Share

CHAPTER 8.1

EVEN HER favorite ice cream can't sweeten up Angel's mood. She felt so stupid for not even reading the contract she just signed!

She blew a frustrated breath, before taking a spoonful of ice cream into her mouth.

"Hey, you okay?" Wrath asked. Patagilid itong nakaupo sa mesang nakaharap sa kaniya. "You look pissed," he tittered.

"Do I look like I'm okay?" Angel grunted and pouted her lips.

"Geez! Chill, Ms. Engineer." 

"Why the h*ll did I forget about that, huh? God, I'm so stupid!"

Bakit ba kasi nawawala talaga siya sa katinuan sa tuwing malapit sa kaniya si Luscious. 

'Kasalanan mo talaga 'to, Luscious!'

Sirang-sira na ang kaniyang buong araw dahil sa kagagahang nagawa kanina. How can she be that stupid? For goodness's sake, in her line of career, contract is one of the most important things that she's been dealing for years! And she totally forgot about its significance, just because of the intimidating presence of that insolent mule!

Nagpupuyos ang kaniyang damdamin habang pinapahiran ng wheat bread ang ice cream.

Breaktime niya ngayon kaya naman ayos lang na kumain siya. Natapos niya na rin ang pinagagawa sa kaniya ng bruhong nasa loob ng opisina nito. Naipasa niya na rin kanina.

Nakasimangot siyang ngumuya habang nakatingin lang sa kaniya ang binatang nakaupo sa mesa. Nakabusangot naman siyang umabot ng isa pang tinapay upang palamanan ng sorbetes. Pagkatapos ay hindi siya nakatinging inabot ito sa binatang mataman ring nakatitig sa kaniya. 

"Anong gagawin ko d'yan?" tanong nito na lalong ikina-init ng kaniyang ulo.

"Titigan mo lang siguro. Idiot." She tsked.

Wrath laughed inwardly ignoring what she just called him. Tinanggap nito ang ini-abot niyang pagkain.

"Ang init ng ulo mo! You should see your face, really." He chuckled. "Ano ba kasing nangyare?"

Angel heaved a sigh. Her shoulders sagged lifelessly.

"In my line of career, contract is one of the most important things. And I've been in this field for years." She paused. "But this morning, I just signed one without even reading it!"

Sunod-sunod siyang kumagat sa kaniyang pagkain hanggang sa mapuno ang bibig. Nakangiwi naman siyang inabutan nito ng mineral water.

"Uminom ka muna, baka mabilaukan ka pa. I don't want you to die, choking over your food, with me. Baka mamaya mapagbintangan pa ako. Ako pa naman bumili ng ice cream."

Tinanggap niya naman ang inabot nitong bottled water at agad na inubos iyon. Muli siyang napabuntong-hininga.

"Well I would say you're doomed. Bakit ba kasi 'di mo man lang binasa?" Wrath snickered.

She pouted. "Hindi ko nga rin alam eh," bulong niya. 

"Baka kasi masyado kang naka-focus sa ibang bagay. Or baka sa isang tao," He tittered, while munching on his own food.

Marahas naman siyang napalingon sa sinabi nito. She glared at him.

"I can't blame you, though. Might is handsome, but I'm 'handsomer', of course."

Yes Luscious is handsome. But that's not the only thing that made him lingering all over thoughts. It's the fact that they had s*x! Pero hindi niya naman pwedeng sabihin ito kay Warth.

"Handsomer? Is that even a word?" 

Ginulo naman nito ang kaniyang buhok na nakalugay. Iniwas niya ang ulo at sinagot ito ng masamang tingin.

"Not my hair, you a*s!"

"A*s? Grabe! I'm deeply wounded." Sinapo nito ang dibdib na tila nagdaramdam. "I'm calling you beautiful or Ms. Engineer, tapos ang tawag mo sa 'kin a*s?" 

"Alam mo ang arte mo. 'Di bagay." She tsked.

"Hindi ako maarte. Gwapo ako. G-W-A-P-O."

Napailing na lang siya sa pagbubuhat nito ng sariling bangko. 

She glanced at her Chanel wristwatch. Twelve thirty na pala. Malapit na ang board meeting ng kaniyang 'guwapong' boss. Este 'g*gong' boss.

"Sige na, lumayas ka na. You're welcome," biro niya sa binata.

Wrath tsked. "Wala man lang thank you tapos pinapalayas pa ako." Nakasimangot itong umalis mula sa pagkaka-upo sa kaniyang desk. 

She laughed inwardly seeing his face. Nakalabi ito na tila isang batang pinagkaitan ng paboritong kendi. Napa-iling na lamang siya at mahinang natawa.

LUSCIOUS face darkened when he saw Angel smiling with Wrath. His knuckles fisted at the sight of the two talking to each other. Mukha nang komportable ang dalawa sa isa't isa na biglang ikina-init ng kaniyang ulo.

The two didn't seem to mind his presence making his blood boil in annoyance. He deliberately cleared his throat, trying to get their attention. Kusa namang bumaling ang dalawa sa kaniyang tila nadisturbo.

Luscious' jaw clenched at the thought.

Angel's expression instantly became stoic in his presence, which annoyed him even more!

"Hey, bud." Wrath patted his shoulder, but his eyes remained its focus towards Angel looking casual in his burning gaze. "I just delivered something here. Aalis na rin ako." 

Bumaba ang tingin niya sa wheat bread at ice cream na nasa ibabaw ng mesa ng kaniyang sekretarya. Tahimik lang itong nakatayo sa harap ng desk nito habang nakatingin sa kaniya. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito.

His eyes caught Wrath, who was suppressing a playful smile. It's  getting into his nerves! He knew that Wrath was just playing with him. And he will not give him the satisfaction of seeing him annoyed as f*ck.

May hinugot ito sa sariling wallet na sa tingin niya ay calling card. Ini-abot nito iyon sa sekretarya niyang nakangiti naman nitong tinanggap.

"Call me if you need anything." Wrath winked at Angel, but the woman just paid off with an irritated grimace. 

His friend grinned and patted his shoulder again, before storming out.

Nang maiwan sila ng dalaga ay pinakatitigan niya ito, ngunit tila hindi nito alintana iyon. 

Angel is very different from all the secretaries he had before. Sa isang araw na pagtatrabaho nito ay alam niya na maayos itong magtrabaho. He gave her a lot of files this morning, and ordered her to make individual reports out of those, and she finished the task in just two hours. That's fast. He can say that she is a very efficient secretary. But he's just starting.

Luscious grinned at the thought.

More than that, Angel doesn't seem to mind his presence. Tila hindi ito naaapektuhan sa kaniyang angking kagwapuhan 'di tulad ng mga nagdaan niyang sekretarya. Halos maghubad ang mga ito sa kaniyang harapan para lamang mapansin niya ngunit kakaiba ang dalaga.

"Follow me inside my office." His serious cold tone never faltered, as he stride inside his office.

Mabilis naman itong tumalima at sumunod sa kaniyang likuran. 

Even with their distance, he can still smell her scent like it wafted around him. Naghalo ang pabango nito kasama ang natural na amoy bilang babae. Her smell— it's addicting and intoxicating. No wonder why Luscious started to get hard already. And that's not normal! In his past years of living as a grown man, he never experienced getting instantly aroused with just the mere smell of any gorgeous woman. Then how the h*ll did this seductress managed to stir his little buddy to life, with nothing but her tempting smell?

Kanina pa niya ito nararamdaman nang pumasok ang dalaga sa kaniyang opisina nitong umaga. Sa katunayan ay kinailangan niya pa ng cold shower pagkalabas nito para lang pakalmahin ang alagang handa nang makipaglaban. Mabuti na lamang at may private room siya sa loob ng opisina na may sariling kwarto, shower, kitchenette, at living area. Madalas kasi ay hindi na siya umuuwi lalo na kung abala siya sa kaniyang kompanya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status