LOGINNahuli ni Scarlett Ciocson-Aldama ang asawa niyang si Tobias Aldama na may kasamang ibang babae, sa mismong bisperas ng kanilang kasal. One painful betrayal later, she found herself drowning in shots of tequila… at nagising na lang siya kinabukasan na nasa kama ng hindi kilalang lalaki. With a pounding headache and a heart full of regret, Scarlett thought it was just a nightmare. But weeks later, she’s carrying a secret—his child. At ang twist? The father is Tobias' cold, ruthless, and dangerously irresistible Uncle… Darius Aldama, and this time, he’s claiming both her and the baby.
View MoreHindi pa rin nakakabalik si Scarlett sa private lounge, nandoon pa rin siya, nakatayo kasama sina Nadia at ang isa pang babae sa bakanteng table. Nakatingin ang dalawa sa pintuan, inaabangan ang pagbalik ni Devine.Nagbubulungan ang dalawa, pero dinig na dinig naman ni Scarlett ang mga boses nila.“Talaga bang dadalhin niya si Darius dito para patunayan sa atin na may relasyon sila? Si Darius Aldama? Or maybe she’s bluffing?” tanong ng isang babae, hindi maalis ang tingin sa bukana.Umiling naman si Nadia at mahinang natawa. “Hindi ko rin alam. Hintayin na lang natin. Malalaman din natin mamaya kapag bumalik siya na kasama niya si Darius.”Humakbang si Scarlett para umalis na doon at iwan ang dalawang kaibigan ni Devine. Pero bago pa siya makalabas ng pintuan ay hinarang siya ng isang babae.Tinaasan ni Scarlett ang babae. Umabante siya para ipakita sa babae na hindi siya ang tipo na pwedeng ma-bully. Napaatras naman ang babae, pero si Nadia naman ang humarang sa kanya. Ngumisi ito sa
“Mr. Aldama... hindi ko alam na kasama mo siya! Pasensya na, wala akong masamang intensyon!” takot na sabi ng lalaki habang iniinda ang sakit. Doon lang siguro nito naproseso kung sino ang kaharap.Ni hindi siya tiningnan ni Darius matapos bitawan. Isang simpleng kumpas lang ng kamay, at agad na sinunggaban ng mga bodyguard ang lalaki, parang basura lang na kailangang alisin sa daan.Dawn strode over to Scarlett, worry clear in his eyes. “Scarlett, ayos ka lang ba?”Bahagyang tumango si Scarlett, pilit pinapakalma ang sarili. “A-Ayos lang ako...”Napabuntong-hininga na lang si Dawn. “Kasalanan ko ito. Dapat ay sinabi ko sa kanila na kaibigan kita para wala ni isang nagtangka na mangharass sa’yo. Hindi ko ito papalagpasin. Ako ang bahala doon sa gago na ’yon. Hindi niya alam kung sino ang kinalaban niya.”Hindi sumagot si Scarlett. Nakatingin lang siya kay Darius habang pinapagpag nito ang damit at saka naupo sa upuan nito kanina, na parang walang nangyari.She lowered her voice, almos
Ibinuka ni Scarlett ang bibig para kontrahin ang sinabi ni Darius, pero parang biglang nakagat niya ang dila sa mga sandaling iyon.Nasa ganoong sitwasyon sila nang ilang segundo. Nanginginig ang tuhod ni Scarlett habang dinig na dinig ang mabilis niyang paghinga. Humugot siya ng lakas at pilit na nilabanan ang nakakatunaw na tingin ni Darius."A-Ano... ano bang sinasabi mo? Nawalan lang ako ng balanse," bulong ni Scarlett at umiwas ng tingin. "Pwede mo na akong bitawan."Alam ni Darius na hindi magandang biro ang tanong at pang-aasar niya rito, pero habang hawak niya si Scarlett ay parang may kung anong pumipigil sa kanya para huwag pakawalan ito. Ramdam niya ang init ng balat ni Scarlett, at may kakaibang pamilyar sa pakiramdam na iyon.Sa tuwing nadidikit siya sa asawa ng pamangkin niya, bumabalik ang matagal niyang pilit kinakalimutang alaala. Ang nangyari sa kanila ng babae sa hotel. Pero imposible iyon dahil si Devine ang babae na lumalabas sa imbestigasyon niya. Hanggang ngayon
