MasukHindi inaasahang maging disabled si Martin Monteclaro pagkatapos ng isang car crash. After five years, pumasok sa HappyHatch Baby Company si Cassy Dela Vera. Isang single mom with twins. Walang tatay ang kanyang mga anak dahil nadisgrasya lang siya. Ang huling tanda niya lang nung gabing may nangyari ay pinapasok siya ng pinsan niyang si Nancy sa isang madilim na kwarto. Sobrang dilim doon pero bigla siyang nahilo. May nainom siyang kung ano. Tinanong niya si Nancy kung may alam ito tungkol doon pero wala raw. Hindi na niya iyon pinansin pa. Minahal niya na lang ang kanyang mga anak. Never siyang umibig kahit kanino dahil alam niyang sakit lang ang lalaki sa ulo.
Lihat lebih banyakHindi pa man natatapos ang dinner, iniisip na ni Martin ang isang bagay na gusto niyang sabihin sa kanyang ama. May charity gala kasi siyang gustong puntahan.
Isang taunang event kung saan iba’t ibang kumpanya ang nagbibigay ng donasyon para sa mga bata sa shelters. Simple lang naman ang pakay niya, ibahagi ang mga rejected toys ng kanilang kumpanya, ang HappyHatch Baby Co. Para sa iba siguro, basura ang mga iyon, mga laruan na may light scratches, slightly off na pintura, o misprint sa label. Pero para kay Martin, may batang puwedeng mapasaya kahit hindi perpekto ang laruang matatanggap nila. Kaya ngayong gabi, nagpasya siyang sabihin iyon sa ama niyang si Jose. Nasa malaking dining table sila, maliwanag ang chandelier. Roasted chicken, pasta at wine ang kanilang pinagsasaluhan. Katapat niya si Elvie, ang second wife ng ama niya, ang laging composed na asawa, laging maayos ang postura at parang laging may camera lagi sa harapan niya. Tahimik muna si Martin, bago siya huminga nang malalim. “Dad,” panimula niya, “I’m attending the HopeSpring Charity Gala sa Friday. Iniisip kong doon na rin i-donate ‘yung rejected toys from the last quarter. Sayang naman kung nakatambak lang sa warehouse natin.” Tumingin si Jose, sandaling tumigil sa paghiwa ng chicken. “Rejected toys? ‘Yung batch na hindi pumasa sa quality check?” “Yes,” sagot ni Martin, trying to sound confident. “Minor defects lang naman ang meron, nothing dangerous. They’re still functional. I think makakagaan tayo sa kids, makakatulong rin sa public image ng company natin.” “Hmm.” Tumango-tango si Jose, then leaned back on his chair. “You know, that’s actually… a smart move.” May laman ang tingin niya. “It’s thoughtful. And strategic.” Napatingin si Elvie kay Jose, nakataas ang kilay pero nakangiti. “Are we talking about company decisions over dinner?” biro nito. “Mukhang may important announcement ka, hon.” Ngumiti si Jose. “Actually, meron nga.” Biglang kumabog ang dibdib ni Martin, clueless kung ano ang susunod na sasabihin ng ama niya. “Martin,” sabi ni Jose, “I’ve been thinking about the future of HappyHatch lately. And after observing your decisions, lalo na ‘yang initiative mo ngayon, it’s clear to me that you’re ready.” Sandaling tumigil para may dramatic effect. “You will be the next CEO.” Parang tumigil ang mundo ni Martin. Napakapit siya sa gilid ng mesa. “Wait, Dad, totoo ba? Right away?” “Yes,” sagot ng ama niya, firm. “It’s time.” Si Elvie naman ay pumapalakpak pa, very supportive na parang