Share

Chapter 62

Author: London Bridge
last update Huling Na-update: 2025-10-28 17:23:40

Mabilis na hinahanap ni Scarlett ang singsing sa bulsa sa loob ng bag niya pero wala roon. Kinapa niya rin ang bulsa niya, pero wala pa rin doon.

Bigla siyang kinabahan. Parang may kumutok sa dibdib niya. Suot niya iyon kanina. Hindi naman niya matandaan na inalis niya iyon sa daliri niya. Maliban na lamang kung nahulog iyon dahil medyo luwag iyon sa kanya.

Darius, noticing her sudden stillness, pulled a ring from his pocket and began spinning it between his fingers with practiced ease.

Umangat ang sulok ng labi niya. "Bukod sa akin, si Klaus lang ang may parehong singsing. Pero naibigay na niya sa’yo ang sa kanya. At suot ko naman ang sa akin."

Naningkit ang mga mata ni Scarlett. Nahulog niya nga ang singsing. Pero hindi niya alam kung saan at paano iyon napunta kay Darius.

"I'm not sure how it got into your hands, but thanks for finding it. Akin na." Lumapit siya para kunin ang singsing, pero gumalaw si Darius sa huling segundo. Dumulas ang kamay niya at nahulog siya sa dibdib ni Da
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
nyaaaaahhhhhhh,,dpat mgkalaman natu hehhe
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Carrying My Husband's Billionaire Uncle's Child    Chapter 151 - SPG

    "Scarlett..." natatawa ngunit malambing na tawag ni Darius mula roon sa dulo ng kama.Kinuha ni Scarlett ang isang unan at itinakip iyon sa tainga niya. "Darius, huwag mo akong kausapin!" pag-iinarte niya.Gumapang si Darius paakyat sa kama, tumalon pahiga sa tabi ni Scarlett at hinapit ang bewang niya. Napatili naman si Scarlett nang walang kahirap-hirap siyang iangat ni Darius gamit lang ang isang kamay at ipatong siya sa ibabaw nito."Darius!" reklamo ni Scarlett. Ipinikit niya ang mga mata niya, ayaw tingnan ang mukha ni Darius."Open your eyes, love," utos ni Darius at kiniliti ang leeg ni Scarlett.Parang bulate na iginalaw ni Scarlett ang ulo niya para ilayo ang sarili sa kamay ni Darius, pero hawak ni Darius ang isa niyang braso kaya hindi siya makawala. Nagmulat siya ng mga mata at inismiran si Darius, sabay dramatikong pinaikot ang mga mata."What's with the attitude, baby mommy?" panunukso ni Darius, bago marahang hinaplos ang tiyan ni Scarlett."Ayaw kitang kausap. Bitawan

  • Carrying My Husband's Billionaire Uncle's Child    Chapter 150

    "D-Darius... hindi mo naman kailangang bigyan ako ng..."Hindi natapos ni Scarlett ang sasabihin niya nang yumuko si Darius. Hinapit nito ang bewang niya at siniil siya ng halik. His lower lip was caught gently between hers, tugged just a little before she released it, inviting him closer. He responded by pressing back, lips moving in an unhurried rhythm, fitting against hers as if they already knew the shape."I wanted to give you everything, Scarlett," mahinang sambit ni Darius matapos bitawan ang labi ni Scarlett. "Alam kong hindi ka hihingi ng kahit ano, pero hayaan mo akong ibigay sa’yo ang mga bagay na kaya ko namang ibigay."Ngumiti si Scarlett at tinanggap ang susi ng sasakyan. Isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ni Darius at niyakap ito. Hinagod naman ni Darius ang buhok niya. Nanatili sila sa ganoong posisyon ng ilang minuto."Tatapusin ko muna ang hinuhugasan ko, tapos matutulog na tayo, hmm?"Tumango si Scarlett.Pagbalik ni Darius sa lababo ay kinuha ni Scarlett ang fol

  • Carrying My Husband's Billionaire Uncle's Child    Chapter 149

    Nakatunghay si Scarlett mula sa countertop habang nakatalikod si Darius, nakasuot ng apron at abala sa pagluluto. Iyon ang unang beses na makakatikim siya ng luto ni Darius. Ni hindi niya nga alam kung marunong ba talaga si Darius magluto dahil kanina pa ito naroon sa harapan ng stove."I'm hungry," reklamo ni Scarlett, nakanguso pa. "Matagal pa ba ’yan?"Mahinang natawa si Darius at bahagya siyang nilingon. "One minute to go, love. Matatapos na rin ito. Can you please set up the table?"At ginawa naman ni Scarlett iyon. Naglagay siya ng placemat sa magkaharap na upuan, nagpatong ng dalawang plato at iba pang utensils. Sakto namang matapos niyang i-set up ang table, natapos na rin si Darius.Paglapag ng putahe sa lamesa ay pumasok sa ilong ni Scarlett ang aroma ng manok. Hindi niya maiwasang mapangiti at namnamin ang amoy noon."What dish is this?" natatakam niyang tanong.Tumingin si Darius sa kanya na nakataas ang sulok ng labi, tila ba proud sa naging resulta ng niluto. "That is ch

  • Carrying My Husband's Billionaire Uncle's Child    Chapter 148

    "Don Anton, nasa labas si Devine Saroza," anunsyo ng butler sa ama ni Darius.Napahinto sa pagbabasa ng libro ang matanda, inalis ang salamin sa mata at saka dahan-dahang nag-angat ng tingin sa pintuan na nakabukas."Hatinggabi na. Anong ginagawa niya rito?" curious na tanong ni Don Anton. "Hinahanap niya ba si Darius?"Mabilis na umiling ang butler. "Kayo raw nina Ma'am Magdalene at Sir Tobias ang sadya niya rito. Lasing na lasing din siya."Nangunot ang noo ng matanda. Tumayo ito sa upuan bago inayos ang pantulog na bahagyang nagusot. Sumenyas naman siya sa butler na mauna na ito kaya isinarado na nito ang pintuan.Dinampot ni Don Anton ang kanyang tungkod at muling isinuot ang salamin. Lumabas siya ng kanyang kuwarto at tinungo ang elevator."Dad..." tawag ni Magdalene para humabol papasok sa loob. "Nariyan daw si Devine sa labas? Bakit niya tayo gustong makausap? Anong nangyayari?"Hindi sumagot si Don Anton sa tanong ng anak. Wal

  • Carrying My Husband's Billionaire Uncle's Child    Chapter 147

    Mula sa terrace ng kabilang villa ay kitang-kita ni Alfonso ang pangyayari sa villa ni Darius. Hindi man niya naririnig ang kaganapan doon, alam niyang nagmamakaawa si Devine kay Darius.Tinungga niya ang beer mula sa bote at mariing ikinuyom ang mga kamao. Noong una ay akala niya ay humahanga lang siya sa galing at talino ni Scarlett. Hindi niya namalayan na tuluyan na niya pala itong nagugustuhan. He planned to admit his feelings towards her, pero hindi niya alam na may namamagitan na pala kina Darius at Scarlett. He likes her a lot. At ngayon, hindi niya alam kung ano ang gagawin sa nararamdaman niya. Ayaw niya iyong alisin. Ang gusto niya ay gustuhin din siya pabalik ni Scarlett.Aamin na sana siya ngayong dinner na plinano niya. Pero bigla na lamang sumulpot si Darius at inangkin si Scarlett sa mismong harapan niya. Ang nakakainis pa roon, wala man lang siyang nakitang pagprotesta sa mga mata ni Scarlett, para bang kinilig pa ito at nagustuhan ang ginawa ni Darius."Sir..." tawag

  • Carrying My Husband's Billionaire Uncle's Child    Chapter 146

    Malakas na tumawa si Devine, tumingala habang hawak-hawak ang sariling buhok. Dumadagundong ang boses nito sa buong parking, humahalo sa malamig na hangin, parang tuluyan nang nawalan ng katinuan.Maya-maya ay may tumulo na naman na luha sa mga mata nito. Bigla itong huminto sa pagtawa at saka mariing tinapunan ng tingin si Scarlett. Ang mga mata nito ay puno ng galit at paninisi, para bang doon ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.“Ikaw... ikaw pala,” nanginginig ang boses ni Devine. “Ikaw ang babae... sa hotel. Ang kapal ng mukha mo, Scarlett. Akala mo kung sino kang santasantita, pero malandi ka. Isa kang malandi. May asawa ka, kasal ka, at nagagawa mo pang sumiping sa ibang lalaki!”Bago pa makapagsalita si Scarlett, biglang sumugod si Devine. Diretso itong tumakbo patungo kay Scarlett, nakataas ang kamay na para bang sasampalin o sasakalin, wala nang iniisip kundi ang galit.“Devine!” sigaw ni Darius.Mabilis na humarang si Darius sa harap ni Scarlett. Isang malakas na tu

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status