Castiello family is respected because of the high level of this family. Castiello family is good when it comes to business. But due to an incident, Alice Ethan Castiello and her Mother has been kidnapped by the Organization named Loriengston’s. And this Organization wanted to tear apart the Castiello. They struggle to find Alice for several years. When they finally found Alice, Loriengston’s Organization took action to take down the Castiello again.
Lihat lebih banyakJuliet's Point of View
I wanted to be a rich person. Hindi ko gustong makita ang pamilya ko na nag- hihirap sa trabaho. I don't want to see my mother struggling with her work. Kita ko rin ang namumula nitong kamay minsan dahil sa pag-lalabada.
“Juliet! Bumili ka muna ng pancit canton doon, kila Aling Bebang!” tawag ni Mama dahilan upang mawala ako sa malalim na pag-iisip.
“ Ilan Mama?”
“Tatlo. ”
“ Sige po. Puwede bang akin na lang ‘yung sukli, Mama?”
“Ano na namang gagawin mo sa sukli? ” Napa -atras ako dahil sa pag-sigaw nito.
“ Nag-iipon ‘yan ng pang load. Siguro pang ml. ”
“ I'm playing mobile legends pero talo naman ako. ”
“ Sige na bumili ka na, gagabihin ka na naman n’yan,” wika nito pa nito.
“Sige alis na ako!” Sabay labas ko.
“Bilis-bilisan mo ah nagugutom ako!” sigaw pa nito.
Nasa gitna na ako ng paglalakad ng may narinig akong nagbubulungan. Kaya napahinto ako.
“ Hoy! Nabalitaan mo ba? ‘Yung anak ni Teresa maagang nabuntis!”
“Ay oo! Ano bang bata ‘yan! Ang bata pa! ” Eh? Itong si Aling Marites laging may chismis. But I'm not sure if they are saying is true. Itatanong ko na lang kay Aling Bebang mamaya.
Nang makarating na ako ng tindahan at binalewala ko na lamang sila Aling Cecilia at Marites.
" Aling Bebang? Tao po! ”
" Oh! Juliet! Ilang pancit canton?" Bungad nito sa loob ng tindahan.
" T- Tatlo po. " Medyo nagulat ako sa boses nito dahil sa biglang pag sulpot.
" Aling Bebang? Totoo po bang buntis ‘yung anak ni Aling Teresa? "
tanong ko habang iniaabot ang bayad.
" Hay, nako! ‘Yang si Marites! Kay aga- aga may balita na! At ikaw Juliet ‘wag mo na lamang silang pansinin. Kay ganda-ganda mong bata manang-mana ka sa iyong ama." Itong si Bebang mapag biro. Wala na naman akong Papa eh.
" Sige salamat po." Sabay kuha ko ng sukli at umalis.
May nakita akong aso sa daan. Napahinto ako nang lumapit ito sa akin at inamoy-amoy ang binti ko. Why now! Takot ako sa aso!
" S-Shooo! Alis!" Medyo lumayo naman ito, ako naman ay tumakbo. Napalingon ako sa likod ko nang makita ko ang aso na hinahabol ako. Damn! Bakit nangyari ‘to at ngayon pa?
Bibili lang ako ng pancit canton! Ba't may aso pa! My brother was right after all. Hindi dapat ako nag-papagabi since kadalasan gabi lumalabas at nag-papauli-uli ang ibang mga aso.
Maaga akong nagising upang pumasok sa trabaho. Tamang taga- linis lang ako at taga mop sa 8/11.
" Ma! Kuya! Alis na ako!" paalam ko. Hindi ko na inintay pa ang sagot nila. Nagmamadali ako ngayon. Baka magalit si Ma'am Freya! Late na naman ako sa trabaho ko. Yes, nag ta-trabaho din ako.
Nilakad ko na lang ang Store na yon medyo nalapit lang naman kaya maaga ako nakaka-uwi depende kung anong oras matapos ang sermon ni Ma'am Freya.
Napahinto ako sa paglalakad at napaisip.
Kung nag-aaral lang ba kami ni Kuya siguro may nakuha kaming magandang trabaho ngayon di tulad nito ako janitress at si Kuya construction worker. At si mama labandera. Kung mayaman lang sana kami-siguro hindi kami mag hihirap. Minsan napapatingin ako sa ibang estudyante. I wish I could go to school and wear a uniform like them. Napangiti na lang ako sa kanila
“ J-Juliet, bilisan mo!” Napatingin ako sa babaeng tumawag sa’kin. Si Kristin, nakita na naman n’ya akong malalim ang ini-isip.
“Oo na, andyan na,” sabi ko. Nagpalit ako ng uniform na pantrabaho. Pagkatapos ko mag mop ay ini-ayos ko ang ibang paninda na nagsihulog. Pati ba naman paninda nahuhulog. Kulang na lang maglagay ako ng sulat na sana ayusin nila ang pag-dampot nila.
“ Juliet, pinapatawag ka ni Ma'am Freya,” sabi ni Oscar.
“ Okay, sige. Papunta na ako.” Saka ako dali-daling nagtungo sa office ni Ma'am Freya. Si Ma'am Freya ang manager sa store na ito. Medyo ‘di kalakihan pero maganda ang pagpapatakbo.
Bukas naman ang pinto kaya nag derederetso na ako.
“Hello, Ma'am.” Nakatayo ito at may kausap agad syang lumingon sa akin pagka-baba ng cellphone nya.
“ Oh, andyan ka na pala. Birthday mo bukas, ‘di ba?” Alam ni Ma'am Freya?
“Opo, pero mas masaya po sana kung bibigyan n’yo ako ng regalo, ” nakangiti kong tugon. Napataas naman ang kilay nito.
" Biro lang naman po. S'ya nga po pala Ma'am Freya, ba’t nyo po ako pinatawag?" Dagdag ko pa.
" Day off mo muna bukas. Para naman ma-celebrate mo ang birthday mo. Yun na lang ang regalo ko sa’yo, " nakangiti nitong wika.
“ P-Po?”
" Binabawi ko na sinabi-" bago pa mag bago isip n’ya ay pinutol ko s’ya. Malay ko ba na baka nag-bibiro lang sya.
“ Uhmm. ‘Wag na po Ma'am, thank you po sa regalo n’yo tatanggapin ko po,” sabi ko at ngumiti. Kahit may pag ka masungit ‘tong si Ma'am Freya ang bait pa rin nya. Who knows baka may tao rin na nagkaka-gusto sa kanya.
“Sige, ituloy mo na ‘yong gawain mong naiwan,” sabi nito ‘saka ako lumabas.
Sa dami kong gawain nakalimutan ko na birthday ko. Which is yun din ang araw na namatay si Papa. Kaya sabi ko kay Mama ‘wag ng mag celebrate. Naalala ko na naman yung aso. Trauma na trauma ako. Imagine mo bibili ka lang ng pancit canton may aso pa. Kaya sabi ko kay Kuya hinding-hindi ba ako bibili. No, never!
Kinuha ko na lang ang b****a sa tabi ng cashier at inilabas yon. Ngunit napahinto ako ng may lalaking matangkad na humarang sa daan ko. Napatingala ako dahil medyo may katangkaran ito.
He's wearing a simple shirt but it's look attractive. Kung titingnan ang postura nya ay halatang mayaman ito. Agaw pansin din ang itim at magandang buhok nito na animo’y hindi nadadapuan ng alikabok sa sobrang kintab at halatang malambot din ito.
“Miss, you look like someone that I know. ” Saka ito yumuko at medyo inilapit ang muka n’ya na naging dahilan ng pag- atras ko at iki-nabigla ko kaya nabitawan ko ang basurahan kong hawak. Sinisipat nya ako mula ulo hanggang paa.
“ H-Hoy!” Sabay tulak ko sa kaniya at pinulot ang nagkalat na b****a at inilagay ito sa lalagyan. Napahinto ako sa ginagawa ko ng magsalita ito.
“ Alice, its been a long time. I finally found you.”
Alex Point of ViewNapabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng windshield at tinatanaw ang kapatid ko na papasok ng building na pagmamay-ari ni Xion Dylandy. Hindi na ako magtataka kung sila na nga ba o hindi pa. Mukang masaya naman si Alice na kasama ang lalaking 'yon. Mahigpit akong napahawak sa manibela. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang plano ko o hindi na. Napapikit ako at kinalma muna ang sarili ko. Sasaktan ko ang kapatid ko, mailigtas lang ang lahat. Para sa kapakanan ng kaibigan ko at kapakanan ni Alice. Kailangan ko pang mag-hintay nang ilang minuto para gawin ang plano. Dahil kapag dito ko sa building na ito ginawa 'yon ay magkakagulo ang lahat ng tao sa paligid. Mali man sa paningin ng iba, pero kailangan, para rin ito sa kaligtasan niya. Mas pipiliin ko na ako ang manakit sa kaniya, kaysa ang iba. Kung sa ibang tauhan ipinag-utos no'ng matandang 'yon, marahil ay ipapatay na niya si Alice sa taong 'yon. Kaya mas mabuti kung ako na lang an
Alex Point of View "Alex, bakit nahinto 'yung plano? Akala ko ba ay ayos na?" tanong niya. Bakas sa boses nito ang pagkainis dahil sa ginawa ko. "Just do what I said. He's blackmailing me! H'wala akong magagawa! Ayaw kong madamay pa sila Aedis dito, gano'n rin ang anak niya! Ang anak ng kaibigan ko, Vyle! Ayaw kong madamay sila! Ayaw kong mawalan pa ng kapatid! Ayaw ko nang mawalan ng pamilya! Si Alice na lang. Si Alice na lang ang natitira sa akin, siya na lang, ang kapatid ko..." Napasandal na lang ako sa pader habang sapo ang noo ko. Gulong-gulo na ako. Simula no'ng bumagsak ang organisasyon namin ay nawalan na ako ng pag-asa. "Alex, calm down, okay?" saad ni Leslie habang tinapik ako ng mahina sa balikat. "Ikalma mo muna ang sarili mo, okay?" Napabuntong hininga na lang ako. Mabigat ang mga kamay na sinuklay ko ang buhok ko. Bakit ganito? Gusto ko lang naman dati na makuha ang kapatid ko na nawawala at maging masaya ang pamilya. Ang plano ko dati ay tapusin ang kalaban at pa
Alice's Point of View Naglakad ako papasok sa loob na mayroong mabigat na pakiramdam sa dibdib. Gustuhin ko man na lingunin siya, ngunit hindi puwede. Pinapakita ko lang na mahina ako pagdating sa malalapit sa akin na tao. Halos kumunot ang noo ko nang makita ko na nakangiti siya sa isang babae. Lumapit ako do'n at napatayo ang babae nang makita ako na papalapit sa kinauupuan ko kanina. Binigyan niya naman ako na nahihiyang ngiti, bago siya umalis. " Who's that?" tanong ko. "'Yung anak ni Mr. Estante," "Type mo?" "Maganda naman. Pero hindi ko type," sagot niya. "Wala ka bang balak kumain man lang?" tanong pa nito. Umiling ako bilang pagsagot sa tanong niya. " Let's go." Nakita ko kung papaano kumunot ang noo niya sa tanong ko. " Are you sure?" tumango ako. Kaagad siyang tumayo sa upuan niya at inayos ang necktie niya bago kinuha ang coat niya na nakalagay sa upuan. "H-Hindi ba tayo magpapaalam?" tanong ko. Mauuna na sana siya sa akin na mag-la
Alice's Point of ViewNakatingin ako sa lalaki na nasa labas ng pintuan ko. He's wearing a black coat na pinailaliman ng white long sleeve. Ang pang ibaba naman niyang suot ay black slack. Mas lalong gumuwapo ito sa paningin ko kahit na liwanag lang ng ilaw sa labas ng bahay ko ang tumatama sa kaniya. Ngayon 'yong sinasabi niyang engagement. Ayaw ko pa sanang pumunta ngunit pinilit ako nito. Isa na rin sa naging dahilan ko para pumayag ay baka mapahamak at bigyan na naman ito ng death threat ng kalaban. I just want him to be safe, kahit alam kong kaya niyang ipag tanggol ang sarili niya." Let's go?"" Ang sabi ko ay mag-hintay ka na lang do'n sa kotse mo, 'di ba?" Bahagya pa itong natawa sa tanong ko." I can't wait any longer, Alice. Nakaka-inip sa labas."" Akala ko ba ay kasama mo si Sarmien? Edi sana nag-usap kayo para hindi ka mainip," saad ko habang sinas
Lauren's Point of View" Mr. Lorien, I mean Mr. Lauren—"" Call me boss Lorien. Bilang leader ng organisasyon na Loriengston. Nararapat lang na Lorien ang itawag mo sa akin, dahil kinilala ko ang sarili ko sa pangalan na 'yon." Tumango ito." Masusunod po." Ngumiti ako sa kaniya. Naka-upo ako sa sofa habang sumisimsim ng kape habang nakatingin sa labas ng terrace. Maganda ang araw ngayon, ngunit may mas mai-gaganda ito kung walang sagabal sa mga transaction na ginagawa namin." Nasaan si CM?" tanong ko habang hindi ito binibigyan ng tingin. Ilang araw ko nang hindi nakikita at napapansin ang babaeng 'yon." Ilang araw na po siyang hindi nakikita sa underground. Mukang wala na itong balak mag-pakita. May kutob rin akong isa siya sa traydor sa organisasyon na ito, bukod kay Sarmien." Tuwing naalala ko ang ginawang pang-ta-traydor ni Sarmien sa organisasyon ko ay nang ga
Alice's Point of View"At 'yon ang bagay na nagawa ko, na never kong pagsisisihan." Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Tuluyan akong lumapit sa kaniya. Dahan-dahan kong itinapat ang kamay ko sa mata niya at hinila nang malakas ang piring sa mata niya na kulay itim. Narinig ko ang pagdaing niya sa ginawa ko. Hindi rin ako pinigilan ni Xion." May konsensya ka?" tanong ko. Ngunit nginisihan lang ako nito habang nakapalumbaba ang tingin at inangat sa akin." Matagal na akong nawalan. Simula no'ng gumawa ng ka-gaguhan ang Papa mo, Alice." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. How did she know? Paano niya ako nakilala kung tabon ang muka ko ng sumbrero at facemask na may voice changer? " You can't fool me. . .lalo na at kadugo mo ako. Alam mo ba kung sino ang pumatay sa magulang ko? Ah. . .Hindi nga pala. . ." Umiling ito at tumingin kay Xion at sa akin. Kita ko kung papaano niya ako titigan nang mariin.
Komen