NOONG una ay matinding pagkailang ang nararamdaman namin nang sandaling makaupo na siya kasama namin sa iisang hapag. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang maskulado, matangkad, matipuno at kilalang masungit na propesor ay narito ngayon. Sa aming lahat dito ay kaming dalawa lang talaga ni Vivorie ang nakakakilala sa kanya bilang propesor ngunit ang ibang kasama namin ay puro masasamang tsismis ang aming nasabi. Nang tingnan ko si Vivorie ay ngumiwi siya sa akin 'saka sumulyap sa aming mga kasama sa bahay na kulang na lang ay mahulog ang panty at tumulo ang laway sa sobrang pagkakatitig sa panauhin! Siguro ay kung hindi pa dumating si Manang na mukhang kagagaling lang kung saan ay talagang may mapaglalagyan ang mga ito. "Good evening, ma'am..." Napatingin ako nang bigla siyang tumayo at bahagyang yumuko kay Manang Lori. "Ako po si Wrecker Silas Monroe, ako po ang ama ng dinadala ni Miss Gallego..." Kung hindi lang ako buntis ay talagang nalaglag na ako sa kinauupuan ko!
INSTEAD of going home directly, I decided to maneuver to The Wrecker. I don't feel like going home for tonight, it's still eight thirty in the evening and I am sure that they're still there, waiting for me. Wala naman silang ibang pag-uusapan kung hindi ang kasal na hinding-hindi naman mangyayari. Dire-diretso akong pumasok nang makarating sa pag-aaring bar, may mga bumabating kakilala o kilala ako pero hindi ko iyon pinansin at dumiretso sa isang kumpol na mga tao. "Hey, dude! Akala namin hindi ka na makakasama!" Si Darren, isa sa mga kasamahan ko. "Bagong buhay na kasi iyan!" Humalakhak si Hekama na nakaupo sa couch. Mayroon siyang kandong na babae at panay ang halik nito. Kumunot ang noo ko. "Tsh! Bagong buhay? Ibig ba sabihin niyon pare, iiwanan mo na ang mga nakasanayan mo? Like women and all?" Ani naman ng nakangising si Jared, nagsasalin ng pamilyar na alak at ibinigay sa akin. "Kaya ako, hinding-hindi ako mag-aasawa! Tsh. Sakit sa ulo ng mga babae!" Umiling ako at ba
"MANANG, alis muna po ako, ha." Paalam ko kay Manang Lori nang puntahan ko siya sa garden at nagdidilig ng halaman. Nakabihis na ako ng yellow maternity dress na mayroong cute sunflower designs at beige flat shoes. I am also wearing my sunflower printed tote bag. "Baka mamayang hapon pa po ako makakauwi. Depende po kung magtatagal ako roon," dagdag ko. "Wala kang kasama?" Tanong niya at sandaling itinigil ang ginagawa, "ikaw lamang mag-isa?" Tumango ako. "Edi isama mo na si Janette!" Nanlalaki ang mata niyang sinabi at basta na lang tinawag ang pangalan ni Janette na siyang lumabas naman galing garahe. "May patutunguhan daw itong si Olivia, siya at magbihis ka. Samahan mo siya." Gulat ang rumihestro sa basang mukhang ng dalaga, basang-basa siya galing sa paglilinis ng mga sasakyan. Nahihiya akong ngumiti sa kanya at sasabihin na sanang huwag na at kaya ko naman nang bigla siyang ngumiti. "Sige po! Sandali!" Nagmamadali niyang sinabi at inagaw ang hose kay Manang Lori. "Hindi na po
NAMULAT ang mga mata ko sa isang hindi gaanong pamilyar na lugar. Puting kesame at dingding, maingay na tunog ng makina at nakakabit na suwero sa aking kamay. Hospital. Nasa hospital ako. Ilang beses pa akong kumurap bago tuluyang naalala ang buong nangyari dahilan upang mapabalikwas ng bangon.Agad dumalo sa akin si Janette."Ang mga anak ko! How are my babies doing?! Ligtas naman sila hindi ba? May dugo! May dugong lumabas sa akin!" Magkasunud-sunod kong tanong kasabay ng masaganang pagbuhos ng mainit na likido sa aking mga mata. "The twins are alright, they're safe now." Nagulat ako nang marinig ang istriktong boses ni Silas. Nakatayo siya sa paanan ng hospital bed. At base sa kanyang suot ay tila galing itong trabaho. "Maaaring nanganib ang buhay ninyong tatlo kung inabot pa kayo ng ilang oras bago makarating dito." Nagtatagis ang bagang niya at matalim ang tinging pinukol sa akin. "Sa susunod, kung may pupuntahan ka man, magpaalam ka sana. Kung hindi pa ako tinawagan ni Janette,
