A headmistress, the head of the game, created this dull looking city in order to test someone's ability to survive without trusting anyone. The city consist of 100 participants and has their different roles. The doctor, killer, citizen and police. As she gathered the unfortunate players, her game began.
Lihat lebih banyakChapter 1
--
Napamulat ako dahil sa liwanag na tumapat sa mata ko.
N-nasan ako?
Unti unting umaangat ang isang parang elevator kung san ako nakahiga kanina. Nang tuluyang makita ko na kung nasan ako, agad akong bumaba sa parang elevator at nilibot ng tingin ang paligid.
Isang napakataas na building agad ang umagaw ng atensyon ko. Habang ang iba'y mga mabababa na. Mukhang siyudad ito na inabandona ng mga tao dahil sa sobrang tahimik. Kakaunti ang mga nagtataasang buildings pero maraming mga kabahayan
Hindi yata uso subdivision dito.
Halo halo ang mga building at mga bahay. May kalye namang malinis at walang kahit na anong dumi. May mga punong nakatayo sa iba't ibang parte ng siyudad. Naaaninag kong may mga tao sa lugar na ito dahil nadidinig ko ang mga yabag nila dahil sa katahimikan ng paligid
Lumapit ako sa babaeng kalalabas lang ng bahay niya. "Excuse me. What is this place?"I asked confusedly. Pero imbes na sumagot, dali dali lang siyang tumakbo palayo sakin
Do I look like a killer?
"Binibini.."biglang may tumawag ng atensyon ko kaya napalingon ako sa bandang likuran ko
Tumingin ako sa paligid if he's pertaining to me "Are you talking to me?"
Bahagya siyang tumango "Oo, binibini"malumanay niyang sagot.
Isang matandang nangungulubot na ang balat na may matamlay na mata at katawang medyo payat
Well he's lack of nutrients. Sa edad niyang yan, he should be resting
"Can I ask you something? Don't run, ok?"naniniguro kong sabi sakanya pero binigyan lang niya ako ng nabuburyong tingin "What is this place? I mean, yeah it's a city. I can see it's a city pero why the hell is it like this?! Konti lang yung tao and that elevator thing is so stinky. Tapos yung mga tao, sobrang weird, like, seriously?! Tinakbuhan lang ako dahil sa naging tanong ko?! And yung mga bahay--"
"Nasasayang ang oras saiyong mga tanong,binibini. Kaya maaari bang simulan na nating maglakad"pagpuputol niya sa mga sinasabi ko saka nagsimulang maglakad
Hah! That was rude!
Wala akong ibang nagawa kundi ang sumabay sakanya sa paglalakad.
Walang kabuhay buhay ang paligid. Sobrang plain ng lahat. Bored yata mga construction worker nung ginawa toh
"Simulan mo na ang iyong tanong binibini.."aniya habang nasa harap ang paningin
Tumingin muna ako sa paligid para maghanap ng tanong. Urgh! I forgot my question!
Nanahimik nalang ako dahil nalimutan ko yung itatanong ko sakanya. I'm sure maaalala ko din yun
But while we're walking, I saw some people wearing jackets with a different colors and a number on it. Tiningnan ko ang sarili ko and I was shocked nang makitang I'm wearing a baby blue jacket. I tried to reach the number in my back Meron nga!
"Why are we wearing these jackets? And what's these numbers in our backs?"
"Ang iyong kasuotan ang siyang kailangan suotin ng mga taong nakatira dito.."nanatiling nasa daan ang tingin niya. I keep on listening "At ang tinutukoy mong numero sa inyong likod ay ang inyong mga pangalan"
My eyebrows furrowed "Pangalan namin?! Mga numbers?! Are you serious?! Maganda kaya yung pangalan ko. I'm--"nahinto ako sa sinasabi ko nang bigla siyang lumingon sakin na may masamang tingin
"Huwag mong babanggitin ang pangalan mo rito"aniya sabay linga sa paligid
He looks crazy
"Why? Maganda naman yung pangalan ko ahh"
"Kahit ano pa ang iyong pangalan. Wala iyong halaga rito.."aniya saka nagsimula ng maglakad ulit
Sumunod lang ako sakanya. Tinitingnan ko ang mga taong nakatingin lang samin habang ang iba nama'y umiiyak at takot na takot
"Why are they crying?"I asked while looking at those people
"Normal lamang iyon sa mga natatakot"mababa ang tono ng pananalita niya
Gulat akong napatingin sakanya "Takot? Takot saan? This is just a city right?"
