Pinanood namin ang video. Nakita ko ang isang tao na pabalik-balik sa abandonadong gusali sa lugar na kung saan pinatay si Mister Robert sa mga oras na bandang ala dyes hanggang alas dyes trenta.
“Ito lang ang nahagip nang cctv at wala na?” tanong ko kay Celyn.
“Wala na akong makita. Sinubukan ko pang mga hanap pero ito lang ang na-recovered ko. Mukhang sinadyang burahin nang mga may- ari nang cctv ang mga record nila para hindi sila masangkot sa kahit ano mang pangyayare,” sagot sa akin ni Celyn.
“Kailangan natin matunton at malaman kung sino man ang tao na iyon,” sabi ko sa kanila. “Ako na pong gagawa Captain Enriquez,” pagbu-boluntaryo naman ni Richard.
Ngayon ko lang napapansin si Richard na mag-mula nang sumama din siya sa aming team. Masipag siya at mapag-matiyag kaya pala inilagay siya sa amin ni Colonel Santos. “Maraming salamat sa pagbu-boluntaryo Richard,” sabi ko sa kanya.
“Tungkulin ko po ito at wala po kayong dapat ipag-pasalamat,”sagot niya sa akin. Binigyan ko siya nang matamis na ngiti dahil sa kanyang sagot at pagiging humble.
“Aalis na po ako Ma’am Enriquez at Ma’am Celyn,” paalam niya sa amin. Sabay lumabas siya sa pinto.
“Best? Wala na talaga akong mahanap. Gusto ko rin sanang humingi nang paumanhin sa inyo noong nakaraang lingo dahil nahuli ako sa trabaho, napuyat kase ako dahil sa kaha-hanap. Dagdagan mo nalang ang demerits ko, babayaran ko nalang. Dagdag na rin iyon para sa gagamitin namin sa dito sa loob opisina,” sabi sa akin ni Celyn.
Alam ko naman talaga na hindi niya gustong mahuli at hindi niya naman pinapa-bayaan ang kanyang trabaho at saka ako rin naman ang nag-utos sa kanya na i-hack ang mga cctv sa kalapit bahay nang abadonadong gusali. Lumipas ang ilang oras at dumating na ang tanghalian.
Habang kumakain ng lunch ay biglang nag-ring ang aking cellphone at isa na naman hindi naka-rehistrong numero ang lumabas sa aking screen.
Kung maaalala ko kagabi ay ang huling tatlong numero ay four, three and five. Samantalang itong numero na nasa screen nang cellphone ko ay six, nine and two.
“Sagutin mo na. Ano pang iniisip mo dyan?” sabi sa akin ni Celyn. Hindi ko namalayan na napa-tulala na pala ako sa screen nang cellphone.
“Ano ba naman yan? Hindi pa nga ako tapos kumain eh,” pagre-reklamo ko sa sarili ko. “Hello?” pa-inis na sagot ko sa tawag.
“Pumunta ka dito sa condo ko please may nakita pang ibang blood type na hindi galing sa biktima na si Robert Malinao,” sabi niya sa akin sa kabilang linya.
Kinabahan ako nang konti dahil ito agad ang pabungad sa akin na mga salita. Hindi ko naman alam kung sino ang kausap ko sa kabilang linya.
“Teka sino ito,” tanong ko sa kanya.
“Alexander. Bilisan mo ibibigay ko na sa iyo ang address ko,” sagot niya sa akin at saka ibinaba ang tawag. Ang bastos. Hindi man lang nag-paalam sa akin nang maayos at hindi man lang ako sinabihan na mag-ingat ako.
“Sino iyon?” tanong sa akin ni Celyn.
“Si Major Dawson. Pinapa-punta niya ako sa kanyang condo dahil may nalaman daw siya,” sagot ko kay Celyn. Kinuha ko na ang aking shoulder bag at nag-ayos nang konti sa aking sarili.
“Patungkol saan?” tanong niya sa akin sabay itinaas sa ulo ang kanyang eye glasses. Mukhang interesado din siya sa aking sinabi.
“Hindi ko pa makumpirma. Kailangan ko munang umalis. Ikaw muna ang bahala sa office sasaglit lang ako sa kaniyang condo. Hindi ko ito kailangan ipag-paliban dahil importante ang sasabihin niya sa akin,” sagot ko sa kanya. Ito ang huling habilin ko kay Celyn bago ako tuluyang umalis sa headquarters.
Mahigit isang oras ang biyahe ko papunta sa condo ni Alexander. Kumatok ako sa kanyang pinto at nang buksan niya ito ay bumungad sa akin ang mukha ni Alex at magulong buhok.
Nakapambahay lang siya. Medyo napatulala ako sa kanya. Ang sinasabi nang aking isip ay ang gwapo naman.
“Hoy. Tatayo ka lang ba diyan o ano?” pang-gising niya sa lumilipad kong pag-iisip. Nakakahiya hindi ko namalayan na napa-tulala ako sa kanya. Umupo ako sa kanyang sofa at pumunta siya sa kusina para ipag-timpla ako nang tsaa.
Ano bang iniisip ko? Bakit ako namula nang makita ko siya? Paano kase ang gwapo. Tatlong taon na rin akong single at walang boyfriend. Napakamot ako sa aking ulo at napakagat sa pang-ibabang labi ko.
“Shit… ang gwapo kase,” bulong ko sa aking sarili. Mas lumitaw ang kanyang kagwapuhan sa normal na damit. Hindi ko maipaliwanag kung bakit iyon ang lumabas sa aking pag-iisip.
“Tea?” offer niya sa akin. Ibinigay niya sa akin ang isang basong nagla-laman nang tsaa at humigop ako. Nang matikman ko ang lasa ay napaka-sarap.
“Anong flavor?” tanong ko kay Alex at humigop ako ulit.
“Green tea with honey and lemon,” sagot niya sa akin. Hindi ko alam na pwede palang haluan ang tea nang kung ano-ano.
Muli akong nakabalik sa reyalidad. Napaubo ako nang konti. “Um… nasaan na pala ang resulta nang autopsy and blood testing?” tanong ko kay Alexander. Binigay niya sa akin ang kopya nang result.
Nakita ko na O positive ang blood type nang biktima samantalang ang posibleng killer ay ang blood type ay AB. Hindi ako pwedeng mag assume na sa killer nga itong blood type. Pero ito ay isang malakas na lead para sa kaso.
“Kailangan natin mag-conduct nang investigation. Kailangan natin malaman ang blood type nang kani-kanilang asawa na sina Elena Malinao at Lily Perez,” sabi sa akin ni Alexander.
“Magagamit natin ito. Kung sakaling tumugma man ang blood type ang isa sa kanilang asawa ay maariing isa siya ang pinaunang suspek natin sa krimen at kailangan natin makahanap nang iba pang ebidensya para madiin ang isa sa kanila ang salang murder,” sagot ko kay Alexander.
Pero napa-isip din ako, paano kung siya nga talaga ang killer? Ano ang koneksyon niya kay Emilio Perez murder case. Bakit kailangan niya iyong gawin? “Diyan ka muna pwede? Maliligo lang ako. Sabay tayong pupunta sa bahay ni Misis Elena Malinao,” sabi sa akin ni Alexander.
Habang nag- aantay sa kanya ay bigla ulit nag-ring ang aking cellphone. Ibang numero na naman at ibang huling tatlong digit. Four, four and three. Sinagot ko ang tawag niya. Ngunit wala pa rin boses sa kabilang linya. Hanggang sa nakarinig ako nang halakhak.
“Papa-ikutin ko kayong lahat,” sabi niya sa akin sa kabilang linya hanggang sa ibinaba ulit ang tawag. Nag-simulang nanginig ulit ang aking katawan.
Ano ang ibig sabihin niya? I am not dealing with an ordinary criminal. May alam siya. Huminga ako nang malalim at pumikit muna saglit para pakalmahin ang aking sarili.
Napadilat ang aking mga mata nang marinig kong may yapak na papa-lapit sa akin. Nakita ko si Alexander na naka-bihis na at handa na kaming umalis. Sumakay na kami sa sasakyan at nagtungo sa bahay nila Misis Elena Malinao.
Nang makarating na kami sa bahay ay agad naman kaming pinapasok ni Misis Malinao. Gusto ko sanang komprotahin siya pa-tungkol sa pagpo-protesta niya sa amin patungkol sa murder case nang kanyang asawa pero hindi nalang. Alam ko na nagawa niya lang ito dahil sa labis na hinanakit. Tumigil naman din siya kalaunan.
“Gusto ko sanang humingi nang tawad patungkol sa pagpo-protesta ko noong nakaraan. Alam ko naman na ginagawa ninyo ang inyong makakaya,” paghingi niya nang tawad sa amin. Gumaan na rin ang aking loob nang marinig ko ito.
“Nakasulat sa noo nang batang lalake ang salitang ‘JUSTICE’,” sabi sa akin ni Luna. Anong hustisya ang hinahanap niya? Eh dapat ang magkaroon nang hustisya ay ang pamilya nang mga batang ito. “Oh God…” sabi ni Nicky habang hawak-hawak ang kanyang laptop. “Bakit anong mayroon?” tanong sa kanya ni Austin. Iniharap ni Nicky ang kanyang laptop sa amin at inilagay ang laptop sa lamesa. Nakita namin ang dalawang batang lalake na nakalive sa isang website. Nakatali silang dalawa sa armchair at nakapiring. “Hindi ko matrace ang location kung nasaan nanggagaling ang signal. Mukhang matindi ang ginamit niyang website breaker at hinacked ito,” sabi naman ni Nicky. “Shit! Anak ito si Sir Collins at ang kaibigan niya, kailangan natin ang Cybercrime group ipaabot sa kanila ang balita!” utos ko kay Symae. Tumingin ako sa may upper right side at nakalagay na nakalive ang video na ito at napapanood nang mga tao. “Ngayon? Pwede ko na ba makuha ang atensyon ninyo?” sabi nang lalake na hindi kita a
“Major? May nakita akong mga pasa sa binti nang biktima mukhang minaltrato pa itong batang lalake na ito bago tinuluyang patayin,” sabi sa akin ni Lucy. “Teka teka, namatay ba ang batang lalake sa pagpalo nang mga bagay-bagay sa kanya bago tinuluyang hiwain ang kanyang katawan pati tanggalin ang laman at loob nito?” pagliliwanag ko sa kanya. “That’s right. Nagkaroon nang internal bleeding ang bata, isa pa. Kung titingnan mo ang ulo nang bata na ito, mukhang hinampas din ito nang malakas, nahimatay itong bata, nawalan nang malay at pinagpatuloy pa rin ang paghahampas nang kriminal hanggang sa tuluyan na itong mawalan nang buhay at inumpisahan na hiwain ang kanyang dibdib hanggang tiyan,” sabi sa akin ni Lucy. “Kahit an
Kinabukasan ay isang bangkay ang natagpuan sa harap nang paaralan nang San Ramon Academy at ang estudyante ay kinilala sa pangalan na Shawn Pamoy na ang isa sag a dinukot.Agad na kaming remesponde sa eskwelahan. Nakita namin na wala na rin laman at loob ang estudyante, kasabay namin na dumating ang Pamilyang Pamoy para kumpirmahin na kung anak ba nila ang nakahilata sa sahig na walang buhay.Nang makalapit ang nagpakilalang ina nang bata ay nag wala na ito dahil anak niya nga ang batang nakahiga.“Ang anak ko! Ang anak ko! Renz ang anak natin!” sigaw nang ginang. Halos hindi siya makapaniwala na ganito ang sinapit nang kanyang anak. Nakatunog din ako, posible kaya ang pumatay sa anak ni Sir Luisito ay siya rin ang dumukot sa iba at pumatay sa kawawang bata itong? Ito ang katanungan na kailangan namin masagot.Nagulat kami nang biglang sumulpot si Colonel Collins sa amin at tiningnan ang bangkay. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aa
Pagpasok namin sa loob nang aming opisina ay agad kaming nagulantang sa balita na nakarating sa amin.Nakita namin si Colonel Collins na nasa loob na nang aming opisina para ireport sa amin ang insidente na nangyare sa kanyang anak dahil daw dinukot daw ito mismo sa kanilang eskwelahan.Humingi nang tulong sa amin si Colonel, hindi niya naman kailangan na humingi nang tulong dahil tungkulin namin ang gawin ang aming obligayson. “Hindi lang ang anak ko ang dinukot, dalawa daw sila nang kaibigan niya, ito ang sabi nang ga nakakita, hindi na daw nakapalag ang dalawang binata dahil tinutukan sila nang baril at pwersahang pinapasok sa loob nang kotse,” sabi sa akin ni Colonel. “Huwag niyong hayaang mawala ang aking anak,” dagdag niya sa amin. Pagkatapos niyang sabihin sa amin lahat ay napatulala lang kami
Kinabukasan ay napaaga ang aking gising dahil nakapagpahinga ako anng maayos. Habang si Alex at si Baby Daniel naman ay payapa pa rin na natutulog.Tinulungan ko nalang din na maghanda nang umagahan si Aling Bina pagkatapos namin magluto ay maaga-aga pa para kumain ang umagahan.Umupo muna kaming dalawa sa sofa at binuksan ang telebisyon. Muling lumitaw sa medya ang kaso na hinahawakan namin ngayon patungkol sa anak ni Police Lieuetenant Colonel Brandon Luisito sa anak niyang si Grace Luisito.Nakita ko rin na marami ang nagrarally sa harap nang headquarters. Hinihingi nila ang hustisya.Muli akong bumalik sa aming kwarto para tingnan ang files ni Grace, pagakatapos ay inilagay ko na ito sa bag para maidala sa headquarters. Sabay na kaming kumain ni Alex at pumunta sa headquarters, nang makarating na kami doon
“Captain may bagong pasok na kaso,” sabi sa akin ni Symae dala-dala ang isang folder, inaabot niya ito sa akin at agad ko nalang tiningnan kung ano ang mga nakapaloob dito.Napataas ang aking kilay. Hindi naman ito bagong kaso, noong nakaraang dalawang buwan pa pala ito. Ito ang kaso na kung saan namatay ang anak ni Police Lieutenant Colonel Brandon Luisito.Ang sabi sa report ay ayon daw sa nakakita sa bangkay ay wala na daw itong laman at loob, maaaring kinain daw ito nang aswang dahil nasa liblib daw ito na lugar kung saan nakita ang bangkay. Alam ko naman ang mga paniniwala nang mga tao doon. Kung aswang nga talaga ang kumain sa laman at loob nang anak ni Lietenant Colonel Luisito?Paano nila maipapaliwanag ang bakas nang tali sa dalawang kamay at paa nang dalaga. “Hindi naman ito bagong kaso Sy