Share

Chapter 1:

Rumored 1:

( New Student )

∆ Kaylle Dominique Gonzales ∆

[ Point of View ]

Alam kong napaka-cliche nito pero first day of school late ako. Biruin mo nga naman. Ang aga ko na ngang gumising tapos ganito? Sa banyo kasi kami nagkakatalo magkakapatid.

'Yong mga Kuya ko kasi na may pasok din ngayon ang tatagal maligo. Parang kulang na lang maging Americano na sila paglabas ng banyo, 'yong parang kulang na lang doon na sila tumira? Akala mo naman pag lumabas sila sa banyo na 'yon may nagbago sa itsura nila. Tssk.

Imagine niyo ha? Dalawa na nga yung banyo namin sa bahay pero dalawang may naka-occupied! Grabe. Nakaka-stress! Pare-pareho kasi kaming may pasok ngayon.

"Kuya Kenzo, matagal ka pa ba?" Tanong ko habang kinakatok ko yung pintuan sa banyo. Mas nauna pa natapos sa kanya si Kuya Kris, kaya naman bumaba ako sa baba para roon na lang maligo.

Pagkabukas niya ng pinto agad akong napatakip ng ilong ko, dahil sa hindi makatarungang amoy na sumalubong sa akin. 'matic talaga no'? Pagkatapos mo maglabas ng sama ng loob amoy safe-guard ka.

Halatang halata eh.

"Kuya Kris, ilang araw mo ba ito inimbak sa tiyan mo? Ang baho ah!" Singhal na asar ko sa Kuya ko pagkapasok ko sa banyo na pinaglabasan niya.

Nagkibit balikat lang siya bago niya ako tapunan ng matalim na tingin, "ikaw na nga makiki-amoy magrereklamo ka pa? Atsaka ang yabang mo naman parang hindi ka tumatae d'yan!" Sarkastikong anas ni Kuya Kris, kaya napa-irap ako bago ko isarado 'yong pinto.

Matapos kong maligo agad na akong nagbihis. Pants at t-shirt ng school lang 'yong sinuot ko. "Ala ay! Hindi ka na ba ri ne kakain?" Tanong sa akin ni Yaya Emily kaya ngumiti ako bago umiling sa kanya habang sinusuot yung medyas dito sa may sala namin.

Si Yaya Emily ay tubong Batangeña kaya may punto lagi 'yong pananalita niya. She's already 51 years old. May dalawang anak. Isang lalaki at isang babae. 'Yong anak niyang isa tapos na mag-aral. Yung isa naman is graduating na kaya konting push na lang niya sa pagtatrabaho hindi na siya magiging Yaya namin.

Hindi ko nga lubos akalain na naging Yaya namin siya for almost 11 years? Since 8 years old pa lang kasi ako siya na Yaya ko. Siya na ang nag-aalaga sa amin na magkakapatid. I grew up with her. Kaya nakakalungkot lang when the time comes na iiwan niya na kami. Ako.

'Yong both Parents ko kasi parehong na sa Singapore na nag-ta-trabaho. Minsanan lang kung umuwi rito sa Pilipinas, tapos imbes na magbonding kami pag nandito sila, wala... Ipapahinga na lang nila 'yong pag-stay nila rito kasi nga roon sa Singapore puro trabaho na sila. Kaya nakakalungkot lang.

Alam ko naman na para sa amin din 'yong ginagawa nila, pero 'di ba? Sana 'yong mga time na dapat nandito sila gumagawa sila ng time para mapalapit ang loob nila sa amin. Kasi aminin ko man o hindi may konting tampo pa rin ako sa mga magulang ko.

Kaming apat lang 'yong laging nagtatao rito sa bahay na 'to, si Kuya Kenzo, si Kuya Kris, si Yaya Emily at ako. Both of my Kuyas have a stable job already. Siguro nag-iipon na lang sila ng mga pang-down para makabili na sila ng sariling bahay o kotse. Para kung sakali ready to settle-down na lang with their loved ones kung meron man.

Kami lang ni Yaya Ems 'yong madalas na magkasama rito sa bahay kasi 'yong mga Kuya ko minsan hindi umuuwi kaya sobrang boring dito sa bahay. Kaya nga paano na lang ako pag-umalis pa siya? Sobrang lungkot ko na no'n panigurado.

