Home / All / Can't Trust Summer / CHAPTER TWELVE

Share

CHAPTER TWELVE

Author: Nessui
last update Last Updated: 2021-10-12 11:30:57

"Now tell me, do you still want to be friends with me?"

It was a tricky question coming from Hendell but Harken never thought of giving up just because of her self-doubt. Hindi ganoon ang gusto niyang ipakita rito. He always saw Hendell as a beautiful and strong woman hiding in a girl who can't move on from her past. Aaminin niya, noong una ay curiosity lang talaga ang nag udyok sa kaniya para lapitan ito. But later on, every single day that he spent with her? Hindi na curiosity ang kumikilos sa kaniya. It's the willingness and the wantness to be with her that talks. 

Because he likes her. Yes, in that short period of time. Hindi niya alam kung paano o kailan nag umpisa. He just found himself waking up in the morning and wanting to jump out of the window to see her right away. To start his day right. 'Cause seeing her felt right. 

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Sa ganitong paraan man lang, maramdaman nitong totoo ito sa kaniya. At totoo ang lahat ng ipinapakita niya. "I know nothing about you, yet I asked you to be my friend. At ngayong nalaman ko ang isang parte ng pagkatao mo na mahirap para sayo na buksan, mas lalo kong gustong mapalapit sa'yo. Hendell, our pain is not our flaw. Hindi ang mga iyon ang rason para bigyan natin ng boundaries ang mga sarili natin."

"My mom always told me that pain is not forever. But the pain will be there forever if you choose to let it grow inside you. Hindi ko alam ang mga napagdaanan mo, wala ako sa posisyon upang husgahan ka. But don't you think it is now the time to free yourself from that pain? Huwag mo 'yang alagaan. Ang alagaan mo ay ang sarili mo," wika niya at isa isang pinahid ang mga luha na nag uunahang bumagsak sa napakagandang mukha ng babaeng nasa harap niya. He mentally cursed. Why is she still beautiful even if she's crying really hard? 

"But it's not that simple. Kung madali lang sana, matagal na akong masaya at matagal na akong hindi ganito. Kasi pagod na pagod na ako. Nakakapagod 'tong anxiety na 'to. Nakakapagod magkaroon ng bigat na alam mo namang walang laman. Nakakapagod matakot sa mundo. Hindi ko na alam ang gagawin ko," she desperately said. Mabilis niyang pinigilan si Hendell nang akma nitong sasaktan ang sarili. Niyakap niya ito nang napakahigpit. Nasasaktan din siyang nakikita itong nasasaktan at kung may paraan lang para maibsan o mawala ang dinaramdam nito, kahit ilang milyon pa 'yan, willing siyang bilhin para maging okay ito. 

Pasimple niyang pinahid ang luhang pumatak sa kaniyang pisngi. Ayaw niyang makita ni Hendell na umiiyak siya. Gusto niyang maging source ng lakas nito. Gusto niyang makita siya ng dalaga as someone she can lean on. He wants to be her superhero, even if he never believe in one. 

"I am here okay? I am always here," he assures her. "Kahit hindi mo ako kailangan, nandito ako para sa'yo. Hindi totoo ang iniisip mong walang taong gustong makasama ka. Ako Hendell. Ako."

"Sinasabi mo lang ba ang mga 'yan para pagaanin ang loob ko o iyon talaga ang dinidikta ng puso mo?" tanong nito sa kaniya. 

Kinuha niya ang kamay nito at itinapat sa puso niya. "Ang bibig kayang magbitaw ng salita kahit na hindi totoo. Pero ang puso, hindi kayang magsinungaling," he said and hugged her again. And this time, niyakap din siya ni Hendell pabalik. 

"You'll gonna be fine. I promise you that," pagsisiguro niya. Alam niya na in time, maoovercome rin nito ang takot. Hindi naman siya mawawala dahil siya ang magsisilbing gabay nito para malampasan ang lahat ng kinatatakutan nito. He silently promises to protect her at all costs. 

