Minahal ni Ashley si Ace ng sampung taon kaya pamilyar sa kanya ang amoy nito.
Sa sandaling hinalikan siya nito ay nakilala niya agad ito.
Nawala ang pagkagulat at takot niya. Tanging ang kalamigan lang ang natira sa naging tingin niya.
Nagyeyelo ang naging tingin ni Ashley dito. Nililihis ang mukha para iwasan ang marahas na paghalik sa kanya ni Ace.
Sa kanyang pag iwas ay mas lalong naging agrisibo ang tingin ni Ace. Muling hinawakan sa mukha si Ashley, inipit ang baba at niyuko para halikan ulit.
Napakaiksi lang ng pasensya ni Ace kaya madali siyang magalit.
Sa cafeteria, ipinaramdam niya kay Belle na tila naagrabyado ito, kaya ba siya nito sinundan para ilabas ang galit nito sa kanya para sa kasintahan?
Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Ashley at nanlaban dito.
Namumula ang kanyang mga mata sa galit at nanggagalaiting tiim ang kangyang mga ngipin na sinabi dito. “Ace, let me go, hindi ka karapatdapat.”
“Huh!” kumislap ang mga mata ni Ace sa lamig saka ngumisi.
Hindi karapatdapat?
Babae siya nito. At kung gusto niya itong galawin ay gagalawin niya ito at wala itong karapatang tumanggi.
“Ang pinakamamahal mong si Belle ay alam nang hiwalay na tayo. At kung malaman niyang gagalawin mo ako hindi ka ba mag aalalang malulungkot siya?” sabi niya para pukawin ang interest nito.
Bahagyang natigilan si Ace pero hindi naman siya nito pinakawalan.
“Ashley, bakit hindi mo naisip noon na malulungkot si Belle nang nilagyan mo nang droga ang inumin ko at nagpagalaw sa akin limang taon na ang nakakalipas?” Mas malamig pa sa yelong sabi ni Ace sa kanya.
Ang marinig niya ulit ang nangyari limang taon na ang nakakalipas ay natahimik siya at nanikip ang dibdib.
“Hindi kita drinoga.” malakas niyang sabi dito na handang makipagtalo.
“Huh!” ngumisi si Ace. “Sa tingin mo ba maniniwala ako?”
Hindi ito naniniwala sa kanya.
At sa nakalipas na limang taon ay hindi siya nito pinaniwalaan.
Hindi ito naniniwala sa kanya na hindi siya ang naglagay ng droga sa inumin nito at hindi din niya alam kung paano siyang nasa kwarto nito.
Dahil nang gabing iyon ay may naglagay din ng droga sa inumin niya, nakaramdam siya ng paghilo pero hindi naman nawalan ng malay.
Naisip niyang itulak ito at tumakbo palayo.
Gayunpaman, ang makitang hindi komportable ang gwapo nitong mukha ay huli nagdalawang isip na siyang itulak ito at tinulungan niya itong lunasan ang pagkadroga nito.
Natigilan siya ng maalala iyon at hindi agad nakaimik.
“Anong gusto mong palabasin?” tanong ni Ashley sa malamig na tinig.
Ngayon, wala na siyang balak itama ang mga nangyari noon.
Sa nakaraan ay talagang minahal niya ito ng husto, lagi niyang inaalala ang hindi nila pagkakaunawaan at laging gustong itama ang sarili para hindi ito tuluyang lumayo. Ngunit ngayon, wala na siyang pakialam.
Mas lumalim ang naging tingin sa kanya ni Ace.
“Bago mong pakulo? Gustong iwasan ang katotohanan?” may panguuyam na sabi nito sa kanya.
Nang mas naging maalinsangan ang hangin sa pagitan niya, tumunog ang cellphone nito.
SI Belle ang tumatawag sa kabilang linya.
Natatakot si Ashley kapag naririnig ang espesyal na tunog na iyon sa tawag ni Belle dahi sa tuwing naririnig niya iyon alam niyang hindi magdadalawang isip si Ace na iwan siya at ni Lesie.
Sa puntong iyon ay nakahinga ng maluwang si Ashley dahil mahirap patigilin ito sa mga ganitong pagkakataon.
Binitawan nito ang kamay niyang nakahawak sa kanya at kunuha ang cellphone nito sa bulsa saka iyon sinagot.
“Ace…”
Umalingawngaw ang tono nitong umiiyak sa loob ng sasakyan.
Kumilos si Ashley para tuluyang makawala dito. At habang abala ang pansin nito na kausap si Belle ay tinuhod niya ito.
“Ugh!” Napaigik si Ace sa sakit.
At kinuha niya ang pagkakataong iyon para makawala ng tuluyan sa pagkakahawak nito.
Mabilis siyang kumilos para tumakas. Binuksan ang pinto at lumabas ng sasakyan. Hinigpitan ang hawak sa kanyang jacket at mabilis na bumalik sa sariling sasakyan.
Sa sandaling nakasakay na siya sa sariling sasakyan at naisara iyon ay doon na siya nakahinga ng maluwag.
Sa kabilang daku, sa loob ng sasakyan ni Ace. Sumandal ito sa upuan ay inilabas ang kaha ng sigarilyo at naglabas ng sigarilyo at sinindihan iyon.
Nakasunod lang ang tingin niya kay Ashley. Ang imahe na nakapaibabaw siya dito ang tumutakbo sa isip niya. Ang magulo at mahabang kulot na buhok at ang makinis at maputi pa sa niyebeng kutis nito. Ang balingkinitan at malambot nitong katawan.
Kaakit-akit at sadyang nakakaakit.
Gumalaw ang adams apple niya sa paglunok.
Muling nagdilim ang tingin niya ng mawala na ito sa paningin niya.
Humihit siya saka din binuga ng dahan dahan. Sa kapal ng usok ng sigarilyo ay hindi na makita ang kanyang ekspresyon. Hanggang sa muling marinig si Belle sa kabilang linya.
“Ace, anong nangyayari sayo?”
“Hmmm, ano ba ang nangyari?” naging tugon ni Ace.
Ang malalim at puno ng pagnanasang tinig na iyon ni Ace ay nanuot sa pandinig ni Belle lalo na ang pag ungol nito kanina na tila nasaktan. Natigilan ito. Hindi ito tanga. Pagkarinig nito iyon kay Ace ay alam nito kung nasaan ito at ano ang ginagawa.
Sa cafeteria, nakaramdam siya ng lamig ng kausapin ni Ace ang assistant nito na samahan ito sa pag uwi. Gusto man nitong tumutol pero hindi naman nito maimulat ang mga mata sa pagpapanggap.
Hindi niya matanto kung galit ba ito dahil inaapi siya ni Ashley o dahil sa pagpapasya niyang makipagkita kay Ashley.
Ngunit hindi nito akalain na susundan nito si Ashley.
Humigpit ang hawak ni Belle sa telepono sa nalamang kasama nito si Ashley. Pero hindi naman nito maipakita iyon sa harapan ni Ace. Pinalamyos ang tinig at tila nagmamakaawang sinabi dito. “Hindi kita nakita kaninang nagising ako, kaya ang akala ko ay galit ka sa akin.”.
Ang hindi agad marinig ang sagot ni Ace at pakiramdam nito ay hindi ito naging masaya sa ginawa niya.
Sanay ng magpakita ng kahinaan si Belle at kusa siyang humingi ng tawad. “Ace, alam kung hindi dapat ako nakipagkita kay Ashley ngayon, hindi ko naman sinasadya, naawa lang ako sa anak natin."
Kagabi ay umalis ka kaagad ng makatulog ito. Nagising ito ng hating gabi at ng hindi ka makita sa tabi nito ay umiyak ito magdamag. Paulit ulit nitong tinatanon bakit daw hindi niya makasama ang papa niya gayong may ama naman siya. Tulad na lang nang nasa ibang bansa kami.”
“Ace, kasama ako ni Vinvin sa lumipas na limang taon na nagdusa ng husto at ang daming hinaing. Naawa ako sa kanya kaya hindi na ako nakapag isip kaninang umaga…”
“Hindi na nangyayari iyon… Ako na ang bahala sa inyo ni Vinice.” bumagal ang tinig ni Ace sa sinabing iyon.
“Ace, sorry talaga. Hindi na mauulit pa. Alam ko namang ikaw ang nag aalaga sa lola mo. Maghihintay lamang ako. Sisikapin ko ding manalo sa kompitisyon para makuha ang pagkilala kay Uncle Aaron.”
“Hmmm.” Tanging tugon ni Ace sa mahinang tinig.
Naikuyom ni Belle ang palad nang hindi nito marinig ang inaasahan sanang maging tugon mula dito.