Pagkalipas ng tatlong taon ay nagbalik siya, at narinig ko siyang pinag-uusapan ang tungkol sa dovorce. Wala siyang sinabi kahit na matapos niyang makuha ang aking pagkabirhen bago siya umalis. Sobrang sakit ng naramdaman ko. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong maging mabuting asawa para sa kanya, pero gusto niya pa rin akong hiwalayan. Hindi dahil mahal ko siya, kundi dahil inakala kong naging tapat ako sa kanya habang siya naman ay nagpakasaya kasama ang kanyang kalaguyo. Ngunit nagawa pa niyang magreklamo na parang ako ang sumakal sa kanya. Galit na galit ako. Sisiguraduhin kong mahihirapan sila ng kanyang kalaguyo na makumbinsi ako sa diborsyo. Pero bakit parang iba ang ikinikilos niya? Bakit nakakaramdam ako ng pagkasabik sa tuwing magkakadikit kami?
view moreJefferson's POV
"Marry her, and you will have all my shares in the company," sabi ni Dad na nakakapagpainit ng ulo ko. Alam naman niya na may girlfriend na ako pero heto siya at gusto niyang magpakasal ako sa ibang babae? Simulat simula ay hindi siya nangialam sa buhay ko lalo na sa lovelife ko. Lagi niyang sinasabi na tiwala siya sa mga desisyon ko at hinding hindi pakikialaman ang personal kong buhay. Pero heto sya ngayon singing different tune. “At kung hindi ako pumayag?” Syempre ay kailangan kong itanong iyon kahit na may palagay na ako kung ano ang magiging consequences. Confident akong tanungin siya dahil I know na alam niya ang capabilities ko at hindi dahil sa ako ay anak niya. “I-o-offer ko ito kay Noris.” Kulang ang salitang shock para ilarawan ang nararamdaman ko. Hindi ko ma-imagine ang bastardong iyon na namumuno sa kumpanya namin, kumpanyang pinaghirapan ko rin. Ganun ba siya kadesperadong maikasal sa kahit na sino sa amin ang kung sino mang babaeng iyon? “Alam mong iga-grab niya ang opportunity na ito para lang mapasa kanya ang kumpanya. You've got to be kidding me, Dad.” I said in disbelief. “Kaya nga sayo ko muna ipinaaalam ang bagay na ito. Alam ko na ang sagot na matatanggap ko mula kay Noris at ayaw kong isipin mo na unfair ako for not asking you first.” Ang sagot niya. So ipinapaalam niya lang sa akin at hindi niya ako tinatanong? Ano iyon kailangan ko pang magpasalamat dahil ginawa niya yun? Napabuntong hininga ako bago tumingin sa kanya. Komportable siyang nakaupo sa couch at kung alam ko lang na ito ang sasabihin niya sa akin at pag-uusapan namin ay hindi na sana ako nagpunta dito. “Alam mo Dad kung ano ang mga nagawa ko para sa kumpanya. Buong buhay ko even before ako grumadweyt ay inilaan ko dito. I devoted myself to the company dahil alam kong sa akin din ito mapupunta, tapos ngayon ay sinasabi mo na willing kang pamahalaan ng bastardong iyon ang mga pinaghirapan ko?” galit ako sa totoo lang. Paanong hindi eh parang binalewala niya ang mga paghihirap at mga sakripisyo ko. “Naaapreciate ko ang mga bagay na ginawa mo, kaya nga sayo ko unang sinabi ang tungkol sa bagay na ito,” ang sagot niya. “But don't worry, kapag pumayag si Noris na pakasalan si Celina ay sasabihan ko siyang gawin kang vice president.” Tama ba ang narinig ko? Vice president? Magiging chairman si Noris and I will be a fucking vice president? “Hindi man lang president, Dad? Vice president lang talaga? Ganyan ba kaliit ang pagtingin mo sa akin?” Ang sunod sunod kong tanong habang pinipigilan kong magpakita ng sobrang galit. He's my father at ayaw kong mag simula ng kahit na anong alitan or away sa pagitan namin ng dahil lang sa pera or sa kumpanya. “Alam mong mataas ang tingin ko sayo, at wala akong