Matapos na ihatid ni Harken si Hendell ay dumiretso siya sa terrace ng kanilang bahay. Gusto niya munang makapag isip isip. Gusto niyang ligawan ang dalaga ngunit alam niyang takot ito sa kahit na anong commitment. Hindi niya ito masisisi sa dami ba naman ng taong sumira ng tiwala nito, kahit siya siguro ay ganoon din ang magiging pananaw. He saw how it hurts when he saw her mother crying because of his father's affair before. Noong malaman nilang may anak ito sa iba, which is Marcio, ay biglang nag iba ang takbo ng mga buhay nila. Her mother got depressed and eventually died due to the extreme emotion and stress na hindi nito na handle. Labis nitong dinamdam ang lahat kaya lumisan ito nang hindi man lang niya nasisilayan ang mga ngiti nito kahit sa huling pagkakataon. Her mother died lonely. But he remains positive in life. Turo iyon sa kaniya ng ginang na nakalulungkot lang isipin na hindi nito naiapply sa sarili nito. 

But life must go on. Tutal ay apat na taon na mula noong naiwan siya kasama ang daddy niya. He should be fine. Kaya ngayon ay ginagawa niya ang lahat para makumbinsi lang si Marcio na sumama sa kaniya. Iyon ang request sa kaniya ng daddy niya at gusto niyang tuparin iyon.

"Kamusta ang date niyo?"

Hindi na siya nagulat sa biglaang pagsulpot ni Marcio sa kaniyang likuran. Sa halos tatlong linggo niyang pagtira sa bahay ni tita Sabel ay nasanay na siyang bigla bigla itong lumilitaw na parang multo kung saan saan. 

Napailing siya sa tanong nito. "Hindi naman 'yon date," paglilinaw niya. Well, sort of. Kasi kahit papaano ay nakilala niya si Hendell. But he's not going to admit it to Marcio.

Nakatanggap siya ng batok mula rito. "Ang hina mo naman! Hindi pa ba date ang tawag 'don? Hiniram mo ang scooter ko para lang sa wala?"

"Hindi naman wala 'yon kuya. Naglibot lang talaga kami at saka nag usap, nothing more," sagot niya. 

"Akala ko ba ang mga lalaki sa syudad mga agresibo? Bakit parang hindi naman totoo?" anito at umupo sa tabi niya. Nasa mood yata itong makipag kuwentuhan sa kaniya kaya papatulan niya na lang kahit siya ang ginigisa nito. Minsan lang ito mangyari kaya lulubus lubusin na niya ang pagkakataon. 

Gusto gusto niyang maka bonding si Marcio ngunit ayaw naman ng huli. Wala raw itong oras sa kaniya at ayaw raw siya nitong makasama. Alam niyang galit ito sa kanila ng daddy niya at hindi niya rin naman ito masisisi. Mahirap ang buhay na kinalakihan nito. Nag OFW sa Singapore si tita Sabel noon para mabuhay ito at mapag aral. Hindi naging madali ang buhay ng mga ito noon, hindi katulad niya na nabuhay ng marangya at masagana. He felt bad about what happened to Marcio and his mom kaya ngayon sa kaunting oras na ibinigay sa kaniya para makasama ang mga ito, ay bumabawi siya on behalf of his dad.

Buntong hininga ang unang naisagot niya sa tanong nito. Kapagkuwan ay nakahanap rin siya ng isasagot. "Hindi lahat ng tiga syudad agresibo. At saka nirerespeto ko si Hendell kaya hindi ko siya bibiglain."

"So may gusto ka nga sa kaniya?" seryosong tanong nito at misteryosong ngumiti. Ngumiti ito. Hindi magandang senyales.

Pero agad din niyang naproseso ang tanong nito. "Halata ba, kuya?" Nahihiyang tanong niya. 

"Kung hindi ka pabibo sa harap niya at bigla biglang nagpakilala eh hindi magiging halata. Eh wala eh, pabibo ka," iling iling na kantiyaw nito. 