nasa awarding ceremony. “Congrats, Martin! Grabe, ang bilis mo talagang mag-mature.” Hindi makapagsalita si Martin. Masaya siya, oo, pero hindi niya iyon inaasahan. And honestly, medyo scary sa part niya iyon. “Dad… thank you, alam kong maaga pa para ako ang maging next CEO pero salamat,” mahina niyang sabi. “I—I’ll do my best. I promise.” Pero bago pa niya ma-process ang lahat, biglang bumukas ang main door ng mansyon. Sunod na narinig ang mabilis na yabag sa hallway. Tumingin silang lahat sa way kung saan nila narinig iyon. At doon pumasok si Marvin. Nakabukas ang tatlong butones ng polo, medyo gusot ang buhok, at halatang kagagaling lang sa inuman. Amoy beer, alam mong lasing na lasing. “Ayyy,” ngisi ni Marvin habang pasuray-suray papasok. “Family dinner pala ang napuntahan ko. Dapat pala nagdala rin ako ng wine. Or… something stronger.” Hindi kumibo si Jose, halatang hindi na patient sa kanyang anak. “Marvin, ano na namang kalokohan na iyan?” “Don’t worry, Dad,” sagot ni Marvin, sabay bagsak ng sarili sa upuan na hindi naman nakalaan sa kanya. “Maayos ako. Sobrang ayos.” Saka siya tumingin kay Martin, mabagal pero matalim. “Lalo na ngayong balita ko… may bago nang golden boy.” Kinabahan si Martin. “Marvin… not now, please.” “Oh no, no, no,” natatawang sarkastikong sagot ni Marvin. “Now is the perfect time. Kasi narinig ko sa hallway habang naglalakad ako na… Congratulations, Martin! Ikaw na ang next CEO! Yay!” Pinandilatan siya ni Elvie. “Lower your voice, Marvin. You’re drunk.” “Wow, thank you, stepmom,” sarcastic na sagot niya. “Kala ko, hindi mo mapapansin na nakainom ako.” Tumayo si Jose, halatang sumasama na ang loob sa kanyang anak. “Marvin, that’s enough.” Pero hindi nakinig si Marvin. Tumayo ito, nakahawak sa sandalan ng upuan, naka-lean forward kay Martin. “Congrats, bro. I mean it.” Tumawa, pero walang saya. “Ikaw na ang bagong CEO. The chosen one. The favorite.” Kinuha niya ang wine glass ni Elvie at ininom ito na parang tubig. “Ang sarap.” “Marvin—” simula ni Martin. “Ano?” putol niya. “Magpapaka-humble ka pa ba? Eh ikaw na ang heir. Ikaw na ang bida sa lahat ng bida. Ako?” Tumawa ulit, this time mas mapait. “Ako ‘yung spare tire ng pamilya na ito. ‘Yung twin mo na masama ang timing palagi. ‘Yung laging hindi pinipili.” Napapikit si Martin, pilit hinahabaan ang pasensya. “No one said that. You’re still part of the company. You’re still important in this family.” “Important?” nag-gi-grimace si Marvin. “Ano ako? PR prop? Decoration? Charity case?” Nag-iba ang tono ni Jose, mas seryoso. “Marvin. Stop this nonsense or leave the table.” Saglit na tumahimik ang buong dining room. Tahimik na umiling si Marvin. “You know what? Fine. Celebrate your new CEO.” Turo niya kay Martin, medyo nanginginig ang kamay dahil sa alak. “Pero tandaan mo ‘to, my dearest twin. Hindi ako mawawala. Hindi ako magpapatalo. And this company? Hindi pa tapos ang laban nating dalawa dito.” Sabay talikod niya, malakas ang yabag palabas. Nang sumara ang pinto, saka lang nakahinga si Martin. Si Elvie ang unang nagsalita, medyo shaken ang kanyang boses. “That… was unnecessary.” Huminga nang malalim si Jose bago tumingin kay Martin. “I’m sorry you had to hear