Huminto siya sa paglalakad saka unti unting tumingin sakin "Hindi lamang ito isang siyudad. Higit pa ito sa inaakala mo"tinitigan niya ako sa mata na parang sinasabi nito na seryoso at totoo ang lahat ng mga sinabi niya
Nakaramdam ako ng kaba dahil sa mga titig niya at sa kapaligiran. Parang unti unti ko ng napagtatagpi tagpi ang lahat
Nagsimula na ulit kaming maglakad hanggang sa makarating na kami sa isang namumukod-tanging building. Kulay itim ang tint ng mga bintana nito dahilan para magreflect ang liwanag ng araw.
"What's that?"tanong ko habang nakatingala sa building na iyon
"Iyan ang Building of Power.."
Bumaba ang tingin ko sakanya "Seryoso ka jan? I mean.."I chuckled"Ang cool tingnan ng building tapos ang baduy ng name?"
"Huwag mong insultuhin ang ginawa ng iba dahil hindi mo nanaisin ang kabayaran nito"seryoso niyang pahayag saka naglakad na ulit
Napairap ako. Dzuhh as if I care
Agad akong sumunod nang may tanong na pumasok sa isip ko "Pano naman makapasok dun?"
"Depende kung magugustuhan ka ng headmistress"he said without looking at me
"You mean, may pakana nitong lahat ng toh? At yun yung headmistress?"
"Tama ka riyan, binibini"
"Then what's her purpose on doing this?"
"For fun.."maikling sagot nito saka naglakad ulit
Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi niya. For fun? For fun ang alin?
"Are we in a freaking game?"sigaw ko dahil malayo layo na ang distansya niya sakin. Huminto lang siya sa paglalakad pero di lumingon sakin "I said are we in a freaking game?!"
Tumingin siya sakin "Narito nga tayo"kalmado ang tono ng pananalita niya. Di mo kakikitaan ng kaba o takot
I was astonished when he said that. Well, I assumed it already pero iba yung kaba at takot nang makita ko ang iilang mga tao kanina. They're all scared. Mukhang alam na nila kung ano talaga ang nangyayari. Now I understand why the woman runaway
"It's just a simple game, right?"umaasa kong tanong. I wish he'll say yes
"At dahil naitanong mo na iyan, halika't maglakad habang sinasaysay ko sa iyo ang lahat"tinangka niya akong hawakan pero agad akong umilag
"Answer my question!"I shouted at him
Sandali niya akong tinitigan na parang nagulat sa ginawa ko. I won't regret it "Sa larong toh, sekreto ang iyong sandata. Hindi ka maaaring magtiwala't magmahal.."pambibitin niya saka nagsimulang maglakad
My eyebrows furrowed. Bat ba ang hilig nito maglakad?!
Kahit naiinis, sumunod padin ako sakanya at nakikinig "Mayroong dalawang klase ng patakarang dapat sundin. Ang major rule at minor rule."may ganon nanaman? "Ang minor rule, huwag babanggitin ang pangalan mo, hindi mo maaaring ibahagi ang kahit anong impormasyon tungkol sayo, at hindi maaaring makipag kaibigan"nagsalubong kilay ko. Seryoso ba siya? Kailan pa pinagbabawal ang makipagkaibigan? "Ang major rule. hindi ka maaaring magtiwala, huwag kaawaan ang mga kalaban, at huwag kang magmamahal"
Agad akong umalma "Anong kabaliwan yun? Lahat ng tao nagmamahal! Everyone wants to have a friend. Pero dito? Pinagbabawal niyo?"
"Lahat kayang sabihing nagmamahal siya. Ngunit ang totoo'y pinaglalaruan ka lang pala.."natahimik ako sa naisagot niya "Lahat kayang sabihing kaibigan ka nila, pero ang totoo, sila pala ang kalaban mo"tumingin siya sakin na may matamlay na tingin "Palagi kang mag-iingat sa mga taong nakakasalamuha mo. Hangga't maaari, gamitin ang puso sa pagpili ng kaibigan, hindi ang isip. Pagka't ang puso'y hindi kailanman nanghuhusga, tanging ang isip lamang"mahaba niyang paliwanag dahilan para hindi ako makapagsalita. May katotohanan nga naman ang sinabi niya
Nakarating kami sa isang lugar kung saan may malaking puno sa gitna. May mga berdeng halaman at mga damong nakapalibot rito. May mga benches na bakante. Napakaganda ng paligid dahil sa kakaibang kulay nito. Mukhang ito lang nga ang maganda sa bawat sulok ng siyudad na toh
"Narito tayo sa puso ng siyudad.."bakas sa tono ng pananalita niyang masaya siya't pinagmamalaki itong lugar
"This is instagramable.."it flabbergasts me to see how beautiful it is despite of it's bad record.
"Ang punong iyan ang siyang magiging buhay sa gitna ng labanan"
Bumalik ulit ang takot ko nang maalalang hindi ito basta bastang siyudad
Nagpatuloy ang paglalakad namin hanggang sa makarating kami sa isang mall na nilulumot na pero maganda padin tingnan
Pumasok kami at bumungad sakin ang kumikinang na chandelier, iba't ibang mga stalls at makintab na tiles.
Mas mukha pa tong mansion kesa sa mall
"Ito ang inyong mall"aniya habang naglalakad parin
Habang naglalakad na kami papasok, hindi padin ako makapaniwala sa nakikita ko. Pero napapansin kong walang tao sa bawat stalls na usually namang meron talaga
"Bakit walang tao? Pano kung manakawan toh?"I asked worriedly
"Huwag kang mag-alala binibini. Maaari naman kayong kumuha lamang rito ng inyong kakailanganin"
Gulat akong tumingin sakanya "Seriously?!"tumango lang siya bilang tugon. Agad akong pumasok sa bawat stall at tiningnan ang mga gamit na binibenta nila. Totoo lahat at hindi mga peke!
I love this place na!!
"Halika na binibini, tayo'y magtutungo na sa iyong tahanan"mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Wala akong maalalang nagpagawa ako ng bahay dito
Nagtataka ma'y sumama din ako sakanya dahil sa kuryusidad ko sa itsura ng bahay na sinasabi niya.
Habang naglalakad kami, nadadaanan namin ang mga buildings na walang katao-tao. "Why aren't you introducing to me these buildings?"
"Kagaya sa isang normal na siyudad, iyan ang mga gusali kung saan nagtatrabaho ang mga empleyado"
"So, you stole this city? Kasi you won't spent some money just to build this building na hindi naman pang gagamitan"
"Hindi ko pag aari ito, binibini. At lalong hindi ko masasagot ang iyong mga katanungang iyan sapagkat ako'y naninilbihan lamang sa headmistress"
Napabuntong hininga nalang ako. I don't think I can win this game he's talking about. I don't know how to fight and I don't know how to... nevermind
"Narito na tayo.."aniya habang nakaharap sa isang bahay na walang tao
Second floor at kulay blue ang buong bahay. May mga halaman ring nakatanim sa maliit na bakuran at may kapitbahay ako sa likod ng bahay ko
Pumasok yung matanda at tumambad samin ang isang malawak na loob. Although maliit lang siya pero malawak ang looban niya. Kulay sky blue ang bawat sulok pati ang mga gamit na parang nasa ulap ka. Malinis at walang kaali-alikabok rito. Kompleto ang mga gamit at malilinis pa. May hagdan na puti na paakyat ng second floor
"This is so amazing!"bulalas ko habang nililibot padin ng tingin ang buong paligid "Seryoso ka bang akin toh?"I can't believe seeing this wonderful thing
Pero napansin kong naupo lang yung matanda sa couch na may nilalapag na papel at ballpen sa center table. Naupo nalang ako dahil mukhang seryoso na siya ngayon
"Ako'y natutuwa dahil nagustuhan mo ang iyong tahanan. Ngunit.."pambibitin niya. Bumuntong hininga siya't sinalubong ang tingin ko "Ngunit hindi ka maaaring magsaya, binibini. Isa itong madugong laro. Isang larong kakailanganing dumanak ang dugo"
"W-what do you mean?"kabado kong tanong sakanya
"Di-diretsuhin na kita binibini. Iyang papel na nasa iyong bulsa ng jacket ay ang iyong gampanin o role.."
Pinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng jacket at hindi nga siya nagkamali dahil mayroon doon ang isang maliit na piraso ng papel. May nakasulat doon na doctor
"Ang iyong sandata'y nasa itaas..Ingatan mo ang iyong kagamitan.."paalala pa niya
"B-bakit kailangan pa ng sandata? M-may labanan ba?"
"Sa lugar na ito, mayroong mga sikretong dala dala ang bawat isa. Ang inyong sekreto ang inyong sandata sa laban na ito kaya hanggat maaari, huwag kang magtiwala sa iba o sa kahit na sino"nasa mga mata ko ang titig niya "Ang mga tao rito ay nahahati sa apat na grupo. Ang isa ay citizens, pangalawa,police, pangatlo, doctors at panghuli...killers" kinilabutan ako sa pag-huli niyang sinabi
M-may mga mamamatay-tao sa lugar na ito..
Inilapit niya sakin ang ballpen ang blankong papel "Sa bawat araw na dadaan, isulat mo sa papel na ito ang mga taong pinaghihinalaan mo. At pagsapit ng linggo, ilagay mo ito sa istasyon ng police."nanginginig ang mga kamay ko dahil sa takot "At pag sumapit din ang gabi, palagi kang maging alerto dahil sa gabi lumalabas ang mga pang-apat na pangkat"
Lumapit siya sakin saka tinapik ng dalawang beses ang balikat ko "Huwag kang matakot binibini, sundin mo lamang ang aking payo at ika'y paniguradong mabubuhay.."hindi gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Kahit siya hindi ko kaya pagkatiwalaan. Sa matamlay niyang tingin, makikita mong wala siyang pakialam sa isang tao.
Tumayo na siya. Hindi ko na siya nilingon pa dahil sa takot ko. Rinig ko ang paghinto niya "Iligtas ang dapat iligtas at patayin ang dapat patayin, binibini. Goodluck.."aniya saka tuluyan na siyang umalis
I cried silently. I may not be dead but, I'm already in hell
Chap 16 (SPG)--"Kumusta po.." tanong ni 20 nang makitang bumangon ang mga biktimang tinangkang patayin kanina ng headmistress. Kinupkop namin sila matapos silang iligtas ng mga unknown guys kanina."Salamat sa pagligtas sa'min" sabi ng isa na maluha luha pa ang mga mata.Ngumiti lamang ako bilang tugon. Nakikita ko ang pag asa sa mga mata niya pero hindi ko alam kung bakit hindi ko na nararamdaman ang sarili kong maging positibo ngayon. Siguro dahil nandito pa kami sa siyudad na 'to at hindi malabong gantihan nanaman kami ng headmistress. Hanggang ngayon wala paring kuryente dito pero may mga supply ng kandila at posporo kaya 'yon nalang ang source of light namin."Kumusta ang sugat mo" bumalik ako sa reyalidad nang magsalita ang pamilyar na boses. Ang lalaking nagbigay sa'kin ng keychain. Nasa akin ang tingin niya kahit pa abala ang kamay niyang hinihimas ang kaniyang leeg."Ok lang po.." tanging naisagot ko 'saka napaiwas ng tingin dahil naalala ko 'yong time na isinuko niya ang
Chap 15--Gumising ako na malakas ang kabog ng dibdib ko. Parang may namumuong pag asa mula rito dahil sa naging panaginip ko. Gumawa daw kami ng plano at naging success 'yon. Nakalabas daw kami dito pero napansin kong kakaunti na lang kami. Pero kahit gano'n, at least may possibilities na makakalabas kami. Ngayon ang gagawin ko nalang, alamin kung anong magandang plano ang gagawin.Nagsimula na akong maghanda para sa panibagong araw na kakaharapin ko ngayon. Matapos kong makapagbihis at magsuklay, napansin kong may iilang mga taong naglalakad sa parehong direksyon.Napalabas naman agad ako. Mula sa kinatatayuan ko, natatanaw ko na ang isang maliit na entablado. Naroon na ang headmistress pati si Mr. Tour Guide.What is she up to now."Good morning citizens of this city. How's it going?" nakangiti nitong bati sa lahat. "Headmistress please set us free!" may babaeng nagsalita mula sa harapan. Nasa bandang likuran na ako kaya hindi ko gaanong maaninag ang pagmumukha ng headmistress.