"Hindi na po ako kakain," sabi ko bago ko balingan ng tingin yung wrist watch na suot ko.

"Alis na po ako," paalam ko noong matapos kong maisuot yung sapatos ko pareho.

"Hala ay! Sige, mag suklay ka!" Paalala ni Yaya Emily pagkalabas ko ng pintuan kaya nginitian ko na lang siya at tumango.

"Opo!" Sigaw ko bago tuluyang makalabas ng gate namin.

Bilang studyante ang dami ko ng beses na na-late. Pero kahit kailan hindi ko naman naranasan makabangga ng isang guwapong lalaki sa daan habang nagmamadaling maglakad papunta sa klase. Siguro 'yong iba? Pero ako hindi. Kaya nga ang unfair ng mundo!

Pero sa totoo nga lang wala naman akong pakialam sa kahit na sinong guwapo ang makabanggaan ko o makita ko. Ang akin lang... Sana kahit minsan... Sana kahit isang beses lang... Sana makabanggaan ko naman yung crush ko na si Connor. Siya lang talaga sapat na at buo na talaga ang araw ko. Promise!

Napailing ako sa mga iniisip ko habang naglalakad ako. Grabe kasi talaga mag-isip 'yong utak ko pagpatungkol sa long time crush ko.

Hataw kung hataw masyado ang imagination ko lalo na pag mga senaryo namin ni Connor? Ay nako! Kinikilig tuloy ako habang naglalakad.

Nilakad ko palabas 'yong subdivision namin kaya naman medyo pawisan ako noong makalabas ako ng gate.

Binati rin ako ng mga guard na nakaabang sa gate ng 'Good Morning' kaya nginitian ko na lang sila. Medyo may kalayuan din kasi 'yong street namin papalabas. Karamihan kasi rito nakasasakyan at bihira lang 'yong mga nagta-tricyle. We're not that rich, sakto lang. OFW both Parents ko, tapos mga professional na rin mga Kuya ko kaya naman medyo nakaka-luwag-luwag kami kahit papaano.

Noong makababa ako ng jeep nauntog pa ako kaya medyo nagising diwa at naalog utak ko. Bababa na nga lang tatanga-tanga pa nakakainis.

Diretsong school na sana ako kaso bakeshop 'yong pinagbabaan ko kaya 'yon nagutom ako. Late naman na ako sa unang subject kaya susulitin ko na. Babawi na lang ako bukas. Pagpinagalitan ako aba syempre pasok dito labas doon sa kabilang tainga.

Habang nakatingin ako sa mga cakes na nandito na naka-display sa isip-isip ko. "Ang mahal naman ng mga cake na 'to." Napakaginto magpresyo noong may-ari. E', hindi naman kilala 'yung bake shop niya. Kung ako siguro mag-bi-bake mas masarap at mas afforadable ang ipa-price ko rito. Hindi ba niya alam na katapat nito University? Kaya student price dapat! Atsaka kahit naman sabihin natin na mahal 'yong space sa pagrenta nila d'yan sa puwesto nila ngayon, 'pag minurahan nila 'yong tinda nila maraming bibili kaya okay na 'yon kahit pa barya-barya lang ang kita.

Kahit naman anong rant sa utak ko napabili pa rin ako kasi ang bango noong lugar. Tapos mukhang masarap din yung mga cakes na naka-display. Atsaka sabi na rin ng nag-sponsor ng baon ko. Okay lang na maging magastos basta sa pagkain.

Habang abala ako sa pag-ubos ng binili kong dalawang slice na blueberry cake na cost 84 pesos ang isa. May biglang tumabi sa'kin na makinis, na nakapusod na magandang maputing babaeng chinita na parang nasa 30's lang ang edad. Nasa may highchair kasi ako na malapit lang sa may cashier kasi solo flight lang naman ako at walang kasama kumain kaya rito ko napili pumwesto.

Habang tinitignan ko siya hindi naman siya mukhang scammer. Kasi parang ako pa 'yong mukhang mang-scam sa kanya if ever... But kidding aside! Pero real talk ha, ang ganda niya. SOBRA! Parang mala-Carla Abellana 'yong beauty? Walang halong ka OA-an! Ang liit ng mukha tapos ang ganda ng mata at ilong. Basta ang ganda niya talaga mukha siyang anghel.

