Inalis ni Richell ang tubig sa kanyang mukha gamit ang kamay bago muling sumisid sa ilalim. Itinaas niya ang kamay at lumangoy papalapit sa kaibigan na nakaupo lamang sa buhanginan.
"Tara d'on tayo sa malalim." Aya niya rito pero inirapan lang siya nito na ikinatawa niya. Hindi marunong ang kaibigan at kahit turuan niya ito ay takot pa rin. Kaya siya lang ang madalas na sumisid sa dagat samantalang nasa buhanginan lang ito at naglalagay ng mga basang buhangin sa paa. "Bakit ba kasi ayaw mong turuan kita?" tanong niya.Umiling ito. "Ayoko nga dahil baka malunod ako, ikaw nalang tapos dito lang ako titingin sa'yo," ngumuso ito.Pabagsak siyang umupo sa tabi nito at hindi alintana ang buhangin na dumudumi sa kanyang pang-upo lalo't nakatwo piece silang pareho ng kaibigan."Dito nalang din muna ako para di ka mabored," sagot niya. Gumaya siya sa paglalaro nito ng buhangin habang nakatanaw sa malawak na karagatan na parang walang katapusan.HINDI niya napaghandaan ang muling pagbabalik nito. Halos umabot sa isang taon bago niya muli itong nakita at hindi niya iyon inaasahan. Nang lumipas ang ilang buwan mula ng huling araw nito dito ay nawala na rin sa kanya ang pag-asang babalik ito sa hacienda. Pero ngayong nandito na ito ay hindi niya alam ang ikikilos. Simula ng matulungan ng pamilya nito ang kanyang ama ay nagsilbi na siya sa malaking bahay at iba pang trabaho sa bukod ngunit ngayon lang ang araw na gusto niyang maglaho at hindi umapak sa lupain ng amo. "Are you fine here iho?" tanong ng ina nito. Naririnig niya ang usapan ng mga ito dahil siya ang naglalagay ng mga pinggan at kubyertos sa hapag. Nakilala niya ang mga kapatid at mga magulang nito at tulad ng kanyang tunay na amo ay mababait rin ang mga ito. Ngunit kahit mapagkumbaba ang mga ito ay hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng ilang."I'm fine mom," sagot ni Sais. Napapapikit si Richell kapag naririnig ang
"BAKIT ka naman umiiwas hindi mo ba alam na nakakahiya sa totoo mong amo? Imbes na sa malaking bahay ka maglinis nandito ka sa kwadra kasama ang mga kabayo." Lintaya sa kanya ng kaibigan na tumutulong sa kanya sa paghahakot ng mga dayami para sa kakainin ng mga kabayo.May kaya ito sa buhay hindi tulad niya na dukha. Pero kahit na angat ito sa kanya ay hindi ito maarte, tulad ngayon nagkusa itong tulungan siya sa kwadra kahit na hindi naman ito ang lugar para sa kaibigan. "Ayokong bumalik sa malaking bahay dahil baka mawalan na talaga ako ng respeto sa pinsan ng amo ko," asik niya sabay irap dito.Naikwento na rin niya dito na ang lalaking nakatalik niya ay si Sais at halos hapbalusin siya at itakwil nito dahil bakit hindi niya raw sinabi na gayong noong nakaraang linggo ay napag-usapan nila ito sa dagat.Ang alam lamang nito noon ay interesado siyang makachismis ulit tungkol kay cobra man kaya hinihintay niya ang pagbabalik nito. "Naku
Tulala lamang siya habang nakatingin sa paghampas ng alon sa buhanginan. Ang pagdampi ng hangin sa kanyang balat ay nagbibigay ginhawa sa kanya kahit papaano. Sumasakit na ang ulo kakaisip kung saan siya kukuha ng pambili ng gamot ng kanyang ama at pagkain nila. Dahil sa kalandian niya ay ayaw na niyang bumalik sa malaking bahay at ilang araw na rin siyang tumigil sa pagtanggap ng pera sa kanyang amo.Gusto niyang totoong bayaran ang mga naitulong ng mga ito kahit buong buhay siyang magtrabaho sa bukid wag lang niyang makasama sa iisang bubong si Sais. Kahit naman sa bukid ka magtrabaho dahil talagang maharot ka. Pati kwadra nga pinatos niyo. Okray niya sa sarili.Napapahilamos nalang siya ng mukha kapag naaalala ang naging pagtatalik nila sa kwadra. Muntik na silang maabutan sa akto ng kanyang kaibigan pero kahit hindi nito nakita ang totoo nilang ginawa alam niya agad ang iniisip nito.Nasabon siya nito pero lagi naman siyang ini
ABALA SI RICHELL sa pagpapagatas ng mga baka sa hasyenda. Maraming mga trabahador ang abala rin sa paligid habang siya ay focus na focus sa ginagawa. Kailangan niyang matapos agad sa trabaho dahil mamamasyal sila ng ama. Upang kahit papa'no ay makalabas ito."Mayaman ka na ba ngayon?"Kumunot ang noo niya sa kaibigan na abala naman sa pagkain ng mga saging na bagong pitas. "Anong mayaman? Gaga ka ba, bakit naman ako yayaman?"Nagkibit balikat ito. "Kung hindi ka mayaman bakit may bodyguard ka?"Napatingin siya sa parte ng hasyenda kung saan ang inginuso nito. Nakita niya si Sais na nakasakay sa kabayo at naglilibot libot kasabay ang kanyang amo. Ilang araw na ring ramdam niya palaging may nakamasid sa kanya ngunit hindi niya lang pinagtutuonan ng atensyon. "Paano ko naman naging bodyguard 'yan?"Napangiwi siya nang tumama sa kanyang mukha ang pinagbalatan ng saging na ibinato nito. "Ako wag mong pinaglololoko dahil alam kong ma
HE has been dealing with it for many months now and he can't help but to shout in so much pain. It's hurtful as fuck. Six is lying in his bed in the middle of a dark room. Malayo sa payapang pagtulog ang bawat pagpaling ng kanyang ulo. He's murmuring with heavy breath. Sweat all over his body. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kobre kama tulad ng diin ng kanyang pagpikit. Walang katao katao sa paligid dahil sa tahimik at napakalalim na gabi."Hi-Hindi ko na kaya," he whispered. "Pa-Pakawalan niyo na ako."Ang kanina'y mga halinghing lamang ay unti unting nagiging sigaw. He's in pain. Sa bawat pagsigaw niya ay dama ang kanyang paghihirap. He's having a nightmare. A bad dream that always knock to ruin his peace of mind. HINDI niya alam kung bakit sa isang iglap ay napunta siya sa ganitong sitwasyon na hindi na nanaising mabuhay pa. Nagpapapalag siya habang nakahiga sa strecher ng isang laboratory habang may mga doctor
"HINDI pa ba tayo uuwi?" Naiiritang tanong sa kanya ng kaibigan na nasa buhanginan na naman habang siya ay panay ang sisid sa tubig dagat."Mamaya na, pagabe na at maganda ang night swimming," sagot niya."Maganda ang night swimming kung marunong akong lumangoy, ginagawa mo lang akong audience palagi e."Tumawa siya habang inaayos ang mahabang buhok na basang basa na. Sandali siyang natigilan at napatingin sa papalubog na araw. Tumatama ang nakakahalina nitong sikat sa kanyang balat at dahil hapon na ay malamig na ang hangin. Kulay kahel na ang kalangitan na mas lalong nagpaganda sa paligid. Muli siyang sumisid sa tubig at lumangoy patungo sa malalim na parte. Gustong gusto niya ang palangoy, naaadik siya sa kulay asul na dagat at sa paghampas ng mga alon."Uuwi na ako," dinig niyang sigaw ng kaibigan. "May kasama ka na naman e," hindi niya pinansin ang sinabi nito at patuloy lamang sa paglangoy.Para siyang batang naglalaro sa
NAGISING SI Richell na nasa mga bisig pa rin ni Sais ngunit wala na sila sa buhanginan ngunit nasa kubo na malapit sa dalampasigan. Nakaupo siya sa kandungan nito habang ito ay nakasandal sa poste. Hindi mapigilan ng dalaga na sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Tiningala niya ang nakapikit na binata. Pinaglandas niya ang hintuturo sa matangos nitong ilong at napahagikhik dahil sa pagkislot nito. Hindi siya nagsasawang titigan ito dahil kung pagbibigyan lamang siya ng tadhana ay ayaw na niyang mawalay dito. "Ang gwapo mo," sambit niya."I know," sagot nito. Dahan dahan itong nagmulat ng mga mata at tumitig sa kanya. "And you're so beautiful," humalik ito sa kanyang noo.Napapikit si Richell at hindi niya namalayan ang pagpatak ng kanyang mga luha dahil sa masuyong boses nito. "Mahal kita," bulong niya. Natigilan ito at hindi sumagot, namayani ang katahimikan sa paligid maliban sa paghampas ng alon. Tahimik niyang din
MAAGANG BUMANGON si Richell sa higaan, nagluto siya ng paboritong sinigang na baboy ng kanyang ama. Hinaluan niya iyon ng maraming sibuyas tulad ng gusto nito at nagsaing, gumawa rin siya ng paborito nitong avocado shake. Malaki ang ngiti sa kanyang mga labi dahil sa kapayaan ng kanyang kalooban."Tay, gising na ho masarap ho ang agahan na'tin ngayon," pagtawag niya dito. Pumanhik siya sa papag na higaan nito at nakita niya itong kakabangon lang. "Nagluto ho ako ng paborito niyo 'tay," masayang bungad niya. Ngumiti rin ang kanyang ama bago tumayo."Ikaw talagang bata ka inuubos mo lang sa'kin ang sahod mo." Inalalayan niya ito pababa."Syempre naman ho 'tay wala naman ho akong dapat na paglaanan ng sahod ko kundi kayo, tatay kita remember.""Bakit nakakalimutan mo bang tatay mo ako?" Pabirong tanong nito."Naku, makalimutan ko nalang na inlove ako wag lang ang gwapo kong tatay." Kinurot nito ang tagiliran niya kaya natawa siya ng mal