"Wala naman akong ginagawa," kaila niya.

"Sige, kunwari din isa akong matulungin sa kapwa," sarkastikong sagot ni Marcio. Napabuga siya ng hangin. Now that they're talking about it, should he trust him? Wala naman mawawala pero natatakot siyang magkuwento. Hindi naman natural na chismoso ang kapatid pero kapag tinamaan ito ng topak, baka ito pa mismo ang magsuplong sa kaniya kay Hendell. 

Itinaas niya ang dalawang kamay niya at sumusukong tumingin kay Marcio. "Fine. Gusto ko siya. Happy?"

"Bakit siya?" Sa halip ay tanong nito.

"Bakit hindi siya? She's an amazing girl, kuya. The more I got to know her, the more na nakikita ko how good her soul is. At mukhang tinamaan talaga ako. I had girlfriends before but none of them made me crazy like this. Alam ko, hindi makatotohanang pakinggan dahil nito lang naman ako dumating sa Route 88 pero ewan ko ba. I really like her," Finally he confessed. Matagal tagal niya rin itong hindi naamin sa sarili niya and now he's sharing it to his brother. 

Marcio flicked his head. "Ang corny mo. Walang forever, gago," sagot lang nito. 

"Maiinlove ka rin. Tingnan natin kung hindi ka maging corny. Kapag nangyari 'yon, pagtatawanan kita. Pangako 'yan," aniya at natawa nang malukot ang mukha nito. 

"If ever na mangyari ang sinasabi mo, for sure sa ibang paraan ko ipapakita 'yon. I won't try to be good and nice para magustuhan ako. Dadaanin ko sa dahas," saad nito at tumayo na. 

"Girls do like good boys kuya kaya magpakabait ka," paalala niya. 

Nagkibit balikat ito at humakbang paalis. "Not all. Mas masakit manakit ang mga good boys na sinasabi mo. Kaya ikaw, iwasan mo maging sobrang bait. Nakakaumay."

"Anyway, mamayang madaling araw pa ang uwi ko. Pakisabi kay mama na may gig ako kila Alejandro," dugtong nito.

"Yeah. But you sure you don't want to see dad?" Pagbabakasakali niya. Ayaw na ayaw ni Marcio na mapupunta ang topic sa buhay nito at pati na rin kapag nabanggit na ang daddy nila. Halata niyang hindi talaga ito kumportable kaya hindi niya masiyadong pinipilit. But his time is ticking, he needs to double time. He knows that the only way he can make his dad happy is by bringing his other son. Kaya iyon ang dapat niyang gawin. 

"Nah," maikling sagot nito at tuloy tuloy na sumampa sa scooter nito at pinaharurot paalis. Naiwan naman siyang nakatulala sa kawalan, tinatanong ang sarili kung ano nga ba ang uunahin niya. Ang sariling damdamin o ang damdamin ng daddy niya?

Alas otso y media ng umaga ay nakaabang na si Harken sa paglabas ni Hendell. Gusto niya itong yayain na sumama sa kaniya sa Mary and Hope foundation para mag volunteer. Alright, he is aware that being there means facing a lot and different kinds of people and he's sure that Hendell will be terrified. Pero handa siyang alalayan ito. He decided yesternight that he will help her overcome her fear. Gusto niyang makita ni Hendell ang mundo at maranasang makipaghalubilo. Hindi iyon magiging madali kaya dinamihan niya ang kaniyang baong pasensiya at pag uunawa.

"Magandang umaga, magandang binibini," bati niya kaagad nang mamataan niyang nagdidilig ito ng halaman. She got a nice garden, looks like she's taking care of it a lot.

Napangiti ito. "Good morning rin."

He noticed her pale and dry skin, chapped lips, and dark marks under her eyes. Those things other girls would think, their flaws but if you look closely, those aren't that bad at all. Dahil maganda pa rin ito sa kaniyang paningin. 

Hindi niya napigilan na lumapit at dumungaw sa bakod ng bahay nito. "May gagawin ka ba ngayong araw?" Kinakabahang tanong niya. Malaki kasi ang posibilidad na hindi ito papayag na sumama sa kaniya. 

Mula sa tanim ay nalipat ang tingin ni Hendell sa kaniya. "Wala naman. Bakit mo naitanong?"

He bit his lips. This is way more harder than passing an engineering llicensure examination. "Gusto sana kitang imbitahin na sumama sa akin. May orphanage kasi akong sinusuportahan na malapit lang dito at gusto kitang ipakilala kila sister at sa mga bata doon."

Her smile vanished. Ang maputlang mukha nito ay mas lalo pang pumutla. Gusto niyang suntukin ang sarili dahil mali nga yatang biglain niya ito no matter how good is his intention.

"Alam mo naman 'diba?" Mahinang tanong nito sa kaniya. 

"Yes. And I want to help you overcome it. Pero hindi nga yata magandang ideya ito. Pasensiya ka na Hendell," aniya at ipinakitang sincere talaga siya sa paghingi ng tawad. "Umm, sige. Aalis na ako, ituloy mo lang ang pagtatanim."

Hindi pa siya nakakalayo nang marinig niya ang malamyos na tinig nito na tinatawag ang kaniyang pangalan. God. His name is now his favorite word. 

Dahan dahan siyang lumingon. "Bakit?"

Tumikhim ito at napansin niya ang paglikot ng mga mata nito. Mukhang may gusto itong sabihin sa kaniya ngunit hindi pa ito nakakakuha ng sapat na lakas ng loob para magsalita. 

He smiled warmly, urging her to go on. "Come on, tell me."

"Sasama ako. Pagod na akong umiwas sa mundo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Can't Trust Summer   CHAPTER FOURTY TWO

    Sa isang seaside restaurant ako dinala ni Marcio. He is craving seafood raw kaya kahit hindi ko feel na kumain ngayon ng mga lamang dagat ay pumayag na lang ako. Naawa ako dahil mukhang gutom na siya sa tagal ng paghihintay niya sa akin kanina.Agad na umorder si Marcio pagkaupo namin sa pinakadulong puwesto ng restaurant. Huminga ako nang malalim at napapikit, ninanamnam ang malakas na ihip ng hangin.“Are you okay?” Napadilat ako sa tanong ni Marcio. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito.Ibinaling ko ang atensiyon ko sa box ng tissue na nakapatong sa lamesa at nilaro iyon. “Okay lang ako. Pagod lang siguro sa maghapon na pagtatrabaho.”Tumango ito at tinanggap ang sagot ko. May katotohanan naman din ‘yon. Pagod na pagod ako hindi lang sa pagtatrabaho, pagod din ako sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Parang gusto ko munang

  • Can't Trust Summer   CHAPTER FOURTY ONE

    HENDELL’S POVMabagal na lumipas ang mga araw. That night was horrible and traumatic. Harken and I never talk about what happened that night. We never talk about anything. At all. Sa limang araw na lumipas ay puro iwasan at ilangan. Like there’s no one would dare to open up about it. And heck, I will never see Alejandro’s bar the same way again. Even the alcohol would surely taste like new but familiar for sure.I simply put my right palm on my forehead. Every time that one specific memory comes into my mind, I couldn’t help but feel uncomfortable. Bakit ko ba sinabi iyon? Nakakahiya!“Mukha kang sabog, H. Ano bang nangyari habang wala ako?”Hindi ako agad makasagot sa tanong ni Marcio. Anong sasabihin ko? Na nagkalat ako sa harapan mismo ng kapatid niya at nagmukhang tanga? Na parang isang baliw na

  • Can't Trust Summer   CHAPTER FOURTY

    Hendell’s POVAfter I utter a single prayer I decided to sort things out by walking. Wala akong destinasyon. Lakad lang ako ng lakad. Kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko ay hindi ko alam. Ang alam ko lang ay gulong gulo na ako sa lahat.I don’t want to be the villain but I did something bad to someone. To Harken. Pero iyon lang ang alam kong tama. Ang saktan siya dahil sinaktan niya ako. Akala ko iyon ang tama. Akala ko iyon ang makapagpapasaya sa akin. Lahat na lang ng inakala kong tama siguro ay mga maling akala lang. I can’t feel any satisfaction. Instead, all I felt was a burden, never-ending hatred, and loneliness. Pagod na pagod na ako.“It’s okay. Gagawin ko ang lahat para maaprubahan ang investment mo. Trust me Harken, kapag sinabi ko, tutuparin ko.”“Huwag na. I think it’s all over for me Jelena. Sa tingin ko

  • Can't Trust Summer   CHAPTER THIRTY NINE

    Hendell."Rinig ni Hendell ang pagtawag sa kaniya ni Harken. Palabas na sana siya nang mamataan niyang nasa labas si Harken at tila may hinihintay. At marahil siya ang hinihintay nito. Bumuga siya ng hangin saka ito nilingon. "Bakit?" tanong niya. Madilim ang mukha nitong naglakad palapit sa kaniya. Nakakuyom ang mga kamay nito na parang gusto nitong manakit. "Totoo ba?!" Nabigla siya sa bulyaw nito. Hindi pa siya nakakahuma sa gulat ay muli itong sumigaw. "Ikaw ba 'yong kumuha ng package ko kahapon?!"Nag iwas siya ng tingin at patay malisyang sumagot. "Hindi. Saan mo naman napulot 'yang balitang 'yan? Binalita ba sa TV?""Huwag mo akong pilosopohin. Hindi mo kasama si Marcio ngayon kaya wala kang rason para magsalita ng pabalang." Masama ang tingin nito sa kaniya. Sobrang sama na halos makaramdam siya

  • Can't Trust Summer   CHAPTER THIRTY EIGHT

    Lately, everyone’s quite busy doing their own businesses. Hendell wasn’t ready for the silence and aloneness after a long time of loud and chaotic days she had. At first, it was okay. Tolerable. Having no one around felt like an end of the world for her. The silence really does.Marcio was out of town. He has some music gigs in the city. She wanted to come but he won’t let her. Maybe because Marcio was very particular in doing his thing alone. While Tres, on the other hand, went to his hometown to visit some immediate family. Christmas is fast approaching and the need to be with one family member is a must. And that made her sad.Sinubukan niyang tawagan si Monica ngunit nasa isang business seminar ito sa Singapore at hindi nito sinabi kung kailan ito uuwi. There is one person she knew, so far, available. But in the past weeks, Harken was always seen with Jelena. That girl helped him with his business and they’re quite closer than the last time

  • Can't Trust Summer   CHAPTER THIRTY SEVEN

    Ilang minutong nakatunganga lang si Hendell sa loob ng restaurant. Ilang minuto na rin mula noong makaalis si Jelena at Harken ngunit heto pa rin siya at halos hindi makagalaw sa kinauupuan.Nagseselos nga ba talaga siya? O dinadaya lang siya ng kaniyang imahinasyon? Possible iyon. Galit siya kay Harken at ang maging masaya ito sa piling ng iba ay ang pinakahuling bagay na hihilingin niya. Hindi maaaring siya lang ang nahihirapan."Miss oorder ka ba?" Napakurap siya sa tanong ng waiter na mukhang kanina pa nakatayo sa gilid niya. Umiling siya at nagmadaling lumabas ng restaurant. Gusto niyang batukan ang sarili. Hindi siya dapat pumasok doon. Hindi siya dapat nagpadala sa agos ng damdamin.Pumasok siya ng sasakyan na tila wala pa rin sa maayos na pag-iisip. Kagat kagat ang labing isinandal ang sarili sa upuan, iniisip kung anong nangyayari sa kaniya. Naiinis siya hindi kaninuman, kung hindi sa sarili niya. Na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status