Share

CHAPTER ELEVEN

Umiiyak na napaupo si Hendell at napasandal sa pinto ng kaniyang kuwarto. Inaatake na naman siya ng kaniyang kalungkutan. Wala sa sariling napatingin siya sa orasan. It's two in the afternoon. 

Isa isang nagfaflashback sa kaniya ang lahat ng nangyari noon. Ganoon palagi ang nangyayari tuwing inaatake siya. Lahat ng masasakit na alaala ay nagiging dahilan ng kaniyang paghagulgol. Sa sobrang sakit ay parang mawawasak na ang kaniyang ulo pati na rin ang kaniyang puso. She just wanted to live a normal life, mahirap bang ibigay iyon? Gusto niya lang magising ng walang bigat sa dibdib at walang tinatakasan at kinakalimutang bahagi ng kaniyang pagkatao. Gusto niya lang mabuhay. 

Pero bakit ayaw siyang tantanan ng kalungkutan?

She opened her laptop. Kailangan niya ng distraction at umaasa siyang online si Syria para kahit papaano ay mayroon siyang mapaglabasan ng kaniyang mga sentimiyento. Tuloy tuloy lang na pumapatak ang luha niya at nanlalabo ang paningin niya. She felt miserable and she can't stand it. 

"Please Syria, pick up the phone," Paulit ulit niyang sambit habang pinipigilan ang paghikbi. Unfortunately, Syria was online two hours ago and that means she is busy. She wiped her tears and stared at her reflection in the mirror. Bakit ang malas malas niya? Bakit kailangan niyang maramdaman ang mga iyon?

She felt extra emotional when the clock strikes at three. It seems like she is drowning and no one could ever save her from suffocation. Piniga niya ang kaniyang mga daliri habang umiiyak ngunit hindi 'non naialis ang nararamdaman niyang kahungkagan. For her, everything seems heavy yet empty at the same time and it is hard to feel something like that while you're still existing. Para kang buhay pero para ka na ring patay. 

Napakurap siya nang may narinig siyang pagkatok sa kaniyang pinto. Mabilis niyang pinahid ang kaniyang luha at saglit na uminom ng tubig upang mawala ang bara sa kaniyang lalamunan. Inayos niya muna ang sarili hanggang sa maging kaaya aya ang kaniyang mukha bago niya buksan ang pinto.

Bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Harken na agad na napalitan ng pag aalala. Tinignan niya ang kabuuan nito. He is wearing a white polo and black pants, naka tsinelas lang ito, at may dalang isang garapon na may lamang cookies. 

"Are you okay? Anong nangyari?" nag aaalalang tanong nito. 

"Wa-wala ito. Bakit ka pala naparito?" she asks back.

"I'm going to give you this," aniya at iniangat ang dala. "But I think hindi lang itong cookies na 'to ang maiooffer ko sa'yo. Maybe you need someone to talk to? I am so much willing to listen."

"I am okay," matipid na sagot niya at nag iwas ng tingin. Ayaw niyang makita ang awa sa mga mata nito na parang nagpapahiwatig na habang buhay na siyang magiging mahina.

"We both know that you're not. Hendell hindi ba magkaibigan na tayo? Puwede mo akong pagkatiwalaan. You don't have to be alone anymore," saad nito na nakapagpaiyak sa kaniya ng tuluyan. Right. She is all alone and down at alam niya iyon. She is fully aware that no one would try or dare to ask her about what she feels or if something's bothering her. But seeing Harken standing on her doorstep makes her think that somehow, she is not alone after all. 

She stiffened when he hugged her. Napakahigpit na lalong nagpalakas ng kaniyang paghagulgol. Wala siyang ibang maisip na gawin ng mga oras na iyon kung hindi umiyak sa mga bisig nito. Kahit papaano ay lumuwag ng bahagya ang kaniyang naninikip na dibdib. 

"Okay ka na ba?" nananantyang tanong ni Harken pagkatapos siya nitong abutan ng isang baso ng tubig. Dahil ayaw niyang tuluyang magdrama sa labas ng bahay ay napagpasiyahan niyang pumasok at sumunod naman sa kaniya si Harken. Pareho silang nakaupo sa sahig at nakasandal sa sofa.

She sniffed. "I guess."

"Do you want to share it? If it's fine and maybe I can help," he said. 