Nginitian niya ako nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Napamura tuloy ako sa isip ko. Gaano ba ako ka-obvious? "Nakakahiya ka talaga Kaylle! Hindi mo naman kilala 'yan eh!" Pag-rant ko sa isip ko.

Tiningnan niya yung suot kong damit at ngumiti. "Nag-aaral ka rin pala d'yan sa Aristotle," nakangiting saad niya sa akin habang marahang umiiling-iling.

Napapunas tuloy ako ng labi ko bago sumagot. Nakakahiya. Napaka-feminine niya. 'Yong boses niya ang sweet-sweet na parang anghel 'yong nagsasalita. Hindi naman ako medyo judgemental pero sa kilos at pananamit niya pa lang halatang mapera na. Ako talaga 'yong mang-scam sa kanya eh! Ako talaga iyon.

"Opo, bakit po may anak po ba kayo na nag-aaral d'yan?" Nakangiting tanong ko rin sa kanya. She's wearing a simple plain black dress. Tapos ang puti niya kaya bagay na bagay 'yong damit niya sa kanya.

Meron din siyang mga accessories sa katawan pero hindi naman gano'n ka-grabe. Parang relo at hikaw lang. Pero napaka-expensive na niyang tingnan.

"Ano bang course mo?" Sunod na tanong niya sa akin.

"Uhm, Culinary Arts po," nakangiting wika ko sa kanya. Marahan siyang tumango at ngumiti rin siya sa'kin.

Ang cute ng smile niya kasi parang yung mga mata niya rin nakangiti. Napaka-amo ng maliit niyang mukha. Yung mga mata niya parang kumikinang pag ngumingiti. Hindi ko ma-explain! Basta napakaganda niya sa paningin ko kahit na medyo may edad na siya.

Napapaisip tuloy ako kung kaninong Nanay 'to. Ang sarap maki-share.

"Gano'n ba? Hilig mo siguro magluto," sabi niya sa akin na-parang na amazed siya sa kaninang sinabi ko.

"Yung anak ko kasi BSPT yung course, gusto mag-Doctor," kwento niya.

"Ah, wow!" Tanging na sabi ko.

Kasi kung ako lang din masipag mag-aral ganyan din course ko.

"Tahimik lang yung anak kong 'yon," kwento niya kaya napapatango na lang ako.

I'm sure noong kabataan ni Tita madaming nagkakagusto sa kanya? Her face look familiar? Para kasi siyang artista? Model? Hindi ko sure pero parang feeling ko nakita ko na siya. Pero hindi ko lang alam kung saan?

"Hayaan niyo po marami naman pong mga friendly dito sa school. Kaya I'm sure naman may magiging kaibigan naman siya rito," sagot ko.

Pero sa totoo lang? Hindi ko sure knowing Aristotle University? Kilala 'tong school na 'to. Atsaka maraming sosyal na nag-aaral dito. Nakapasok lang naman ako rito kasi sila Kuya na yung nagpapa-aral sa akin at alternate sila ni Mama sa tuition at baon ko.

"Naku, sana nga! Napaka-suplado pa naman din noong anak kong iyon. Ewan ko ba roon? Na paglihian ko ata sa sama ng loob? Hindi naman gano'n kasungit 'yong Daddy niya noong araw," kuwento niya kaya natawa ako.

"Pero mabait naman 'yong anak kong 'yon. Masakit kasi talaga mga napagdaanan niya these past months kaya naiintidihan ko siya," dagdag niya sa malungkot na tono.

"O'siya! Dinaldal na kita. Mauna ka na baka ma-late ka pa nang dahil sa akin. Ano nga pala pangalan mo?" Sabi nito noong matapos niya bayaran 'yong binili niya.

"Kaylle, po. Kayo po ba?" Tanong ko sa kanya. Binigay niya ang pangalan niya pero ang sabi niya sa akin tawagin ko na lang siyang Tita.

"Sige po, Tita! Ingat po kayo. Pasok na po ako." Pag-papaalam ko kaya naman tumango ito.

Habang naglalakad ako napapikit ako ng mariin nang makalimutan ko itanong ang pangalan ng anak ni Tita na nag-aaral dito. Sana soon makita ko siya at maging kaibigan. Kung 'yong Mommy niya nga nakapalagayan ko ng loob yung anak niya pa kaya?

"Grabe narinig niyo na ba? Rejected daw si Fatima at Ella kay Chase!"

"Oo, nga. Umiyak nga raw iyon at nag-walk out!"

"Girl, kung ako iyon wala na akong mukhang ihaharap pa kay Chase!"

Napailing ako habang naglalakad dahil sa mga tsismis na naririnig ko. First day of school? Seryoso may tsismis agad? At lalaki pa talaga ang nang-reject ha? Napaka-gwapo naman no'n.

"Gwapo talaga ni Chase! Kaso nakakahina ng self-esteem kung rejected din ako."

"Eh, kasi naman si Fatima! Sinabi niya pa 'yong about sa ex-girlfriend no'n! Eh, 'di ba nga kuya niya 'yong naging karibal niya?"

Hindi na bago sa akin kung guwapo o maganda 'yong mga new students dito sa AU. Karamihan naman kasi halos ng mga kalalakihan dito may mga itsura at may mga pera. Gano'n din sa mga kababaihan. Kaya nga malalaspag talaga mga mata mo pag dito ka nag-aral.

Parang minsan nga pag nasa loob ako ng University na 'to. Minsan napapaisip ako kung mga tao pa rin ba 'yong mga kaharap ko? Dahil sa ganda at kikinis ng mga balat nila.

Beauty, brain and money. Ganyan i-describe ang Aristotle University or AU for short. Pag once na may nagtatanong kung saan ka nag-aaral at sinabi mong AU sasabihin rich kid ka agad. Suwerte lang talaga ako na mapabilang din dito sa school na 'to as a student.

Napangiwi ako ng mahanap ko 'yong room ko. Pero kahit na nandito na ako sa classroom pinag-uusapan pa rin nila 'yong pag-reject noong Chase sa dalawang babae na umamin sa kanya kanina. Sino ba kasi 'yon?

"Maputi at matangkad lang naman 'yon at madaming pera," naasar na wika ni Juan Carlo Sandoval pagkaupo sa tabi ko habang nakahalukipkip. Kaya hindi ko maiwasan na hindi matawa sa sinabi niya.

Boyfriend siya ng dati kong classmate na si Kazzeah Mae Madrigal noong highschool. Nag-aaral din siya dito ngayon ng Computer Engineering.

"Oh? Bat parang naiinis ka?" Natatawang sita ko sa kanya.

Hindi ko masabi kung naiinis ba siya o natatawa? 'Yong itsura kasi ng pagmumukha niya hindi mapinta.

"Si Zeah kasi panigurado new found crush niya nanaman 'yon pagnakita niya 'yong si Chase!" Maktol niya na parang bata na nakahalukipkip na nagtatampo sa Nanay niya kaya natatawa ako.

Girlfriend niya kasi Zeah na grabe ang mata pagnakakita ng gwapo. Kasi automatic na crush niya na 'yon agad. Gwapo naman din itong si Carlo kaso syempre 'di ba? May mga tao talaga na mas angat sa atin ng mga ilang paligo minsan?

Tinapik ko braso ni Carlo at nginisian siya. "Ayos lang iyan ikaw lang naman mahal noong bestfriend ko."

"Dapat lang noh!" Sagot naman niya kaya napailing ako at napabuga ng hangin.

I don't want to be one of his admirer pero kasi bigla akong na-curious sa mukha noong Chase Monteverde na iyon.

Gaano kaya ka-gwapo 'yon? Bakit gano'n na lang mag-drool sa kanya 'yong mga kababaihan dito? Sabi ni Carlo mapera raw. So, mayaman? Kadalasan naman ng mga nag-aaral sa Aristotle mayayaman kaya hindi na bago 'yon.

Pero alam ko naman na kahit na may isang Chase na dumating dito sa Aristotle, I will stick and love Connor. Kanyang kanya lang ako. And I swear to myself na hinding hindi ako papaagaw sa kahit na sino. NEVER. Kahit d'yan pa sa Chase na 'yan o sa kahit na sino pa ang dumating in future.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status