Share

Killer

Author: Hannah
last update Last Updated: 2021-07-18 13:46:23

Gabi na ako nang nakauwi sa aking bahay binuksan ko ang telebisyon at pinapanood ang mga kapulisan na kinu-kolekta ang mga bala na naiwan sa krimen.

“Ang tatanga niyo naman!” Sigaw ko sa kanila habang umiinom nang alak sa loob nang aking kwarto. Inilipat ko nang ibang channel ang telebisyon at napanood ko rin ang mga pamilyang nagpo-protesta sa mga kapulisan sa kadahilanang hindi pa umuusad ang kaso.

“Mga inutil! Dapat lang sa kanila ang mamatay. Hindi binubuhay ang mga taong kagaya nila.” Nagpakawala ako nang isang malakas na halakhak habang pinaglalaruan ko ang baril sa aking kamay.

“Hanggang kailan kaya nila malalaman ang totoo? Hanggang kailangan pa kaya sila iikot sa krimen na ginawa ko?” bulong ko sa aking sarili. Dalawang tao na ang napabagsak ko. Ilan pa kaya ang kulang? Hindi na ako makapag-hintay na ubusin silang lahat.

Kinabukasan ay nag-jogging ako papuntang sementeryo at hinanap ang dalawang puntod nila Robert Malinao at Emilio Perez. Wala pa rin hanggang ngayon? Pinaglalamayan pa rin nila ang mga bangkay nang mga hinayupak na iyon. Napahinto ako sa gilid nang puno at pinagmasdan ang buong paligid.

“Ginawa niyo akong ganito. Ginusto niyong mabuo ang isang nakakatakot na halimaw sa loob ng aking katawan. Ngayon ay hinayaan niyo akong maging malakas. Oras na para maningil ako nang buhay,” bulong ko sa aking sarili.

Napaluha ako nang bahagya nang maalala ang aking malagim na nakaraan. Hindi ko alam kung paano ako nabuhay sa mga oras na iyon. Kung ibabalik natin ang nakaraan. Para akong basing sisiw na naghahanap ng init sa isang inahin.

Sobrang lamig. Muntikan na akong magpakamatay pero napaisip ako nang isa pang pwedeng maging solusyon. “Bakit ko kailangang mawala sa mundo kung pwede naman na sila ang mabura.” Napaupo ako sa damuhan at uminom nang tubig.

            “Ikaw na ang isusunod ko,” huling sambit nang aking mga labi at saka umalis sa sementeryo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chain the Truth   46 Police Major Alexander Dawson

    “Nakasulat sa noo nang batang lalake ang salitang ‘JUSTICE’,” sabi sa akin ni Luna. Anong hustisya ang hinahanap niya? Eh dapat ang magkaroon nang hustisya ay ang pamilya nang mga batang ito. “Oh God…” sabi ni Nicky habang hawak-hawak ang kanyang laptop. “Bakit anong mayroon?” tanong sa kanya ni Austin. Iniharap ni Nicky ang kanyang laptop sa amin at inilagay ang laptop sa lamesa. Nakita namin ang dalawang batang lalake na nakalive sa isang website. Nakatali silang dalawa sa armchair at nakapiring. “Hindi ko matrace ang location kung nasaan nanggagaling ang signal. Mukhang matindi ang ginamit niyang website breaker at hinacked ito,” sabi naman ni Nicky. “Shit! Anak ito si Sir Collins at ang kaibigan niya, kailangan natin ang Cybercrime group ipaabot sa kanila ang balita!” utos ko kay Symae. Tumingin ako sa may upper right side at nakalagay na nakalive ang video na ito at napapanood nang mga tao. “Ngayon? Pwede ko na ba makuha ang atensyon ninyo?” sabi nang lalake na hindi kita a

  • Chain the Truth   45 Police Major Alexander Dawson

    “Major? May nakita akong mga pasa sa binti nang biktima mukhang minaltrato pa itong batang lalake na ito bago tinuluyang patayin,” sabi sa akin ni Lucy. “Teka teka, namatay ba ang batang lalake sa pagpalo nang mga bagay-bagay sa kanya bago tinuluyang hiwain ang kanyang katawan pati tanggalin ang laman at loob nito?” pagliliwanag ko sa kanya. “That’s right. Nagkaroon nang internal bleeding ang bata, isa pa. Kung titingnan mo ang ulo nang bata na ito, mukhang hinampas din ito nang malakas, nahimatay itong bata, nawalan nang malay at pinagpatuloy pa rin ang paghahampas nang kriminal hanggang sa tuluyan na itong mawalan nang buhay at inumpisahan na hiwain ang kanyang dibdib hanggang tiyan,” sabi sa akin ni Lucy. “Kahit an

  • Chain the Truth   44 Police Major Alexander Dawson

    Kinabukasan ay isang bangkay ang natagpuan sa harap nang paaralan nang San Ramon Academy at ang estudyante ay kinilala sa pangalan na Shawn Pamoy na ang isa sag a dinukot.Agad na kaming remesponde sa eskwelahan. Nakita namin na wala na rin laman at loob ang estudyante, kasabay namin na dumating ang Pamilyang Pamoy para kumpirmahin na kung anak ba nila ang nakahilata sa sahig na walang buhay.Nang makalapit ang nagpakilalang ina nang bata ay nag wala na ito dahil anak niya nga ang batang nakahiga.“Ang anak ko! Ang anak ko! Renz ang anak natin!” sigaw nang ginang. Halos hindi siya makapaniwala na ganito ang sinapit nang kanyang anak. Nakatunog din ako, posible kaya ang pumatay sa anak ni Sir Luisito ay siya rin ang dumukot sa iba at pumatay sa kawawang bata itong? Ito ang katanungan na kailangan namin masagot.Nagulat kami nang biglang sumulpot si Colonel Collins sa amin at tiningnan ang bangkay. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aa

  • Chain the Truth   43 Police Major Alexander Dawson

    Pagpasok namin sa loob nang aming opisina ay agad kaming nagulantang sa balita na nakarating sa amin.Nakita namin si Colonel Collins na nasa loob na nang aming opisina para ireport sa amin ang insidente na nangyare sa kanyang anak dahil daw dinukot daw ito mismo sa kanilang eskwelahan.Humingi nang tulong sa amin si Colonel, hindi niya naman kailangan na humingi nang tulong dahil tungkulin namin ang gawin ang aming obligayson. “Hindi lang ang anak ko ang dinukot, dalawa daw sila nang kaibigan niya, ito ang sabi nang ga nakakita, hindi na daw nakapalag ang dalawang binata dahil tinutukan sila nang baril at pwersahang pinapasok sa loob nang kotse,” sabi sa akin ni Colonel. “Huwag niyong hayaang mawala ang aking anak,” dagdag niya sa amin. Pagkatapos niyang sabihin sa amin lahat ay napatulala lang kami

  • Chain the Truth   42 Police Captain Luna Rose Enriquez - Dawson

    Kinabukasan ay napaaga ang aking gising dahil nakapagpahinga ako anng maayos. Habang si Alex at si Baby Daniel naman ay payapa pa rin na natutulog.Tinulungan ko nalang din na maghanda nang umagahan si Aling Bina pagkatapos namin magluto ay maaga-aga pa para kumain ang umagahan.Umupo muna kaming dalawa sa sofa at binuksan ang telebisyon. Muling lumitaw sa medya ang kaso na hinahawakan namin ngayon patungkol sa anak ni Police Lieuetenant Colonel Brandon Luisito sa anak niyang si Grace Luisito.Nakita ko rin na marami ang nagrarally sa harap nang headquarters. Hinihingi nila ang hustisya.Muli akong bumalik sa aming kwarto para tingnan ang files ni Grace, pagakatapos ay inilagay ko na ito sa bag para maidala sa headquarters. Sabay na kaming kumain ni Alex at pumunta sa headquarters, nang makarating na kami doon

  • Chain the Truth   41 Police Captain Luna Rose Enriquez - Dawson

    “Captain may bagong pasok na kaso,” sabi sa akin ni Symae dala-dala ang isang folder, inaabot niya ito sa akin at agad ko nalang tiningnan kung ano ang mga nakapaloob dito.Napataas ang aking kilay. Hindi naman ito bagong kaso, noong nakaraang dalawang buwan pa pala ito. Ito ang kaso na kung saan namatay ang anak ni Police Lieutenant Colonel Brandon Luisito.Ang sabi sa report ay ayon daw sa nakakita sa bangkay ay wala na daw itong laman at loob, maaaring kinain daw ito nang aswang dahil nasa liblib daw ito na lugar kung saan nakita ang bangkay. Alam ko naman ang mga paniniwala nang mga tao doon. Kung aswang nga talaga ang kumain sa laman at loob nang anak ni Lietenant Colonel Luisito?Paano nila maipapaliwanag ang bakas nang tali sa dalawang kamay at paa nang dalaga. “Hindi naman ito bagong kaso Sy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status