"Kahit doktor ay hindi ako nagawang tulungan. But thanks for asking, anyway," sagot niya at ipinikit ang kaniyang mata. Oh, summer afternoons!

"I may not be a doctor and I may not help you heal totally, but you know? Maybe I can be your human handkerchief. Ang lungkot kasi lalo kapag umiiyak ka lang nang mag isa. Baka kamo kailangan mo ng audience," anito at ngumiti. She knows that he is trying to make her feel better at naaappreciate niya iyon. 

"Do I really need an audience? O makiki tsismis ka lang?" biro niya. 

Saglit itong nag isip at ngumisi kalaunan. "Both?"

Natawa siya sa banat nito. He is indeed a breath of fresh air. Sa mga ganitong pagkakataon, hinihiling niyang sana ay magtagal itong taong ito sa kaniyang buhay. Kahit naman na mahirap na sa kaniyang magtiwala ay hindi parin nawawala sa kaniya ang kagustuhan na sana, someday, may taong willing na mag-stick at mag stay. Siguro kapag ganoon, maiibsan na rin ang lungkot niya.

Harken cooked for her after that. He made a special carbonara and it tastes so good. Isang beses lang siyang nakatikim ng carbonara sa buong buhay niya at matagal na iyon kaya hindi naging mahirap sa kaniya na sabihin na ito ang pinaka masarap na carbonara na natikman niya. Mukhang natuwa naman si Harken na nagustuhan niya kaya hindi nito napigilan na yakapin siya ulit. Nakakailang ngunit hindi na lang siya nagkomento. 

"Alas sais na Harken. Baka may balak ka nang umuwi?" Parinig niya dahil mukhang wala itong balak na umalis. Nakahiga ito sa sofa at nagbabasa ng libro. "Puwede mo namang hiramin 'yang libro eh."

She saw his lips pouted. "Is that your way of saying; Lumayas ka na Harken at nakakaistorbo ka na?"

Napahalakhak siya sa narinig. Hawak hawak niya ang kaniyang tiyan dahil nag uumpisa na itong sumakit, but of course in a very fun and positive way. Which is surprising.

"Why are you laughing? Totoo, ano?" nakasimangot na tanong nito ngunit agad itong napalitan ng isang matamis na ngiti. Ibinaba nito ang librong hawak at umayos ng upo sa sofa. "You should laugh often. Gumaganda ka lalo." 

Namumula siyang nag iwas ng tingin at inabala ang sarili sa pag aayos ng kaniyang nagusot na damit. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksyon sa sinabi nito. He complimented her and it is nice to hear, but the thing is, she is not used to it. Nasanay siyang invisible sa paningin ng lahat kaya nakakailang.

"Totoo 'yong sinasabi ko at hindi ako nanghihingi ng barya para 'don. Wala lang, I think I should tell you what I see. In case lang na walang nangahas magsabi sa iyo 'non," anito at tumayo na. Nagpantay ang tingin nila noong lumapit ito sa kaniya. His eyes were smiling. "Maaga pa naman. Why don't we go for a walk or maybe roam around using Marcio's scooter?"

Agad na nalipat ang tingin niya sa nakalahad na kamay nito. Is it worth giving him my time? Is he worth it? Iyon ang mga tanong na nasa isipan niya. Kung wala lang siguro siyang issues sa buhay, kanina pa siguro siya nagtatalon at umoo. But there is something inside that commands her to think negatively about almost all things. Ngunit kung hindi niya lalabanan iyon ay baka tuluyan na siyang lamunin ng sarili niyang multo. 

Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Okay." sagot niya at tinanggap ang nakalahad nitong kamay. Sabay silang lumabas at tinungo ang bakuran ng mga Palmeras para kunin ang scooter ni Marcio. Namataan nila ang huli na nakaupo sa front porch at naninigarilyo. 

"Oh wow! Level up ah! May pa holding hands," tukso nito dahilan para bumitaw siya sa kamay ni Harken. 

"Kuya naman. Maiilang si Hendell sa pinagsasabi mo," anito at saglit siyang binalingan pagkatapos ay humarap ito ulit sa kapatid. "Puwede ko bang mahiram ang scooter mo? Ipapasyal ko sana si Hendell."

Saglit na nalukot ang mukha nito sa narinig ngunit agad din naman itong napalitan ng ngising nakakaasar. "Ayos ka Harken. Ikaw 'tong bagong salta ikaw pa 'tong magtotour kay H. Bilib na talaga ako sa'yo," anito at umiling iling. Pinatay nito ang sigarilyo at tamad na tumayo. Initsa nito ang susi kay Harken at tumalikod na. "Basta't iuwi mo nang ligtas si H, walang magiging problema. Mag iingat kayo."

Nang  mawala sa paningin nila si Marcio ay agad na tumingin sa kaniya si Harken at tinuro ang daan kung saan dumaan ang kapatid nito. "Anong nakain 'non?

Nagkibit balikat siya dahil miski siya ay nagtataka din. "Hindi ko din alam eh."

Pareho silang natigilan. Hindi sila makapaniwalang galing kay Marcio ang mga salitang iyon. Marcio is the type of hell-I-don't-care kind of guy so the 'ingat kayo' word coming from him seems hard to believe. Mag eend of the world na ba? O baka naman ay may bumabang anghel sa lupa at binugahan ito ng kabutihan dahil masiyado na itong nagiging kadiliman sa lupa? 

"Tara na, kinikilabutan na ako kay kuya," naibulalas ni Harken at mahina siyang hinila papunta sa itim na scooter ni Marcio. The good thing is may extra helmet ito kaya safe silang makakapaglibot. Besides, she needed the air to completely calm her system. Good timing ang pagyayaya ni Harken sa kaniya ngayon. 

Napangiti si Hendell habang binabagtas nila ang daan ng San Madrid. She was born and raised here but she never had the chance to familiarize the whole place. In fact, she was just passing one road over and over again. She never tried any turns, detours, or even get lost. And now, she is like a new person in a new town. Kung titingnan ay mas tiga rito pa si Harken kaysa sa kaniya. 

"Ang ganda ng view, ano?" aniya kay Harken. Nasa cliff sila kung saan siya dinala dati ni Harken at ngayon mas naappreciate niya ang kabuoan ng lugar. Ang dami na niyang napapansin na hindi niya nagawang tingnan noon. Ang daming nagbago. Ang dami niyang nakaligtaan.

Huminga ito ng malalim at dinama ang lakas ng hangin. "Sobra," sagot nito at ngumiti ng matamis. "Kitang kita natin ang San Madrid mula dito sa puwesto natin. Isn't amazing? We're like the king and queen of this world, kahit kunwari lang."

Sang ayon siya sa sinabi nito kaya itinaas niya ang dalawang kamay niya at dinama rin ang malakas na hangin na dumadampi sa kaniyang balat. "I feel so powerful here Hark. It felt so good," she honestly said. 

"Yes, it is. And you were never powerless Hendell. You are always the queen and warrior of your own life." he said like he was so sure of it. Gusto niyang maniwala. Gustong gusto niyang panghawakan iyon para magpatuloy. 

She closed her eyes. "And I always lose. I was and always a loser. Ever since I was a kid, I was the weakest out of all the students. I tried to fight back when kids bullied me, but it was not enough. Kahit wala akong ginagawa bigla akong sinasambunutan, aasarin, pipikunin, papatirin, ipapahiya, pupukulan ng masamang tingin, sisisihin, iniiwan, pinapaiyak, at sinasaktan na parang wala akong damdamin."

"Gusto ko lang naman ng kaibigan," she bit her lips to avoid herself from crying. "Gusto ko lang naman na magustuhan nila ako. I know I am far from being perfect but is there someone out there who wanted me? 'Cause I always feel so unwanted. Hindi ako pinlano ng mga magulang ko and that makes me an unwanted child. They never love me. Kasi… kasi kung mahal nila ako, hindi nila ako magagawang ibenta ng basta basta kapalit ng pera."

Harken hold her hand. Hindi ito nagsalita, nanatili lang itong nakikinig sa kaniya. 

"I did try my best not to disappoint them, even if I am not happy with it. Hanggang ngayon Hark, nalilito parin ako. I was diagnosed with SAD. You know what that means?" humihikbing tanong niya. Iling lang ang sagot nito. "Social Anxiety Disorder. I am afraid of human interaction and afraid of their responses. I tend to overthink a lot, negatively. My mind is always a mess. I am too scared of doing something because my mind is always telling me that I will end up failing it."

Unti unti siyang humarap kay Harken. Tumingin siya sa mga mata nito. "Now tell me, do you still want to be friends with me?"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status