Share

CURSED BY THE MOON
CURSED BY THE MOON
Author: s4ucevenomous

PROLOGUE

Ang nagbubukod tanging bampirang lobo sa mundo ng Astral, isinilang ito ng kanilang Luna na walang gulong naganap. Naging matiwasay ang pagdadalang tao nito hanggang sa itoy manganak. Sa limang taon na pananahimik ng mga sorciere, ito pala ay naghahanda sa muli nilang pagsalakay. Kampante ang mga Lykos na kabutihan pa rin ang mag wawagi na sila pa rin ang magwawagi, ngunit hindi nila inakala na makikipag kasundoan ito sa mga mortal na sakim at gaham rin sa kapangyarihan. Dinala ng mga sorciere ang mga baliw na scientist sa kanilang mundo upang ubosin ang mga lobo.

Sa pinaka tuktok na bundok sa mundo ng Magic Realm, sa mundo ng Azaleus, may isang malaking mansion ang nakatayo doon. Masayang bumaba ang limang taong gulang na babae sa hagdan na nakasuot ng isang ball gown at may koronang bulaklak. Para itong isang prinsesa kung kumilos. Maganda at napaka elegante. Lahat ng nadadaanan niyang mga tauhan sa mansyon, lahat ay yumuyuko.

"Magandang Umaga!" masayang bati niya dito.

Pero wala siyang natanggap na sagot kundi ang pagyukod lang nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pinagbabawalan siyang makipag usap dito. Wala siyang ibang makausap kundi si Madame Amalya, ang nagpalaki sa kanya at ang nag mamay-ari ng mansyon.

Habang naglalakad siya sa hallway, di niya mapigilang mapatingin sa opisina ni Madame Amalya, na mahigpit na ipinagbabawal sa kanya na tumungtong doon. Muli sana siyang maglalakad ng makarinig siya na parang may nagtatalo. Dala sa kyuryosidad, dahan-dahan siyang lumapit dito, nakasiwang ang pinto. May kausap ito na isang lalake. Nahihiwagaan siya sa kasuotan nito dahil ibang-iba ito sa suot nila. Napatakip siya ng bibig ng makita niya kung paano sampalin ni Madame Amalya ang lalake.

"Nahihibang ka na Ernesto!" saad nito na nanggagaglait na tinig.

"Ngayon na ang tamang panahon upang lusobin ang kabilang mundo, Amalya!" ani ng lalake

Lalakad na sana siya ulit para umalis dahil alam niyang masama ang makinig sa usapan ng mga matatanda ngunit na pirme siya sa kanyang narinig.

"Hindi pa lubusang lumabas ang ibang kapangyarihan ni Andromeda, kailangan natin ang kapangyarihan niya upang masakop natin ang kabilang mundo."

Kaya pala lagi siyang sinasanay dahil gagamitin pala siya nito upang masakop ang kabilang mundo. Matagal na niyang alam ang tungkol sa kabilang mundo dahil lagi itong kinumwento sa kanya ni Amalya na balang araw ay doon na sila maninirahan. Muling siyang sumilip sa siwang ng pinto ng lumiwanag ito. Isang portal, pumasok doon ang ang lalake kasama si Amalya. Bago paman mawala ito, mabilis niyang binuksan ang pinto saka dali-daling pumapok sa portal.

Sa pag dilat ng kanyang mga mata, siyang nasaksihan niya ang magulo at madugong labanan ng mga Lykos at mga sorciere.Hindi niya akalaing isa pa lang Lobo ang naninirahan sa kabilang mundo, hindi niya akalaing totoo ang mga ito. Mabilis siyang gumawa ng cloak gamit ang kanyang mahika upang hindi siya makita ni Amalya.

Nakita niya kung paano walang awang patayin ng mga sorciere ang mga lobo na tanging gusto lang nila ay ang kapayapaan sa kanilang mundo.

"she was raising me for this." hindi mapigilang tumulo ang kanyang luha.

Hindi siya nag dalawang isip at pa sikreto niyang tinulangan ang mga lobo laban sa mga lahi ni Amalya. Nahagip ang kanyang mata ang isang malaki at puting lobo na may sakay na isang babae habang nasa harapan nito ang isang batang lalake na kaedaran niya lang din. Hinahabol ito ng mga sorciere at isang lalake na nakasakay sa isang maitim at malaking ibon, namumukhaan niya ang lalake yun ang kausap ni Amalya kanina.

Muntik na siyang madala sa kapangyarihan ng babae na nakasakay sa lobo kung hindi lang dahil sa suot niyang cloak. Pilit na pinoprotektahan ng babae ang batang lalake na kalong-kalong nito.

Mabilis ang naging kilos ng kanyang kamay at kinumpas ito patungo sa mga humahabol nito. Agad na hinirang ang kanyang sarili ng mapansin niyang ang lalake na nakatutok ang baril sa lobo. Nag teleport siya at agarang gumawa ng barrier. Tumalsik ang bala nito at bumalik sa pinanggalingan hanggang sa tumama ito sa ulo ng lalake.

Nag sanhi ito ng malakas na pagsabog sanhi ng pagkahulog ng hood ng kanyang cloak. Hindi pala ito isang ordinaryong bala. Dahil nahahaloan ito ng isang salamangka. Lumingon siya sa kanyang likoran ng makarinig siya ng isang pag d***g.

Nakita niya kung paano nag anyong tao ang lobo. Isang makisig na lalake ang kanyang nakita. Wala itong saplot, pilit na bumabangon ang babae upang takpan ang hubad na katawan ng lalake habang nasa kabilang bisig niya ang batang lalake na nawalan na ng malay.

Lumapit siya rito saka niya hinubad ang kanyang cloak at binalot sa lalake. Naluluhang tumingin sa kanya ang babae.

"Binibini, nararamdaman kong hindi ka taga rito, ngunit maraming salamat sa iyong pag tulong mo sa amin." ani nito sa malambing na boses.

"Panahon na para umuwi ka sa mundo natin, kasama ang inyong pamilya." nakangiti niyang saad.

"Walang kasiguraduhan na tatanggapin nila kami sa kabilang mundo, pero nagamit na namin kanina upang maligtas ang mga iba naming mamaya, iyon ang huling bato upang mabuksan ang portal patungo sa kabilang mundo." ani nito.

"Napakabuti mong Luna..." muli itong ngumiti sa kanila at kinumpas ang kamay sa hangin, isang portal ang nabuo, kinuha niya ang bulaklak na nasa kanyang bulsa saka niya ito inabot sa babae. "... pumasok kayo sa portal at dadalhin kayo sa bakuna ng Dorne, doon, kayo ay manirahan ng mapayapa. Huwag kayong mabahala... sapagkat ang bulaklak na iyan ang nagsisimbolong kayo ay gagabayan ng Inang Diyos ng Buwan..."

Huling saad ng batang babae bagon ito lamunin ng isang liwanag.

Sa muli nating pagkikita, batang bampirang-lobo.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Paul Rañin
ganda naman ng kwento na to
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status