Living like a fairytale princess, Olive Trinidad believed that she could have everything in just a blink of an eye. Kaya niyang gawin ang lahat maging kaniya lang ang isang bagay. Kaya naman lahat ay ginawa niya makuha lamang ang lalaking mahal. Atlas Ramirez was a scholar. A poor boy who worked for his family. Papaano niya haharapin ang problema kung ang tanging solusyon ng lahat ay ang pakasalan ang babaeng galit siya. Married life wasn't that simple. It was a union of two hearts, true minds and souls. Ngunit, papaano kung ang dalawang taong ikinasal ay isa lang ang nagmamahal? Hanggang kailan kayang tiisin ang sakit? Hanggang kailan kayang pahirapan ang isa't isa? Ilang luha ang kayang ibigay?
Lihat lebih banyak"Yes! Mrs. Monterio. This is noted. Okay, we're going to meet tomorrow. Sige po. Bye!"
Pagkatapos kong maibaba ang tawag ay napabuntonghininga na lamang ako. Mabilis din ang aking paglalakad habang papasok sa clubhouse ng South Ridge Village, isang eksklusibong lugar na kinabibilangan ng mga mayayaman at mga prominenting tao. Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan ang aking itsura mula sa salaming dingding nito. Pawisan at halatang pagod mula sa pagmamadali.
"Malas!" bulong ko sa sarili.
Sa entrada pa lamang ng nasabing lugar ay kapansin-pansin na ang magarbong interior nito. Ang namumukod tanging fountain na nasa sentro mismo nang pavillion at ang malawak na function hall. Minimalist ang disenyo at kulay ng lugar kaya napakaganda at napakaaliwalas nitong tingnan.
Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko rin ang naggagandahang mga muwebles na aking nadaraanan. Ang naghuhumiyaw na kaelegantehan nito at ang magarbong marmol na sahig na lahat ay halatang pinagkagastusan. Ngumiti ako sabay napailing. South Ridge Village screamed luxury, the main reason why I always wanted to live in the place.
"Alam mo ba? 'Yang bagong lipat d'yan sa kabila, kabit pala 'yan?"
Tumaas kaagad ang kilay ko nang marinig ang isang bulungan mula sa aking harapan. Kakaupo ko pa lamang mula sa mahabang paglalakad ngunit iyon na kaagad ang bumungad sa akin. Parehong sopistikada at nagsusumigaw sa karangyaan ang mga ito na prenteng nakaupo sa silya na nasa aking unahan. Kasalukuyang nagsasalita ang presidente ng village para sa gaganaping Christmas Party sa darating na pasko ngunit, iba naman ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Narinig ko nga rin sa isang amiga ko, binubugbog pala 'yang si Mrs. Martinez. Naku! Napakaganda at napakamahinhin pero may pinagdadaan pala," wika naman ng isa. Hinampas pa nito ang kasama habang nagtatawanan ang mga ito na para bang may nakakatawa sa kanilang pinag-uusapan.
"Alam mo, 'yang si Mrs. Ramirez din, niloloko ng asawa. Nakita ko kamakailan, umiiyak ng mag-isa sa park. Nakakaawa!"
Tumikhim ako. Tumikhim ako para agawin ang kanilang pansin at hindi naman ako nabigo. Agad na nanlaki ang kanilang mga mata pagkakita pa lamang sa akin. Napangiti rin ito nang pilit na hindi man lamang umabot sa mga mata ng mga ito.
'Plastic!' hiyaw ng aking isip.
"It's very rude to talk about others life behind their back. Why not, talk to them in private. Malay niyo, makatulong pa kayo," mariin kong sabi sa mga ito.
Natawa ang dalawa nang alanganin. Hindi rin mapirmi ang kanilang mga mata na nakatitig sa akin.Bakit ba may mga taong mahilig mangialam sa buhay ng iba? Bakit may mga taong natutuwa pa sa kamiserablehan ng iba? Why didn't they mind their own business? It was easier that way.
"Pasensya ka na, Doktora," hinging paumanhin ng mga ito sabay napayuko. Halatang napahiya ang mga ito sa kanilang ginawa.
Tumango ako at lumipat na lamang ng bagong upuan. Pinili ko ang bakanteng silya na ilang dipa lamang ang layo mula sa entablado. Nakinig ako sa bawat plano at mga suhestiyon ng iilan kong kasamahan sa home owners ngunit saglit lang ay hindi ko maiwasang sulyapan ang aking mga kasamahan isa-isa.
Curiosity filled within me while watching them from afar. Nagsusumigaw rin sa aking utak kong totoo ba ang paratang sa mga ito. Kung totoo bang niloloko ang mga ito ng kanilang mga asawa.
Napailing ako kapagkuwan. Ano bang pinag-iisip ko? Na katulad ko ay niloloko rin ang mga ito? Na miserable rin ang buhay ng mga ito?
Mas lalo akong nanliit sa sarili dahil sa naisip. How low of me thinking misfortune to others. Nakakatawa at nakakaawa ang isang katulad ko. Isang babaeng nang-aamot nang pagmamahal mula sa taong nangako ng walang hanggan sa altar kasama ko.
Napangiti ako ng mapait para sa sarili. Pinilit ko ring pakalmahin ang unti-unti na namang pagsikip ng aking dibdib. Sino nga ba ang niloloko ko? Aasa pa ba akong mahalin ng aking asawa? Ang pangako ni Atlas sa harap ng altar ay hanggang salita lamang. Walang ibang kahulugan. Dahil alam na alam ko naman na hindi niya ako mahal. Napakasakit para sa katulad kong namanhid na nang hapdi at pasakit.
Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang meeting. Mabilis akong tumayo para lisanin na ang lugar, ngunit tinawag ako ng presidente. Wala akong nagawa kundi ang makihalubilo sa aking mga kasamahan.
Habang nagpapalitan ng salita ang mga ito sa harap ng eleganteng tea table ay nakikinig lamang ako. Sasagot kong tatanungin at kung minsan pa ay tatango na lamang. Pinagmasdan ko rin ang mga ito sa malapitan. Napagtanto kong ang chismis ng iilan ay may basehan. Kitang-kita ko at damang-dama ko.
"Pasensya na kayo, hindi talaga makakadalo si Zanjo sa party bukas. Hindi na rin ako dadalo. Alam niyo naman, kung nasaan ang asawa ay nandoon din tayo," natatawang wika ni Pepper, isa ring miyembro ng asosasyon.
Napailing ako sa nakita. Kaya mang takpan ng isang plastic na ngiti ang lungkot, ngunit hindi maaring pekein ang damdaming isinisigaw ng mga mata.
Lungkot, hirap at pasakit.
Hindi lamang ako ang may pinagdaraanan. Maging ang mga kasama ko ay ganoon din. I could see it. I could feel it.
Nang matapos ang mga ito sa pakikipag-usap sa ibang miyembro ay kinuha ko ang pagkakataon para magpaalam. Halatang nagmamadali ako. Ni hindi ko na hinintay na may sumagot pa sa akin. Dire-diretso ang lakad ko patungo sa aking kotse na naka-park 'di kalayuan. Nang makalapit ay agad ko itong pinasibad patungo sa direksyon kong saan alam kong masasaktan lamang ako.
Ang Dreame Cafe ay hindi kalayuan sa village. Nang mai-park ko ang sasakyan sa gilid niyon ay agad na akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob. Hindi ko na rin pinansin ang mga naroon at dumiretso kaagad ako sa opisina kanugnog ng counter. Nakita ko kaagad ang babaeng aking hinahanap. Si Trina, ang kabit ng aking asawa.
"Anong sadya mo?" nakataas ang kilay na tanong nito.
Agad kong ikinuyom ang aking mga palad habang ito naman ay nakangising pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Napapailing pa ito na tila ba hindi makapaniwala sa nakikita.
"Gusto kong hiramin si Atlas, bukas. May pupuntahan kami. My family gathering ang pamilya at kailangan nandoon siya," sagot ko sa tanong nito.
Natawa si Trina sa aking sinabi. Pumalakpak pa ito na parang tuwang-tuwa. Ngunit, alam kong sa likod niyon ay isang sarkastikong tono. Na may halong galit at panliliit.
"Hindi ko alam kong manhid ka ba Olive o bulag. Ayaw na ayaw sa 'yo ni Atlas pero pinilit mo pa rin. Ngayon naman pati oras ko gusto mo na ring kunin? Akin si Atlas bukas! Schedule ko kaya magtiis ka sa kahihiyan!" Sa lahat ng sinabi nito tanging ang huling pangungusap lamang ang tumatak sa akin.
Schedule.
Para kaming mga bata na nagpapatentiro sa laro ng kapalaran. Naghihintay kung kailan magiging taya. Kung sino ang dapat mauna o kung para kanino ang laban.
Ako ang totoong asawa. Ako ang pinakasalan. Ako ang nakikihati sa oras at panahon. Ako rin ang nasasaktan. Isa akong psychiatrist ngunit hindi ko kayang gamutin ang sarili kong sakit.
Hanggang kailan ko kayang tiisin ang sakit?
Hanggang saan ang kaya kong panindigan?
Ilang luha pa ang kaya kong ibigay?
