na ako..." "Ma-May balak ka ba patayin kami?" tanong ko at lumawak ang pagkakangiti niya."Tama ka, matalino ka pala. Kaya dapat kang maging mabait at sumunod dahil kapag napipikon ako." N
ERWANSimula ng makita ko ang babae na yon na sinasabi na asawa ko siya hindi na ako nakatulog. Yung mukha niya pamilyar sa akin pati na yung lalaki na kasama niya, may mga nagbabalik sa alaala ko na may dalawang batang lalaki ang tumatakbo.Para hindi ako mahalata ni Luisa, ay pinili kong maging natural kahit naghihinala na ako. Yung Laura na 'yon parang may nagtutulak sa akin na lapitan siya yakapin at halikan. Asawa ko siya.Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad ako dahil ako ang inutasan ng Itay ni Luisa para dalhin ang mga isda kay Governor. Tinuro lang sa akin kung saan at sabihi ko lang raw ang pangalan niya.Pagdating ko doon busy yung dalawang guard sa cellphone nila, pagkasabi ko ng pangalan ng Itay ni Luisa agad akong pinapasok sa gate."Dalhin mo na lang sa likod." Hindi ko inaasahan na makikita ko ang babae na 'to na laman ng isip ko simula pa kagabi. Dinaanan ko lang siya na parang wala lang. Diretso doon sa likod ngunit sumunod pala siya."Hindi mo
LUISANakauwi na kami sa bahay na wala kaming kibuan ni Dante, hindi rin siya nagsasalita o nagtatanong man lang. Natatakot akong magsalita o magtanong dahil baka mamaya may bigla siyang maalala.Magkatabi sa higaan ako ito nakatingin sa bubong habang tahimik na nakatalikod sa akin si Dante. Nilingon ko siya at iniisip ko kung tulog na ba siya, ginawa ko niyakap ko siya. Hindi naman siya tumanggi kaya mariin kong pinikit ang mata ko habang nakayakap sa kaniya.___Kinabukasan bigla akong nagising at pagtingin ko wala sa tabi ko si Dante, agad akong lumabas ng kuwarto namin at agad ko siyang hinanap. Ala sais palang ng umaga.Halos takbuhin ko ang pinto at natigilan dahil sa mga tawang naririnig ko, si Itay at Dante masayang pinagsasabong yung dalawang manok.Yung kaba ko kanina nawala dahil nakita ko siyang nakangiti, ibig sabihin wala na yung kagabi at wala pa rin siyang maalala."Luisa, timplahan mo nga kami ng kape." Sabi ni Itay at masayang tumango ako at napansin ko na ngumiti












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews