The Billionaire's Ex Who Come Back for Revenge

The Billionaire's Ex Who Come Back for Revenge

last updateÚltima actualización : 2025-11-12
Por:  SashaaEn curso
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 calificación. 1 reseña
12Capítulos
180vistas
Leer
Agregar a biblioteca

Compartir:  

Reportar
Resumen
Catálogo
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP

Two years into her marriage, nakaupo si Ysabel Gomez sa Quezon City Civil Registry, hawak ang marriage certificate nila ni Rafael Jimenez. Pero sa isang iglap, naglaho ang lahat nang matuklasan niyang peke pala ang kasal nila. Every I love you’s… Every promise of forever… it was nothing but lies she had foolishly believed. Dahil natuklasan niyang si Rafael Jimenez, ang lalaking minahal niya ng anim na taon, ay kasal na pala sa isang propesor na mas matanda sa kanya. She felt her world crumbling into pieces. “I’m unmarried. Childless. And I’ll inherit everything,” mariin niyang wika sa abogado nang kaniyang ama. Sa unang pagkakataon, pinili niyang pakinggan ang sarili. Tahimik siyang naglaho sa mata ng lahat. Hindi para magtago, kundi para bumangon. At nang muling makita siya ng mundo, hindi na siya ang babaeng minsang niloko at iniwan. Siya na ngayon ang babaeng tinitingala ng lahat. Confident, elegant, at nakatayo sa tabi ng isang makapangyarihang lalaki na hindi siya tinrato bilang pag-aari, kundi bilang kapantay. Habang pinapanood naman siya ni Rafael, doon napagtanto ng lalaki kung ano ang sinayang niya. And as Ysabel smiled before the flashing cameras, surrounded by a world that once pitied her, a smirk plastered on her face. Her story wasn’t over yet. This was only the beginning.

Ver más

Capítulo 1

KABANATA 1: A Love That Never Existed

Once in our life, hindi natin maitatangging may isa tayong tao na mapapangalanan na iniibig natin ng buo.

Sa paraang matindi, na hindi na nga natin alintana kung saan tayo dadalhin ng tadhana. Pero minsan, ang tadhana rin ang marahas na bumabawi sa mga paniniwala nating akala natin ay totoo.

Dahil hindi lahat ng kasal ay nagsisimula sa altar, may ilan din na nabubuo lamang mula sa isang kasinungalingan.

At ang pag-ibig, kapag itinayo sa pandaraya, ay unti-unting guguho... kahit gaano pa ito kaganda sa paningin ng iba.

Dalawang taon na ang lumipas mula nang ikasal si Ysabel Gomez. Sa paningin ng lahat, perpekto ang buhay niya. Sadyang kainggit-inggit ika ng ang buhay niya. Paanong hindi? May maganda siyang trabaho, malaking tahanan, at may asawang halos tinitingala ng lahatsa pagka perpekto.

Pero sa likod ng mga larawang iyon, may mga gabing hindi siya makatulog. May mga katahimikang mas malakas pa sa sigaw.

Nanaiisin pa kaya nila ang buhay niya kung sa isang iglap ay mawala ang lahat ng ito? As if the two years of her life seem like just a joke that never happened?

Isang hapon, habang nag-aayos siya ng drawer ng mga dokumento, napunit niya ang marriage certificate nila ni Rafael Jimenez. Sa una, hindi niya iyon gaanong inintindi.

Napangiwi lang si Ysabel at natawa ng mahina. “Ang malas naman,” bulong niya sa sarili. Pero nang tumambad sa kanya ang kabuuang ayos ng nangyaro, kung saan nahati ang papel, halos manlumo siya.

In her hands is their marriage certificate but it is all torn apart now. A slight pain suddenly attacked her upon seeing what she had done.

Imbes magmukmok pa roon, nagpasya siyang kumuha ng bagong kopya. Hindi niya gustong madatnan pa ito ng asawa at isiping sinadya niya iyon. When she could never!

Agad ay nagtungo siya sa Quezon City Civil Registry. Maaga pa lang, nakapila na siya. Bitbit ang ID, marriage certificate, at maliit na envelope ng mga photocopy, tahimik siyang naghihintay. Nang siya na ang tinawag, ngumiti pa siya sa clerk sa may bintana. Ngunit maya-maya, napakunot ang noo ng kawani habang nakatitig sa computer screen.

Kinuha nito ang lahat ng dala niya at may ilan rin itong katanungan na mabilis at maayos niyang nasagot. She just patiently waited para maproseso ang hiningi niya.

Habang naghihintay ay iniisip na ni Ysabel kung ano ang kaniyang ilulutong pagkain sa asawa, she is happily imagining what’s on her menu today. Ngunit ilang sandali lang, napansin niyang napakunot ang noo ng babae habang nakatitig sa computer screen nito.

“Ma’am…” mahinahon nitong sabi, “Wala po kayong record ng pagpaparehistro ng kasal sa system,” magalang ngunit halatang naguguluhang sabi nito.

Napataas ang kilay ni Ysabel sabay mahinang natawa sa sinabi ng clerk. “Prank ba ‘to, Miss? Imposible naman ‘yang sinasabi mo. Dalawang taon na kaming kasal ng asawa ko. Just checked it again,” sagot niya, sabay abot ng napunit na marriage certificate.

Mabilis namang sumunod ang clerk sa sinabi ni Ysabel. Nakita niyang mabilsi nga itong pumindot sa keyboards niya. Ngunit ilang minuto na ay iisang ekspresyon lamang ang nakikita ni Ysabel dito. Kunot na noo na parang hindi magandang balita ang laman.

Hanggang sa tuluyang humarap na ito sa kanya at itinuro ang monitor.

“Wala talagang record sa system namin ma’am. It is also unprofessional of me to joke about something like this dahil trabaho po namin ito. Maybe, check niyo po sa end niyo, Ma’am?” mahinahong tanong ng clerk sa babae unti unting nawawalan ng kulay ang mukha.

Hindi agad nakapagsalita si Ysabel kaya nagpatuloy ang clerk. “At tingnan n’yo po itong selyo, Ma’am... baluktot ang tatak. Mukhang na-peke po kayo. Hindi po ito original.”

Parang biglang nawala ang tunog ng paligid sa tainga niya. Ang tunog ng printer, ng mga yapak, at ng aircon, nawala iyon lahat.

Tumitig lang si Ysabel sa clerk, talagang hindi makapagsalita. Ang nangunguna lang sa kaniya ay ang tibok ng kanyang puso at ang nanunuot na lamig ng hangin sa loob ng opisina. Kung ang lupang tinatapakan niya ngayon ay pwedeng bumuka, ngayon na ang oras na hinihiling ni Ysabel.

Because all she felt right now is utter disbelief that she just wished for the Earth to swallow her whole.

Paglabas niya sa Quezon City Civil Registry, naglakad siya nang walang direksyon. Wala siyang pakialam kung saan siya mapunta. Hindi niya alam kung maiiyak ba siya o matatawa.

What the heck just happened? Panaginip ba ito?

Ang liwanag man ng araw ay nakakasilaw, pero tila malamig pa rin ang mundo sa paligid ni Ysabel. Gusto niyang sumigaw pero wala siyang boses. Gusto niyang ibalik ang sakit na nadarama niya pero hindi niya alam kung kanino ito unang ibubunton.

Sa gitna ng kanyang pagkalito, biglang tumunog ang cellphone niya.

“Hello, Miss Ysabel Gomez,” sabi ng kalmadong tinig ng lalaki. “Ako po ang abogado ng inyong ama. Is it comfortable for you to go to Zhong & Co. Law Office sa Makati para lagdaan ang property inheritance agreement?”

Napakunot-noo ang noo ni Ysabel Property inheritance? Ama? Nasa kalagitnaan siya ng mabigat na paghinga nang mapakunot lalo ang kanyang noo.

“Property inheritance?” kunot-noo niyang sagot. “Siguro po nagkamali kayo ng tinatawagan. Wala po akong—”

Ngunit pinutol siya ng lalaki sa kabilang linya, at ngayon ay mas seryoso na ang tono na gamit nito.

“Miss Ysabel Gomez, ang pangalan ng nanay mo ay Lilia Bustamante, tama? Iniwan ka niya sa pintuan ng St. Mary’s Orphanage dalawampung taon na ang nakalipas. Pagkatapos ng matagal na imbestigasyon, napag-alaman naming ikaw ang nag-iisang anak na may kaugnayan sa dugo ni Don Esteban. Ang may-ari ng Z Capital Holdings, at ang pinakamayamang negosyante sa Tagaytay City.

Nanigas si Ysabel sa kaniyang narinig.

Ang hangin sa paligid niya ay parang tumigil. Ang bawat salita mula sa telepono ay parang kutsilyong dahan-dahang humihiwa sa kanyang katinuan.

Pagkababa ng tawag, hindi na siya nag-isip. Nag-book agad siya ng sasakyan at nagpunta sa sinasabi nitong law firm. It may be a sudden decision, but Ysabel Gomez said to herself that it is a one lifetime opportunity to get all the answers about her roots, about her roots. Kaya hindi na niya sasayangin ang pagkakataon na ito kahit may nauna na siyang problema. Bahala na!

Pagdating niya sa opisina, sinalubong siya ng matandang abogado. Tahimik ito noong una, at may bakas ng awtoridad, pero nakitaan niya rin ng awa sa mga mata ang matanda.

At doon niya narinig ang pinaka nakakagulat na balita ng buhay niya.

“Miss Gomez,” mahinahon nitong sabi, “ang inyong ama ay pumanaw isang buwan na ang nakararaan. Ngunit bago siya mamatay, iniwan niya ang lahat ng kanyang ari-arian sa kanyang nag-iisang anak.”

Ang kanyang tunay na ama, si Don Esteban, ay isang kilalang negosyante sa loob at labas ng bansa. May-ari daw ito ng mga kumpanya na hindi na niya mapangalanan lahat! Maging real estates, stock, at iba pang ari-arian na suma-total daw ay nagkakahalaga ng daan-daang bilyon!

Teka, prank lang ba talaga ito? Nasaan ang hidden camera?!

Ngunit agad rin ang dagda ng malungkot na emosyon sa babae. Kung totoo ang lahat ng ito, ang lahat ng mga nabanggit na iyon ay wala nang saysay sa kanya ngayon dahil ang kaniyang ama ay pumanaw na noong nakaraang buwan.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot.

Ang ulilang iniwan sa ampunan, siya pala ang tagapagmana ng isang imperyo.

Sa gitna ng pagkalito, marahang nagsalita ang abogado,

“Miss Gomez,” muling sabi ng abogado, “bago po tayo magpatuloy, kailangan kong malaman kung kayo ay kasal at kung may anak kayo. Kailangan po ito para sa legal documentation. We can include them under your name of inheritance.”

Doon na natauhan ang babae.

This is her reality now. She must not lose focus!

Nang marinig ang tanong na iyon, agad pumasok sa isip niya ang mukha ng kanyang asawa, si Rafael. Ang lalaking pinili niyang mahalin kahit tinutulan ng lahat.

For a second, she did not heistated on confirming her husband’s existence nung nang mapatingin siya sa kaniyang bag na dala-dala at doon ay sumilip ang punit nilang marriage certificate, she felt something crumble inside her.

Parang may biglang bumara sa kanyang lalamunan, ngunit… pinilit pa rin niyang maging kalmado.

“Bigyan niyo po ako ng dalawang oras,” mahinahon niyang sabi habang pinipirmahan ang ilang dokumento. “Kailangan ko lang po na linawin ang isang bagay.”

Paglabas ni Ysabel ng law firm, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Dumiretso siya sa kumpanya ng kanyang asawa sa Ortigas.

Habang nasa elevator, nanginginig ang kamay niya, pero pinilit niyang kumalma. Kahit pa nga sa bawat segundo ng pag-akyat ng lift, ramdam na ramdam niya ang pagtibok ng puso niya. Mabilis iyon at hindi mapakali.

Who wouldn’t be right? She just discovered that there is a high possibility that she wasted two years of her life, at hindi lang iyon, nakilala rin niya ang kaniyang ama kahit sa pangalan lang at nag-iwan pa ito ng imperyong mukhang kailangan niyang pamunuan!

What a sudden turn of her life, right? She is indeed valid to go insane!

At sa sandaling bumukas ang pinto ng elevator, handa siyang harapin ang katotohanan. Whether she likes it or not.

Pagdating sa harap ng opisina ni Rafael Jimenez, bahagyang nakaawang ang pinto. Akma na sana siyang kakatok, ngunit napahinto siya nang marinig ang isang pamilyar na tinig ng babae mula sa loob. Malambing, iyon confident, at may halong panunukso.

“Since we’ve been married for five years, kailan natin maisasapubliko ang relasyon natin?”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ysabel.

Married?

At lalo siyang natigilan nang makilala ang boses. Ito ay si Beatrice Quinto, ang dating prof nila sa kolehiyo.

Anim na taon ang tanda ni Beatrice Quinto kay Rafael, ngunit hindi mo iyon mahahalata. May ganda kasi ito na parang hindi tinatablan ng panahon. Ang mukha ay maamo, at may katawang perpekto. Every man she encountered, Ysabel knew that they were badly smitten by her.

Isa siya sa mga pinaka-popular sa unibersidad nila noon. Hindi lang mga lalaki ang humahanga sa kanya, pati mga babae ay gustong maging katulad ng professor. Sa buong campus, kilala siya bilang the best female professor, hindi lang dahil sa talino kundi dahil sa elegance at confidence na walang hirap nitong dala.

Habang nakikinig si Ysabel sa labas ng pintuan, pakiramdam niya’y lumiliit ang mundo niya.

Alam niya ang boses na iyon. Masiyadong pamilyar, matamis, at minsang naging inspirasyon niya bilang estudyante.

Ngayon, iyon ang boses na bumabasag sa lahat ng pinanghahawakan niya.

Bago pa siya makagalaw, narinig niya ang malambing pero matigas na boses ng asawa niya na si Rafael.

“Isasa-publiko na ang kumpanya, marami pa akong kailangang ayusin. Tsaka nag-iwan si Lolo ng isang legal documents na bawal kang pumasok sa bahay. Kung ipagsasabi ko ito ngayon, baka mapahiya ka kay Lola, at alam mong ayokong masaktan ka. You are the person that I cherished the most, I won’t let anything happen to you, babe.”

Parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.

Ang tanging naririnig ni Ysabel ay ang tibok ng puso niya na parang pinipisil ng mahigpit.

Hindi siya agad nakagalaw.

Hindi siya makapaniwala sa narinig.

For fuck sake! Dalawang taon silang kasal, dalawang taon niyang pinaniwalaan na siya ang mahal ng lalaking ‘yon. Pero ngayong sandaling ito, parang biglang gumuho ang lahat!

Napakapit siya sa pinto, pinipigilan ang pag-iyak.

Tinakpan niya ang bibig niya, pilit nilulunok ang sakit na parang libong karayom na tumutusok sa dibdib niya. Tinakpan pa ang bibig para hindi marinig ng mga nasa loob ang paghikbi niya.

Ang sakit! Sobrang sakit!

Sa loob ng bag niya, naroon pa rin ang napunit na marriage certificate. Kanina lang, maingat niyang pinagtagpi-tagpi ito, umaasang may halaga pa rin iyon.

Ngayon, alam na niyang wala na.

Simula’t sapul, siya na pala ang ginagawang tanga ng dalawang hayop na ito. She is just being too ignorant and naive to let this happen to herself! Siya pala ang babaeng pinaniwala sa isang pekeng kasal, habang ang tunay na asawa ng lalaki ay ang babae sa loob ng opisina.

“Ang tanga ko,” mahina niyang sabi, halos pabulong. “Ang tagal ko palang namumuhay sa isang kasinungalingan.”

Ysabel didn’t waste any time. Mabilis siyang lumayo sa pintuan.

Lumabas siya ng building sa Ortigas, halos hindi alam kung saan tutungo. Habang nanginginig ang kamay, kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang abogado.

“Ah, Miss Gomez, gusto n’yo po bang”

“Wala akong asawa,” mariin niyang putol. “Wala rin akong anak. Ako lang ang magmamana ng lahat.”

Expandir
Siguiente capítulo
Descargar

Último capítulo

Más capítulos

A los lectores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reseñas

Pink Moonfairy
Pink Moonfairy
Added to lib! A must read🫶🩷
2025-11-12 08:23:01
0
0
12 Capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status