that.” Pero umiling si Martin. “No, Dad. Ako dapat mag-sorry. Maybe I shouldn’t have—” “Huwag,” putol ni Jose. “You earned this spot. Don’t let Marvin’s behavior ruin your night.” Pero kahit sinabi iyon ng ama niya, mahirap paniwalaan na magiging madali ang susunod na mga araw. Hindi gusto ni Martin na maunahan ang kapatid niya. Ayaw niya ng gulo. At higit sa lahat, ayaw niyang maging dahilan ng paglala ng relasyon nila bilang kambal. Tahimik lang siya habang nilalagok ang tubig sa harap niya. He is the new CEO? Hindi pa rin nagsi-sink in iyon sa kanya. Gusto lang naman niya mag-donate ng toys sa gala. Ngayon, biglang buong kumpanya na ang hawak niya. Bonus pa, ang isang kapatid na halatang masamang-masama ang loob sa kanya. Napatingin siya sa malamig na pagkain sa plato at napabuntong-hininga. “Dad,” mahina niyang tanong, “Sure ka ba na ako ang tama para sa pwesto na iyon?” Ngumiti si Jose, mabigat pero sincere ang kanyang mga mata. “Yes, Martin. Because you think of others before yourself. And that’s exactly the kind of CEO this company needs.” Pero kahit gaano kaganda ang assurance na binigay ni Jose, tumatak sa isip ni Martin ang huling tingin ni Marvin. May galit at duguan ang ego.Ang buong akala ni Cassy ay malinaw sa mga bata na hindi sila gagastos masyado ng mga bata pero mukhang mali siya. Pagpasok pa lang kasi nila sa mall ay kung anu-ano na ang binili ni Martin para sa bata. Damit, gamit sa school, laruan at kung anu-ano pa. Masaya man si Cassy pero may kung ano sa isip at puso niyang nagsasabi na sayang ang perang ginastos ni Martin para sa mga bata. Agad na nilapitan ni Hazel ang kaibigan dahil alam niya na ang iniisip nito. “O, kilala ko ang mukhang iyan. Hayaan mo na si Sir Martin na bilhin ang lahat ng gusto ng mga anak niya. Limang taon siyang nawala. Okay na iyon.” “Okay? Tingnan mo nga. Kung anu-ano ang binibili niya para sa mga bata. Kailangan ba ng mga bata iyan? Saka, nag-usap na kami ng kambal. Kung alam ko lang na hindi sila makikinig sa akin, e di sana ay hindi ko na sila kinausap,” inis na sabi ni Cassy. Natatawa namang sumagot si Hazel. “Minsan lang iyan, isipin mo na lang na bumabawi siya sa mga bata. Syempre, na-excite din iyang mag
Inis na inis si Cassy dahil sa tawaag ni Martin sa kanya. She was hopeful that everything will be alright between them. Pero, mali siya. Nasa isip niya lang pala ang lahat ng iyon at hindi iyon mangyayari kahit gustuhin pa niya. Napansin siya ni Hazel, agad itong lumapit sa kaibigan para tanungin ito pero hindi pa man siya nagsasalita ay nagsalita na agad si Cassy. “Iyong lalaking iyon talaga, kahit kailan! Ang sabi niya, ilalabas niya ang mga bata. Tapos ngayon, reschedule na raw dahil doon sa Portia na iyon?!” “Uy, girl. Kalma. Baka naman talagang urgent iyon para puntahan niya. Okay lang naman siguro na ire-schedule niya, di ba?” sagot ni Hazel. “Naiintindihan ko naman iyon. Busy siyang tao dahil CEO siya ng kumpanya. Pero, bakit ngayon pa? Ang timing naman, di ba? Sige nga, paano ko na sasabihin ito sa mga anak ko?” “Ipapaliwanag mo naman, di ba? Siguro naman, maiintindihan ng mga bata iyon. Matatalino naman sina Liam at Levi, e,” pag-comfort pa ni Hazel sa kanyang kaibigan.
Dumating na ang araw kung saan ilalabas na ni Martin ang mga bata. Excited ang kambal dahil first time iyon mangyayari sa kanila. Nailalabas man kasi sila ni Cassy ay hindi pa rin sapat iyon dahil wala naman sila gaanong pera. “Excited na excited ang kambal ah. Sasabihin na ba ni Martin sa kanila na siya ang ama nila?” tanong ni Hazel pagkatapos ay pinagdilatan siya ng mata ni Cassy. “Hazel, ano ba? Baka marinig ka nila. Tigilan mo nga iyang sinasabi mo.” “Bakit? Kaya nga nagtatanong ako,” natatawang sagot ni Hazel. “Hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila ang totoo. Nag-usap naman na kami ni Martin. Ayaw din niyang biglain ang mga bata kaya okay na kami sa ganito.” Bahagyang napangiti si Hazel, may kilig siyang nararamdaman para sa dalawa. “Wow, Martin na lang ang tawag mo sa kanya, ah? Hindi na Sir Martin?” Nang-aasar pa ang itsura nito kaya lalong asar si Cassy noong mga oras na iyon. “A-Ah, tinawag ko lang siyang Martin dahil siya ang ama ng mga anak ko. Ano ka ba? H
“Hindi. Hindi mo sila pwedeng ilayo sa akin. Ngayon pa kung kailan alam ko na ang katotohanan? Please, Cassy. Alam kong wala tayong relasyon pero hayaan mo naman akong maging ama sa mga anak ko,” sabi ni Martin, malinaw iyon.“Hayaan? Paano kita hahayaan kung pakiramdam ko ay kukunin mo sa akin ang mga anak ko? Mapera ka at makapangyarihan. Sa isang iglap lang, pwede mong dalhin sa kung saan ang mga anak ko,” sabi ni Cassy, may takot sa boses niya, hindi na maitago.“Hindi ba’t sinabi ko na sayo kahapon? Hindi ko kukunin ang mga bata sa'yo dahil alam kong hindi ganun kadali ang lahat. Isa pa, ikaw ang nanay nila. Bakit ko iyon ipagkakait sa mga anak ko, ha?” may inis na sa boses ni Martin noon.Natahimik si Cassy. Alam niyang mali ang gagawin niya pero may takot pa rin siyang nararamdaman dahil alam niyang tuluyan nang magbabago ang buhay ng kambal niya kapag nakilala na nila kung sino ang ama nila.“H-Hindi mo talaga
Umaga pa lang ay kabado na si Cassy dahil balak niyang umalis sa HappyHatch Baby Co at ibalik ang bahay na binigay ni Martin para sa kanila ng kanyang mga anak. Habang nagkakape ay hindi naiwasan ni Hazel na tanungin ang kaibigan habang busy pa ang kambal sa mga ginagawa nila. “Sure ka na bang i
Takot na takot si Cassy noon. Pakiramdam niya, sinabi lang ni Martin iyon para hindi siya mag-alala. Pero darating ang araw na kukunin ng kanyang boss ang mga bata at ilalayo sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya. Kung kanina ay naiintindihan pa niya ang sinasabi ni Martin, ngayon ay ayaw na niyang m
Nasa kotse pa lang ay hindi na malaman ni Martin kung ano ang dapat niyang isipin at sabihin kay Cassy kapag nagkita na sila. Habang nag-iisip, bumalik si Martin sa ulirat nang magsalita si Gabriel. “Sir, sure na kayong ngayon niyo siya kakausapin? Well, hindi naman sa ayaw kong kausapin niyo si C
Kinabukasan, hindi mapakali si Portia. Buong magdamag siyang hindi nakatulog, paikot-ikot sa kama, paulit-ulit na naaalala ang sinabi ni Gabriel o ang mga hindi nito sinabi sa kanya. Lalo lang sumisigaw ang duda sa utak niya, na ayaw magsalita ni Gabriel, na ayaw umamin n


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak