Go! Go! Go! Jefferson!
JeffersonAs usual, nasa study room ko na naman si Celina. Sa paraan ng pagliligpit niya sa mesa, halatang tapos na siya sa ginagawa niya. Naalala ko ‘yung tanong ko sa kanya kanina tungkol sa gamit niya kung naka-impake na, pero sagot niya, hindi pa. Ano bang problema niya?Gusto ko sanang tanungin kung may kinalaman ba ‘to sa hindi ko pagtawag sa kanya, pero ‘di na lang ako nag-abala. There's no way na mag-aasta siyang ganito dahil lang doon. Kilala ko siya, mayabang din ‘yan sa sarili, kaya kahit totoo man, hindi niya ‘yon aaminin sa akin.Pagbukas ng pinto, nakita ko si Susane na may dalang tray ng pagkain. Bakit siya may dalang pagkain dito? Ibig sabihin ba nito? Tama ang hinala ko nang sabihin niyang hindi pa kumakain si Celina. Syempre, nainis ako.Ang daming tao sa mundo na walang makain, tapos heto siya, walang pakialam kahit magutom siya. Ginawa niya ‘to dahil ba nag-aaway kami? Kung gano’n nga, siguro matutuwa pa ako, pero ayoko pa rin ng ideya na hindi siya kumakain.Tining
CelinaNanlaki ang mga mata ko dahil sa aking narinig. Gusto ba niya akong dalhin doon para ayusin ang divorce namin? Balak pa rin ba niyang ituloy ‘yon kahit na may nangyari na sa amin?Dahil ba sa litratong ‘yon? Tama, malamang iyon ang dahilan kung bakit niya gustong ipursige ngayon. Nagpapanggap siya na walang alam kunyari. Napalitan ng lungkot ang kanina ay galit sa mukha ko, pero pinilit kong huwag ipahalata na alam ko na ang plano niya.Humarap siya sa akin at kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi ko inakalang maririnig ko mismo ang plano niya."Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya. Halatang kinakabahan siya na baka may narinig ako, kaya nagkunwari akong clueless."Kakapasok ko lang. Bakit?" Tingnan natin kung ano ang isasagot mo."Wala," sagot niya, pero napansin kong magulo ang gamit ko, kaya tinanong ko siya. Sinabi niyang ineempake na niya ang mga gamit ko at gusto ko sanang sumigaw sa inis, pero hindi ko ginawa. Kailangan kong mag-isip nang mas maayos. Kailangang hin
Mature ContentCelina"Nagustuhan mo ba ang kwarto?" tanong ni Jefferson nang makapasok kami sa hotel room. Hindi ako sumagot at diretso lang sa paglakad at hinayaan lang niya ako. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, pero hindi ko siya nilingon.Sa totoo lang, sobrang gara ng kwarto. Ang hirap pigilan ng excitement ko, pero ayokong ipahalata sa kanya. Tinignan ko ang paligid at tsaka lumapit sa couch sa sala.Naupo ako doon.Geez... ang lambot at ang sarap upuan! Walang duda, world-class talaga ang JS Hotel Resort and Casino. Bawat sulok ng kwarto namin ay sumisigaw ng yaman. Kahit alam kong nasa presidential suite kami, pakiramdam ko kahit ang regular rooms nila ay sobrang mahal.Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko, pero hindi ko siya pinansin. Naiinis ako dahil wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya, at sobrang naiirita pa rin ako sa dahilan. Hindi ko makalimutan dahil paulit-ulit iyong tumatakbo sa isip ko.***"Bangon na, my Celina," bulong ni Jefferson habang tinatapik
Jefferson"Sige, magpahinga ka muna at pupunta na ako sa opisina. Gusto sana kitang isama para ipakilala sa mga empleyado natin, pero kung inaantok ka pa, magpahinga ka na lang habang wala ako," aniya.P-Pakilala sa mga empleyado? Nabigla ako. Pero hindi… sigurado akong may binabalak siya."Hindi ako inaantok!" mariin kong sagot. "Pagod lang ako. Masakit ang buong katawan ko dahil sa walang katapusang pagbayo mo sa'kin sa bahay tapos ang haba pa ng naging biyahe natin," dagdag ko, na agad niyang tinawanan."Ano'ng walang katapusan? Tumigil naman tayo, 'di ba?" tanong niya habang sige pa rin siya sa pagtawa."Oo nga! Pero tumigil ka lang kasi hindi ko na kayang sumabay sa'yo! At siguro, naisip mong late na tayo sa flight natin!" sagot ko nang may halong pagka-inis."My Celina, kung gugustuhin ko ay kaya kong i-rebook ang flight natin kahit kailan. Ikaw ang iniisip ko, kaya ako tumigil. Nanginginig na ang mga hita at tuhod mo at hindi ka na makatayo nang maayos. Sa totoo lang, balak kit
JeffersonLitong-lito ako sa mga kilos ni Celina. Simula noong araw na umuwi ako at nagalit siya sa akin, parang may kakaiba sa ikinikilos niya. Alam kong galit siya, ramdam ko iyon kahit na hinayaan niya na may mangyari sa aming dalawa.Nang sabihin sa akin ni Daria na nagalit siya sa asawa niya dahil hindi ito tumawag, naisip kong baka ganoon din ang dahilan ni Celina. Kaya naman, plano ko siyang suyuin kahapon pag-uwi ko.Pero galit pa rin siya sa akin, kaya nagtataka ako kung bakit bigla siyang naging sweet at mapang-akit. Oo, gusto ko iyon, pero may pakiramdam akong may dahilan siya sa ginagawa niya. At nakumpirma ko iyon nang sabihin niyang hindi siya sasama sa akin papunta nga ng Miami.Pinag-usapan na namin ito noong nakaraang buwan pa, at kahit basta ko na lang sinabi sa kanya na aalis kami, hindi naman din siya tumutol kaya ang akala ko ay okay na ang lahat.Kakapasok lang niya sa bathroom ngayon at may kutob akong may nangyayari sa kanya na ayaw niyang sabihin sa akin at gus
Jefferson"Hindi ko na yata gustong isama ka," sabi ko habang titig na titig ako sa kanya."Ang OA mo, Jefferson," sagot niya, sabay lakad palayo.Fuck! Napalunok ako habang nakatitig sa likod niya. Ang paraan ng pagsayaw ng balakang niya, ang malalambot na pisngi ng kanyang puwet na bahagyang umaalog sa bawat hakbang. Para akong nilalagnat sa libog. Pakiramdam ko, gusto nang kumawala ng alaga ko mula sa pantalon kong tila nagiging kulungan. Bakit ba ako nagdala ng ganitong klaseng damit para sa kanya? At saka ko naisip, ako pa mismo ang pumili ng mga ito.Tangina, kahit sako yata ang isuot niya, magmumukha pa rin siyang sex goddess. Ang katawan niyang hinulma para pasabikin ako, shit, wala na akong kawala. She really is my fucking sex goddess.Nasa unang palapag ng hotel ang opisina ko. Tatlong taon akong nandito sa Miami, pero hindi ako tumira sa alinman sa mga kwarto rito. Ayaw kong mailang ang mga empleyado sa presensya ko. Pero pagdating kay Celina, ibang usapan.Gusto kong iparam
CelinaBuong araw, magkasama kami ni Jefferson. Gusto niyang makausap ako, linawin ang lahat, at alamin kung bakit ako galit sa kanya nitong nakalipas na dalawang araw. At alam kong alam niya na hindi ko naman siya kayang taguan ng sama ng loob nang matagal. Isang haplos lang niya, parang tinutunaw na niya lahat ng galit ko.Pinakilala niya ako sa mga empleyado niya, at halos mawalan ako ng balanse nang marinig kong proud niyang sinabing, “Meet my wife.”Wife?! Para akong lumutang sa hangin ng marinig iyon. Akalain mo, talagang ipinakilala niya ako sa mga empleyado niya bilang asawa?Bigla akong napaisip, akala ko ba nandito kami para sa annulment? Eh bakit parang gusto niya akong ipagmalaki sa lahat? Mali ba ako ng akala? Hindi ba ang divorce namin ang tinutukoy niya?Siguro ay ganon nga lalo at kahapon lang ay ang saya na ng aura niya, parang isang asawang sobrang in love sa misis niya. Sobrang in love sa akin.Dahil sa ginawa niya ay mas ganado akong gawin ang golf course design. Ha
Celina"Kanino ‘tong kotse?" tanong ko, hindi maitago ang curiosity habang tinitingnan ang interior ng sasakyan. Amoy mamahalin, malinis, at walang bahid ng kahit anong gamit ng babae. Kahit paano, nakahinga ako nang maluwag."Sa hotel," sagot niya, bahagyang nakangiti habang nagmamaneho. "Ito ang gamit ko during my stay here. Sa totoo lang, nag-renta na lang ako ng apartment kaysa tumira sa hotel sa loob ng tatlong taon."Napatingin ako sa kanya, ang isipan ko hindi mapigilan ang paghabi ng mga posibilidad. May dinala ba siyang ibang babae roon? May naghintay ba sa kanya sa apartment niya tuwing gabi?Napansin niya ang tingin ko at biglang tumawa, tila ba nabasa niya ang iniisip ko."Alam ko ‘yang tingin na ‘yan." Napailing siya at napangisi. "Sinabi ko na sa’yo, wala akong ibang babae rito. Ikaw lang ang gusto kong k******n at wala nang iba."Ramdam ko ang init na gumapang sa pisngi ko. Napatingin ako sa driver, na tahimik lang at tila walang narinig. Pero hindi ko mapigilan ang pags
CelinaSobrang saya ko nang malaman ko ang totoo tungkol sa mga magulang ko. Alam kong kailangan maging discreet ang ospital tungkol sa pagkakakilanlan ng mga donor, pero buti na lang talaga at tumulong ang kaibigan ni Daddy John. Dahil sa narinig ko, na-inspire akong gawin din ang ginawa nila, magpalista bilang organ donor.Gusto kong makatulong sa iba, gaya ng pagtulong ng ama ko sa akin. Oo, maaaring hindi ganun kalalim ang magiging epekto nito sa tatanggap ng organ ko, pero ang makadugtong ka ng buhay ng isang tao? Para sa akin, malaking bagay na ‘yon.Sana lang, suportahan ako ni Jefferson. Alam ko kung gaano siya ka-protective lalo na nung nagbuntis ako. Lalo ko siyang minahal dahil doon.Speaking of pregnancy, sabi ng OB ko, pwede na raw akong pumasok sa trabaho at dumalo sa mga meetings basta hindi ako maglalakbay nang malayo. Since nakaupo lang naman ako sa opisina, at kahit sa meeting ay hindi masyadong gagalaw, okay lang siguro kung makipagkita ako sa client namin.Matagal
JeffersonNaging mas matindi ang pagkabahala ko nang makita kong seryoso ang aking ama.“Dad, gusto ko lang malaman mo na masaya ako sa buhay ko ngayon. Lalo na ngayong malapit na akong maging ama. Kaya pwede mo nang sabihin kung bakit si Celina ang pinili mong mapangasawa ko o ni Noris. Gusto kong marinig ang dahilan at matagal ko na rin gustong malaman ito."Napabuntong-hininga siya habang nakatingin kay Celina. Kita sa mga mata niya ang pag-aalala sa asawa ko, kaya hinayaan ko siyang magsalita sa sarili niyang oras. Ayokong pilitin siya kung hindi pa siya handa.“Dad, okay lang kung hindi mo pa kayang ikwento,” sabi ni Celina habang hinahawakan ang kamay niya. “Wala rin naman akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko. Kahit hindi mo pa kami ipinagkasundo, tatakas pa rin ako sa mga umampon sa akin,” dagdag pa ng asawa ko.“Hindi ko lang talaga kayang saktan ka. Para ka nang anak na babae sa akin. At alam kong hindi mo maalala ang nakaraan mo,” sagot ni Dad.Doon na ako naintriga. W
Jefferson Sa totoo lang, parang perpekto na ang lahat, at kuntento na ako. Malapit na akong maging ama at ramdam na ramdam ko kung gaano ako kamahal ng asawa ko. Sino bang mag-aakala na mauuwi sa ganito ‘yung kasal naming hindi ko naman talaga ginusto noong una? Pero heto kami ngayon, punong-puno ng pagmamahal at nagsisimula ng sariling pamilya. Siguro nga, may mata talaga si Dad sa tamang tao. Hindi ko alam kung magiging ganito kasaya si Celina kung si Noris ang kanyang napakasalan. Siguro, siya ‘yung pinaka-masayang lalaki sa buong mundo habang ako, naglalakad sa landas ng pagkawala. Pero sa totoo lang, ang bait din sakin ng Diyos. Binigyan Niya ako ng kakayahang patakbuhin ang negosyo… at isang asawang katulad ni Celina. Walang perpekto sa mundo, pero si Celina ang perpektong bahagi ng di-perpekto kong mundo. Saktong-sakto siya sa buhay ko, habang ‘yung titi ko, putangina, eksaktong-eksakto rin sa puke niya. Tangina. Gusto ko siyang k******n ngayon na. Pero bakit ba ‘ko iniini
With Mature Content!!Celina“Sinabi ko na ngang ayos lang ako. Siguro normal lang sa mga buntis ang pagsusuka ng lahat ng kinakain,” sabi ko kay Jefferson habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Halatang-halata ang pag-aalala niya dahil halos wala na akong nakakain. Lahat ng pinapasok ko sa tiyan ko, bumabalik sa lababo sa banyo namin. Noong una, nahirapan akong i-handle ‘yon. Pero habang tumatagal, nasasanay na rin ako.“Hindi mo ako masisisi, Celina ko. Mahal na mahal kita, kaya nababahala lang ako kapag hindi mo nakukuha ang mga nutrisyon na kailangan mo. Lagi kang sumusuka,” sagot niya habang tinutulungan akong maupo sa kama pagkatapos naming lumabas ng banyo.“Baka kasi ayaw ng baby natin sa mga kinakain ko,” sagot ko habang hinahaplos ang tiyan ko.“Ano naman kaya ang gusto ng prinsesa natin, hmm?” tanong niya sabay dampi ng palad niya
Third PersonNanatili si Celina sa mansyon, pero kahit gano’n, tumatanggap pa rin siya ng trabaho ng paisa-isa. Ayaw ni Jefferson na magsabay-sabay sa pag-aalala na baka mapagod siya.Kahit nasa bahay lang siya, tutok pa rin siya sa construction ng country club gamit ang tawag at video call. Dati, bumibisita siya sa site isang beses kada linggo, pero ngayon, halos araw-araw na siyang nakikipag-ugnayan kina Engr. Mark at sa contractor through phone. Ayaw niyang masisi ang pagbubuntis niya sa kahit anong delay o aberya sa proyekto.“Dennis, nakausap ko si Engr. Mark. May gusto raw siyang ikonsulta, pero hindi ako makakapunta. Pwede mo ba akong i-represent dun?” tanong ni Celina habang kausap ito sa phone.“Walang problema,” sagot ni Dennis. “Pero alam mo, dapat nagpapahinga ka na. Hindi matutuwa si Mr. Scott ‘pag nalaman niyang nagtatrabaho ka pa rin nang ganito.”“Ay
JeffersonNaayos na rin sa wakas ang gulo sa kompanya. Lumabas sa imbestigasyon na dalawang board members pala ang matagal nang ginagapang si Noris, pinapalabas na mas karapat-dapat siya sa posisyong hawak ko.Matagal na nilang sinasadya ang mga banggaan namin ni Noris, ginamit pa nila ang pagkahumaling niya kay Celina bilang mitsa para lalong masira ang samahan namin bilang magkapatid.Sinabi ni Noris kay Dad na balak niyang magbakasyon kasama ang nanay niya, at pumayag naman si Dad. Ang hangarin: kapag malayo siya kay Celina, baka unti-unti na rin siyang makamove on. Pero sa loob ng tatlong taon na wala ako, mas lalo lang lumalim ang damdamin niya para kay Celina. Hindi ko siya masisi. Si Celina kasi, ibang klaseng babae. Napakaganda, elegante, at may kakaibang alindog na kahit sinong lalaki, mahuhulog ang loob.Napatingin ako sa asawa ko na mahimbing pa ring natutulog. Napakunot ang noo ko. ‘Di niya ugali ang matulog nang ganito katagal. Karaniwa
"Bilang parusa sa pag-amin mo, aalisin ka sa lahat ng executive responsibilities mo sa kumpanya. Mananatili ka na lang bilang miyembro ng board, katulad ng dalawang taong sangkot sa isyung ‘to," mariing pahayag ni Jefferson."Matagal mo nang hinihintay 'to, 'di ba?" singhal ni Noris, halatang nag-aalab sa galit."Kung oo man o hindi, wala 'yan sa usapan. Ikaw ang nagpasimula ng gulo, kaya huwag mong ibunton sa akin ang sisi. Kahit sabihin kong ‘di ko naman talaga ginusto ang ending na 'to, sigurado akong hindi ka rin maniniwala. Galit ka na, at ako ang pinili mong pagdiskitahan," matigas na sagot ni Jefferson."At ikaw naman, dad? Alam mong siya dapat ang mapapangasawa ko pero pinabayaan mong mangyari ‘to. Celina, kakampi ka na rin ba sa kanila ngayon?" matalim na tanong ni Noris, sabay tingin sa akin. Napatingin ako kay Daddy John, at may kirot akong naramdaman para sa kanya."Noris, huwag mong isisi sa tatay mo
Celina"Next time, sana hinintay mo ako para ihatid ka kay Dad," seryosong sabi ni Jefferson pagpasok sa kwarto naming dalawa. Napangiti ako at sinalubong siya ng halik, ramdam ko agad ang init ng presensya niya, at parang nawala bigla ang lahat ng kaba sa dibdib ko."Alam kong pagod ka, at siguradong mabigat ang naging pag-uusap n’yo. Dagdag pa ‘yung stress mo sa kumpanya, lalo na sa board meeting... halos wala kang pahinga," sabi ko habang inaabot ang kamay niya."Oo, pero kahit gano’n ako kapagod, dapat sinabi mo pa rin. Alam mong susunduin pa rin kita. Huwag mo na ulitin ‘yon, Celina," seryosong bilin niya habang nakatitig sa’kin."Promise, hindi ko na uulitin. Next time, magpapasabi muna ako bago ako umuwi mag-isa," sagot ko na may konting tawa nang mapansing napabuntong-hininga siya. "Pero seryoso, kaya ko namang umuwi mag-isa. Hindi naman natin kailangang laging magkasama, 'di ba?"
CelinaPagpasok ko sa mansyon, parang biglang tumanda si Daddy John ng sampung taon. Kita ko sa mukha niya ang bigat ng mga nangyayari.Napag-usapan na nila ni Jefferson ang tungkol kay Noris, at kahit ayaw naming maramdaman niya ang bigat ng sitwasyon, wala kaming ibang choice kundi hayaang harapin ni Noris ang sariling kalokohan niya.Nilagay ni Noris sa kahihiyan ang pangalan ng kumpanya nila, at kahit ako man ang nasa kalagayan ng asawa ko ay siguradong mangingibabaw pa rin sa akin na gawin kung ano ang tama.Hindi lang basta negosyo ang nakataya dito kung hindi pati na libu-libong empleyado ng Scotts Group. Kaya napakarami ang umaasa sa kumpanyang 'yon para mabuhay ang pamilya nila.Flashback...Naging kaibigan ko si Noris ng lapit niya ako habang nasa isang coffeeshop ako.Noon, abala ako sa pagdidisenyo para sa isang overseas client. Wala nang ibang bakanteng mesa, kaya nang lumapit siya, tinan