@sheinAlthea
Atlas Ramirez POVI smiled as I watched Olive beside me sleeping like a baby. I even heard her snore that made my heart throbbed with gladness. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na sa lahat ng mga pinagdaanan namin, uuwi pa rin kami sa isa't isa. Kami pa rin ang nakatadhanang magsama.It has been a few months since we've met at Paris. Few months of us trying to know each other like strangers. Nagsimula kami ulit sa una at masasabi kong nagtagumpay kaming dalawa. We did not rush things. Bagkus, naghintay kami. Inalam muna namin lahat ng bagay na hindi namin alam sa isa't isa mula pa noon."I love you," mahinang bulong ko.My eyes widened when Olive moved slowly. Tila naalimpungatan itong sumiksik sa aking dibdib. I was half naked that her every breath touched my bare chest. It tickles my skin but it was fine as long as I could hold her close to me."I love you,"
Starry starry nightPaint your palette blue and grayLook out on a summer's dayWith eyes that know the darkness on my soulNow I understandWhat you tried to say to meHow you suffered your sanityAnd how you tried set them freeThey did not listenThey did not know howPerhaps they listen nowAgad kong hinapuhap ang cellphone na nasa ilalim ng aking unan. Papungas-pungas na tiningnan ko ang screen nito. I pouted as I saw the time. Late na naman ako ng tatlumpong minuto sa aking pupuntahan. Alas-nuebe na ng umaga at kakagising ko pa lang.I put the phone in my bedside table and tried to get up. Maingat akong umalis ng kama at nag-unat ng kaunti bago dumiretso sa maliit kong bintana. I smiled instantly when the small but beautiful garden greeted me. Ang iba't ibang klase ng mga bul
Atlas Ramirez POVNapangiti ako habang pinagmamasdan ang isang babae na mahaba ang buhok. Naka pusod iyon sa likuran nito habang pormal na nakatayo at nakataas ang paningin sa matayog na building ng Eiffel Tower. Mahaba ang brown na coat nito na lampas hanggang sa hita habang nakapaloob naman ang isang puting bluose na nagsisilbing takip sa katawan nito. Bumagay din dito ang suot nitong blue jeans at may takong na boots. Habang sukbit naman nito ang isang clutch bag sa balikat.Matagal na panahon nang huli ko itong makita. Mga panahong pakiramdam ko wala nang silbi ang buhay ko. Mga panahong isinuko ko na ang lahat para dito. At mga panahong kailangan kong dalhin ang sakit para pakawalan ito.Hindi ko lubos maisip na dahil sa bakasyon makikita ko ito.Maraming uri ng pag-ibig. May puro may hindi. May nagtitiis. Mayroon ding umaalis. May pag-ibig para sa pamilya, para sa kaibigan at para sa lahat. Ngun
Pakiramdam ko tumigil lahat sa akin ng mga sandaling iyon. Ang pagtibok ng aking puso maging ng aking paghinga. Pakiramdam ko pinapatay ako ng unti-unti habang nakikita ko ang anak ko na pinapalibutan ng doktor at nurse. Ginagawa ang lahat para dito hanggang umiling na lamang ang mga ito tanda ng pagsuko."Time of death. Twelve thirty in the afternoon."I sobbed to Atlas chest as the doctor uttered the words I don't want to hear. Bakit ba kapag gusto ko ang isang bagay hindi ko ito makuha ng buo. Palaging hindi Pwede. Palaging may mali. Palaging wala sa tamang panahon.Iniisip ko tuloy kong anong nagawa kong mali sa buhay ko na pinaparusahan ako ng ganito. Lagi kong binabalikan ang mga nagdaang buhay ko pero kahit katiting hindi ko malaman ang dahilan. Wala akong maisip kundi ang katotohanang nagmahal lang naman ako. Nagmahal lang ako ng totoo.Atlas hand was caressing my back and trying to calm me down. A
Impit ang aking mga ungol habang sumisidhi ang sakit na aking nararamdaman. Ang papalit-palit na sakit sa aking balakang at gitnang bahagi ay hindi ko na halos makayanan. Kakaibang sakit na nagdudulot ng pawis sa aking katawan. Mabilis ang pagmamaneho ni Atlas sa kaniyang kotse. Mabilis din naming narating ang pinakamalaking hospital sa bayan ng San Vicente. Hindi ito nagsayang ng oras at agad akong binuhat para dalhin sa loob ng hospital. Maingay itong pumasok sa loob habang dire-diretso ang hakbang patungo kung saan.Impit ang aking mga ungol habang sumisidhi ang sakit na aking nararamdaman. Ang papalit-palit na sakit sa aking balakang at gitnang bahagi ay hindi ko na halos makayanan. Kakaibang sakit na nagdudulot ng pawis sa aking katawan at takot sa aking kabuuan."It's okay. Everything's gonna be okay," mahinang bulong nito habang maingat na hinalikan ang aking ulo."Masakit," nahihirapang sambit ko. .Naramdaman
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na pumanaog sa sinasakyan namin ni Atlas. Hindi ko alam kung paano ko naihahakbang ang aking mga paa kasabay ni Atlas na mahigpit pa rin ang hawak sa aking kamay. Nang balingan ko ito ng tingin ay seryoso lamang itong nakatitig sa aming harapan. Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan na lamang ang sarili kung saan man ako dadalhin ni Atlas."We're here."Tumigil kami sa isang hindi kalakihang mausoleum. Halata na sa hitsura nito ang katagalan dahil sa nababakbak na kulay ng grills nito. Maging ang yero na nagsisilbing proteksyon nito sa init at ulan ay halos kinalawang na rin."She's my first love," panimula nito.Kahit ilang beses ko nang narinig ang mga katagang iyon mula kay Atlas ay masakit pa rin sa akin ang sinabi nito. Marahil dahil sa katotohanang iyon nabuhay akong may agam-agam sa loob nang sampung taon. Dahil sa salitang iyon nawasak ako nan
Komen