Home / All / Call Me SKY / Chapter Fifteen

Share

Chapter Fifteen

last update Last Updated: 2021-08-27 09:35:53

Saktong paglabas ng tatlong lalaki sa mga lumang locker. Nakangisi silang lahat.

"Enjoy Sky!" Sigaw nila Jamie mula sa labas hanggang sa hindi ko na marinig ang mga boses nilang nakaka irita.

"Umpisahan mo na 'yung video brad," utos ng isang lalaki.

Hindi ako umatras o natinag man lang nang mapwesto nila ang camera sa isang upuan.

Agad nilang hinubad ang mga coat nila hanggang sa sandong puti na lang ang matira.

Nag-umpisa na ako sa gagawin ko. Umatras ako at mabilis na nagtungo sa pintuan upang makahingi ng tulong.

"SETH!" Paulit ulit kong kinalabog ang pintuan kahit na alam kong malabo na may makarinig sa akin.

"Hawakan nyo bilis!" Agad sinunod ng dalawang lalaki ang inutos sa kanila.

Magaling akong artista kaya walang pasubaling tumulo ang mga luha sa mata ko. Kaya kong pagmukhaing kawawa ang sarili ko sa harap nila para masabi nilang mahina ako at kayang kaya nila.

"Ano'ng gagawin nyo? 'Wag!" Kahit kaya kong tanggalin ang higpit ng kapit nila sa akin ay hindi ko tinanggal. Hinayaan ko lang.

Kung dehado ako at walang darating ay doon ako sa Plan B.

"Ihiga nyo rito bilis!" Tinanggal ng lalaki ang sinturon ng itim na slacks at itinira ay boxers.

Nagpatuloy ako sa pagsigaw at paghingi ng tulong.

"Tang ina! Ang ingay, takpan nyo nga 'yung bibig," naririnding sabi nung lalaki.

Potah! Wala pa bang darating? Mare-rape na ako oh!

Napapikit ako ng mariin. Pagbilang ko ng lima at wala pa ring dumating...

Isa.

Dalawa.

Tat-

Nakarinig ako ng marahas na kalabog sa pintuan. Napangiti ako at muling umiyak upang magmukhang mas kaawa-awa.

"If you fvcking lay your fvcking finger to her, all of you will surely suffer." Kalmado ngunit nakakapanindig balahibo ang kanyang tinig. Kulang na lang ay kumulog at kumidlat.

Maski ako ay tumaas ang balahibo sa batok at nakaramdam ng panlalamig.

Tumayo ng tuwid ang tatlong lalaki at pare-parehong nahirapan sa paglunok. Naihi pa ang isa sa pantalon nya sa sobrang panginginig.

"Leave," utos ni Zack.

Walang pasubaling nag-unahan sa pagtakbo ang tatlo. Mula sa pagkakahiga ay tumayo ako ng maayos at hindi na hinintay pang tulungan nya ako. Mukha rin kasing wala syang balak.

Blangko ang muka nya nang diretso akong tumingin sa kanya.

"Salamat." Yumuko ako.

Ramdam kong wala talaga syang plano o kusang tulungan ako. Siguro dadalawin sya ng kunsensya nya kung hindi nya 'to ginawa, kaya nangangahulugang napilitan lang syang gawin 'to. Bahagyang kumirot ang puso ko sa naisip.

"You don't have to thank me. Si Seth ang inaasahan mong dumating 'di ba? Tatawagin ko sana sya kanina kaso mukang hindi na sya aabot kaya ako na ang gumawa, nakaka-awa ka naman kung pababayaan lang kita," malamig na utas nya. So far, 'yan pa lang ang pinaka-mahabang linya na sinabi nya.

Ito 'yung gusto ko 'di ba? Ang magmukang kawawa sa paningin nya para mapansin nya? Pero bakit parang ang sakit lang, kasi dun nya lang ako nakikita?

"Kung napilitan ka lang naman pala, sana 'di mo na 'ko pinansin, nagkaroon pa tuloy ako ng pesteng utang na loob sa 'yo."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang hindi na muli pang magsalita. Hindi na ulit ako tumingin sa kanya, natatakot akong makita nya na disappointed ako sa binitiwan nyang salita. Nanghihina kong kinuha ang bag ko at naglakad patungong pinto kung saan sya nakatayo habang naka-pamulsa.

Halos hindi ako huminga nang lagpasan sya. Nagulat ako nang bigla nyang hablutin ang braso ko dahilan para matigil ako sa paglakad palayo sa kanya. Kinunot ko ang noo ko at tumingin sa kamay nyang nakahawak sa braso ko. Halos maghuramentado kasi ang puso ko sa simpleng hawak nya lang.

Napansin nyang nakatingin ako roon kaya mabilis nyang tinanggal ang kanyang kamay at isinuksok sa bulsa ng kanyang pantalon.

"Bakit?" pagod kong sabi. Matapang akong tumingin ng deretso sa mga mata nya kahit natatakot akong makarinig na naman ng nakaka-disappoint na salita.

"I'll drive you home," mahinahong sabi nya habang matamang nakatingin sa mga mata ko. Ano 'to ngayon? Bakit lumambot ang ekspresyon ng muka nya?

"Hindi na, malapit lang naman 'yung apartment na tinutuluyan ko," agad na tanggi ko.

Tumalikod na ako at lalakad na ulit sana nang pigilan nya na naman ako gamit ang paghawak sa backpack ko.

Pucha!

"May lakad kayo ni Atasha. Kung naaawa ka pa at nakokonsensya, maayos na ako 'di ko na kailangan ng tulong mo," malamig kong sabi. Naramdaman kong tinanggal nya ang kamay nya sa bag kaya nagsimula na akong maglakad at hindi na sya nilingon.

Pagkarating ko sa apartment ay hinawakan ko agad ang puso ko. Grabe kasi ang kabog nito, parang lalabas na sa dibdib ko. Napapikit ako ng mariin habang inaalala ang mga nangyari. Bakit ganon na lang ang reaksyon at nararamdaman ko? Kasalungat nito ang plano.

Parang totoo lahat ng emosyong ipinakita at sinabi ko at natural na lumabas sa bibig ko. What the heck?

Paulit-ulit kong inumpog ang sarili sa pinto at pilit na kinakalimutan ang nangyari. Bakit kasi sya pa ang dumating kahit na gusto kong sya nga.

Inayos ko ang sarili at hindi na 'yun inisip kahit na gustong magsumiksik sa utak ko. Kinuha ko ang pares na uniform sa bag at nilabhan. Pagkatapos ko ay naligo na ako. Kahit gusto kong sundan sila Zack at Atasha ay muka rin namang pure date lang talaga 'yon, walang mababanggit na kailangan kong impormasyon.

Muling sumikip ang dibdib ko sa naisip. Fvck! Bakit ko ba nararamdaman at dinaramdam ito?

Marahas kong ipinilig ang ulo ko. Saktong tumunog ang cellphone ko, si Alfredo tumatawag.

"Alfredo?"

[Sky, puntahan mo ako sa itetext ko sa 'yong lugar. May problema tayo.]

"Sige."

Seryoso ang boses nya kaya tingin ko ay nagka-problema nga. Hindi ko na tinanong sa kanya kung ano ang problema dahil alam kong ayaw nya nang maraming tanong lalo pa't nagmamadali sya.

Agad kong na-receive ang mensahe nya.

[Ipinadala ko dyan ang motor mo, ilang sandali lang ay darating na 'yan. Hintayin mo ang signal ko bago ka tumulak papunta rito.]

Pagkatapos kong mabasa ang mensahe nya ay naghanda na ako. Nagsuot ako ng puting V-neck shirt na pinatungan ko ng itim na leather jacket at itim na jeans. Itinago ko sa itim na suot kong combat boots ang tactical knife, pinuno ko ng bala ang Berreta M9 bago ko ito isinuksok sa aking likod. Kinuha ko ang itim na mask at sumbrero bago ako lumabas ng apartment at hintayin ang may dala ng motor ko.

Pinagtitinginan ako ng mga dumadaang tao sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko. Ayos ah? Parang Alien ako kung tignan nila.

Malakas na bumuga ng usok ang motor nang huminto ito sa tapat ko.

"Ikaw ba si Sky?" tanong ng lalaki.

"Sino pa ba sa tingin mo?" maangas na sabi ko.

Sarcastic syang tumawa habang ngumunguya. Muka syang leader ng mga gangster.

Hindi ko na sya inabalang tignan habang may sinasabi sya. Seryoso kong isinuot ang half finger leather gloves sa dalawang kamay ko. Nang matapos ako ay saka ko lang sya ulit tinignan.

Nakangisi sya habang maangas na naka-upo sa motor ko. Naka-krus ang kanyang mga braso at ngumunguya ng kung ano. Bubble gum siguro. Tsk!

"Gusto ko 'yang angas mo," nakangising sabi nya. May hikaw sya sa gilid ng kanyang labi.

"Kaso hindi kita gusto at wala akong panahon sa 'yo," balik kong sabi na ikinatawa nya ng malakas.

Ibinato nya sa akin ang itim na helmet, kahit mabilis ang pagkakabato nya ay nasalo ko pa rin.

Napatango-tango sya sa nasilayan. Lumapit sya sa akin at mabilis na kinuha ang cap na nakalgay sa ulo ko.

"Akin na lang 'to ah?" Sinubukan kong agawin iyon mula sa kamay nya. Malapit ko nang makuha nang tumunog ang cellphone ko.

Shit! Sinamaan ko sya ng tingin at nilubayan na lang, aksaya lang sa oras kapag nakipag agawan pa ako. Itinali ko na lang ang buhok ko sa malinis na ayos bago sagutin ang cellphone.

[Magpunta ka sa mismong abandonadong warehouse. Papunta na ako, magkita na lang tayo 'di kalayuan sa labas niyon.]

"Copy." Pinatay ko na agad ang tawag.

"Ingat Miss, pakakasalan pa kita." Marahas akong tumingin sa kanya at ipinakitang hindi ako natutuwa sa kagaguhan nya. Kinindatan nya lang ako at naglakad na sya palayo.

Isinuot ko na ang helmet at pinaandar na ang motor. Pinaharurot ko ito papunta sa lugar na sinabi ni Alfredo. Medyo malayo ang lugar na 'yon kaya kailangan kong bilisan. Kung ano man ang problema na 'yon ay tiyak kong maso-solusyunan namin ni Alfredo. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagka-problema kami sa trabaho.

Dalawa lang ang tingin kong problema rito. Una ay nalaman ng kalaban ang pagkatao namin kaya plano nilang i-recruit kami at gawing tauhan upang wala nang maging sagabal sa mga illegal na negosyo at transaksyon nila. Pangalawa, pa-planuhin nilang bigyan kami ng malaking halaga kapalit ng pagtahimik namin o buhay namin ang magiging kapalit kapag nagmatigas kami at hindi namin tanggapin ang pera.

Napangisi ako at mas binilisan ang patakbo. Nauna akong dumating kay Alfredo, ilang minuto pa bago sya tuluyang dumating. Napangiti ako ng makitang muli sya. Hindi ko napigil ang sarili at niyakap sya, nakangiti nyang tinapik ang likod ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Call Me SKY   Chapter 35

    Nakaramdam ako kahit paano ng awa sa kanya."It's okay, you're gonna be alright," I comforted her and hug her tightly so that she feel na nandito lang ako para sa kanya. Sasabihin ko na sana sa kanyang bumalik na kami sa taas nang may humila sa kanya palayo sa akin. "Ohh, are you guys in a relationship?" The guy mocked as he eyed me from head to toe. Disgusting asshole. "You can take care of her, akin ang isang 'to," narinig ko pang sabi nya. Naramdaman ko mula sa likuran ang hawak ng lalaki sa braso ko. At dahil lasing si Tash ay hindi sya makawala sa pagkakahawak ng lalaki kahit anong palag ang gawin nya. I gritted my teeth. "Hey, let go of my friend while I'm still being nice," nakangiti kong sabi habang matalas ang tingin sa kanya. "I don't want to. Pakakawalan ko naman sya kapag nagsawa na ako." Ngumisi ang lalaki which is hindi ko nagustuhan. I shut my eyes tightly and seconds later, I twi

  • Call Me SKY   Chapter 34

    Plano ko sanang kumain nang tahimik ngunit masyadong madaldal ang matanda. Marami syang tanong at naghihintay ng kasagutan. Hindi ko naman pwedeng hindi sagutin dahil iba ang iisipin nila sakin. Isa pa, pinagmamasdan ako ng tauhan nya which is 'yong kanang kamay nya. "What is your family name, hija?" tanong ng matanda. "Naggaling po ako sa Perez family." Kalmado kong sagot. Bahagya kong nakita ang panliliit ng mata nya at pagtagilid ng kanyang ulo. "Your family name is not familiar. Pero 'yang muka mo ay pamilyar sa akin." Nakangiti nyang sabi habang pinagmamasdan pa rin ako. "You resembles someone whom I really know," he added, I even saw the glint in his eyes. Nalukot ko ang pantalon sa ilalim ng lamesa. Kahit hindi nya diretsong sabihin, I know it's my mom. "Marami nga rin po ang nagsasabi nyan," tanging nasabi ko na lamang habang pinapanatili ang ngiti sa labi. Napansin ko ang pagtitig ni Zack sa akin. Mukang napansin n

  • Call Me SKY   Chapter 33

    "Let's go," aniya habang naglalakad palapit sa akin. Sa ikalawang palapag naman pala kami magsa-sanay. Bumaba pa sya para puntahan ako. Hindi pa lang nya ako sinigawan para ako na lang ang magpunta sa itaas. "Hindi ka nalulungkot dito?" I asked out of nowhere. Siguro ay para na rin may mapag-usapan kami. "Nope, sanay na ako." Tumango ako. "Isa siguro sa dahilan kaya hindi ka pala-salita ay dahil wala kang nakaka-usap dito." "Maybe." Kibit balikat na sagot nya. Lumiko kami sa kaliwang pasilyo at doon ay mapapansin ang nag-iisang pintuan. "Napansin ko... wala kang picture kasama ang parents mo. Maging sila ay hindi wala ring litrato." Napansin kong natigilan sya. Nanliit ang mata ko dahil alam ko sa sarili kong may iba iyong ibig-sabihin. Bakit nga ba? kahit maliit ang tyansa na ikwento sa akin ni Zack ay nagbaka sakali pa rin akong sasagutin nya. "Maliit pa lang ako noong mamatay sila." He

  • Call Me SKY   Chapter 32

    After I did my usual routine, pumasok na kaagad ako. Napansin ko ang grupo ni Jamie pagpasok ko sa room. Nagkatinginan kami ngunit agad din syang nag-iwas ng tingin. Bakit kaya ngayon lang pumasok ang tatlong 'to? Anong nangyari sa kanila? Ang natatandaan ko kasi pagkatapos nang ginawa nila sa akin ay hindi na sila pumasok. Nalaman kaya ng Dean iyon? Maganda rin pa lang nangyari iyon dahil kahit paano ay nagtino sila. "Sky my friend! Come here, hurry." Lahat kami ay nagulat sa biglaang pagsasalita ni Atasha. Napalingon sila Jamie sa kanya, pagkatapos ay sa akin. "Kailan pa sila naging magkaibigan?" Nagtataka at hindi makapaniwalang tanong ng karamihan. Oo nga, kailan pa kami naging magkaibigan? Ang alam ko ayaw nya sa akin? Kahit close na kami ay hindi nya pa rin ako tinuturing na kaibigan, anong nangyari ngayon? May nakain siguro syang panis na pagkain. Lumapit ako sa kanya na nagtataka. "How are you? Kumusta na ang sugat mo? You know what? I'm so

  • Call Me SKY   Chapter 31

    "Ang cute naman ng bracelet, Sky," puri ni Almira "Kasing cute ko," hirit ni Allison. "Yuck," si Kio. "Miryenda time!" Lumabas si Anton dala ang isang pitsel ng juice, pandesal at pancit canton. Nag-unahan ang tatlo sa miryenda pagkababa ni Anton sa mga ito. Nagulat pa si Anton dahil sa inasta ng tatlo pero kalaunan ay natawa na lamang. "Sya nga pala, Sky. Bakit ayaw mong malaman ni Zack kung saan ka nakatira?" curious na tanong ni Allison. "Hindi ba napag-usapan na natin 'to?" "Oo pero paano kung tignan ni Zack 'yong files mo sa school. Eh di malalaman din nya kahit na hindi namin sabihin," wika naman ni Almira. "Ibang address ang inilagay ko.""What?! Pwede ba 'yon?" Naibuga ni Kio ang iniinom nya samantalang ang dalawang babae ay inubo. "Of course! Magaling ako, eh. Ako na ang bahalang sumagot sa katanungan nya, ang gawin nyo na lang tatlo ay manahimik." "O-okay. Nakakatak

  • Call Me SKY   Chapter 30

    Nang tuluyan akong makalabas ng ospital ay mas dumami naman ang kaso ng mga taong nawawala. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin naaaksyunan ng mga pulis ang kasong human trafficking. Hanggang kailan ba sila magiging bulag at bingi? Palibhasa kasi may mga hawak na pulis ang mga demonyong 'yon. Sa mga ganitong sitwasyon talaga ay hindi ko kayang hindi makialam at walang gawin. Buhay ng tao ang nakasalalay rito, at hindi lang iyon basta buhay lang. "Bakit walang ginagawa 'tong mga lintik na mga pulis." I mumble. "Sky, hindi sa wala silang ginagawa. Masyado lang magagaling ang mga kriminal," depensa ni Seth. Narinig nya pala. Gusto ko mang magsalita pa ay tinikom ko na lang ang bibig ko. I'm sure hindi abot ng iniisip ni Seth kung ano ang iniisip ko. He's just an ordinary student after all. "They're doing all their best, let's just appreciate them." Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi ko a

  • Call Me SKY   Chapter 29

    Magkaharap kami ngayon ni Don Alejandro. He grinned. Kilala na nya kung sino ako. Alam na nya ang buong pagkatao ko. Nakatali ang kamay at paa ko habang nakabitin ng patiwarik. Ibinigay nya ang baril sa nakangising si Zack. Kinuha nya ang baril saka itinutok sa akin. Dahan dahan nyang kinalabit ang gatilyo. "‘Wag!" Pawis na pawis ako at malakas ang kabog ng dibdib. Nagising ako sa masamang panaginip. Napaupo ako dahil don. Saka ko naramdaman ang sakit sa balikat ko. "Shit!""Sky, you're finally awake." Halos magulat ako nang makita si Zack na kagigising lang sa gilid ko. Nagising yata sya dahil sa sigaw ko. May pinindot syang device sa dingding ng higaan ko at tinawag doon ang doktor. Unti-unti ulit akong humiga dahil sa panghihina. Aligaga si Zack at hindi alam ang gagawin. Tinanggal ko ang oxygen na nakalagay sa muka ko. This shit is better, fresh air. Mas nakakahinga ako ng maluwag. "Anong nararamdaman

  • Call Me SKY   Chaoter 28

    Nang tuluyan kaming makapasok ay agad kong inilibot ang paningin ko. Their mansion is modern. Ang mga chandelier ay nagkikinangan. Maraming painting ang nakapaskil sa dingding pataas sa second floor. Walang picture si Zack kasama ang parents nya, tanging si Don Alejandro lang ang kanyang kasama. Maybe patay na ang mga ito? Siguro baby pa lang si Zack nang mawala sila sa mundo. Humakbang na naman ako sa konklusyon. Itatanong ko na lang kay Alfredo dahil iyon din pala ang hindi ko pa alam hanggang ngayon. CCTV spotted. Kung punong puno ng CCTV cameras ang kanilang mansyon, hindi na ako magtatangkang magkabit ng mga devices. For sure naka tutok rin ang mga tauhan nya sa monitor, mahuhuli ako. "Wala pa ba sila Seth?" I asked him habang naglalakad kami papunta sa round table na may apat na upuan. "Are hungry?" Instead of answering my question, he also asked a question. "Hindi pa, hihintayin ko na lang siguro sila." He nodded. "W

  • Call Me SKY   Chapter 27

    Hindi na kami nakapasok ni Tash dahil ang dami pa naming pinuntahan. Nagpabody massage pa sya, nagpafacial at marami pang iba. Sobrang sakit ng paa ko pagkahatid nya sa akin sa apartment. "Thank you, hope to see you there." I nodded and smiled. Habang naghihintay ng oras ay nakareceived ako ng message galing sa hindi rehistradong numero. Dahil curious ako kung sino 'yon ay binuksan ko. Unknown number:Where the hell are you? Bakit hindi ka pumasok?At first, I assumed it was from Seth, but eventually I realized it was Zack since he's the only one who got my number. Ano naman sana sa kanya kung hindi ako pumasok 'di ba? Hindi ko rin talaga matanto kung anong utak ang mayroon sya. To Zack:Nagpasama sa akin si Atasha magshopping.After that, hindi na ulit ako naka receive ng text galing sa kanya. I just shrugged at hindi na inisip 'yon dahil kailangan ko nang ihanda ang mga gagamitin ko mam

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status