kaduda duda sa kakayahan mo. Kaya lang ay ang pagiging vice president lang ang maaari kong i-offer sayo dahil si Celina na ang magiging president. Alam ko kung hanggang saan lang ang kayang i-handle ni Noris so I am going to put Celina in charge of the operation.” Hindi ko maiwasang maisip na baka si Noris yata ang legitimate son niya at hindi ako. I mean, paano niyang nagawa sa akin ito? Anak niya rin ang bastardong iyon but the company was started by my mother and nandoon siya nung nag-i-struggle pa si Dad. Tapos willing siyang ipamahala sa anak niya sa ibang babae ang kumpanyang pinaghirapan ko rin naman at ng mommy ko? “Kung hindi tayo magkakaintindihan ay makakaalis ka na.” “What?” Ang tanong ko. Ganun na lang iyon? Dismiss na agad na wala man lang kaming malinaw na napagkasunduan? “Dadating si Noris at kakausapin ko rin siya,” sabi niya tapos ay nakita kong pumikit ito habang minamasahe ang kanyang sentido. I started to lose it. Maisip ko pa lang na kailangan kong sundin ang bastardong iyon ay talagang kumukulo na ang dugo ko, paano pa kaya kung talagang siya na ang maging chairman? “Fine. Payag na ako sa gusto mong mangyari.” Mukhang nagulat ito, hindi niya siguro inaasahang papayag ako agad. “Bakit mukhang gulat na gulat ka? Natural papayag ako agad, pagkatapos mong sabihin na ipapasa mo sa bastardong iyon ang kumpanya, anong inaasahan mong magiging reaksyon ko?” galit ko ng sabi. Hindi ko rin naman inaasahan na magagawa niya sa akin ito. Baka bumangon ang mommy ko sa hukay kapag hinayaan kong mangyari na mapasakamay nga ng Noris na yon ang lahat ng pinaghirapan niya. “Pag-isipan mo munang mabuti. Kasal at panghabang buhay na pagsasama ang pinag-uusapan natin dito,” tugon niya at may karugtong pa sana pero sumabat na ulit ako. “Tapos ay sasabihin mo sa akin yan? Ito naman ang gusto mo di ba? Huwag mong sabihing worried ka na sa akin?” “May pangalan ang kuya mo kaya huwag mo siyang tawaging bastardo. Wala siyang ginawang masama sayo kaya respetuhin mo siya. Hindi mo kailangang maging matalino para malaman ang simpleng bagay na yan,” sabi niya. “And no, hindi ako worried sayo or kay Noris. Mas iniisip ko si Celina. Natatakot akong baka masaktan siya kapag pumayag sinoman sa inyong magkapatid sa offer ko. Kung pwede lang na mabigay ko sa kanya ang lahat ay ginawa ko na. Ayaw ko lang na pag initan nyo siya dahil sigurado ako na hindi din kayo papayag,” patuloy nya. “Sa ngayon ay umuwi ka muna at pag isipang mabuti ang offer ko. Kung maipapangako mo na hindi mo siya sasaktan or hahayaang masaktan sa kahit na anong paraan, then we have a deal. Alam mo kung saan mo ako matatagpuan kapag nakapag desisyon ka na.” Tapos ay tumayo na ito mula sa couch at naglakad na papunta sa hagdanan. Malamang ay babalik na ito sa kanyang silid. Naiwan akong lito at nag iisip tungkol sa sinabi ni Dad. Lumalabas na mas worried siya sa babaeng iyon kaysa sa amin ni Noris. Sino ba talaga siya? Lagpas lunchtime na kaya nagdesisyon akong bumalik sa company. Nung tumawag si Dad kanina ay nasa meeting ako kaya naman tinapos ko agad iyon sa pag aakalang importante ang sadya niya. Sinalubong ako ni Daria- ang aking assistant hawak ang mga documents na nangangailangan ng aking atensyon. Buti na lang at binigyan niya ako ng mapaglalaanan ng oras para naman maging busy ako at hindi ko maisip ang sinabi ni Dad. Subsob na ako sa trabaho ng tumunog ang aking phone at makita ang pangalan ni Wendy na aking girlfriend. Nag isip ako saglit kung kakausapin ko ba siya o hindi and I decided na kailangan. “Hi, babe…” Sabi niya pagkasagot na pagkasagot ko ng phone. “Gusto ko sanang bumili ng gown na susuotin ko para sa isang charity event. Pwede mo ba akong samahan?” Napaka sweet ng kanyang boses, yung tipong hinding hindi matatanggihan ng kahit na sinong lalaki. “I'm sorry, marami akong mga importanteng bagay na kailangang asikasuhin at kailangan kong matapos agad,” tugon ko. Naisip ko na gusto niya talaga na lagi akong kasama. “Okay babe, I will just cancel it.” Ang sabi niya. Naguilty naman ako kaya sinabi kong, “Hindi naman kailangang i-cancel, pwede ka namang tumuloy kahit wala ako.” “Wala naman akong perang pambili,” ang sabi niya na bakas sa boses ang hiya. Narealize ko na lagi niya akong niyaya at lagi din naman akong nagbabayad ng lahat ng mga binibili niya. She's my girlfriend so kahit na gumasta man ako ng kahit magkano basta para sa kanya ay okay lang. Hindi iyon big deal para sa akin. “Sige, papuntahin ko na lang si Daria sa store para mag asikaso sayo. Just tell me how much.” “Sige babe. Pakisabi sa kanya na pumunta na lang sa Allaine's mamayang 5. Bye.” Tapos ay in-end na niya ang call. Napatingin na lang ako sa screen ng phone tapos ay naisip ko na hindi man lang ako nakapunta sa mga event na pinupuntahan ni Wendy pero lagi akong kasama kapag bibili siya ng mga susuotin niya. Napaisip tuloy ako kung bakit nga ba lagi na lang hindi ako nakakasama doon when there are times naman na libre ako. Ipinilig ko ang aking ulo. I don’t think kailangan ko pang isipin ang bagay na ‘yon ngayon when we’re going to break up anyway? Tamang tama at dumating si Daria kaya naman sinabi ko sa kanya na puntahan si Wendy sa boutique. Sumimangot ito na tila ayaw sundin ang utos ko. Naiintindihan ko naman na hindi na niya trabaho iyon, pero kailangan ba talagang ipakita pa sa akin iyon? “Ayaw mo bang gawin?” Ang naiinis kong tanong. Meron na akong isipin at ayaw kong dumagdag pa siya dahil sa pakikisuyo ko. “Hindi naman po, Sir. Kaya lang po– kaya lang po ay hindi ko siya gusto.” Ang nag aalalangan niyang sabi. “Just do as I say,” ang tugon ko at tumango naman ito bago lumabas ng aking office habang nakasunod ako ng tingin sa kanya. Ni minsan ay hindi ko siya narinig na nagreklamo sa trabaho niya at napakagaling pa. Nagagawa niya ng maayos ang kahit na anong ipagawa ko. At si Wendy, kasabay ng paghinga ko ng malalim ay napagdesisyunan kong tuluyan ng makipaghiwalay sa kanya ay pakasalan ang babaeng sinasabi ni Dad. Halos mag-uuwian na at naisipan kong tignan na rin si Wendy. Kailangan ko na rin namang makipag break sa kanya dahil ayaw kong magkaroon ng problema sa hinaharap. Nag drive na ako papunta sa boutique at nakita kong naka park ang sasakyan ni Daria sa hindi kalayuan. Nag park ako sa tabi niya tsaka naglakad papunta sa shop. Hindi nila ako napansin na pumasok at kitang kita ko kung paano alipustahin ni Wendy ang aking assistant at pagbantaang tatanggalin sa trabaho kapag kami ay nagpakasal na. Hindi ko akalain na ganun pala siyang klase ng babae. Palagi siyang sweet at soft spoken kapag nag uusap kami at hindi ko inaasahan ang aking nasaksihan. Ngayon ay alam ko na kung bakit ayaw ni Daria sa kanya. Nanatili lang ako sa pwesto ko at pinakinggan ang lahat ng mga pinagsasasabi niya at pagmamayabang. Habang ang aking assistant ay nanatiling walang imik at tila walang pakialam. Nang sa palagay ko ay pumayapa na si Wendy dahil na rin sa hindi pagpansin ni Daria dito ay lumabas na ako ng shop at bumalik sa aking sasakyan. Nagulat din ang assistant ko ng makita niya ako nang bumalik ito sa sasakyan niya para umalis. Binati niya ako at tuluyan na siyang umalis matapos ko siyang i-dismiss. Tapos ay kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Wendy. “Hi babe.” Ang masaya, pero mahinhing bati niya na akala mo ay hindi makabasag pinggan. “I'm in the parking lot, can you come here?” Ang sabi ko. Hindi ko ipinahalatang naiinis ako dahil baka hindi pa ito magpunta kahit na nandyan lang siya. Ayaw ko rin na magkaroon siya ng ideya na nakita ko ang ginawa niya kanina lang. “Okay, babe. Tapos na rin naman ako dito,” ang sabi niya kaya naman in-end ko na ang call. Habang hinihintay ko siya ay napansin ko ang sasakyan niya na naka park sa gilid ng boutique. Napaisip ako kung sino ang kasama niya gayong hindi naman siya nagda drive. After a few minutes ay nakita ko na siyang palapit sa akin at ngiting ngiti. I unlock the car door at hinayaan ko siyang makasakay. “Let's break up,” sabi ko pagpasok na pagpasok niya sa sasakyan.CelinaHinila niya ako palapit at hinalikan akong muli. Shit… sabik na sabik din akong muli siyang makapiling.“Pwede naman natin ‘tong ihinto kung hindi ka pa handa, Celina ko,” bulong niya pagkatapos ng mahabang halik.Napakabait niya. Limang buwan na ang lumipas mula noong gabing ‘yon, at kahit hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat sa akin, alam kong galit lang talaga ako sa hayop na ‘yon.Pero si Jefferson? Hindi matatawaran ang suporta niya. Nando’n siya sa bawat iyak ko, lalo na nung halos mabaliw na ako sa sakit.Nang umupo ako sa kandungan niya, bumulong ako, “Handa na ako para sa’yo, Jeffy.”Yumakap siya nang mahigpit, ramdam ko ang init ng katawan niya. At ako naman ang humiga sa ibabaw niya, walang alinlangan.“Damn, miss na miss ko ‘tong m*****g na side mo, Celina ko,” bulong niya habang may halong gigil ang titig niya sa akin. Gustung-gusto ko ‘pag ganito siya tumingin, para bang may utos siyang gustong ipasunod, at gusto kong ibigay ang lahat sa kanya. Kahit may konting
CelinaSi Jefferson ang naging sandalan ko sa lahat ng oras na pakiramdam ko'y parang guguho na ako. Sa awa ng Diyos, ligtas at malusog ang anak naming babae sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko.Pero kahit ganun, ramdam ko pa rin ang matinding hiya at pakiramdam na parang nilapastangan ako. That man violated me.Mabuti na lang at nariyan ang asawa ko at ang anak namin. Sila ang naging dahilan kung bakit mas mabilis ang paggaling ko, kahit pa ang sabi ng psychologist ko ay matagal pa raw bago ako makabangon. pero sadyang napakabuti ng Panginoon dahil tinulungan niya rin ako.Maingat at maunawain ang doktor ko. Sa tuwing tinatanong niya ako tungkol sa insidente, hindi niya ako pinipilit magsalita. Sabi niya, darating din ang araw na makakatawa at makakangiti ako nang buong-buo lalo na ngayon na nakakulong na ang hayop na ‘yon at unti-unti nang binabayaran ang kasalanan niya.Nang makauwi kami, ipinaliwanag sa akin ni Jefferson ang lahat ng nangyari. Doon ko nakita kung gaano niya talag
“Salamat, Jefferson, kasi hindi mo ko iniwan. Nandiyan ka sa lahat ng oras."“Mahal kita, ‘di ba? Kaya natural lang ‘yon. Wala ka nang choice dahil habambuhay mo na akong makikita at makakasama,” sagot ko habang hawak ang kamay niya.Nang matapos naming bisitahin ang anak namin sa nursery ay bumalik na kami sa kwarto ng ospital. Lagi siyang dinadalaw nina Dad, Noris, Cindy, at syempre, si Daria.Minsan nga, pati ‘yung mga katrabaho niyang minsan na niyang nakaalitan tungkol sa country club project, dumalaw rin. Nakakagaan sa loob na hindi lang ako ang may pakialam sa kanya. At kitang-kita sa mukha niya kung gaano siya kasaya sa pagmamahal na natatanggap niya.Paglabas namin ng kwarto, at sigurado akong mahimbing ang tulog ni Celina, saka ako tumingin kay Dad.“Kumusta na ‘yung demonyong ‘yon?” tanong ko, medyo pinipigilan ang galit.“Malalagot talaga siya. Luluma ang selda sa tagal ng pagkakakulong niya,” sagot ni Dad na may matigas na tono. “May iba pang biktima na lumantad at nagsam
JeffersonTulog pa rin si Celina. Maayos naman ang lagay ng baby namin, at sana kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya dahil doon. Yung nangyari sa kanya... sobrang traumatic. Kung magising man siyang hysterical, hindi ko siya masisisi. Kaya gusto kong nando’n ako sa tabi niya pag dumating ‘yung sandaling ‘yon.Ang hayop na gumawa noon sa kanya ay nasa kustodiya na ng mga pulis. Si Dad na ang nag-aasikaso ng kaso. Hindi ko pa rin kilala kung sino talaga siya, pero sabi ng mga pulis may mga kaso raw ‘yun ng panloloko, rape, at pagpatay. Siguradong mabubulok siya sa kulungan at titiyakin kong mangyayari ‘yon.Tumingin ulit ako kay Celina at napangiti. Kamukha niya ang aming baby girl. Parang may dalawa na akong liligawan habang buhay. Hinaplos ko ang ulo niya, saka ko hinagod ang braso niya. Bigla siyang dumilat, dahan-dahan, parang pagod ang kaluluwa.“Hey, my Celina,” bulong ko sa pinaka-maamong boses ko. Gusto kong maramdaman niya na ligtas siya dahil nandito ako.Pagkakita niya s
Jefferson Grabe si Celina, sobrang mapilit talaga. Ayokong pumayag sa gusto niyang paglabas pero alam kong magmamatigas siya. Kaya wala na rin akong nagawa kundi pumayag, kahit labag sa loob ko para lang hindi siya magalit. Mabuti na lang at natawagan ko na si Noli nitong nakaraang linggo lang para humingi ng tulong at ni-refer niya ako sa isang maasahang bodyguard na pwedeng magbantay sa kanya kapag umalis siya. Pero sinabi ko na huwag na huwag siyang magpapakita kay Celina kasi siguradong magagalit lang ’yun at sasabihing sayang lang ang pera. Ginawa ko iyon dahil gusto kong masiguro na ligtas ang aking asawa at kung ano't-anuman ang mangyari ay may aalalay sa kanya. Alam kong magiging sobrang busy ako sa kumpanya. Ang hirap na ulit magtiwala lalo na matapos ang ginawa nina Noris at ng ibang miyembro ng board. Kaya mas panatag ako kapag may nagbabantay kay Celina, kahit pa malaki ang gastos basta makatrabaho ako nang maayos at hindi ako masiraan ng bait sa pag-aalala. "Sir, nasa
Mature ContentThird Person's POV“Sa tingin mo ba ay naaalala ka pa niya?” tanong ng boses ng babae na nakilala ni Celina na si Mary Jane Diaz."Of course! How can she forget about me?" Narinig naman ni Celina na tugon ng isang boses ng lalaki habang pinipilit niyang alalahanin kung kilala ba niya ang nagmamay-ari non at pinanatili ang sarili na tahimik sa takot na baka may gawing masama sa kanya ang dalawa, lalo na sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan.“Buntis na siya at lahat, pero akit na akit ka pa rin sa kanya?”“Anong pakialam mo ba? May sinabi ba akong masama tungkol sa inyong magkapatid na may gusto sa iisang lalaki?” paangil na tanong ng lalaki habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Mary Jane."Ano na ngayon? Ano na ang plano mo?” tanong na lamang ng babae.“Pwede ka ng umalis at ako na ang bahala kay Celina. Aalis kami at magpapakalayo-layo. Sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kanya at doon kami maninirahan bilang masayang pamilya,” ang tila nababaliw na tu
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments