Share

Chapter 57b

Author: R.Y.E.
last update Last Updated: 2025-04-19 01:06:20
"Wala ka na talagang duda sa kakayahan ko? Bakit mo naman nasabi 'yon?" tanong ko pa sa kanya habang nakakunot ang noo, curious kung anong pinaghuhugutan niya.

"Wag mo sanang masamain," sagot niya agad, "pero may pangalan din naman si Leslie sa industriya. Hindi ko sinasabing may karapatan siyang kuwestyunin ka, pero naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang hugot niya."

"Diretsuhin mo na lang ako, hindi ko trip ang paikot-ikot," sabi ko, medyo tinataas pa ang kilay.

"Saan ka ba nagsusuot nitong mga nakaraang taon? Bakit ngayon lang kita narinig, eh, ang galing mo pala?"

"OA mo naman," natawa kong sagot. "Freelancer ako, hindi lang puro architectural designs ang ginagawa ko. Nagdi-design din ako ng alahas at gowns, at baka mabigla ka kung malaman mong may ilang mga gawa ko na request ng clients ko ang nanalo na ng awards o kaya naman binenta sa sobrang taas ng presyo," dagdag ko pa, medyo proud na rin sa sarili.

"Eh bakit hindi mo na lang tinuloy ang career mo sa architecture?"
R.Y.E.

Thank you for reading!

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 58a

    Celina Bakit nandito siya? Hindi ba at dapat ay nasa opisina siya? Iniwan niya 'yung trabaho niya para lang pumunta rito? "Mukha kang hindi makapaniwala na nandito ako," sabi ni Jefferson ng makababa ng sasakyan at lumalakad palapit sa kanya. "Mr. Scott," bati ni Dennis sa kanya. Tumango lang si Jefferson at saka bumaling ulit sa akin. "Ano? Ayaw mo ba akong makita dito?" tanong niya, nakangisi pa. "Grabe ka naman! Hindi sa ganun," mabilis kong sagot. "Nagulat lang ako. Akala ko busy ka sa trabaho mo?" "Paano naman kitang hahayaang umuwi ng mag-isa mula rito?" "So... pumunta ka dito para sunduin ako?" "Ano pa nga ba?" sagot niya na para bang obvious na obvious. "Hindi mo naman kailangang abalahin pa ang sarili mo. Kasama ko naman si Dennis, at hindi naman niya ako pababayaan dito," sabi ko. "Alam ko naman ‘yon," seryoso niyang tugon. "Pero gusto ko akong maging tagasundo mo." At bago ko pa ma-react, hinila niya ako at hinalikan! Oh my gosh. Amoy pawis na ako, dugyot pa, tap

    Last Updated : 2025-04-21
  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 58b

    Celina"Sinabi ko na sa’yo na ang bango-bango mo para sa akin," sagot niya habang nakangisi, pilit pa rin akong kinakausap. "Shut up, Jefferson," inis kong putol sa kanya. "Amoy araw na nga ako, ang lagkit-lagkit ko pa! Buong hapon akong nagtrabaho sa ilalim ng init ng araw!" "Come on, my Celina," malambing niyang bulong. "Hindi," mariin kong sagot. "Please?" lambing niya ulit. "Hindi," sagot ko pa rin, mas matigas. "Please, please, please?" halos umiiyak na ang drama niya, na ikinataas ng kilay ko. "Hindi! Hindi! HINDI!" galit-galitan kong sigaw habang tinititigan siya. Nakatingin siya sa daan kasi nagmamaneho pa siya, pero hindi ako papayag na hindi niya ako pansinin. "Tumingin ka nga sa’kin, manyak ka," iritadong utos ko. Lumingon siya saglit habang bumagal ang takbo ng sasakyan. "Hindi kita hahayaang hawakan ako habang ganito ako kabaho at kadungis, gets mo?" Tahimik lang siyang nagpatuloy sa pagmamaneho, habang pasimple akong tinititigan. "Ano bang ginagawa natin dito?"

    Last Updated : 2025-04-21
  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 59a

    Jefferson “Daria, anong nangyari?” tanong ko, halos naglalagablab sa galit. Kanina pa kumukulo ang dugo ko dahil sa gulo sa bangko. Hindi ko inakala na haharap ako sa ganitong klaseng problema. JS Bank ang number one commercial bank sa buong bansa walang gitna, either client ka ng JS Bank o hindi. Simple lang. Pero ngayon, pakiramdam ko ay unti-unti ng nauubos ang mga kliyente namin. Although hindi naman ganon karami ang nagko-close account, still, napaka bigdeal sa akin non. Noong una, hindi ko pinansin. Isang buwan lang naman, tapos ang dami pang isyu sa ekonomiya. Pero tatlong sunod-sunod na buwang pagbaba ng clients? Hindi na pwede ‘yun. Hindi ko palalampasin. May nangyayari. Sigurado ako. Hindi kami basta-basta matatalo. Alam ko ‘yan kasi personally kong pinapa-check lahat, pati serbisyo ng mga kalaban naming bangko. May mga account kami sa kanila para updated kami sa kung anong gimmick nila. Hindi kami nagpapahuli. “Pinag-report ko na lahat ng branches ng mga possible na issu

    Last Updated : 2025-04-23
  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 59b

    JeffersonAng kompanya mismo ang pamana ng mga magulang ko, kayamanan nilang ipinasa sa akin. Kahit pa sabihin mong si Norris ay half-brother ko, wala siyang kahit katiting na karapatan para angkinin ito. At sinuman ang magtangkang agawin ito sa akin... tiyak na makakatikim sila ng matinding kapalit. Buong umaga, nakatutok lang ako sa laptop ko. Sa sobrang tutok ko, nakalimutan ko na si Celina sa unang pagkakataon. Bawi na lang ako sa kanya mamaya pag-uwi namin. Sana lang, bago matapos ang araw na ’to, may makuha na akong sagot sa mga tanong ko at solusyon sa mga problema ko... kahit wishful thinking lang. Hindi ko na rin namalayan ang oras ni hindi ko na naramdaman ang gutom. Sobrang focus ko sa ginagawa ko, wala na akong ibang naiisip. Kaya nagulat na lang ako nang biglang nasa harapan ko na si Celina, bitbit ang isang plato ng pagkain. "Kumain ka na," utos niya, sabay irap sa akin. Napatingin ako sa relo ko at bumalik ang tingin sa kanya. "Ganyan ka ba talaga magtrabaho? Kinakal

    Last Updated : 2025-04-23
  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 60

    Third Person Alalang-alala si Celina para kay Jefferson nang malaman niya ang tungkol sa problema ng kumpanyang pinamumunuan nito. Dahil nalaman niya na may mga taong minamanipula ang mga balita sa social media, mas lalo siyang natakot. Wala siyang maisip kung sino ang gagawa ng ganitong paninira sa Scott Group, ang kumpanyang kilala hindi lang sa kalidad ng serbisyo kundi pati na rin sa patas na pakikitungo sa mga empleyado. Nang nagtatrabaho pa siya roon, nakita niya kung gaano kahalaga sa mga empleyado ang kompanyang 'yon. Ramdam niya ang respeto at pagmamahal nila sa lugar kung saan sila nagtatrabaho, at alam niyang iyon ay dahil sa maayos na trato at benepisyo. Kung hindi, matagal nang nasa kalsada ang mga empleyado, sumisigaw ng protesta. Pero hindi. Karamihan sa naririnig niya ay puro papuri at pasasalamat. “May bumabagabag ba sa’yo?” tanong ni Dennis, na hindi niya namalayang nasa harapan na pala niya. “Wala naman. Kaunti lang,” sagot niya, pilit na ngumiti. “Kaunti lang?

    Last Updated : 2025-04-24
  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 61a

    Celina “Dennis, mukhang kailangan ko munang umalis. Kailangan kong makita si Jefferson. Ayos ka lang ba rito?” tanong ko sa kanya, medyo may kaba sa boses ko. “Walang problema. Wala naman tayong urgent na meeting ngayon kaya maluwag ka ngayon,” sagot niya. Napangiti ako at tumango. Sa totoo lang, ang gulo sa kompanya ni Jefferson ang bumabagabag sa isip ko kaya hindi ako maka-focus sa trabaho. Buti na lang at wala akong project na tinututukan sa ngayon. Nando’n naman si Leslie at kampante ako sa kanya pagdating sa business matters, pero hindi sa personal. Galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon, at hindi siya sang-ayon sa pagiging head architect ko sa country club project. Malapit lang ang opisina ko sa building nila Jefferson, kaya habang naglalakad ako papunta roon, sinubukan kong mag-isip ng mga posibleng solusyon para sa kanya. Hindi ako sanay na nakakalimutan akong tawagan ng asawa ko. Don’t get me wrong, naiintindihan ko naman ang workload niya. Pero kung ni hindi siya mak

    Last Updated : 2025-04-25
  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 61b

    Alam kong kailangan niyang maghanda para sa board meeting, kaya hinayaan ko muna siyang tapusin ang report na ‘yon. ‘Yung magpapakita sa kanila na kaya pa naming ayusin ang lahat. Habang abala siya roon, tinulungan ko naman siyang silipin ang plano ng marketing department para makahikayat ulit ng mga kliyente. Isang buwan bago ako tuluyang umalis sa kompanya, hinarap ko rin ang parehong problema, pero hindi kasing lala ng meron siya ngayon. Sa dami ng reklamo na natatanggap namin ngayon, duda akong makakabawi agad sila tulad ng dati. May mga misleading na komento na posibleng magdulot ng takot sa mga kliyente tungkol sa seguridad ng account nila kaya kailangan ng extra effort ng marketing team para maibsan ang tensyon at pag-aalinlangan. Habang tinitingnan ko ang plano nila, napansin ko na maganda naman pero kulang pa rin. Parang may parte na hindi kumpleto, hindi buo. Ramdam kong hindi ito uubra, kaya napilitan akong i-reject ito. Kailangan nilang mag-isip ng panibagong approach.

    Last Updated : 2025-04-25
  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 62

    JeffersonAlam ko na kung anong mangyayari, kaya hinanda ko na ang sarili ko. Tumingin ako kay Celina at ngumiti.“Wala kang dapat alalahanin,” sabi ko sa kanya nang may kumpiyansa. Ayokong mabahala pa siya sa mga problema ko dito. Tama si Noris, karapat-dapat siyang maging kampante at mag-enjoy lang.“Since nandito ka na rin lang, sumama ka na sa meeting,” dagdag ko pa. Tumango siya habang tumatayo mula sa sofa.“Pupunta rin ba si Noris?” tanong niya habang inaayos ang sarili. “Napaisip lang ako kung andun din siya. At least, tatlo tayong magpapatunay sa mga gurang na kaya nating asikasuhin lahat, ‘di ba?”“Noris? Hindi ‘yan uma-attend ng mga ganitong meeting. Kung andun man siya ngayon, aba, bago ‘yan," sagot ko.Totoo naman. Kahit kailan, hindi siya sumipot sa mga board meeting, kahit may mga isyu sa kumpanya na kailangang tutukan. Ni minsan, hindi niya ko kinontra, kaya kanina, ‘yung bigla niyang pagpunta sa opisina ko, kakaiba na ‘yon.Sa tagal ng panahon, pinananatili niya ang lo

    Last Updated : 2025-04-28

Latest chapter

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 72

    CelinaSobrang saya ko nang malaman ko ang totoo tungkol sa mga magulang ko. Alam kong kailangan maging discreet ang ospital tungkol sa pagkakakilanlan ng mga donor, pero buti na lang talaga at tumulong ang kaibigan ni Daddy John. Dahil sa narinig ko, na-inspire akong gawin din ang ginawa nila, magpalista bilang organ donor.Gusto kong makatulong sa iba, gaya ng pagtulong ng ama ko sa akin. Oo, maaaring hindi ganun kalalim ang magiging epekto nito sa tatanggap ng organ ko, pero ang makadugtong ka ng buhay ng isang tao? Para sa akin, malaking bagay na ‘yon.Sana lang, suportahan ako ni Jefferson. Alam ko kung gaano siya ka-protective lalo na nung nagbuntis ako. Lalo ko siyang minahal dahil doon.Speaking of pregnancy, sabi ng OB ko, pwede na raw akong pumasok sa trabaho at dumalo sa mga meetings basta hindi ako maglalakbay nang malayo. Since nakaupo lang naman ako sa opisina, at kahit sa meeting ay hindi masyadong gagalaw, okay lang siguro kung makipagkita ako sa client namin.Matagal

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 71

    JeffersonNaging mas matindi ang pagkabahala ko nang makita kong seryoso ang aking ama.“Dad, gusto ko lang malaman mo na masaya ako sa buhay ko ngayon. Lalo na ngayong malapit na akong maging ama. Kaya pwede mo nang sabihin kung bakit si Celina ang pinili mong mapangasawa ko o ni Noris. Gusto kong marinig ang dahilan at matagal ko na rin gustong malaman ito."Napabuntong-hininga siya habang nakatingin kay Celina. Kita sa mga mata niya ang pag-aalala sa asawa ko, kaya hinayaan ko siyang magsalita sa sarili niyang oras. Ayokong pilitin siya kung hindi pa siya handa.“Dad, okay lang kung hindi mo pa kayang ikwento,” sabi ni Celina habang hinahawakan ang kamay niya. “Wala rin naman akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko. Kahit hindi mo pa kami ipinagkasundo, tatakas pa rin ako sa mga umampon sa akin,” dagdag pa ng asawa ko.“Hindi ko lang talaga kayang saktan ka. Para ka nang anak na babae sa akin. At alam kong hindi mo maalala ang nakaraan mo,” sagot ni Dad.Doon na ako naintriga. W

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 70

    Jefferson Sa totoo lang, parang perpekto na ang lahat, at kuntento na ako. Malapit na akong maging ama at ramdam na ramdam ko kung gaano ako kamahal ng asawa ko. Sino bang mag-aakala na mauuwi sa ganito ‘yung kasal naming hindi ko naman talaga ginusto noong una? Pero heto kami ngayon, punong-puno ng pagmamahal at nagsisimula ng sariling pamilya. Siguro nga, may mata talaga si Dad sa tamang tao. Hindi ko alam kung magiging ganito kasaya si Celina kung si Noris ang kanyang napakasalan. Siguro, siya ‘yung pinaka-masayang lalaki sa buong mundo habang ako, naglalakad sa landas ng pagkawala. Pero sa totoo lang, ang bait din sakin ng Diyos. Binigyan Niya ako ng kakayahang patakbuhin ang negosyo… at isang asawang katulad ni Celina. Walang perpekto sa mundo, pero si Celina ang perpektong bahagi ng di-perpekto kong mundo. Saktong-sakto siya sa buhay ko, habang ‘yung titi ko, putangina, eksaktong-eksakto rin sa puke niya. Tangina. Gusto ko siyang k******n ngayon na. Pero bakit ba ‘ko iniini

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 69

    With Mature Content!!Celina“Sinabi ko na ngang ayos lang ako. Siguro normal lang sa mga buntis ang pagsusuka ng lahat ng kinakain,” sabi ko kay Jefferson habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Halatang-halata ang pag-aalala niya dahil halos wala na akong nakakain. Lahat ng pinapasok ko sa tiyan ko, bumabalik sa lababo sa banyo namin. Noong una, nahirapan akong i-handle ‘yon. Pero habang tumatagal, nasasanay na rin ako.“Hindi mo ako masisisi, Celina ko. Mahal na mahal kita, kaya nababahala lang ako kapag hindi mo nakukuha ang mga nutrisyon na kailangan mo. Lagi kang sumusuka,” sagot niya habang tinutulungan akong maupo sa kama pagkatapos naming lumabas ng banyo.“Baka kasi ayaw ng baby natin sa mga kinakain ko,” sagot ko habang hinahaplos ang tiyan ko.“Ano naman kaya ang gusto ng prinsesa natin, hmm?” tanong niya sabay dampi ng palad niya

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 68

    Third PersonNanatili si Celina sa mansyon, pero kahit gano’n, tumatanggap pa rin siya ng trabaho ng paisa-isa. Ayaw ni Jefferson na magsabay-sabay sa pag-aalala na baka mapagod siya.Kahit nasa bahay lang siya, tutok pa rin siya sa construction ng country club gamit ang tawag at video call. Dati, bumibisita siya sa site isang beses kada linggo, pero ngayon, halos araw-araw na siyang nakikipag-ugnayan kina Engr. Mark at sa contractor through phone. Ayaw niyang masisi ang pagbubuntis niya sa kahit anong delay o aberya sa proyekto.“Dennis, nakausap ko si Engr. Mark. May gusto raw siyang ikonsulta, pero hindi ako makakapunta. Pwede mo ba akong i-represent dun?” tanong ni Celina habang kausap ito sa phone.“Walang problema,” sagot ni Dennis. “Pero alam mo, dapat nagpapahinga ka na. Hindi matutuwa si Mr. Scott ‘pag nalaman niyang nagtatrabaho ka pa rin nang ganito.”“Ay

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 67

    JeffersonNaayos na rin sa wakas ang gulo sa kompanya. Lumabas sa imbestigasyon na dalawang board members pala ang matagal nang ginagapang si Noris, pinapalabas na mas karapat-dapat siya sa posisyong hawak ko.Matagal na nilang sinasadya ang mga banggaan namin ni Noris, ginamit pa nila ang pagkahumaling niya kay Celina bilang mitsa para lalong masira ang samahan namin bilang magkapatid.Sinabi ni Noris kay Dad na balak niyang magbakasyon kasama ang nanay niya, at pumayag naman si Dad. Ang hangarin: kapag malayo siya kay Celina, baka unti-unti na rin siyang makamove on. Pero sa loob ng tatlong taon na wala ako, mas lalo lang lumalim ang damdamin niya para kay Celina. Hindi ko siya masisi. Si Celina kasi, ibang klaseng babae. Napakaganda, elegante, at may kakaibang alindog na kahit sinong lalaki, mahuhulog ang loob.Napatingin ako sa asawa ko na mahimbing pa ring natutulog. Napakunot ang noo ko. ‘Di niya ugali ang matulog nang ganito katagal. Karaniwa

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 66b

    "Bilang parusa sa pag-amin mo, aalisin ka sa lahat ng executive responsibilities mo sa kumpanya. Mananatili ka na lang bilang miyembro ng board, katulad ng dalawang taong sangkot sa isyung ‘to," mariing pahayag ni Jefferson."Matagal mo nang hinihintay 'to, 'di ba?" singhal ni Noris, halatang nag-aalab sa galit."Kung oo man o hindi, wala 'yan sa usapan. Ikaw ang nagpasimula ng gulo, kaya huwag mong ibunton sa akin ang sisi. Kahit sabihin kong ‘di ko naman talaga ginusto ang ending na 'to, sigurado akong hindi ka rin maniniwala. Galit ka na, at ako ang pinili mong pagdiskitahan," matigas na sagot ni Jefferson."At ikaw naman, dad? Alam mong siya dapat ang mapapangasawa ko pero pinabayaan mong mangyari ‘to. Celina, kakampi ka na rin ba sa kanila ngayon?" matalim na tanong ni Noris, sabay tingin sa akin. Napatingin ako kay Daddy John, at may kirot akong naramdaman para sa kanya."Noris, huwag mong isisi sa tatay mo

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 66a

    Celina"Next time, sana hinintay mo ako para ihatid ka kay Dad," seryosong sabi ni Jefferson pagpasok sa kwarto naming dalawa. Napangiti ako at sinalubong siya ng halik, ramdam ko agad ang init ng presensya niya, at parang nawala bigla ang lahat ng kaba sa dibdib ko."Alam kong pagod ka, at siguradong mabigat ang naging pag-uusap n’yo. Dagdag pa ‘yung stress mo sa kumpanya, lalo na sa board meeting... halos wala kang pahinga," sabi ko habang inaabot ang kamay niya."Oo, pero kahit gano’n ako kapagod, dapat sinabi mo pa rin. Alam mong susunduin pa rin kita. Huwag mo na ulitin ‘yon, Celina," seryosong bilin niya habang nakatitig sa’kin."Promise, hindi ko na uulitin. Next time, magpapasabi muna ako bago ako umuwi mag-isa," sagot ko na may konting tawa nang mapansing napabuntong-hininga siya. "Pero seryoso, kaya ko namang umuwi mag-isa. Hindi naman natin kailangang laging magkasama, 'di ba?"

  • CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)   Chapter 65

    CelinaPagpasok ko sa mansyon, parang biglang tumanda si Daddy John ng sampung taon. Kita ko sa mukha niya ang bigat ng mga nangyayari.Napag-usapan na nila ni Jefferson ang tungkol kay Noris, at kahit ayaw naming maramdaman niya ang bigat ng sitwasyon, wala kaming ibang choice kundi hayaang harapin ni Noris ang sariling kalokohan niya.Nilagay ni Noris sa kahihiyan ang pangalan ng kumpanya nila, at kahit ako man ang nasa kalagayan ng asawa ko ay siguradong mangingibabaw pa rin sa akin na gawin kung ano ang tama.Hindi lang basta negosyo ang nakataya dito kung hindi pati na libu-libong empleyado ng Scotts Group. Kaya napakarami ang umaasa sa kumpanyang 'yon para mabuhay ang pamilya nila.Flashback...Naging kaibigan ko si Noris ng lapit niya ako habang nasa isang coffeeshop ako.Noon, abala ako sa pagdidisenyo para sa isang overseas client. Wala nang ibang bakanteng mesa, kaya nang lumapit siya, tinan

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status