Home / Mystery/Thriller / Chain the Truth / 1 Police Captain Luna Rose Enriquez

Share

1 Police Captain Luna Rose Enriquez

Author: Hannah
last update Huling Na-update: 2021-07-18 13:28:42

Napahigop ako sa aking mainit na kape habang tinitingnan ang mga litrato na nakuha namin sa crime scene. Halos pinaliguan nang bala ang biktima sa kanyang katawan. Isa sa ulo at siyam sa kanyang dibdib.

Hindi ito homicide, talagang may galit ang suspek sa taong ito. Sabi din sa autopsy ay dalawang araw na daw ang bangkay mula nang may nag-report nito at natagpuan namin sa abandonadong gusali.

“Mukhang busy talaga ang kapitan namin ha.” sabi sa akin ni Celyn habang may bitbit nang supot na tinapay.

“Ito oh. Miryenda. Huwag kang mag-alala, libre ko na yan. Nakuha ko na kase ang bonus natin.” Pangiting inabot niya sa akin ang isang pandesyal. Tinanggap ko naman ito gamit ang aking palad.

“Sampung bala,” bulong ko sa aking sarili habang tinitingnan nang maigi ang mga litrato. Napahinto ako sa aking pagtitig nang kinalabit ako sa balikat ni Celyn at inutusan na kumain muna ako dahil alam niyang hindi pa ako nag-a-agahan.

Si Police Lieutenant Celyn Cruz ay ang aking kaibigan, simula nang nakapasok kami sa loob ng pagiging pulisya. Siya ang naging buddy o partner ko sa training, mas naging ahead nga lang ako sa rank pero hindi pa rin nagba-bago ang aming pagkakaibigan. 

“Sampung bala Celyn. Hindi ko akalain na ganito ang gagawin nang suspek sa biktima at isa pa, tingnan mo nga ang mga braso at hita nito. Pinag-pu-putol pa,” wika ko kay Celyn.

“Sigurado akong tama ang hinala mo na matindi nga ang galit nang suspek na yan. Hindi ka naman talaga nagka-kamali eh,” sagot niya sa akin. Napatigil kami sa gitna nang aming pag-uusap nang pumasok sa aking office ni Patrolman Richard Samili na may dalang papel. Nagbigay saludo sa akin at kay Celyn.

“Ma’am? Andito na daw po ang magiging kasama natin sa pagresulba nang kaso,” anito sa akin. Ibinigay niya ang hawak niyang papel at tiningnan ko ang nakapaloob dito.

“Police Major Alexander Dawson.” Ang pangalan nang isa pa namin kasamahan sa SCI.

“Darating na rin po siya bukas para makita ang mga litrato at iba’t ibang dokumento patungkol sa krimen na nangyare,” dagdag niya pa sa akin. Bukod kay Patrolman Richard.  Kauna-unahang lalake na papasok sa aking team galing ibang station.

“Sige, maaari ka nang umalis kung wala ka nang gagawin pa dito Patrolman Samili,” sabi ko sa kanya. Muling nagbigay saludo siya sa akin at nagpaalam na aalis na siya sa aking opisina.

Ibinaba ko ang dokumento na hawak ko patungkol sa bago namin na makakasama sa pagresulba nang krimen. Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa mga impormasyon na nakalap namin sa mga tauhan na nakakakilala sa biktima.

Robert Malinao, apat na put isang taong gulang, kasal, nakatira sa Sta. Ana Del Monte Street, isang sikat na business man at may anak na isa. Lumabas na rin ang resulta sa forensic ballistic patungkol sa examination ng bala.

Sinabi sa akin ni Lucy na isang forensic expert na ang bala ay galing sa 9mm Glisenti. Nalaman niya ito dahil sa diameter nang bullet na 9.02 (.355) at ang case length nito na 19.15 (.754).

Nakakasiguro daw siya. Tinanong ko kung may nakuhang code sa bullet o serial number na kung saan pwede namin malaman kung anong shop binili ang bala, baka kase makakuha kami nang impormasyon kung sino ang bumili nito.

Wala daw siyang makitang ibang impormasyon sa isang modern centerfire cartridge  bala kundi ang haba ng case at diameter lang nito. Ang sukat nang bala at ang case nito ay halos tugma sa murder weapon na 9mm.

Inabot ko kay Celyn ang isang litrato kung saan nangyare ang krimen. “Alam ko may mga cctv dito. Pwede mo bang ihack ang linya ng cctv doon?” tanong ko sa kanya.

“Ang abandonadong gusali na ito ay medyo malayo sa kabahayan. Titingnan ko kung ano ang mga nahagip nang cctv sa bawat bahay at sulok bago makarating sa gusaling iyan,” sagot sa akin ni Celyn.

Hindi lang din isang kaibigan at pulis opisyal si Police Lieutenant Celyn Cruz. Dahil nakapagtapos ito sa kursong information technology kaya magaling din siya sa mga pasikot-sikot sa loob ng mga server.

“May mga security ang mga cctv nila, medyo matatagalan ako sa pagpasok sa kanilang system,” Anito sa akin.

“Mga ilang oras ang ka-kailangan mong gugulin para tuluyang makapasok sa loob nang cctv system nila?” tanong ko kay Celyn. Napahawak ako sa aking sentido habang nagbabasa nang mga ibang impormasyon patungkol sa murder case ni Robert Malinao.

“Mayroong limang bahay na may cctv bago makarating sa mismong pinang-yarihan nang krimen. Siguro mahigit isang araw ito, pero susubukan ko ngayon,” sagot niya sa akin.

“Ayaw kaseng magpa-unlak nang mga may-ari nang bahay na may cctv. Ang sabi nila ay wala naman silang kinalaman sa krimen. Dagdag pa nila ay wala silang cctv kaya wala tayong dapat hingiin sa kanila. Okay lang, hindi natin sila pipilitin. Naiintindihan ko ang kanilang sitwasyon,” ani ko kay Celyn habang tutok siya sa kanyang laptop.

Nagkita kaming muli sa headquarters kinabukasan. “Unsupported files, lahat. Wala akong nakalap ni isa, maaaring na delete na nila lahat. Wala na akong magagawa dito Luna,” malumanay na sabi sa akin ni Celyn.

“Shit.” Napayuko ako sa aking lamesa dahil halos wala kaming makitang lead sa crime scene. Walang mga finger prints o kahit anong identity na pwede namin makuha upang matunton ang salarin. Gustong kumilos nang aking katawan at gawin lahat nang aking makakaya sa kasong ito pero hindi namin alam kung paano ito sisimulan.

Inangat ko ang aking ulo nang may biglang bumukas nang pinto at iniluwa si Patrolman Richard Samili. “Good morning Ma’am Enriquez,” bati niya sa akin sabay binigyan niya ako nang pagsaludo.

“May nakuha ka ba nang magagamit natin sa kaso?” tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa at isinalaysay niya ang kanyang nalaman sa pamilyang Malinao. Binigay niya sa akin ang kanyang tickler at pinabasa sa akin ang mga sagot nang pamilya nang biktima.

“Sinabi nang kanyang asawa ay wala naman daw naikwento si Mister Malinao sa kanya kung may kaaway ba ito. Tinanong ko rin kung may kakaibang bang kinikilos ang kanyang asawa bago mangyare ang krimen. Ang sagot niya sa akin ay wala naman daw. Puro trabaho at pamilya lang naman ang inaalala niya. Hindi niya daw lubos maisip na ganito sasapitin nang kanyang asawa sa araw ng bagong taon,” sagot sa akin ni Richard.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Chain the Truth   46 Police Major Alexander Dawson

    “Nakasulat sa noo nang batang lalake ang salitang ‘JUSTICE’,” sabi sa akin ni Luna. Anong hustisya ang hinahanap niya? Eh dapat ang magkaroon nang hustisya ay ang pamilya nang mga batang ito. “Oh God…” sabi ni Nicky habang hawak-hawak ang kanyang laptop. “Bakit anong mayroon?” tanong sa kanya ni Austin. Iniharap ni Nicky ang kanyang laptop sa amin at inilagay ang laptop sa lamesa. Nakita namin ang dalawang batang lalake na nakalive sa isang website. Nakatali silang dalawa sa armchair at nakapiring. “Hindi ko matrace ang location kung nasaan nanggagaling ang signal. Mukhang matindi ang ginamit niyang website breaker at hinacked ito,” sabi naman ni Nicky. “Shit! Anak ito si Sir Collins at ang kaibigan niya, kailangan natin ang Cybercrime group ipaabot sa kanila ang balita!” utos ko kay Symae. Tumingin ako sa may upper right side at nakalagay na nakalive ang video na ito at napapanood nang mga tao. “Ngayon? Pwede ko na ba makuha ang atensyon ninyo?” sabi nang lalake na hindi kita a

  • Chain the Truth   45 Police Major Alexander Dawson

    “Major? May nakita akong mga pasa sa binti nang biktima mukhang minaltrato pa itong batang lalake na ito bago tinuluyang patayin,” sabi sa akin ni Lucy. “Teka teka, namatay ba ang batang lalake sa pagpalo nang mga bagay-bagay sa kanya bago tinuluyang hiwain ang kanyang katawan pati tanggalin ang laman at loob nito?” pagliliwanag ko sa kanya. “That’s right. Nagkaroon nang internal bleeding ang bata, isa pa. Kung titingnan mo ang ulo nang bata na ito, mukhang hinampas din ito nang malakas, nahimatay itong bata, nawalan nang malay at pinagpatuloy pa rin ang paghahampas nang kriminal hanggang sa tuluyan na itong mawalan nang buhay at inumpisahan na hiwain ang kanyang dibdib hanggang tiyan,” sabi sa akin ni Lucy. “Kahit an

  • Chain the Truth   44 Police Major Alexander Dawson

    Kinabukasan ay isang bangkay ang natagpuan sa harap nang paaralan nang San Ramon Academy at ang estudyante ay kinilala sa pangalan na Shawn Pamoy na ang isa sag a dinukot.Agad na kaming remesponde sa eskwelahan. Nakita namin na wala na rin laman at loob ang estudyante, kasabay namin na dumating ang Pamilyang Pamoy para kumpirmahin na kung anak ba nila ang nakahilata sa sahig na walang buhay.Nang makalapit ang nagpakilalang ina nang bata ay nag wala na ito dahil anak niya nga ang batang nakahiga.“Ang anak ko! Ang anak ko! Renz ang anak natin!” sigaw nang ginang. Halos hindi siya makapaniwala na ganito ang sinapit nang kanyang anak. Nakatunog din ako, posible kaya ang pumatay sa anak ni Sir Luisito ay siya rin ang dumukot sa iba at pumatay sa kawawang bata itong? Ito ang katanungan na kailangan namin masagot.Nagulat kami nang biglang sumulpot si Colonel Collins sa amin at tiningnan ang bangkay. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aa

  • Chain the Truth   43 Police Major Alexander Dawson

    Pagpasok namin sa loob nang aming opisina ay agad kaming nagulantang sa balita na nakarating sa amin.Nakita namin si Colonel Collins na nasa loob na nang aming opisina para ireport sa amin ang insidente na nangyare sa kanyang anak dahil daw dinukot daw ito mismo sa kanilang eskwelahan.Humingi nang tulong sa amin si Colonel, hindi niya naman kailangan na humingi nang tulong dahil tungkulin namin ang gawin ang aming obligayson. “Hindi lang ang anak ko ang dinukot, dalawa daw sila nang kaibigan niya, ito ang sabi nang ga nakakita, hindi na daw nakapalag ang dalawang binata dahil tinutukan sila nang baril at pwersahang pinapasok sa loob nang kotse,” sabi sa akin ni Colonel. “Huwag niyong hayaang mawala ang aking anak,” dagdag niya sa amin. Pagkatapos niyang sabihin sa amin lahat ay napatulala lang kami

  • Chain the Truth   42 Police Captain Luna Rose Enriquez - Dawson

    Kinabukasan ay napaaga ang aking gising dahil nakapagpahinga ako anng maayos. Habang si Alex at si Baby Daniel naman ay payapa pa rin na natutulog.Tinulungan ko nalang din na maghanda nang umagahan si Aling Bina pagkatapos namin magluto ay maaga-aga pa para kumain ang umagahan.Umupo muna kaming dalawa sa sofa at binuksan ang telebisyon. Muling lumitaw sa medya ang kaso na hinahawakan namin ngayon patungkol sa anak ni Police Lieuetenant Colonel Brandon Luisito sa anak niyang si Grace Luisito.Nakita ko rin na marami ang nagrarally sa harap nang headquarters. Hinihingi nila ang hustisya.Muli akong bumalik sa aming kwarto para tingnan ang files ni Grace, pagakatapos ay inilagay ko na ito sa bag para maidala sa headquarters. Sabay na kaming kumain ni Alex at pumunta sa headquarters, nang makarating na kami doon

  • Chain the Truth   41 Police Captain Luna Rose Enriquez - Dawson

    “Captain may bagong pasok na kaso,” sabi sa akin ni Symae dala-dala ang isang folder, inaabot niya ito sa akin at agad ko nalang tiningnan kung ano ang mga nakapaloob dito.Napataas ang aking kilay. Hindi naman ito bagong kaso, noong nakaraang dalawang buwan pa pala ito. Ito ang kaso na kung saan namatay ang anak ni Police Lieutenant Colonel Brandon Luisito.Ang sabi sa report ay ayon daw sa nakakita sa bangkay ay wala na daw itong laman at loob, maaaring kinain daw ito nang aswang dahil nasa liblib daw ito na lugar kung saan nakita ang bangkay. Alam ko naman ang mga paniniwala nang mga tao doon. Kung aswang nga talaga ang kumain sa laman at loob nang anak ni Lietenant Colonel Luisito?Paano nila maipapaliwanag ang bakas nang tali sa dalawang kamay at paa nang dalaga. “Hindi naman ito bagong kaso Sy

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status