Chap 14--Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at doon tumambad sa'kin si 75 na nakaupo sa paanan ko. Nasa sofa ako nakahiga."Anong ginagawa mo dito" salubong ang kilay kong bungad sa kaniya dahilan para mapatingin na siya sa'kin."20 asked me to look after you for a while since magkapitbahay lang naman daw tayo. So don't think of it na ginagawa ko 'to because I'm concerned about you" mahaba niyang explain.Napairap nalang ako. Kahit kailan, hindi manlang siya naging mabait sa'kin nang hindi inuutusan."So.." aniya nang 'di na ako sumagot 'saka tumayo "I'll go na since gising ka na" "What happened" pag-iiba ko ng topic."Just ask 20 about it""Ikaw nga tinatanong ko"He took a deep sigh 'saka pinagkrus ang braso niya "Everything went dark when you fell that night" nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi niya. "No electricity, pero may water padin. Hindi ko lang alam kung may mga stocks pa ba sa mall"Maya maya'y biglang bumukas ang pinto. Tumambad agad sa'min ang nag-aalala at na
Chapter 13--"Ok ka lang ba?"tanong sakin ni 20 sabay lapag ng kape sa lamesa ko. Kasalukuyan kaming nasa bahay ko. Umuwi na yung ibang tumulong sakin kaya kaming dalawa nalang ang nandito"Sa totoo lang, hindi.."sagot ko saka ininom ang inihanda niyang kape"Alam mo, kinabahan talaga ako nung nalaman kong kinulong ka dun sa BOP ehh. Akala ko di ka na makakabalik. Akala ko pinatay ka na nila dun"mahaba niyang kwentoNapabuntong hininga ako "Madaming tao sa loob at satingin ko, sila yung mga nauna kesa satin. Kailangan nila ng tulong natin"Hinawakan niya ang kamay ko "Gustuhin man nating tumulong, pero pano kung sino mismo ang tutulungan natin ang siyang ayaw magpatulong?"mahinahon nitong sagot "Sa nakikita ko kanina, isang napakalalim na rason ang mayroon siya para isakripisyo ang buhay niya""Satingin mo, ano yun?""Baka masyado na siyang napamahal sainyo nung nandon kayo kaya niya nagawa yun or di kaya may mas malalim pa dun"Napabuntong hininga ako't napasandal nalang sa upuan "N
Chap 12--Napamulat ako ng mata nang maramdaman kong mainit na ang paligid ko. Wala na akong katabi pero naririnig kong may nag uusap"Alam kong naiintindihan niyo kami at gusto naming magpasalamat dahil tinutulungan niyo kami.." rinig kong sabi ni 50 "Salamat din sa pagco-cooperate niyo sa pagtakas namin ni 100. Hinding hindi namin kayo kakalimutan"'Tatakas kami?!Dali dali akong lumabas at gulat silang napatingin sakin pero nanatili ang paningin ko kay 50 "Tatakas tayo?"Sandaling sinenyasan ng tingin ni 50 ang mga preso saka ito nag kanya kanyang gawa saka siya tumingin sakin "100, hindi ako papayag na mag aantay nalang tayong mamatay dito. Baka kung anong gawin satin ng headmistress""Alin sa sinabi ko and di mo naintindihan?! Diba sabi ko antayin nalang natin palabasin niya--""Satingin mo ba palalabasin niya pa tayo dito ng buhay?! Normal ang pumatay dito, 100, baka nakakalimutan mo"aniya sabay talikod sakinNamulat ako nang maalalang tama siya. Hindi ito pang karaniwang lugar
Chap 11--Bigla niyang hinubad ang suot niyang nakatakip sa buong katawan ko at bumungad sakin ang comfort room "Anong ginagawa mo?"naghihisterya kong tanong sakanya saka kumawala sa pagkakalambitin sa katawan niya"Inaayos ka"aniya saka binuksan ang isa sa mga cubicle at aligagang naghahanap ng kung ano"What are you doing?! Hindi ka ba nag iisip na baka mapansin nila ako dito?!"I harshly whispered "Kaya nga naghahanap ako ng daan palabas dito, diba?! Ikaw yata yung di nag iisip"sagot niya naman'Ang harsh niya sakin grabe..'"Edi saan ako dadaan?""Kaya nga naghahanap diba?!"natataranta niyang sagot habang abalang naghahanap ng madadaanan koBiglang may malakas na kumatok sa pinto ng comfort room "Bata! Buksan mo toh!"sigaw nung guardLumapit ako kay 50 saka bumulong "What are we going to do?!"Agad siyang naglibot ng tingin hanggang sa huminto siya sa ilalim ng lababo sa kabinet nito. Hinila niya ang braso ko saka binuksan yung kabinet nito "Jan, magtago ka jan, bilis"Sinamaan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen