Ang mga salita nito ay walang katapusang kasinungalingan.
At lalong walang kabuluhan, ang mga damit sa shopping bag.
Kompletong damit ng panlalaki ngunit ang panloob ay halata na sinadya na ilagay sa itaas.
Malinaw na ang ipinapahiwatig ni Belle kay Ashley.
Kagabi, nagpalipas ng gabi si Ace sa kanyang lugar.
Ilang sigundo ding napatingin si Ashley sa mga damit lalo na sa panloob saka niya iyon inilayo at bumaling kay Belle.
Nakita niyang sinadya nitong hawiin ang buhok, at ipakita ang mga iba’t-ibang marka sa leeg nito.
Sino man ang makakita ay alam niyang marka iyon ng halik.
Magkatabing natulog sina Ace at Belle kagabi.
Hindi nito nakuha ang gusto sa kanya kaya ibinaling nito iyon kay Belle.
Bukod doon, sadyang pinagsawa ang sarili.
Parang may tumurak sa puso ni Ashley. Halatang gusto siyang inggitin ni Belle.
Ang muling maisip ang kanyang anak sa malamig na bangkay nito ay mas malamig pa ang tinging ipinukol ni Ashley dito.
Dahan dahan siyang tumayo, tumingin kay Belle na puno ng pagkukunwari at sarkastikong sinabi, “Total damit naman iyan ni Ace, bakit hindi mo na lang deretsang ibigay iyan sa kanya, miss Pagbilao. Hindi ako nandito para pumulot ng basura.”
Natigilan si Belle dahil hindi nito inaasahan ang mga sinabi niya.
At bago pa ito makabawi ay nakaramdam ito na may tao sa kanyang likuran.
Lumingon si Belle. Si Ace ang nasa likuran nito at siya naman ay nakaramdam na kung anong lamig na bumalot sa kanyang katawan.
“Ace, bakit ka nandito?”
Agad na tumayo si Bele at lumapit kay Ace at tumabi dito.
Hindi sumagot si Ace dito. Nakatingin lamang ito kay Ashley.
Napakalamig ng tingin nito, nanunuot sa lamig.
Damang dama ang galit sa titig nito na nakatutok kay Ashley.
Hindi naman maitago ang ngisi sa mga labi ni Belle na napasulyap kay Ashley na may pagmamalaki sa kislap ng mga mata nito. Marahang humawak ito sa manggas ng damit ni Ace at mahinhing sinabi: “Ace, huwag kang magalit, hindi naman ako inaapi ngayon.”
Nakasanayan na ni Ashley ang eksina sa harapan niya kaya hindi na iyon bago para sa kanya.
Hindi na nagtatanong kung anong dahilan at walang pasubaling pinapaburan lang si Belle.
Lagi namang nangunguna si Belle sa puso ni Ace at pinakaimportanteng tao para dito.
Hinanap niya ito ng maraming taon.
At walong taon na ang nakakalipas ng magpakita ito na may dalang token, at tuluyan itong naging kasintahan ni Ace.
Simula noon, si Belle na lang ang tangi nitong nakikita.
At siya bilang tuso, mapanlinlang at panira sa pagmamahalan nilang dalawa. Para sirain ang relasyon at gagawin ang lahat para mapaghiwalay sila at saktan si Belle.
Sa nakaraan, nalulungkot na siya sa tuwing laging pinapaburan ni Ace si Belle at paulit ulit lang siya nitong binabaliwala.
Pero ngayon…
Wala na siyang pakialam.
At si Ace, hindi na niya ito kailangan.
Kaya niya tinawagan si Ace. Gusto niyang linawin na ang lahat ng tungkol sa kanila. Na tigilan na siya at huwag ng guluhin ang buhay niya.
“Belle, si Ace at ako ay wala na. Hiwalay na kami. At kung ano man ang mga bagay na maiwan niya sayo, sayo na. At kung tutuusin, ang magandang lugar para sa mga basura ay sa basurahan.”
Matapos niya iyong sabihin ay hindi na siya nagtagal pa. Naglakad na siya paalis. Hindi na niya binigyan ng pagkakatong makabawi si Ace.
Pero bago pa man niya malagpasan ang mga ito nahawakan na siya ni Ace sa kanyang pulsuhan.
Nandilim ang paningin ni Ashley at pilit na kumakawala dito.
Ngunit sa pagpupumiglas niya ay mas lalong humihigpit ang pagkakahawak ni Ace sa kanya.
Na sa higpit ng hawak nito ay parang madudurog ang mga boto niya.
Nanuot ang sakit sa kamay niya. Namumula sa galit ang mga mata ni Ashley na tumingin kay Ace at malamig ang boses na sinabi: “Ace, bitawan mo ako. Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Belle na hindi ko siya inapi?”
Nagbingi-bingihan si Ace na tila walang narinig.
Sa malamig na titig, hinila siya ni Ace palabas.
Hindi na din nagpumiglas si Ashley at nagpatangay na lang kay Ace.
Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay tahimik lang siyang nagbibilang.
“Isa.”
“Dalawa.”
Bago siya makabilang ng tatlo ay narinig nila ang mahinang pagtawag ni Belle sa kanilang likuran.
“Ace….” na tila nanghihina. Kasunod ang tunog ng pagkalabog.
At si Belle na mahinhin at mahina ay nahimatay.
Natigilan sa paglalakad si Ace. At walang pagdadalawang isip na binitawan siya. Lumingon at mabilis na nilapitan si Belle na nakabulagta na sa sahig. “Belle…”
Hindi na kinailangan ni Ashley ang lumingon pa para makita kung paano mag alala si Ace dito. Kakaiba sa malamig na pagtrato sa kanya ng mahimatay siya kahapon.
Nakatayo lang si Ashley na nayuko ang kamay at napatingin doon kung saan nag iwan ng pulang marka dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Ace. Tumaas ang sulok ng kanyang labi na may ngiti ng panguuyam.
Hindi na ito ang unang pagkakataon na mas pinili ni Ace si Belle para iwan siya.
Pero ito ang huli at hindi na mauulit pa.
.....
Matapos makaalis ng Cafeteria si Ashley, dumeretso siya ng mall para bumili ng lapis at papel.
Naisip niyang lumahok sa kompitasyon ng pagdidisenyo ng mga alahas ngayong taon.
Sa linggong ito ay abala siya sa paghahanap ng magandang sementeryong paglalagakan para kay Lesie. At malaking halaga ang magagamit niya kung personal na lupa ang bibilhin. At wala siyang malaking halaga.
Sa nakalipas na limang taon ay binibigyan naman siya ni Ace ng buwanang gastusin. Hindi naman siya magastos kaya nakakaipon siya sa bawat buwan.
Pero nagkasakit si Lesie.
At hindi naniniwala si Ace na talagang may sakit si Lesie.
Ang ipagamot si Lesie ay mabilis na naubos ang kanyang ipon. Ang tanging magagawa na lang niya ay ang humingi kay Ace, pero sa tuwing mababanggit niya ang tungkol sa sakit ni Lesie ay bababaan lang siya ni Ace ng telepono. O di kaya naman ay tatalikuran siya nito at hindi bibigyan ng pagkakataong makapagsalita ulit.
Para lang makakuha ng pera ay kailangan niyang magsinungaling dahilan para mapasama sila ni Lesie sa paningin nito.
Pero ngayon ay hindi siya hihingi kay Ace para sa pambili niya ng lupa sa simenteryo. Ayaw na niyang mabahiran ito ng tulong galing kay Ace.
Gusto niyang magkapera sa sarili niyang paraan para mabilihan si Lesie.
Ang isipin kung paano kumita ng malaking halaga sa lalong madaling panahon ay nakipagkita siya kay Propesor Castillo.
Si Propesor ay propesor niya sa kolehiyo at isa ito sa hahatol sa naturang kompitasyon.
Limang taon na ng hinangaan ni Propesor Castillo ang kanyang galing sa pagdidisenyo.
Nang nasa kolehiyo pa lang siya at nag aaral ay lagi nitong iginigiit na makilahok siya sa mga kompitasyon, na kapag sumali siya ay siguradong siya ang mangunguna.
Lubos na nasisiyahan si Propesor Castillo sa kanyang mga gawang disenyo sa mga panahong may libreng oras siya sa bahay ng ilang mga taon at hinihikayat siya nitong sumali sa kompitasyon at isali ang mga disenyo niya.
Nahikayat siya. Hindi lang sa hilig niya sa pagdidisenyo ng mga alahas.
Kundi, ang perang mapapanalunan niya ay sapat na para sa anak niya.
.....
Mabilis na nakabili si Ashley, pasakay ng elevator dala ang pinamili niya na nasa paper bag hanggang sa unang palapag sa parking area.
May mabilis na sasakyan ang tumigil sa harap niya.
Bumukas ang pinto sa likuran at may matatag na mga kamay ang humila sa kanya. Nahawakan sa pulsuhan.
“Ahhh.”
Nanlaki ang mga mata ni Ashley, at dahil sa gulat ay nais niyang sumigaw at humingi ng tulong.
Ngunit nawalan siya ng pagkakataon dahil malakas siyang hinila at pakaladkad pasakay ng kotse.
At kasunod ng malakas na pagsara ng pinto.
Napakabilis ng pangyayari at idiniin sa likuran ng upuan si Ashley.
Sa labis na pagkataranta ay mahigpit na hinawakan ang paper bag at ipinalo iyon sa lalaki.
Itinaas ng lalaki ang kamay at marahas na inipit ang panga niya at agrisibong hinalikan.