Dumating si Scarlett sa Eden Garden Restaurant pagpitik ng eksaktong alas-siyete ng gabi. Hindi siya nagpahuli dahil kilala niyang ayaw na ayaw ni Darius na dadating ng late sa sinabing oras.The restaurant was eerily still. Not a single diner lingered, only a handful of staff gliding through the empty space, their quiet footsteps echoing faintly against the marble floor. The faint scent of jasmine from the vases by the entrance drifted through the air, blending with the aroma of freshly baked bread.Lumapit ang isang waiter sa kanya, at saka ngumiti. "Good evening, ma'am, kayo po ba si Mrs. Aldama?"Tumango si Scarlett. "Oo, ako nga.""Please, this way. Naghihintay po si Mr. Aldama sa itaas." At siya ay dinala ng waiter sa terrace sa ikalawang palapag.Kumikinang ang mahabang mesa sa ilalim ng mga delicately plated na pagkain. Ang malambot na liwanag mula sa hanging lanterns ay sumasalamin sa mga baso at tableware, na nagbigay ng konting shimmer sa puting linen.Sa tabi ng rail, naki
Napabuntong-hininga si Scarlett at hinalungkat sa contact list niya ang mga naka-save roon. Isa-isa niyang tiningnan hanggang sa makita niya ang office number ni Darius. Ang number na binigay sa kanya ni Greg nung huli siyang pumunta sa Meridian Investment Partners, para daw mas madali siya makausap kung may kailangan sa trabaho.Ilang segundo rin siyang nakatulala, pinag-iisipan kung itetext na lang ba o tatawag talaga. Since Darius had gone out of his way to bring her home last night, the least she could do was say thank you. Ayaw naman niyang isipin nito na parang wala lang ang paghatid at hindi man lang nagpasalamat.Huminga siya nang malalim at pinindot ang dial.Sa unang ring pa lang sa kabilang linya, sinagot na agad ang tawag.Suddenly nervous, Scarlett twisted a loose thread on her sleeve and tried to steady her voice. "Hello, Darius? It's Scarlett."Sandaling katahimikan, hindi muna sumagot si Darius. Nakagat ni Scarlett ang labi at ibaba na sana ang tawag, pero doon na nags
Mahimbing ang tulog ni Scarlett sa sasakyan. Kahit ilang beses nang tinangkang gisingin ni Darius, para bang nasa isang wonderland ito at ayaw talagang magising.Mula roon sa gilid ng kalsada, isa sa mga bodyguard ang nag-aalangan habang hawak ang pinto ng kotse dahil kanina pa sila roon. “Sir Darius, gusto niyo po ba kaming magbuhat kay Ma’am Scarlett paakyat?”Darius shot him a look and gave a curt nod. “Ipasok niyo siya sa loob ng bahay.”“Yes, sir.” Agad lumapit ang lalaki, pero sa pagmamadali ay nahawakan niya si Scarlett sa sugatang braso.Kahit tulog, napangiwi pa rin si Scarlett sa sakit at napasinghap ng mahina.Napuno ng inis ang mukha ni Darius. “Hindi ka ba pwedeng mag-ingat?” malamig niyang sabi, sapat para manigas ang bodyguard sa kaba.“Pasensya na po, sir. Baka... baka mas mabuti kayo na lang ang magbuhat kay Ma’am Scarlett? Baka lalo naming masaktan ang sugat niya.”Sandaling natigilan si Darius sa sinabi ng bodyguard niya, saka napatitig sa natutulog na si Scarlett.


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments