Isang buwan na walang usad ang kaso. Napapa-isip nalang ako kung paano mare-resulba ang krimen na ito. Naisip ko rin kung kailan kaya muling aatake ang killer sa kanyang mga target. Hating gabi na at hindi pa rin ako mapakali sa kai-isip kung ano ba talaga ang motibo sa sa krimen.
Tumayo ako sa aking pagka-higa dahil gusto kong uminom nang gatas. Nag-lakad ako papuntang kusina at nag-timpla.
Huminga ako nang malalim at inilapag ang isang bagong gatas sa aking lamesa. Tumungo ako sa loob nang aking kwarto at kinuha ang aking laptop saka bumalik sa may kusina.
Binuksan ko ang aking laptop at muling tiningnan ang iba’t-ibang kuha nang litrato sa crime scene. Hindi pa rin maalis sa isip ko na baka isa itong series murder.
Una, sampung bala at pangalawa ay siyam na bala ang nakuha sa loob nang crime scene at ang dalawang ito ay may tama sa kanilang ulo.
Napa-hinga ako nang malalim dahil wala akong makitang kakaiba sa mga litrato.
“We are dealing with a smart criminal. I know he or she knows what he is doing and maybe he is not just an ordinary person. I hope my suspicion is wrong,” bulong ko sa aking sarili.
Nagulat ako ang biglang mag-ring ang aking cellphone. Sino na naman ang tatawag sa akin ngayong hating gabi. Tiningnan ko ang screen nang aking cellphone at nakita ko ang isang hindi nakarehistrong numero.
Napa-taas ang aking isang kilay kung sasagutin ko ba ito o hindi. Baka kase nangangailangan. Hindi naman din ako tinatawagan ni Kuya Liam nang mga ganitong oras. Nagpasya akong sagutin ang tawag sa aking cellphone. “Hello?” sabi ko sa kabilang linya.
Ngunit walang sumasagot sa akin pabalik. Inulit ko ang aking salita hanggang sa ibinaba niya ang tawag. “Baka wrong dialed,” sabi ko sa aking sarili.
Muling tumunog ang aking cellphone at ganun pa rin ang nangyare. Parehong numero pa rin. Walang sumasagot sa kabilang linya. Ako na mismo ang nag-baba nang tawag.
Hanggang sa muli siyang tumawag. Dahil sa naiinis na rin ako ay sinagot ko na ang tawag at sinigawan siya nang, “Hoy! Kung sino ka man pwede bang tumingil kana! Nakakaistorbo ka na sa akin!” Nanindig ang aking balahibo nang may boses lalake at babae na tumatawa sa kabilang linya.
“Si…sino to?” paulit kong tanong sa kanya. “Ang sabi ko sino ito!” Bigla siyang tumahimik. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya pinatay ang tawag maging ako rin ay hindi ko binaba para hindi maputol ang linya.
“Hello Police Captain Enriquez. Kamusta na ang kasong hinahawakan mo?” tanong niya sa akin. Hindi ko maidentify kung lalake o babae ba ang aking kausap dahil sa pa-iba-iba ang tunog nang kanyang boses.
Gumamit siguro siya nang voice changer para hindi ko matukoy kung sino ang nasa likuran nang boses na ito.
“Napatahimik ka?” sabi niya sa akin. Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil nanginginig ang aking mga palad at parang sasabog ang aking puso.
“Mag ingat ka Luna. See you in hell.” Ito ang huling sinabi niya sa akin at naputol na nang tuluyan ang aming linya.
Tikom pa rin nag aking bibig at nanginginig pa rin ang aking kamay. Hindi ko alam kung paano niya ba nalaman ang aking pangalan at pagkakilanlan. Tama nga ba ang aking hinala? May alam siya at alam kong hinding-hindi siya magpapahuli.
“There is no perfect murder,” bulong ko sa aking sarili. Inubos ko na ang aking gatas at pinindot ang switch off nang aking laptop sabay bumalik na ako sa aking kama para mag-pahinga. Sa kabila nang kaba ay napalitan agad ito nang antok. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Nagising ako nang may biglang bumagsak na malakas na bagay sa aking sala. Tumayo ako para buksan ang ilaw sa aking kwarto.
Lumabas ako sa aking kwarto at naglakad papuntang switch para buksan ang ilaw, nang tumambad sa ang malaking pagkabukas nang aking pinto sa sala. Dito na ako kinabahan.
Tumakbo ako para isara nang maayos ang aking pinto. Napatingin ako sa wall clock pasado alas dos na pala nang madaling araw. Bumalik ako sa loob nang aking kwarto para kunin ang aking baril para pandepensa sa aking sarili.
Naglakad ako papuntang kusina at doon ko nakita nag isang nakaitim na suot. Naka-hoody siya at naka-facemask na itim. Hindi ko maidentify kung siya ba ay lalake o babae dahil sa kanyang suot.
Itinaas niya ang hawak niyang baril at itinutok ito sa aking ulo. Uunahan ko na sana siya kaso nang pinihitin ko ang trigger ay walang lumabas na bala. Sinubukan ko ulit pero wala talaga. Humalakhak siya at ipinutok ang baril sa akin.
Isang malakas na alarm clock ang gumising sa akin. Napaupo ako sa aking kama at punong-puno nang pawis ang aking buong katawan.
“Panaginip lang pala,” sabi ko sa sarili ko. Ala sais na pala nang umaga at kailangan ko nang maghanda papuntang trabaho. Pagkatapos kong kumain at maligo ay pumunta na ako sa aking basement at sumakay sa sarili kong sasakyan papunta sa headquarters.
Pag-pasok ko sa loob ay nakita ko si Patrolman Richard na nakaupo sa sarili niyang upuan. “Good morning Ma’am Enriquez,” sabi niya sa akin sabay nagbigay nang saludo.
Iginala ko ang aking paningin sa buong kapaligiran. “Nasaan na ang iba?” tanong ko kay Richard.
“Wala pa po si Ma’am Celyn, si Sir Dawson po ay day off niya ngayon,” sagot niya sa akin. Sana hindi nalang nag day off si Dawson dahil mukhang kakailanganin ko siya dito sa opisina.
“Ganun ba?” Umupo ako sa aking upuan muli akong nagbalik-tanaw sa kaso. “Robert Malinao at Emilio Perez. Ano ang mga koneksyon ninyo sa killer?” bulong ko sa aking sarili.
“Good morning,” bati sa amin ni Celyn sabay umupo sa kanyang upuan. Inilabas niya ang kanyang laptop at sinabi sa akin na may nakuha siyang access sa isang cctv.
“Andito ang kuha nang cctv sa araw nang pagpatay kay Robert Malinao,” sabi sa akin ni Celyn. Lumapit ako sa kanya at maging si Richard para tingnan ang record.
“Nakasulat sa noo nang batang lalake ang salitang ‘JUSTICE’,” sabi sa akin ni Luna. Anong hustisya ang hinahanap niya? Eh dapat ang magkaroon nang hustisya ay ang pamilya nang mga batang ito. “Oh God…” sabi ni Nicky habang hawak-hawak ang kanyang laptop. “Bakit anong mayroon?” tanong sa kanya ni Austin. Iniharap ni Nicky ang kanyang laptop sa amin at inilagay ang laptop sa lamesa. Nakita namin ang dalawang batang lalake na nakalive sa isang website. Nakatali silang dalawa sa armchair at nakapiring. “Hindi ko matrace ang location kung nasaan nanggagaling ang signal. Mukhang matindi ang ginamit niyang website breaker at hinacked ito,” sabi naman ni Nicky. “Shit! Anak ito si Sir Collins at ang kaibigan niya, kailangan natin ang Cybercrime group ipaabot sa kanila ang balita!” utos ko kay Symae. Tumingin ako sa may upper right side at nakalagay na nakalive ang video na ito at napapanood nang mga tao. “Ngayon? Pwede ko na ba makuha ang atensyon ninyo?” sabi nang lalake na hindi kita a
“Major? May nakita akong mga pasa sa binti nang biktima mukhang minaltrato pa itong batang lalake na ito bago tinuluyang patayin,” sabi sa akin ni Lucy. “Teka teka, namatay ba ang batang lalake sa pagpalo nang mga bagay-bagay sa kanya bago tinuluyang hiwain ang kanyang katawan pati tanggalin ang laman at loob nito?” pagliliwanag ko sa kanya. “That’s right. Nagkaroon nang internal bleeding ang bata, isa pa. Kung titingnan mo ang ulo nang bata na ito, mukhang hinampas din ito nang malakas, nahimatay itong bata, nawalan nang malay at pinagpatuloy pa rin ang paghahampas nang kriminal hanggang sa tuluyan na itong mawalan nang buhay at inumpisahan na hiwain ang kanyang dibdib hanggang tiyan,” sabi sa akin ni Lucy. “Kahit an
Kinabukasan ay isang bangkay ang natagpuan sa harap nang paaralan nang San Ramon Academy at ang estudyante ay kinilala sa pangalan na Shawn Pamoy na ang isa sag a dinukot.Agad na kaming remesponde sa eskwelahan. Nakita namin na wala na rin laman at loob ang estudyante, kasabay namin na dumating ang Pamilyang Pamoy para kumpirmahin na kung anak ba nila ang nakahilata sa sahig na walang buhay.Nang makalapit ang nagpakilalang ina nang bata ay nag wala na ito dahil anak niya nga ang batang nakahiga.“Ang anak ko! Ang anak ko! Renz ang anak natin!” sigaw nang ginang. Halos hindi siya makapaniwala na ganito ang sinapit nang kanyang anak. Nakatunog din ako, posible kaya ang pumatay sa anak ni Sir Luisito ay siya rin ang dumukot sa iba at pumatay sa kawawang bata itong? Ito ang katanungan na kailangan namin masagot.Nagulat kami nang biglang sumulpot si Colonel Collins sa amin at tiningnan ang bangkay. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aa
Pagpasok namin sa loob nang aming opisina ay agad kaming nagulantang sa balita na nakarating sa amin.Nakita namin si Colonel Collins na nasa loob na nang aming opisina para ireport sa amin ang insidente na nangyare sa kanyang anak dahil daw dinukot daw ito mismo sa kanilang eskwelahan.Humingi nang tulong sa amin si Colonel, hindi niya naman kailangan na humingi nang tulong dahil tungkulin namin ang gawin ang aming obligayson. “Hindi lang ang anak ko ang dinukot, dalawa daw sila nang kaibigan niya, ito ang sabi nang ga nakakita, hindi na daw nakapalag ang dalawang binata dahil tinutukan sila nang baril at pwersahang pinapasok sa loob nang kotse,” sabi sa akin ni Colonel. “Huwag niyong hayaang mawala ang aking anak,” dagdag niya sa amin. Pagkatapos niyang sabihin sa amin lahat ay napatulala lang kami
Kinabukasan ay napaaga ang aking gising dahil nakapagpahinga ako anng maayos. Habang si Alex at si Baby Daniel naman ay payapa pa rin na natutulog.Tinulungan ko nalang din na maghanda nang umagahan si Aling Bina pagkatapos namin magluto ay maaga-aga pa para kumain ang umagahan.Umupo muna kaming dalawa sa sofa at binuksan ang telebisyon. Muling lumitaw sa medya ang kaso na hinahawakan namin ngayon patungkol sa anak ni Police Lieuetenant Colonel Brandon Luisito sa anak niyang si Grace Luisito.Nakita ko rin na marami ang nagrarally sa harap nang headquarters. Hinihingi nila ang hustisya.Muli akong bumalik sa aming kwarto para tingnan ang files ni Grace, pagakatapos ay inilagay ko na ito sa bag para maidala sa headquarters. Sabay na kaming kumain ni Alex at pumunta sa headquarters, nang makarating na kami doon
“Captain may bagong pasok na kaso,” sabi sa akin ni Symae dala-dala ang isang folder, inaabot niya ito sa akin at agad ko nalang tiningnan kung ano ang mga nakapaloob dito.Napataas ang aking kilay. Hindi naman ito bagong kaso, noong nakaraang dalawang buwan pa pala ito. Ito ang kaso na kung saan namatay ang anak ni Police Lieutenant Colonel Brandon Luisito.Ang sabi sa report ay ayon daw sa nakakita sa bangkay ay wala na daw itong laman at loob, maaaring kinain daw ito nang aswang dahil nasa liblib daw ito na lugar kung saan nakita ang bangkay. Alam ko naman ang mga paniniwala nang mga tao doon. Kung aswang nga talaga ang kumain sa laman at loob nang anak ni Lietenant Colonel Luisito?Paano nila maipapaliwanag ang bakas nang tali sa dalawang kamay at paa nang dalaga. “Hindi naman ito bagong kaso Sy
Makalipas ng siyam na buwan. “ALEX!” sigaw ko sa aking asawa. Mukhang handa nang lumabas ni baby at excited na siyang makita ang mundo. “Andiyan na honey!” nataranta si Alex at inalalayan niya akong bumaba sa second floor nan gaming nabiling bahay. Habang bumababa nang hagdan ay nagsalita pa si Alex at kinausap ang baby namin. “Baby wait lang ha. Huwag muna ngayon, sa hospital nalang. Kapit ka muna kay mommy mo. Huwag mo siyang pahirapan,” utos niya sa anak namin. “Oh my gosh honey… nagawa mo pang utusan si baby. Hindi na talaga siya makapag-antay,” sagot ko sa kanya.Nakababa na kami sa hagdanan at dahan-dahan na kaming naglakad papapasok sa aming kotse. 
Lumipas ang tatlong araw ay wala pa rin report na nakakita kay Celyn. Nag-aalala na ako para sa kanya dahil iniisip ko na baka may mangyareng masama sa kanya o baka naman makapanakit siya nang inosenteng tao.Ilang oras na akong nakaupo sa aking harapan nang computer nang mag biglang tumawag sa amin at sinabi na may nakakita daw sa babaeng ibinalita sa telebisyon.Agad kong sinulat ang address na binigay nila at lahat kami ay pumunta sa lokasyon kung nasaan si Celyn.Nagulat kami na ang address na binigay sa amin ay ang address nang dating pumuporma kay Celyn.Kumatok kami sa pinto at bumungad sa amin ang isang matipunong lalake. Mukhang kakagising lang ata.“Yes Captain Luna?” tanong niya sa akin habang pakipit-pikit pa ang talukap nang kanyang mga mata.“Major Garcia. May nakapagsabi sa amin na andito daw si Celyn sa iyong bahay,” sabi sa kanya ni Alex.“Alam ko naman na hindi ko siya matatago habang bu
Habang naglalakad palayo sa kanila ay nakita ko si Alex na nakasimangot. Mukhang excited talaga siyang sumakay doon. Pero hindi ko talaga kaya. Niyakap ko nalang siya nang mahigpit at hinalikan sa labi.Natapos namin ang pananatili namin sa resort, masasabi kong maganda ang resort, magandang tanawin nang paglubog ng araw.Umalis kami sa resort at nagpunta sa The St. Regis Maldives Vommuli Resort - Maldives ang Fishing Resorts sa Maldives.Narinig ko rin na ang Maldives ay kilala sa kanilang likas na kapaligiran kabilang ang asul na dagat, puting mga beach, at malinis na hangin.Ang klima ng Maldives ay mainam para sa mga bisita na makisali sa mga palakasan sa tubig tulad ng paglangoy, pangingisda, scuba diving, snorkeling, water-skiing, windurfing at marami pang iba.Nais kong ilista ang mga bantog na mayroon ang Maldives at subukan ito lahat kaso hindi namin kakayanin dahil may trabaho pa aming naghihintay sa headquarters pagbalik namin.Na