Share

Chapter 3

NANDITO na ako ngayon sa kotse ng hotel nila Bea, matapos naming mag-usap ay hindi ako nagdalawang isip na umalis doon.

Hinayaan ko na ang ilang damit at gamit dahil hindi ko naman iyon magagamit sa bahay ang dami kong damit at isa pa kapag babalik ako, para may damit ako doon.

Malapit narin kami sa bahay at sigurado akong masusurpresa sila mama at nanay Lucing dahil maaga ang uwi ko. Ang sabi ko kasi ay baka isang linggo ako doon para bakasyon na 'rin kahit umalis na sila Bea ang kaso may hindi inaasahang pangyayari e.

"Ms.Claire andito napo tayo," natauhan ako sa sinabi nang driver kaya napatingin ako sa labas at tama nga ito, hindi ko namalayan baka ganon ka-occupied ang utak ko para hindi mapansin ang nasa paligid.

"Marami pong salamat kuya, ito po pang-uwi niyo po sa inyo," nakangiti kong sabi at binigyan ito nang isang libo.

"Naku Ms.Claire ang laki naman po nito pinapasahod naman po ako," umiling ako sa kaniya.

"I don't take no as an answer ano kaba, sige napo para sa pamilya mo po yan," napangiti siya at malugod na tinanggap ang pera na ibigay ko. 

"Maraming salamat po, pagpalain ka sana ng Panginoon," tumango lamang ako sa kaniya at lumabas na nang kotse.

Napahinga ako nang malalim nang makita ko ang tapat nang aming bahay. Naninibago ako, alam kong may kakaiba na saakin ngayong araw na ito.

Hindi ko pwedeng sabihin kila mama at nanay ang nangyari saakin dahil ayoko na mag-alala sila at isa pa, isang kahihiyan ang nagawa kong iyon. Napabuntong hininga nalamang ako at dumeretsyo na sa loob nang bahay.

May spare key ako nang bahay kaya mabilis akong makakapasok sa loob.

"I'm home!" 

Masaya kong sabi at maya-maya ay nakarinig na ako nang ingay na nagmumula sa kusina, alasonse na kasi nang umaga alam kong nag-luluto na ang mga ito.

"Claire? Claire!"

Napangiti ako sa kanilang dalawa ng makita ko itong magkasabay na lumapit saakin, kaagad ko naman silang niyakap na dalawa. Lumaki ako na sila ang kasa-kasama sa buhay at talagang close kaming tatlo noon pa man.

"Bakit umuwi ka agad Claire hindi ba at sabi mo ay isang linggo ka sa Batangas?" tanong saakin ni mama ng maghiwalay kami sa aming yakapan.

"Ayoko na pala ma, mas gusto ko kayong makasama dito," nakangiti kong sabi na binigyan naman nila ako nang nakakalokong ngiti.

"Naku dalaga na ang anak namin, ano ang nangyari? Sigurado akong meron ano yun ah?" pang-aasar saakin ni nanay Lucing. 

"Tama ka Lucing paniguradong may nakitang pogi, nahiya kaya umuwi hahaha!" napasimangot ako sa dinugtong ni mama at talagang nag-apir pa ang mga ito.

Talagang pinagkaisahan nila ako ah.

"Ma, nay, naman pinagkakaisahan niyo ako bahala kayo mag-tatampo na ako sa inyo sige kayo," pananakot ko sa kanila, ayaw kasi nila na nagtatampo ako sa kanila eh.

"Nak naman joke lang yun ito naman," sabi ni mama. "Tama ang mama mo, masaya lang kami na andito ka, balak nga namin na sundan ka doon eh para naman makapagbakasyon tayong tatlo," sabi ni nanay Lucing saakin na ikinagulat ko naman.

"Talaga po? Naku sa bagio nalang tayo para malamig! Bawal sa inyo ang mainit na lugar baka hindi niyo kayanin. Don't worry maraming magagandang lugar na pwedeng bisitahin sa bagio pupunta tayo doon one of these days,"

Tumango naman silang dalawa saakin.

"Hala sige na alam kong di kapa nakain kung di kapa namin kilala, halika na at saktong pakain na kami," napangiti ako sa sinabi ni nanay Lucing kaya pumunta na kami sa kusina upang kumain.

Sana ganito nalang kami palagi, masasaya. 

***

ONE MONTH LATER

Nagising ako nang feeling ko ay nasusuka ako kaya agad akong tumakbo sa banyo nang aking kwarto at sumuka doon sa lababo. Hindi ko alam ngunit wala naman akong ibang maisuka kundi  tubig. Kumain naman ako kagabi, kumakain ako ng tama sa oras.

Nang matapos akong sumuka ay napatingin ako sa aking sarili sa salamin, isang buwan na mula ng may mangyari saamin. 

Nanlaki ang mata ko dahil doon. Nitong mga nakaraang araw ay palagi narin akong inaantok at parang parati akong pagod na pagod hindi naman ako nagkikilos at isa pa wala pa naman akong trabaho e. 

“No please,” 

Pagkasabi ko nun ay kinuha ko ang aking wallet na nasa table ko at inilabas doon ang dalawang pregnancy test.

Oo noon pa man ay bumili na ako nang pregnancy test dahil nararamdaman ko talaga na mangyayari ang araw na ito. Dumeretso ako sa banyo upang subukan na ito. 

Nang matapos ako ay nagintay muna ako nang ilang minuto, dalawa ang binili ko para sigurado ako baka mamaya ay false alarm lang naman yung isa mahirap na. Nang matapos ang oras ay ibinaliktad kona ang dalawa na iyon at hindi kona napigilan ang aking mga luha. 

“P-positive,” 

Hindi ko alam ang aking mararamdaman. Magkakahalong emosyon ang meron saakin ngayon pero masaya ako, masaya ako na merong laman ang tiyan ko.

Parang dati iniisip ko na ano kaya ang pakiramdam ng mayroong dinadalang bata sa tiyan at eto ako ngayon buntis. 

Lumabas ako sa banyo at naupo sa paanan nang aking higaan. Anong gagawin ko ngayon? Paano ko kakayanin ang aking pagbubuntis sa pagkakaalam ko ay mahirap ang magbuntis. At isa pa baka mahalata ni mama at nanay, ayoko munang ipaalam sa kanila. Hindi muna nila pwedeng malaman hindi pa ako handa. 

Si Bea! Tama si Bea! 

Agad ko siyang tinawagan, nasa Paris parin silang dalawa dahil tatlong buwan ang kanilang honeymoon. Siya lang ang naiisip kong makakatulong saakin sa ganitong sitwasyon. Gusto ko na munang umalis dito pupunta muna ako sa Paris. 

“Bea!” tawag ko agad dito nang sagutin niya ito.

“Oh Claire napatawag ka? Parang kahapon lang magkausap tayo e,” natatawa nitong sabi saakin hindi ko alam pero kusa na akong napaluha. 

“Claire? Naiyak kaba? Uy claire may nangyari ba? Magsalita ka naman,” sabi niya saakin suminghot muna ako bago nagsalita. 

“B-bea buntis ako, please wag mong ipapaalam kahit kanino ayokong may iba pang makaalam nito bukod saating dalawa,”

Hirap kong sabi sa kaniya ngunit nagtaka ako nang nawala ang kausap ko sa kabilang linya. Tinignan ko kung namatay ba ang tawag hindi naman. 

“H-hello? Bea? Hello?” tawag ko sa kaniya habang pinapahiran ang luha sa aking mga mata. Nag intay pa ako nang ilang segundo hanggang sa may nagsalita narin sa wakas.

“OMG! OMG! OMG! Buntis ka?! OMG! I'm so happy for you!” sabi nito na parang pabulong lamang kaya napangiti ako.

“Seryoso nga?! OMG! Naunahan mopa ako! Hahaha!” natatawa nitong sabi saakin na ikinailing ko. Hindi narin ako naiiyak kaya nahiga nalamang ako at hinawakan ang aking tiyan.

“Hindi rin ako makapaniwala Bea, may sangol na ngayon sa tyan ko,” nakangiti kong sabi at hinahaplos haplos ang maliit ko palamang na tyan. 

“Kaya naman pala ang kukit-kulit mo nitong mga nakaraang araw Claire Tawag ka nang tawag saakin alam mo namang busy kami,” napangisi ako sa sinabi niya hahaha paano kasi minsang tumawag ako may ginagawa silang kababalaghan eh malay koba gusto ko lang siyang makausap parang may gusto akong hingin sa kaniya na ewan. 

“Sorry about that by the way may gusto sana akong i-request kung ayos lang jaan muna ako sa Paris ngayong unang buwan ko kasi sigurado akong magsusuka at matamlay ako. Ayokong mahalata yun nila mama at nanay, tulungan mo ako Bea please?”

“Really?! Ano kaba oo naman no! Payag na payag ako doon! Ipa rereserve na agad kita kaya Dylan ng isang kwarto para sayo! OMG! I'm so excited na lumabas si baby!” napangiwi ako dahil sa sinabi niya isang buwan palang yung nasa tyan ko hindi pa siyam.

“Tumigil ka nga Bea marinig ka ni Dylan at isa pa isang buwan palang ang nasa tyan ko,” iling kong sabi dito.

“Hehe peace na excite lang, sige na aayusin kona ang mga kailangan mo papunta dito pati flight mo and hep! Ayoko nang tumanggi ka kokotongan kita pagpunta mo dito sige na ba-bye!”

Hindi niya manlang ako pinagsalita at basta niya nalamang ibinaba ang aking tawag.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya, ang bait-bait talaga ni Bea saakin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya, hulog siya ng langit! 

Kung tinatanong niyo kung ano na ang nangyari sa ama nang anak ko ay hindi ko alam. Wala na akong balita noon pa sa lalaking iyon basta ang alam ko lang ay ang pangalan niya Kiel teka ano ba ang apilyido niya? Sa pagkakaalam ko ay sikat siya sa business world. 

Tumayo ako at pumunta sa aking laptop upang hanapin ang katauhan ni Kiel. Ngunit paano ko nga ba ito i-sesearch? Hmm... Since sabi ni Bea gwapo daw ito well it's true try ko kaya yun, nagsimula na akong tumipa sa aking keyboard.

“Gwapong...Kiel ng business world,”

Basa ko sa aking iseserch, natawa pa ako ng bahagya dahil doon parang ewan lang haha. Pinindot kona ang sesrch button at parang nagliwanag ang aking mga mata ng makita ko ang gwapo nitong muka sa screen. 

“I knew it! Gwapong Kiel pala dapat hahaha,” iling na sabi ko at binasa ang isang article tungkol sa profile nito. 

‘Zekiel Gray, isang kilalang negosyante sa murang edad. Maagang nahasa sa larangan ng negosyo ngunit marami ang nagsasabi na isa itong masungit at walang pusong CEO ng kanilang kumpanya.

Maraming haka-haka na marami na itong napaiyak na mga empleyado niya. Ngunit sa kabila ‘nun ay marami parin ang nahuhumaling sa taglay nitong kagwapuhan. Sino nga bang hindi? Perfect eye, nose, lips, jaw. Siya ang kina-aadikan ng karamihan ngayon na mas dumagdag ‘daw’ sa pagkagwapo nito ang kaniyang pagkamasungit.

Ikaw isa karin sa nahuhumaling sa kaniya dahil binabasa mo ito.

Now kung talagang gusto mo siyang makita ng personal pumunta sa ka Gray's Company dito sa Pilipinas dahil madalas ito doon. Good luck dear!’

Napasimangot ako dahil sa article na aking binasa, next time nga ayoko ng magbabasa nang article ang daming alam nang author eh, pero sabagay nahuhumaling nga 'din ba ako kay Zekiel? 

Ang ganda nang pangalan niya Zekiel, teka tama lang na alamin ko ang pangalan at katauhan nang ama ng mga anak ko noh!

Napahawak ako sa dibdib ko nang tumitibok ito nang mabilis. Tama, tama kaya ko siya hinahanap dahil sa mga anak ko tama...

Napatingin ako sa larawan niya bakit ba ang gwapo niya? At bakit parang gusto ko ito palaging nakikita? Agad kong sinarado ang aking laptop dahil doon, masama ito ayokong hanap-hanapin siya at worst ay paglihian baka pumunta ako sa kaniya naku! 

Ngunit maya-maya ay napatitig akong muli sa aking laptop at kusa ko nang binuksan iyon. Siguro naman kung mag sesave ako nang isa niyang larawan ay hindi masama ano? Sa dami niyang larawan sa internet di naman siguro siya magagalit. 

Agad kong sinave ang isa niyang larawan na naka business suit siya kaya napangiti ako ng malaki ngunit agad nakaagaw nang aking attention ang isa pang larawan niya ang gwapo niya din dito! 

Hanggang sa madami na akong na save na pictures niya, I can't help it! Napabuntong hininga nalamang ako at napatitig sa larawan niya, ginawa ko pa itong wallpaper. 

“Anong gagawin ko Zekiel? Mukang ikaw ang paglilihian ko, masama ito,” napahawak ako sa tiyan ko at kinausap ito.

“Anak bakit naman sa dinami daming pwede mong paglihian eh ang ama mo pa?” kunot noong sabi ko dito. 

“Claire? Claire,”

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni mama kaya agad kong naisara ang laptop ko at agad na tumayo upang buksan ang aking pinto. 

“Ma! Bakit po?” nakangiti kong sabi dito, abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Natatakot ako na baka mahuli ako ni mama, natatakot ako na baka malaman niyang buntis ako.

Teka saan koba nailagay ang pregnancy test ko? 

“May sasabihin lamang ako at tatanungin kung totoo nga ba,” nanlaki ang mata ko dahil doon kaya mabilis akong tumingin sa higaan at doon ay nakita ko ang pregnancy test ko, kailangan kong alisin yun! 

Mas dumoble ang kaba ko ng mahawakan ko ang pregnancy test at humarap muli kay mama, nakita kong nakakunot na ang kaniyang noo. 

“Anong ginagawa mo? Ano yan?” mas lalo akong kinabahan dahil doon, mabilis kong isiningit saaking short bandang bewang ang dalawang pregnancy test at ipinakita sa kaniya ang kamay ko. 

“Wala ma ano kaba, so ano nga yung sasabihin mo?” 

Inakay ko siya paupo sa higaan ko. Nang makaupo siya ay narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga bago nagsalita.

“Tumawag saakin si Bea, ang sabi mo daw gusto mo munang umalis dito sa bansa at mag bakasyon sa Paris, mamaya na daw ang flight mo totoo ba?”

Nagulat ako sa sinabi ni mama at napangiwi sa aking isipan. Jusko anong pinagsasabi ni Bea! At talagang mamaya na?! Ano ba yan, hayaan na nga tinutulungan lang ako nun. Kaso nakikita ko ang lungkot sa mata ni mama sigurado akong nalulungkot din si nanay Lucing kaya hindi pumunta dito yun, ganoon kasi siya. 

This time ako naman ang bumuntong hininga at hinawakan ang kamay niya.

“Opo ma totoo po, sorry po kung masyadong biglaan ang lahat at alam kong nagulat kayo ni nanay Lucing,” nakatitig na sabi ko sa kaniya. 

“Anak may problema ba? Bakit hindi mo sabihin saamin? Alam mong handa kaming intindihin ka, tutulungan ka namin ni nanay mo,” umiling ako kay mama dahil sa sinabi niya. 

“Ma wala po akong problema ano kaba diba ang saya-saya pa nga natin?” tumango naman siya saakin dahil sa sinabi ko.

“Pero napapansin ko nitong mga nakaraang araw palagi kang tulog. Ano ba talaga ang nangyayari sayo Claire baka mamaya may sakit ka na at mamamatavy na ah!” napatawa ako dahil sa sinabi ni mama, kung alam mo lang ma hahaha. 

“Ma OA lang? Mamamatavy agad? Pwede namang ospital muna ikaw talaga,” iling na sabi ko sa kaniya.

“Ma kaya ako pupunta sa paris upang hanapin ang sarili ko, gusto maging isang fashion designer mama alam niyo yan. At sa paris ko mas makakamtan ang pangarap na yun. Pupunta ako doon upang malaman ko ang pamumuhay sa paris dahil may balak ako doong mag-aral,” napatango naman siya sa sinabi ko. 

Hindi lingid sa kanilang lahat ang pangarap ko na yun mabuti nalang talaga smart ako at nakaisip agad ng dahilan hahaha, pero may balak talaga akong mag-aral sa paris hindi pa nga lang sa ngayon lalo na buntis ako. 

“Wag nang mag-isip ma! Andoon naman si Bea at Dylan, kaya nga aalis ako agad para sakto at andoon sila may kakilala ako. Kesa naman pumunta ako doon nang walang alam diba?” Natatawa kong sabi dito ngunit nakikita ko parin ang lungkot dito.

“Ma naman, mahihirapan ako lalo niyan e. Hindi ko naman 'to gagawin para sa sarili ko lang e, para saatin 'to ma. At isa pa, isang taon na akong walang trabaho,” dahil sa sinabi ko ay wala siyang ibang nagawa kundi ang tumango. 

“Nag-aalala lamang kami saiyo Claire, basta palagi mong tatandaan na mag-iingat ah? Wag magpapabaya sa sarili at wag ding basta basta makikipag usap sa iba. Kapag may problema sabihan mo kami agad andito lang kami ni nanay mo,”

Niyakap ko si mama dahil sa sinabi nito. 

“Salamat ma, thank you po.” hindi ko napigilan na mapaluha dahil doon.

Mababaw talaga ang emosyon ng mga buntis siguro kailangan ko nang masanay. Good luck talaga saakin. 

Mga Comments (37)
goodnovel comment avatar
Marissa Sarsaba Toledo
super ganda ng kuwento
goodnovel comment avatar
Juanita M. Guanao
next chapter pls. continue
goodnovel comment avatar
Juanita M. Guanao
nice novel
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status