Share

Chapter Fifty nine

Alex Point of View

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng windshield at tinatanaw ang kapatid ko na papasok ng building na pagmamay-ari ni Xion Dylandy. Hindi na ako magtataka kung sila na nga ba o hindi pa. Mukang masaya naman si Alice na kasama ang lalaking 'yon.

Mahigpit akong napahawak sa manibela. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang plano ko o hindi na. Napapikit ako at kinalma muna ang sarili ko. Sasaktan ko ang kapatid ko, mailigtas lang ang lahat. Para sa kapakanan ng kaibigan ko at kapakanan ni Alice.

Kailangan ko pang mag-hintay nang ilang minuto para gawin ang plano. Dahil kapag dito ko sa building na ito ginawa 'yon ay magkakagulo ang lahat ng tao sa paligid. Mali man sa paningin ng iba, pero kailangan, para rin ito sa kaligtasan niya. Mas pipiliin ko na ako ang manakit sa kaniya, kaysa ang iba. Kung sa ibang tauhan ipinag-utos no'ng matandang 'yon, marahil ay ipapatay na niya si Alice sa taong 'yon. Kaya mas mabuti kung ako na lang an
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status