Miracle Addison is the only daughter of the well known great agents. She was 10 years old back then when Don Alejandro Salvador and his armed men attacked their safe house. Her parents died, Don Alejandro command Alfredo–(one of his armed man) to also kill Miracle but Alfredo didn't do it. Alfredo on the other hand adopted Miracle. He trained her well cause he know that someday, Miracle will find Don Alejandro to get revenge. When Miracle finally turned 21 her plan already started. She enter the University where Zack Salvador–(Grandchild of Don Alejandro Salvador) are currently studying. She needs to get Zack's attention and trust no matter what, in order to know the information about Don Alejandro. As she get closer to Zack, she didn't know that she's already falling. Will she forget her feelings towards the grandchild of an enemy and stick to the real plan or will she choose to love Zack instead and forget her anger?
View MoreMiracle’s POV
Pilit kong sinisilip ang mga taong armado na nasa loob ng aking kwarto mula sa pagkakatago ko sa madilim na closet. Hindi ko pa rin lubusang maintindihan ang mga nangyayari. Kanina lamang ay nagi-impake kami ni Mommy ng gamit ko dahil dadalhin daw nila ako sa probinsya kung saan nakatira ang iba naming kamag-anak. Hindi ako pumayag dahil bukod sa ayaw ko, hindi rin sila kasama pag-alis ko.Maingat naman nilang ipinaliwanag ang katanungang bumabagabag sa akin. Delikado na makasama ko sila dahil nagiging mapanganib na ang trabahong ginagawa nila.
Nasa kalagitnaan pa lang sila kanina ng pagi-impake at ng pag-iyak ko nang bigla na lang may kumalabog sa ibaba dahilan para matigilan sila. Gayundin ako.
Hindi ko na nagawang sundan ang kanilang pinag-uusapan. Tangi ko na lang naintindihan ay ang pang-huling salitang binitiwan ni Daddy. “They're here.”
Abala na si Mommy sa mga gadgets. Samantalang si Daddy ay may kausap na sa kanyang cellphone. Siguro ay mga kasamahan niya upang humingi ng back-up.
Nakita ko ang pagiging busy ni Mommy sa laptop nya, may kung ano siyang ginagawa roon. Ang laptop na iyon ay naka-konekta sa lahat ng CCTV sa loob at labas ng bahay namin, alam ko iyon dahil minsan na itong ipinakita sa akin ng magulang ko.
Maraming lalaki, pawing nakasuot sila ng itim na kasuotan. Nakikita ko iyon na suot ng mga nagtatrabaho sa matataas na building. Parang handa sa anumang giyera at ngayo'y nakapalibot na sa lahat nang sulok ng bahay namin. Mayroong papunta sa kwarto kung saan naroon kami.
Muling tumulo ang mga luha ko at nagsimulang kabahan, lalo na nang kumuha si Daddy ng kanilang armas sa cabinet.
May fingerprint nila ito at sila lang ang tanging nakapagbukas. Kinuha nya mula roon ang dalawang baril at ibinigay ang isa kay Mommy.
“Wala tayong takas,” malungkot na sabi ni Daddy. Napalunok naman si Mommy at binalingan ako ng tingin.
“Baby, I need you to cooperate, 'di ba you want to be like us?” Mommy said with teary eyed, malambing nya itong sinabi. Tumango ako kahit na tumutulo ang luha at sipon ko.
“Hold this.” Kinuha ko ang ibinigay nya sa aking bag na pinaglagyan ng mga damit ko kanina lamang at mahigpit na niyakap.
“Now, go to closet. Kahit na anong makita at marinig mo... 'Wag na 'wag kang gagawa ng kahit na anumang ingay, understood?” Naglakad ako papasok habang naka-alalay sya. Lumapit si Daddy.
“'Yan ang utos ng isang agent and it is a must, para maging mas effective na agent. I love you baby, always remember that.” Hinalikan ako ni Daddy sa noo.
Nagulat ako nang pumatak ang luha sa mga mata nya. Ngayon ko lang sila nakitaan ng ganitong panghihina.“Nandito lang kami lagi sa tabi mo, kahit na ano'ng mangyari.” Hinalikan ako ng matagal ni Mommy sa noo. Dinama ko iyong mabuti dahil malakas ang kutob kong iyon na ang huli.
Bago nya isara ang pinto ng closet ay ibinigay nya sa akin ang isang bagay. Nakalahad na ang kamay ko upang kunin ito nang kumalabog ng malakas ang pintuan. Tinakpan ni Mommy ng mabilis ang bibig ko dahil napasigaw ako sa labis na gulat at takot. Tumulo na naman ang luha ko at tahimik na suminghot.
“Take this.” Inilagay nya mula sa palad ko ang bilog na bagay. Isang relo ngunit kakaiba.
“Kapag nasa panganib ka, open it and press the red button. May darating agad para tulungan ka, kahit nasaan ka.” Itinuro nya sa akin ang dapat gawin.
Pindutin ko raw ito ng matagal at kapag umilaw, doon ko lang ititigil dahil paniguradong malalaman na kung nasaan ako. May picture namin itong tatlo na malalapad ang ngiti.Maingat at mabilis ko itong inilagay sa loob ng bag ko. Tuluyan nang isinarado ni Mommy ang pinto ng closet, kasabay nito ang malakas na pagbagsak ng malaking bagay sa sahig. Dahan-dahan kong inilagay ang dalawa kong kamay sa aking bibig para hindi makalikha ng anumang ingay.
Sumilip ako at nakita ang natumbang pintuan. Tinutukan kaagad ng mga armadong lalaki sila Mommy ng baril, ganoon din ang ginawa ng magulang ko sa kanila. Ayaw ko mang isipin pero dehado sila. Nasaan na ba kasi ang mga kasamahan nila? Bakit ang tagal dumating?
“Minaliit ko ang kakayahan nyong dalawa. Pero dahil minaliit nyo rin ang kakayahan ko ay naisahan ko kayo.” Humakbang ang lalaking medyo may katandaan na. Nakasoot din ito ng itim na tuxedo at may hithit na tobacco. Pilit kong sinisilip ang kanyang muka pero hindi ko talaga maaninag dahil sa tumatabing na suot nitong sumbrebro.
“Ano ang pakiramdam agents? Nakakatakot ba?” Tumawa ng malakas ang matanda na sinabayan ng kanyang mga tauhan.
Nahagip ng paningin ko ang lalaki sa gilid ng matanda. Nakatutok din ang baril nito sa magulang ko. Nakita ko ang tattoo sa kanan nyang kamay sa likod ng kanyang palad, markang scorpion na kulay pula.
“Muka ba kaming nasindak? Katunayan nyan ay inasahan na talaga namin ang pagdating mo. Don Alejandro,” sabi ni Daddy at mula rito sa kinaroroonan ko'y kitang kita ko ang ngising ipinakita nya.
“Kaya pala, saan nyo kaya itinago ang anak nyo?” Nawala ang ngisi sa muka ni Daddy at ngayon naman ay malaking ngisi ang pinakawalan ng matanda na tinawag nyang Don Alejandro. Humithit ito sa kanyang tobacco at ibinuga ang usok nito.
Umigting ang panga ni Daddy at dumiin ang hawak sa baril na nakatutok sa kalaban.
“Alfredo, hanapin ang bata at... Patayin.” Ngumisi ang matanda at halos kita na ang iilang gold nitong ngipin.
Sa galit ni Daddy at sa bilis ng mga pangyayari ay nakita ko na lang ang sarili kong tumitili ng malakas at umiiyak. Mula sa pinagtataguan ko ay lumabas ako at tumakbo papunta sa mga magulang kong naliligo na sa sariling dugo. Humagulgol ako ng iyak habang yakap sila, maging ako ay duguan dahil sa pulang likidong dumikit sa akin.
“Let's move, parating na ang mga FBI.” Naghanda na sila sa pag-alis pagkatapos kong marinig ang sinabi ng kanyang tauhan.
“Patayin din ang batang iyan. Alfredo, ikaw na ang bahala dyan.” Tinapik ng matanda ang balikat ng lalaking tinawag nyang Alfredo, 'yung lalaking may tattoo na scorpion.
Mas lalo akong pumalahaw sa iyak dahil tingin ko'y hindi rin ako makakaligtas tulad ng nangyari sa magulang ko. Mamamatay rin ako. Binuhat ako ng lalaki nang walang kahirap-hirap, para akong isang sakong bigas.
“Mommy, Daddy!” Nagpumiglas ako mula sa mahigpit nyang pagkaka-kapit ngunit wala itong naging epekto.
Humiwalay ng landas sa amin si Don Alejandro kasama ang maraming tauhan. May dalawa pang sumama sa amin upang masiguro ang pagpatay sa akin.
Nagtungo kami sa medyo may kadilimang lugar, malayo na sa bahay namin. Para kaming nasa kagubatan dahil mataas ang mga damo. Lalo akong nakaramdam ng takot nang ibaba ako ng lalaki. P-papatayin din ba nila ako? Kinuha ko sa likuran ang bag ko at niyakap ito.
“Ano pa ang hinihintay mo Alfredo? Patayin mo na 'yang bata!” Sigaw ng isa nyang kasama.
Nanginig ako sa takot nang itinutok sa akin ang baril. Nagawa ko pa ring magsalita sa kabila ng paghikbi.
“'Wag po.” Nagmakaawa ako kasabay ng marahas kong pag-iling. Nananalangin na sana’y pakinggan.
“Putang-” Hindi na pinatapos ni Alfredo ang sasabihin ng kaniyang kasama dahil mabilisan nya itong binaril, ganoon din ang isa pa.
Mariin akong pumikit at tinakpan ang magkabilang tenga dahil sa nakakarinding putok ng baril. Mas lalo akong nanginig nang magflashback sa aking isip ang nangyari sa magulang ko kanina lamang.
“Mommy, Daddy...” Umiyak ako ng malakas, kahit sobrang sakit na ng lalamunan ko'y wala pa rin akong tigil sa pag-iyak.
“Tayo na 'neng.” Naramdaman ko ang mabigat ngunit maingat na presensya sa harap ko. Tumingala ako upang makita sya.
Gulat ako nang makitang nakangiti sya, tunay ang ngiting ibinibigay nya. Hindi ako nakaramdam ng ni-katiting na takot.
“Po?” sumisinok na ani ko.
“Simula ngayon, ako na ang mag-aalaga sa 'yo.” Naguguluhan man ay sumunod na lang ako sa gusto nya. Tutal ay wala na rin naman akong mapupuntahan. Saan ako titira? Ang bata ko pa para mamuhay mag-isa.
Sumagi rin sa isip ko na kalaban nga pala sya ng magulang ko. Kakampi sya ng kalaban kaya bakit nya ako kukupkupin? Isa pang gumugulo sa akin, bakit nya pinatay ang mga kasama nya kung tunay syang kakampi ng mga ito? Dapat ay galit ang pinapa-iral ko dahil isa sya sa tauhan ng taong kinamumuhian ko pero hindi. Dahil iniligtas nya ako.
Utang ko sa kanya ang buhay ko at wala syang ginawa sa magulang ko, ni hindi sya nagpaputok ng baril. Tanging tapat na tauhan lang ni Don Alejandro ang gumawa non.
Isa siguro sa dahilan kaya nya ako napiling kupkupin ay may malaki syang plano. Pinili nyang tumiwalag kay Don Alejandro para sa akin.
Tutulungan nya akong maipaghiganti ang namayapang magulang ko laban sa demonyong matandang iyon. Itinuring nya akong tunay na anak at ganon din ako sa kanya. Itinuring ko rin syang tunay kong ama.Sinanay nya ako upang maging kasing galing ng magulang ko- Mali. Sinanay nya ako upang malampasan ang galing nya pati ng mga magulang ko. Upang sa muling paghaharap namin ni Don Alejandro ay tuluyan ko nang makuha ang hustisyang hinahangad ko. Kamatayan para sa kamatayan.
Nakaramdam ako kahit paano ng awa sa kanya."It's okay, you're gonna be alright," I comforted her and hug her tightly so that she feel na nandito lang ako para sa kanya. Sasabihin ko na sana sa kanyang bumalik na kami sa taas nang may humila sa kanya palayo sa akin. "Ohh, are you guys in a relationship?" The guy mocked as he eyed me from head to toe. Disgusting asshole. "You can take care of her, akin ang isang 'to," narinig ko pang sabi nya. Naramdaman ko mula sa likuran ang hawak ng lalaki sa braso ko. At dahil lasing si Tash ay hindi sya makawala sa pagkakahawak ng lalaki kahit anong palag ang gawin nya. I gritted my teeth. "Hey, let go of my friend while I'm still being nice," nakangiti kong sabi habang matalas ang tingin sa kanya. "I don't want to. Pakakawalan ko naman sya kapag nagsawa na ako." Ngumisi ang lalaki which is hindi ko nagustuhan. I shut my eyes tightly and seconds later, I twi
Plano ko sanang kumain nang tahimik ngunit masyadong madaldal ang matanda. Marami syang tanong at naghihintay ng kasagutan. Hindi ko naman pwedeng hindi sagutin dahil iba ang iisipin nila sakin. Isa pa, pinagmamasdan ako ng tauhan nya which is 'yong kanang kamay nya. "What is your family name, hija?" tanong ng matanda. "Naggaling po ako sa Perez family." Kalmado kong sagot. Bahagya kong nakita ang panliliit ng mata nya at pagtagilid ng kanyang ulo. "Your family name is not familiar. Pero 'yang muka mo ay pamilyar sa akin." Nakangiti nyang sabi habang pinagmamasdan pa rin ako. "You resembles someone whom I really know," he added, I even saw the glint in his eyes. Nalukot ko ang pantalon sa ilalim ng lamesa. Kahit hindi nya diretsong sabihin, I know it's my mom. "Marami nga rin po ang nagsasabi nyan," tanging nasabi ko na lamang habang pinapanatili ang ngiti sa labi. Napansin ko ang pagtitig ni Zack sa akin. Mukang napansin n
"Let's go," aniya habang naglalakad palapit sa akin. Sa ikalawang palapag naman pala kami magsa-sanay. Bumaba pa sya para puntahan ako. Hindi pa lang nya ako sinigawan para ako na lang ang magpunta sa itaas. "Hindi ka nalulungkot dito?" I asked out of nowhere. Siguro ay para na rin may mapag-usapan kami. "Nope, sanay na ako." Tumango ako. "Isa siguro sa dahilan kaya hindi ka pala-salita ay dahil wala kang nakaka-usap dito." "Maybe." Kibit balikat na sagot nya. Lumiko kami sa kaliwang pasilyo at doon ay mapapansin ang nag-iisang pintuan. "Napansin ko... wala kang picture kasama ang parents mo. Maging sila ay hindi wala ring litrato." Napansin kong natigilan sya. Nanliit ang mata ko dahil alam ko sa sarili kong may iba iyong ibig-sabihin. Bakit nga ba? kahit maliit ang tyansa na ikwento sa akin ni Zack ay nagbaka sakali pa rin akong sasagutin nya. "Maliit pa lang ako noong mamatay sila." He
After I did my usual routine, pumasok na kaagad ako. Napansin ko ang grupo ni Jamie pagpasok ko sa room. Nagkatinginan kami ngunit agad din syang nag-iwas ng tingin. Bakit kaya ngayon lang pumasok ang tatlong 'to? Anong nangyari sa kanila? Ang natatandaan ko kasi pagkatapos nang ginawa nila sa akin ay hindi na sila pumasok. Nalaman kaya ng Dean iyon? Maganda rin pa lang nangyari iyon dahil kahit paano ay nagtino sila. "Sky my friend! Come here, hurry." Lahat kami ay nagulat sa biglaang pagsasalita ni Atasha. Napalingon sila Jamie sa kanya, pagkatapos ay sa akin. "Kailan pa sila naging magkaibigan?" Nagtataka at hindi makapaniwalang tanong ng karamihan. Oo nga, kailan pa kami naging magkaibigan? Ang alam ko ayaw nya sa akin? Kahit close na kami ay hindi nya pa rin ako tinuturing na kaibigan, anong nangyari ngayon? May nakain siguro syang panis na pagkain. Lumapit ako sa kanya na nagtataka. "How are you? Kumusta na ang sugat mo? You know what? I'm so
"Ang cute naman ng bracelet, Sky," puri ni Almira "Kasing cute ko," hirit ni Allison. "Yuck," si Kio. "Miryenda time!" Lumabas si Anton dala ang isang pitsel ng juice, pandesal at pancit canton. Nag-unahan ang tatlo sa miryenda pagkababa ni Anton sa mga ito. Nagulat pa si Anton dahil sa inasta ng tatlo pero kalaunan ay natawa na lamang. "Sya nga pala, Sky. Bakit ayaw mong malaman ni Zack kung saan ka nakatira?" curious na tanong ni Allison. "Hindi ba napag-usapan na natin 'to?" "Oo pero paano kung tignan ni Zack 'yong files mo sa school. Eh di malalaman din nya kahit na hindi namin sabihin," wika naman ni Almira. "Ibang address ang inilagay ko.""What?! Pwede ba 'yon?" Naibuga ni Kio ang iniinom nya samantalang ang dalawang babae ay inubo. "Of course! Magaling ako, eh. Ako na ang bahalang sumagot sa katanungan nya, ang gawin nyo na lang tatlo ay manahimik." "O-okay. Nakakatak
Nang tuluyan akong makalabas ng ospital ay mas dumami naman ang kaso ng mga taong nawawala. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin naaaksyunan ng mga pulis ang kasong human trafficking. Hanggang kailan ba sila magiging bulag at bingi? Palibhasa kasi may mga hawak na pulis ang mga demonyong 'yon. Sa mga ganitong sitwasyon talaga ay hindi ko kayang hindi makialam at walang gawin. Buhay ng tao ang nakasalalay rito, at hindi lang iyon basta buhay lang. "Bakit walang ginagawa 'tong mga lintik na mga pulis." I mumble. "Sky, hindi sa wala silang ginagawa. Masyado lang magagaling ang mga kriminal," depensa ni Seth. Narinig nya pala. Gusto ko mang magsalita pa ay tinikom ko na lang ang bibig ko. I'm sure hindi abot ng iniisip ni Seth kung ano ang iniisip ko. He's just an ordinary student after all. "They're doing all their best, let's just appreciate them." Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi ko a
Comments