Share

Kabanata 16

Kabanata 16

Hawak ang kamay ni Clary, mabilis na humakbang si Decka palabas ng silid upang magtungo sa lower deck kung nasaan ang mga armas. Dinig na dinig na nila ang ingay na nagmumula sa mga paparating na sasakyang panghimpapawid, senyales na huli na bago naipadala ni Roscoe ang mensahe.

"Take the machine guns upstairs! Don't let them destroy this fucking ship." Utos niya. Dali-dali namang nagsisunuran ang mga tauhang nasa kanya ang katapatan.

Lumapit sa kanya si Tejano at ibinigay ang isang kahong kulay itim. Bakas na rin sa mukha ni Tejano ang pag-aalala ngunit sa pagkakataong ito, wala na talaga silang ibang pagpipilian. Someone blew their cover and now he has no other choice but to get Clary to safety. Hindi niya hahayaang maipit ito sa sarili niyang problema.

Marahas na bumuga ng hangin si Decka bago sinabit ang mga bala ng rifle sa kanyang balikat matapos tanggapin ang kahon mula sa kaibigan.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status