SIMULA
Labing limang taon na ang nakalipas, sariwa pa rin sa akin ang nangyare. Ang madugong labanan ng mga Lykos at Sorciere. Ang digmaan na nagpamulat sa akin sa katotohan. Ang katotohanang binuhay lang ako para gawing isang sandata.Napabuntong hininga ako at bumangon sa aking kama. Lumipat ako sa may bintana at doon umupo. Muli na naman akong napabuntong hininga. Wala akong ibang nakikita kundi ang mga matataas na bakod na nakapalibot sa aming mansiyon. Bawal akong lumabas at bawal akong makipagsalimuha sa iba.Ni wala akong nakikitang kahit anong nilalang bukod kay Amalya at ng mga tauhan dito. Wala na rin akong mga magulang. Sa tuwing magtatanong ako kay Amlaya, tanging sasabihin niya lang ay matagal na akong inabandona ng aking Ina dahil hindi kami kayang panindigan ng aking Ama.Nilibot ko ang aking tingin sa aking silid. Walang kahit na anong gamit, maliban sa nag iisang libro na pinuslit ko pa sa laybrarya ni Amalya. Simula kasi noong nangyare, parang sa akin lahat ibinuntong ni Amalya ang kapalpakan ng kanilang plano. Lahat bawal. Ang dating marangya at makulay kong silid, ngayon ay ni isang bulaklak ay wala. Bawal ako lumabas sa aking silid hangga't hindi niya ako pinapatawag or minsan tuwing kakain lamang. Na baling ang aking tingin ng may nag bukas sa aking pintuan."Pinapatawag ka ni Madame Amalya. Kayo'y kakain na ng tanghalian." saad nito habang naka yuko."Mag aayos muna ako, susunod ako."Muli akong tumingin sa bintana, sa unang pagkakataon may nakita akong ibon na lumilipad. Pilit itong pumapasok sa barrier. Nawiwili ko itong tiningnan, di nag laon ay tumigil ito at lumipad palayo. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na ng silid. Hindi ko alam pang ilang beses na ba akong napabuntong hininga ngayon araw.Naglalakad ako sa pasilyo, nagtataka ako dahil lahat ay abala, na parang may pinaghahandaan sila. Patuloy lang ako sa aking paglalakad habang minamasdan ang ang kanilang ginagawa. Yumuko muna ang dalawang bantay sa akin saka nila binuksan ang pinto papasok sa aming hapag kainan. Nakita ko si Amalya na umiinom ng alak sa kanyang gintong kopeta. May isang tauhan ang lumapit sa akin at pinaghila ako ng upuan."May bisita ako mamaya. Gusto kong umayos ka sa mga kinikilos mo, wag na wag mo akong ipapahiya mamaya." gamit ang kanyang striktang boses."Ipapakilala mo ako sa kanila?" hindi ko mapigilang mapangiti, ngunit mabilis din iyong nabura sa aking narinig."At sino may sabing ipapakilala kita? Huwag kang ambisosya, Andromeda. Ikaw ay mananatili sa iyong silid at huwag na huwag kang gagawa ng ingay na makakapag distorbo sa aking mga bisita."Pinunasan niya muna ang kanyang labi bago ito tumingin sa akin ng nagbabanta, saka ito lumabas na taas noo. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko ang aking sarili. Tumikhim muna ako bago nag angat ng tingin at ngumit sa isa naming katulong."Paki hatid na lang ito sa aking silid, doon na lang ako kakain."Lumabas na ako sa hapag kainan at pumanhik pabalik sa aking silid. Nakaramdam ako ng pag tawag ng kalakikasan kaya mabilis akong pumasok sa palikuran na aking nadaanan.Matapos kong mag hugas ng kamay, papatayin ko na sana ang gripo na mapansin akong kakaiba sa lalagyan na naka dikit sa dingding. Nilapitan ko ito at sinuri, wala namang kakaiba maliban sa naiibang kulay na bulaklak. Dahil nga naiiba ito, hindi na ako nag dalawang isip na pitasin ito."ay!" bigla akong napatalon ng biglang dahan-dahang bumukas ang dingding.Muli kong tiningnan ang bulaklak na aking pinatas. Hindi pala ito totong bulaklak. Ibinalik ko nalang ito sa lalagyan saka hinintay ang tuluyang pag bukas ng dingding. Nang huminto ito, kinumpas ko ang aking kamay upang magpalabas ng bolang apoy para mag sisilbing ilaw. Bumungad sa akin ang hagdanan pababa sa pasilyo.Ilang hakbang pa bago ako nakababa. Sa aking pagbaba, wala akong nakita na kahit na ano kundi isang dragon na naka ukit sa dingding. Nararamdam ko na may ibang nilalang pa rito bukod sa akin pero wala akong pintuan na nakikita. Kinakapa-kapa ko ang dingding hanggang sa umabot ito ulahan ng dragon, tiningnan ko ito ng mabuti. Nakita ko ang pagkislap ng mata nito, hindi naman ako nag dalawang isip na pindotin iyon. Hindi nag laon ito ay bumukas.Ako'y nabigla sa aking nakita. Sa gitnang bahagi ng silid, may sino man ang nakahiga sa altar at napapalibutan ito ng mga puting bulaklak. Mas lumapit pa ako rito para makita ng lubosan.Isang napakagandang babae ang nakahiga rito na may suot na puting bestida. Para lang itong natutulog pero ramdam ko na matagal na itong natutulog. Mala porcelana ang kanyang kutis at ang kanyang buhok na may halong gintong kulay."Ang ganda mo..."May nakita akong nakaukit sa gilid ng kanyang hinihigaan. Marahil ito ang kanyang pangalan. Hinaplos ko ito at binasa."Selena Zaffiro..."Sa pag banggit ko ng kanyang pangalan mas lalong umosbong ang mga bulaklak. Kung dati ay purong puti lang, ngayon ay mas lalo itong nadagdagan ng kulay. Mas lalong nagpapaganda sa kanya."Bakit nararamdaman ko na parang may koneksyon tayong dalawa? Siguro dahil pareho tayong maganda?" pagkakausap ko rito saka humagikhik.Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Hinaplos ko na may pag iingat ang kanyang makinis na mukha. Sa paglapat ng aking palad, maraming senaryo ang biglang kong nakita. Mga nagsisigawang tao at isang lalake na binabanggit ang kanyang pangalan at pilit inaabot ang kanyang kamay. Napabitaw ako sa aking nakita at hindi ko namalayan lumuluha na pala ako. Hindi ko maaninag ng maayos dahil malabo ito."Hindi ko ginusto ang aking nakita, ang bigat sa damdamin."WELCOME TO THE UNDERWORLD Pagkalabas nila Andromeda sa portal, madilim na pasilyo agad ang bumungad pag bukas ng kanyang mga mata.Isa isang nagsi ilawan ang mga ilaw sa bawat dingding. Nasa unahan niya ang Luna at Alpha habang siya naman ay nasa hulian, hanggang sa makaabot sila sa isang malaking dalawahang pintuan. May mga kawal na nakabantay dito. Ibinigay naman ng Alpha ang kanyang emblem dito upang sila ay tuluyan ng makapasok.Sa pag bukas ng pintuan, isang simple ngunit napaka eleganteng bulwagan ang sumasubong sa mga mata ni Andromeda. Muli na naman siyang namangha sa kanyang nakita, masayang inilibot ni Andromeda ang kanyang tingin.Buong akala ni Andromeda puro kadiliman lang ang sasalubong niya sa Underworld. Malayong malayo ito sa mga libro na nababasa niya tungkol dito. "Ang ganda..." hindi mapigilang lumabas sa kanyang bibig.Huminto naman ang dalawa at napangiti ang Luna sa nakita niyang reaksyon kay Andromeda."Andromeda, tayo na." Nakangiti niyang pag tawag dito.Na
SHOCKEDGulat, kaba, pangungulila, saya, at kalungkotan ang nadarama ni Gaia habang nakatingin sa babaeng masayang tumatakbo at yumakap sa Alpha. Halo halong emosyon ang nagkukubli sa kanyang nararamdaman. "Selena..." mahinang usal sa kanyang sarili na hindi naman nakatakas sa pang dinig ni Damian.Tiningnan niya ang kanyang Tita Gaia na maluha luhang nakatingin kay Andromeda."Hello po." magalang na pag bati ni Andromeda kay Gaia.Hindi na napigilan ni Gaia ang sarili at sinugod niya ito ng isang mahigpit na yakap. Labis labis ang kanyang pangungulila sa kanyang matalik na kaibigan. Nabigla man, sinuklian rin ito ni Andromeda ng isang malambing na yakap, dahil nararamdaman niya ang intensidad ng pangungulila nito."Parehong nakakagaan ngunit alam kong magkaibang magkaiba kayo." piping saad ni Gaia sa kanyang isipan.Nagtataka sila lalong lalo na si Alanis dahil sa naging kilos ng kanyang Ina kay Andromeda, para bang matagal na niya itong kilala dahil sa uri ng pag yakap niya dito."
SUDDEN Pabalik balik ang tingin ng Headmistress sa dalawang bisita sa kanyang opisina na nakaupo sa kanyang sofa. Alam niya naman na hindi si Damian ang sadya nito. Gaanon nga talaga ka importante si Andromeda para tuwing linggo itong bisitahin."Andromeda is fine. Just perfectly fine." Isang malumanay na ngiti ang binigay ng Luna sa Headmistress saka ito tumingin sa Alpha."We're here to escort the princess back to the underworld, the King wants to talk to her." Alpha.Hindi alam ng Headmistress ngunit labis siyang na bahala kay Andromeda alam niya kasi na matagal na itong gustong lumabas sa palasyo, nararamdaman niya ito sa una pa lang kita niya diro na naka paa. Sinyales na tumakas ito sa kanilang kaharian. Hindi niya akalain na agad itong kukunin ng Hari na hindi pa nga nagsisimula ang pasukan."Why? Wala ba siyang tiwala sa Academy? I know alam niyo na matagal ng gustong mag aral ni Andromeda dito. Please tell the King that we will assure the Princess' safety." "Yeong... kakau
FAVORSa loob ng kagubatan, naglalakabay ang Alpha at ang alagang ibon ng Luna na si Poca. Si Poca ang nagsisilbing gabay ng Alpha kung saan man sila patungo. Papunta sila ngayon sa mansion kung saan unang nakita ni Poca si Andromeda. Noong nasa paanan na sila ng bundok, agad na nag tago ang dalawa. "Hinding-hindi ako mag dadalawang isip na kitilin ang kanyang buhay!" Nanggigigil na sabi ni Amalya.Tumigil sina Amalya at Rebecca at pinagmasdan ang mansion na nasa tuktok ng bundok."Nasa atin nga ang Mortal Na Diyosa, ngunit ng dahil sa babaeng iyon! Ng dahil sa walanghiyang si Andromeda, hindi ko na magagamit ang kapangyarihan ng Diyosa." Puno ng galit ang kalooban ni Amalya. Mas lalong lamang siyang nagagalit sa tuwing sinusubukan niyang buksan ang sagradong kwarto, na kahit anong pilit niya, hindi niya pa rin ito nabubuksan. Habang patagal ng patagal mas lalong nagiging kulubot ang kanyang itsura. Magkapareho sila ng sitwasyon ng kanyang kapatid na si Rebecca ngunit kahit kulubo
THE ELITE SUPREME"Continue pretending that you are the Underworld Princess. It will make you safe. Someone is looking for you."Iyan ang huling paalala ng Alpha sa kanya kahapon bago ito umalis. Isa lang naman ang kilala niyang naghahanap sa kanya, wala ng iba kundi si Amalya. She let out of sighed bago siya tumingin sa dining table na nasa harapan niya. Marami silang niluto ni Travicci. Mas lalo lamang siyang kinakabahan dahil magpapanggap siyang isang anak ng maharlika. Wala na man siyang ibang choice kundi ang gawin ito dahil ayaw niya rin naman bumalik sa kulongan na mansion. "Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Travicci sa kanya."Hindi ko alam, Kuya." Lunapit si Travicci sa kanya at inakbayan saka hinimas ang kanyang ulo."I told you, don't worry too much. Hindi naman sila nangangagat. I already feel their presence, they are coming." Mabilis na lumayo si Andromeda sa kanya, hinawakan niya ang kanyang magka bilaang pisnge at tiningnan ang sarili."Kailangan kong mag ayos."
ARRIVALMasayang nagluluto sina Travicci at Andromeda sa kusina. Ngayon na kasi darating ang ibang kasamahan nila sa mansion."Kuya T, paano kung hindi nila ako magustohan?" Hindi mapigilang kabahan si Andromeda, maraming tanong ang pumasok sa kanyang isipan. Hindi niya akalain darating ang panahon na makakasalimuha siya ng iba bukod kay Amalya. Kahit kinakabahan, merong saya na namumuo sa kanyang kalooban.Pinasadahan siya ng tingin ni Travicci at ngumiti sa kanya."Why not? You're beautiful and kind. I'm sure they will like you."XD"Paano ka nakakasiguro?" "Don't worry too much, Andromeda. Paki bilisan na lang yang hinihiwa mo, malapit na to." Pilit tinanggal ni Andromeda at itunuon na lang ang buong pansin sa pagluluto.Apat na sasakyan ang pumasok sa Academy na agad na naagaw ng pansin ng mga estudyante na tumatambay sa park. Hindi mapigiling mapa tili ang iba dahil kilalang kilala nila kung sino ang lulan ng mga sasakyan.Mas lalo lang lumakas ang tilian ng isa isa itong buma