"YOU don't have to worry at all, anak. Mas magiging kampante kami ng Tito Julius mo kapag nasa puder ka ni Silas." Malambing na wika ni Tita Vivian. Kasalukuyan kaming nasa harapan ng vanity mirror, nagkuwentuhan habang sinusuklay niya ang mahaba kong buhok. "I've known him onsince he was fourteen, nawalan lamang kami ng komunikasyon dahil kinailangan naming pumunta sa ibang bansa dahil nagkasakit ang Tito mo, trust me, mabait iyang batang 'yan. Hindi nga lang madalas halata," pabulong na niyang sinabi ang mga katagang iyon dahilan para magkatinginan kami sa salamin at sabay na tumawa. "Nakakailang po kasi, Tita." Pagsasabi ko ng totoo. "Ano na lang po ang sasabihin ng mga tao sa amin? Walang relasyon pero titira sa iisang bahay? Walang relasyon pero magkakaroon ng kambal?" Ngumiwi akong ini-imagine iyon. "Tapos ano na pong mangyayari kapag naipanganak ko na ang mga anak niya? Ibig po bang sabihin niyon ay palalayasin na niya ako? Hindi ko po kayang mawalay sa mga anak ko, Tita..." P
ILANG sandali pa kaming nanatili roon bago namin marinig ang katok sa may pintuan. Si Yuka at sinabing handa na raw ang tanghalian. Sabay na kaming naglakad ni Silas habang inaalalayan akong bumababa sa hagdan. Pareho pa nga kaming natatawa dahil maya't maya ang tigil ko dahil napapagod ako hanggang sa nagsuhestyon pa ngang lumipat ako sa first-floor pero sinabi kong ayos lang sa akin sa second floor. Dahil bukod sa maganda ang tanawin mula roon, mainam din sa kalagayaan ko ang pag-aakyat baba ng hagdan para hindi na ako gaanong mahirapang manganak. Hindi pa man kami tuluyang nakalalapit sa dining table ay amoy na amoy ko na ang aroma ng mga pagkain. Tuloy ay napalunok ako ng laway sa sobrang pagkatakam! At mas lalo nga akong naglaway nang makita ang mga iyon! Seafood! Iba't-ibang klase ng seafood! "Mukhang nagugustuhan ng ating buntis ang inihanda natin," si Manong Domeng. Nahihiya tuloy akong nag-iwas ng tingin. Halatang-halata ba? "Huwag kayong mahiya ma'am, talagang normal laman
"SO, what's the score between you two?" Tanong ni Vivorie matapos niyang sumimsim sa kanyang pineapple juice, kaaahon pa lang niya sa dagat. Tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang bright yellow green two peace. "Kumakain ka pa ba?" Busangot ang mukha kong tanong nang pasadahan ng tingin ang katawan ng kaibigan, sobrang ganda naman talaga niya sa kanyang suot pero halata mong nabawasan ang kanyang timbang nang huli kaming nagkita! Isang buwan at kalahati lang naman kaming hindi nagkita, ah. "Healthy living na kasi ako gurl. Maganda ring may ibang pinagkakaabalahan," pakindat niyang sagot. "Sana kung hindi ka ba naman naglasing at humalik ng kung sino, edi hindi ka mabubuntis! Kung Hindi ka buntis, may kasama sana ako ngayong mag-iikot sa buong mundo! Tsk! Kung hindi ko lang mahal iyang mga future inaanak ko, malamang sa malamang talaga babae ka, ipinakapon na kita!" Tinawanan ko lang siya. "Huwag kang mag-iba ng topic, nililihis mo ang tanong ko, eh. Sagutin mo ako ng maayos!" Aniya
"HMMM… What does my baby momma want me to do to stop sulking? Huh?" Malambing niyang bulong sa aking tainga, ang init na nagmumula sa kanyang hininga ay nakapaninindig balahibo. "Hmm… talk to me please, what do you want?" Halos manginig ang aking tuhod nang kagatin niya ang balat ng aking tainga dahilan upang kumalat ang init sa aking buong katawan. Kahit nahihirapan ay umusog ako palayo sa kanya, tila natatakot na mapaso sa apoy na idinudulot niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tuwing ganito kaming kalapit sa isa't isa, kahit ayaw ko ay ang katawan ko na ang kusang gumagawa ng paraan. Tila'y wala na akong karapatan sa sarili ko. "M-matutulog na ako." Sinabi ko at dahan-dahang ipinatong ang tiyan sa isa pang unan. Kahit nahirapan ay pinilit ko, huwag lang manghingi ng tulong mula sa taong katabi. Ngunit hindi naman ako nagtagumpay kalaunan dahil siya na mismo ang bumangon at walang salitang inayos sa pagkakapatong ang aking tiyan sa malambot na unan saka bumalik sa aki